In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
* Anti-Terror Bill to be questioned before the Supreme Court [10:01]
* goals of Senate inquiry into Jolo incident [34:24]
* PH warning vs China over military exercises [40:34]
* special session for Bayanihan 2 [42:39]
QUOTES and NOTES:
* ANTI-TERRORISM LAW:
Groups to Question ATL before SC:
“That’s democracy at work. Mabuti na rin yan. After all, at the end of the day, SC ang pwede lang mag-arbitrate at mag-interpret kung constitutional ba o hindi. Ngayon kung isip ng mas nakakaraming justices ng SC na may mga provision na unconstitutional, igagalang natin yan. Wala tayong magagawa riyan kasi sila ang nasa ilalim ng Saligang Batas na pwede mag-interpret. Hindi ako, hindi ikaw, hindi ang HR groups.”
“Very confident (tatayo ang batas sa SC) kasi talagang pinag-aralan namin.”
Continued Criticism from Opponents of the Measure:
“Unang una, hindi naman nakakapagod pag alam kong tama ang pinaglalaban ko. At napakatindi ng further research na pinagawa ko sa staff at nag-respond naman sila kaya napaka-confident ako na mali ang sinasabi ng mga kritiko.”
“For a while may tyempo naisip ko baka ma-pressure si Presidente pero nananaig pa rin ang hindi, kasi alam kong may political will si PRRD at sa tingin ko naman hindi siya magpapa-pressure. Nagkaroon ako ng kaunting pangamba nang medyo natatagalan. Naintindihan ko rin naman kasi naging maingat din siya at kabi-kabila ang batikos, sinisigurado niya rin na napag-aralang mabuti ng kanyang legal team sa Malacanang.”
“Inuunawa ko na lang na di sila (kritiko) titigil at ikokonekta nila rito sa Anti-Terror Act, ang RA 11749, lahat ng pwedeng tragic or unfortunate na incident na mangyari, pilit nila ikokonekta. Natatandaan nyo sa Mendiola, may inaresto dahil nagde-demo vs the ATB at the time? Yan, e hindi naman sila hinuli dahil sa ATB, hinuli sila sa violation of quarantine and distancing. Pero kino-connect nilang pilit sa ATB. Ngayong pirmado na, ngayon naman Jolo incident. Diyan naman iko-connect at lahat.”
“Nag-build up na ang criticisms, maraming napaniwala. I really took time na sagutin. Kasi kung hindi sasagutin, avalanche na, parang nalunod na sa propaganda. Kung di ako kikibo baka lalong maraming maniniwala. Ngayon maraming naniniwala na unconstitutional. Tapos medyo nakakapunto na kami na walang unconstitutional provision dito, aba lumihis ngayon ang usapan paano ang implementation siguradong aabusuhin. E di iba na usapan, di na batas. Ang implementation wala naman sa Congress yan.”
“So wala na tayo magagawa sa ayaw makinig sa reason or sa pagpapaliwanag. Wala na tayong magagawa diyan. Maghintay tayo ng ruling ng SC on the issue.”
Double Due Process and Other Safeguards:
“E yan ba naman lalabag sa Saligang Batas yan, e lahat due process of law? Double due process nga eh. Dumaan ka sa due process of law kasi may court intervention, may due notice of hearing yan doon sa sinasabing terrorist organization. At pag na-proscribe na, di pa rin automatic. Sinabi lang ng kaibigan o kapitbahay na ito member halimbawa ng CPP NPA, kasi may pending trial sa proscription, di mo pwede arestuhin kaagad. Dadaan pa rin yan, burden of proof noon ipo-prove na yan talagang member ng proscribed terrorist organization ang burden of proof nasa DOJ pa rin.”
“Pinipilit pa rin nila binigyan ang ATC ng authority to order an arrest. Alam nila hindi pupuwede at pag pinaguusapan natin warrantless arrest, immediate yan. May immediacy at spontaneousness. Nariyan na sa harap mo. Alangang hihingi ka pa ng written authority? Paano ba maaresto yan kukuha ka pa written authority sa ATC? Parang logical thinking lang at isipin mong kukuha pa ng written authority sa ATC, di ba absurd thinking yan?”
“Ang ATC, sila ang policy making, coordinator, supervisor at nagma-manage pero wala silang authority.”
“Kailangan may written authority from ATC ang deputies na may special training, considering ang terrorism is a very complex and complicated crime. Hindi lahat na pulis may capability or training magsagawa ng interrogation and custodial investigation.”
Raissa Robles’ Claim re Section 25:
“Ang ini-insinuate ni Ms Raissa, stealthily, siningit ko after. Napaka-malicious noon. Sana kung totoo. E sigurado akong di totoo kasi galit na galit ako sa ganoong practice. Dahil bukod sa violation ng legislative process, violation din ng Constitution yan kung tutuusin. Although walang ruling yan. Sa tingin ko lang hindi ako nagko-conclude sa tingin ko lang dahil maliwanag ang 1st, 2nd, 3rd reading, nasa Constitution yan at rules namin. So yan gusto ko liwanagin.”
“Alam mo ang sinulat niya, malicious na yan, di pa totoo. Kasi galit na galit ako riyan, pagka sa national budget, tapos na ang 3rd reading bago ma-enroll ang bill at tapos ratification sa bicam, di ba may ilang kongrsista magsisingit pa ng insertion nila. Yan ang stealth. So itong sinasabi niya parang insinuation naaprubahan na on 3rd reading ng Senate, nagsingit pa raw ako ng Sec 25.”
“Ang katunayan niyan, ang substitute bill kasi dapat pinag-aralan muna ni Robles ang legislative process. May tinatawag tayo na substitute bill. Consolidate mo lahat ng bills after sa committee report. At kung halimbawa suggest ni Sen FMD i-repeal ang HSA, so we came up with a substitute bill. So inamyendahan yan, ang Sec 25 pinakiusap sa akin ng AMLC and FATF. Nag-meeting kami sa office ni SP Sotto. At nakikiusap ang taga-FATF, kasi kung di raw ma-strengthen ang RA 10168, ang Terrorist Financing Prevention and Suppression Act of 2012, hindi tayo maaalis sa gray list. Tayo raw partially compliant lang sa FATF. So pinapakiusap nila kung pwede reasonable ground to believe ng AMLC, pwede na mag-freeze order ng assets. Sabi ko di pupwede sa PH yan, ang sinusundan namin dito, probable cause. So yan ang nalagay sa Sec 25.”
“At pagkatapos maipasok ang Sec 25 sa substitute bill, nag-amend pa rito si Sen Kiko I think Feb 18., Nag-amend si FMD Feb 19, substantial ang amendments nila, bago naaprubahan ito on 2nd and 3rd reading. Pagkatapos ng 2nd reading di na pwedeng mag-amend, sarado na.”
“Sana bago isulat sa blog kasi marami rin siyang followers, higit 40,000 followers yan. Ma-mislead ang followers niya into believing masama ang hangarin ko kasi siningit ko Sec 25. E makakalusot ba yan kina Sen Drilon? At saka unang una hindi ko gagawin. Kaya napaka-unfair kaya sabi ko nga may malice at saka tahasang sabihin ko hindi totoo yan.”
“Wala na (binabalak na legal action). Ako pinakahuli, unless talagang… sa talambuhay ko 1-2 beses lang ako nag-file ng libel kasi sobrang api ginawa sa akin noong panahon ni GMA, 9 taon ako ginawang money launderer, drug lord, mamamatay tao, lahat lahat. Yan di na ako nakatiis. At kung matatandaan mo di ba pinatawad ko rin matapos humingi ng tawad sa akin ang PDI. Nag-apologize sa kanilang dyaryo, e sabi ko di tapos na. Ang filing fee lang na ginastos ko noong 2001, P400K kasi P20M ang hinihingi kong damages, ang danyos. Sabi ko wala kayong babayaran sa akin. Ibalik nyo lang dignity kong nawala. Kung pwede maglagay kayo maski sa tabi ng obituary ng kapirasong public apology na nagkamali kayo e talaga namang mali kayo. So yan pumayag sila nagsagawa ng isang napakaliit na news article na sila nag-apologize. Sabi ko sige urong ko demanda ko sa inyo na kung ganyan.”
“Ako naman hindi ako naghahangad mabalik pa ang filing fee ko. Importante sa akin, mabalik ang aking dignity na nawala sa tinagal tagal ng panahon maraming naniwala na ako ay talagang involved sa drugs. Ako nga lumalaban sa droga nang CPNP and even before that. Yan lang.”
“Kaya di ako nag-iisip mag-file ng cyberlibel o kung ano pa man vs Ms Raissa. Ang gusto ko lang maunawaan niya na mali ang kanyang isinulat. At sana i-rectify naman niya dahil talagang mali ang sinulat niya. Ngayon kung ayaw niya i-rectify, nasa konsensya na niya yan.”
Bangsamoro Transition Authority Asked PRRD to Veto ATB:
“Pilit ko inuunawa ang kanilang move kasi baka iniisip nila ma-discriminate ang Muslim brothers natin, baka magkaroon ng tagging na ang Muslim, terrorists. Maling mali yan kasi hindi discriminatory ang ATL as signed and as presented to the President. Sila nga ang matutulungan dito dahil ang Mindanao, sila lagi sa receiving end kalimitan Jolo, Zamboanga, tapos Marawi, at marami pa. Sila talaga natatamaan kung may terrorist activities.”
“Nauunawaan ko ang kanilang fears. Kaya nag-o-offer ako na kung meron silang time, I’m even willing to brief and answer questions from members of the BARMM parliament para maliwanagan din nila na hindi ito makakasama, bagkus makakabuti sa kanila.”
Implementing Rules and Regulations:
“15 days after publication sa Official Gazette. Tapos may IRR, yan ang panuntunan.”
“Ang gagawa noon, ATC. Ngayon ang ATC, member na riyan SOJ. May members diyan, ang secretariat ang NICA.”
***
* JOLO INCIDENT:
‘Miscommunication’ in Jolo Incident:
“Nakakabahala kasi hindi first time nangyaring misencounter, may nangyaring ganyan sa Samar, may namatay rin. Nakakalungkot lang kasi parang simple coordination hindi naisakatuparan although kasi nagtanong ako roon, may kakilala tayo sa area kung anong background. Nang sinabi ng AFP na hot on the trail of 2 terrorists ang intel operatives, ang major, captain at 2 kasama, tapos itu-turnover sana ang output ang nakuhang info sa strike force na para i-neutralize o arestuhin na ang suspected terrorists.”
“Nagkaroon ako ng alinlangan, bumalik sa alalala ko ang Mamasapano. Dahil si Marwan, di ba naroon sa territory ng MILF noon? Ayoko sana isipin pero di maalis sa isipan ko kaya nagka-ambush at na-massacre ang SAF 44, ang nakalaban nila roon MILF, maraming namatay. Sumagi lang sa isip ko. Nang nag-imbestiga ako sarili pero malayo, hindi ganoon ang background. Parang meron lang talagang miscommunication na nangyari. Pero it does not excuse the police officers involved, bakit ang tama sa likod? Pagkatapos ang daming tama. Anyway sa NBI na yan.”
“Initial information lang itong na-gather ko na talagang may miscommunication between the elements of the PA and PNP sa Jolo. Yan ang dapat maiwasan sa susunod kung magkaroon man dito ng legislative inquiry paano mapapatibay ang lateral coordination sa ground pag magkakaroon ng operation.”
“May mga similarities (sa Mamasapano incident). Si Marwan terrorist din. Tapos naroon sa area ng Mamasapano ito area ng MILF noon. Pagkatapos pumasok ang SAF tapos na-massacre. So di maiwasan, ako nakapagisip din, may connection ba ito na ang hinahabol o ini-intelligence gathering ng napatay ay terrorists, based on the report submitted sa Army? Tapos pulis naman nakapatay, baka naman may unholy, wala na yan, nabura na yan, pero inisip ko noon baka may unholy alliance ang PNP sa Jolo doon sa 2 terrorists na hinahabol ng Army. But when I started my own investigation, di naman ganoon ang background. Mabuti na lang at hindi ganoon.”
PRRD Going to Zamboanga to Call for Sobriety:
“Oo. Maganda kasi he took time to even fly to Zamboanga para kausapin ang police officials and Army officials na magkalma kayo kasi walang makikinabang dito kundi mga terrorists, ang mga kalaban ng Pilipino, kababayan natin, enemies of the state. Kaya mabuti ang move na talagang pumunta siya roon.”
“Pero nakakabilib din ang PA, ang AFP in general. Di ba may lumabas na viral ang sinasabi mga pulis ginalaw ang crime scene, nag-manipulate. Kung salbahe ang AFP di sila kikibo, pagagalitin nila ang tao para magalit sa pulis. Sila mismo nag-correct di na naghintay ng maagang panahon, kinorek na nila hindi mga pulis yan kundi mga Army rin na nag-respond. Ang isa na may kinuha sa sasakyan, kapatid yan ng isa sa napatay. Siguro sine-secure ang personal na gamit although mali pa rin yan kasi di mo dapat galawin. Kaya may SOCO kasi dapat integrity ng crime scene naka-preserve di pwede galawin. May mali rin yan pero iniintindi ng AFP leadership at ako naiintindihan ko rin. Siyempre kasamahan mo napatayan nang ganoon na lang, siyempre pupuntahan mo at titingnan mo anong kalagayan. So doon ako bumilib sa AFP leadership for their maturity and professionalism, agad agad sinabi nila mali ang nasa video na yan.”
“Ang unang nakalabas si Gen Visaya siguro na-excite akala niya police ang gumagalaw sa scene of the crime. Mabuti na lang sinalo agad ng AFP and to their credit sinabi nila Army personnel yan. So napakagandang gesture ginawa ng AFP na hindi na nila pinag-init pa ang damdamin ng kasamahan nila sa AFP at taumbayan by immediately dousing the fire para sabihing mali ang sa video, actually mga tauhan namin yan.”
***
* CHINA MILITARY EXERCISES
DFA Sec Locsin’s Warning of ‘Severest Response’ vs China:
“By far yan ang pinakamalakas na warning na ginawa ng PH government through SFA Teddy Boy Locsin. Maganda kasi pinakikita talaga na tinatayuan natin ang ating sovereignty. But ang tanong uli, kaya ba natin mag-isa? Diyan papasok ang lagi kong sinasabi rin na meron tayong MDT with USA and what we cannot do because of our weakness, militarily and as a country, pwedeng umasa tayo sa MDT kung saan ang balance of power mama-maintain. Mabuti na rin na-suspend ang termination ng VFA. Kasi we cannot stand alone as a country especially in the midst of incursions, intrusions ng military ng China, mga PLA. Hindi natin kaya.”
“Mabuti rin meron tayong agreement with Australia. Ang community of nations especially long-standing allies, ngayon natin kailangan dahil meron naman tayong tratado sa kanila. Baka naman pwedeng makipagugnayan tayo agad dahil lumalala ang sitwasyon diyan. And I’m thankful and I am gratified na marinig si Sec Locsin mismo na nag-issue ng severest warning. That’s the way to go. And I salute him for that.”
***
* BAYANIHAN 2:
Need for Special Session:
“Sa tingin ko agad-agad tungkol sa Bayanihan 2 kailangan mag-special session kami kasi tapos na. Tulad noon may namatay na health worker hindi maka-avail of P1M kasi nag-expire ang Bayanihan Act, di na effective ang batas. Tingin ko ang portion sa Bayanihan 2, ang emergency powers, kailangan mag-special session.”
“Pero may isang aspect doon ang namumuong consensus at least sa Senate hihiwalayin namin ang ARISE. Ito stimulus package para sa negosyong naapektuhan ng pandemic. Doon makakaloob parang magtatayo ng holding group, ADB LBP kung saan mag-extend ng loan on the spot para bail out ang naluging kumpanya ayudahan sa pamamagitan ng loans. Pero mahabang usapan yan at ang lifespan noon aabot ng 3 taon. E ang pinaguusapan natin emergency so napagkasunduan namin sa Senado through the chair na nag-defend nito si Sen Angara suggest sa amin kung pwede ihiwalay ang aspect ng ARISE at mag-handle noon ang chair ng committee on banks si Sen Poe.”
“Uunahin lang muna namin ang extension or amendment ng Bayanihan uunahin namin yan para maituloy ang programa ng pamahalaan para mag-attend sa emergency situations. Ipagpatuloy ni PRRD ang pag-realign ng budget kasi ngayon di sia makapag-realign although nariyan pa ang state of emergency, 6 months yan. Pero wala na ang kanyang powers binigyan ng Kongreso kung saan pwede siya mag-realign ng budget papunta sa COVID 19-related expenditures.”
“At pati sa procurement although may amendment ako roon na dinagdagan ko, kasi ang nangyari roon maski napakamahal larga-larga lang ng DOH at RITM. Di ba question ko doble ang price, so nilagyan ko judicious and economical para maging judicious sila sa pag-procure, di ang larga-larga dahil katakot takot utang natin magsasayang tayo ng pera at makikinabang iilang tao lang. Payag pa rin kami i-relax o bigyan sila ng exemptions under RA 9184.”
Budget Hearing via Teleconferencing:
“Meron kaming resolution niyan. At acceptable na yan, na mag-teleconferencing na lang, nakakapagbotohan na rin kami patungkol diyan. Wala, new normal eh. Kesa sa magkahawahawa dahil sa Senate mismo may tested positive kaya mahirap na rin. We should always be on the side of caution. Anyway as long as nagagawa namin ang aming trabaho as legislators, tama na rin yan.”
“Pati ang SONA nasa Constitution yan kailangan i-assemble in joint session at mag-a-address ang Pangulo. Ngayon pinagiisipan na rin virtual na lang, nasa kanya kanya kung saang lugar, basta via Zoom or Webex, Cisco, maski anong apps pwede gamitin para maisagawa pa rin ang aming legislative agenda.”
*****