In an interview on DZBB and GMA News TV, Sen. Lacson answered questions on:
* Senate efforts to address COVID-19 situation [01:48]
* 3 issues hounding PhilHealth that the Senate probe will focus on [04:33]
QUOTES and NOTES:
* COVID-19 RESPONSE:
Inclusion of COVID-19 Topic in SONA:
“Unang una, punong puno ng COVID-19 sigurado ang topic ng SONA. Kasi yan naman talaga ang state of the nation ngayon, hindi lang sa nation kundi buong mundo, pandemic. Kaya magiging malaking bahagi kung tama ang aking iniisip. Pero palagay ko yan halos lahat na iniisip natin dahil diyan tayo nahirapan hindi lamang sa ekonomiya natin kundi ang health risk nating lahat.”
“Kasama na yan (inaasahang isama sa SONA), pati paano maka-recover ang ekonomiya natin … magdo-dominate sa kanyang SONA.”
Senate Efforts to Help Address COVID-19 Situation:
“Unang una isa sa priority namin ipasa ang extension ng Bayanihan 1 na pinasa namin noong Marso. So kasama yan na dapat bigyan ng priority na ituloy ang pagbibigay ng emergency powers, exemptions sa provision ng RA 9184. Pati pagbibigay ng ayuda, pag-realign, although under the Constitution authorized talaga ang Pangulo mag-realign ng budget within the executive branch. Kasi lahat naman sila constitutional offices, Kongreso, SP at Speaker, pwede naman talaga. Pero binibigay pa rin ang poder na yan para nang sa ganoon, mas malaki ang elbow room ng Pangulo para matugunan ang problema sa COVID-19.”
***
* PHILHEALTH:
Inclusion of PhilHealth Mess in SONA:
“Kung makakapag-adjust pa sila. Remember, tomorrow na yan. At panibagong kontrobersya sa PhilHealth, 1-2 days ago pa lang. So I think adjustments are being made sa SONA ng president para matalakay. Kung hindi, siguro sa presscon na lang o susunod na pahayag kung di mahahabol sa SONA. Pero napakaimportante nito, kasi COVID-related ito eh.”
“Maraming issues na lumabas at may basehan kasi ang dinraft naming resolution tapos na at na-review na ni SP. Bukas ng umaga pipirmahin namin para mai-file sa bills and index sa Senate. At kung may pagkakataon mabasa ito sa floor, makakapag-schedule kami. The earliest siguro Thursday ang COW hearing.”
3 Main Topics in Senate Probe:
“Tatlo ang nakikita. Ayon sa reso, 3 ang aming nakikitang major issues, (una ang) pagbabago ng patakaran sa tinatawag nilang Interim Reimbursement Mechanism kung saan ito kasi dati na-issue nang may Marawi at Ondoy. Parang ina-advance ng PhilHealth by way of circular that they themselves issued, pwedeng bigyan ang hospital na tinamaan ng calamities, manmade man o natural calamities, ng kaukulang pondo para makapagpatuloy magbigay ng health services. Ina-advance. Pero itong panibago na nailabas nila, ang 2020-2007, yan ang circular nila, in-expand nila ang coverage kung saan nagre-release sila ng certain amount sa mga hospitals na related sa COVID-19. Ibig sabihin, kung bibigyan ng prayoridad ang mga hospitals yan talagang sagad. Pero sa Bicol pa lang at Eastern Visayas, nakapag-release na sila ng P247M at 3 hospitals sa Bicol; at another P196M naman sa 2 hospitals sa Region 8. Itong finile nilang application sa IRM, March 23. E record time, unaccredited pa man din ang mga ospital, at ang isa pang issue, iisa lang ang COVID patient. Pero aggregate total amount sa Bicol hospital lumalabas sa P247.46M. 3 hospitals lang ito.”
“Sa Bicol, 1 linggo na-release na. Sa Eastern Visayas naman, 2 hospitals, March 23 rin nag-apply ng IRM, sa loob ng 2 linggo na-release ang P196.5M. Ang siste, isang pasyente lang ng COVID. Halimbawa sabihin natin ang SLMC ito alam kong detalye, may sinisingil silang P300M dahil napakarami, puno na ang kanilang ward para sa mga COVID-19 patients. Pero hanggang ngayon hindi pa sila nababayaran o na-reimburse ng PhilHealth. Pero mayaman naman ang SLMC. Pero kung parehas lang ang labanan, ke tertiary siya o Level 1 ang hospital at nag-accumulate dapat pareho ang treatment. At unaccredited pa man din. At may na-release nitong April at May, kung di ako nagkakamali, P9.6M sa Catarman, April 15. Ito may violation pa ng warranties of accreditation. Tapos may pending cases ang sa Catarman. At isa sa Davao del Sur nag-release ng P11.73M naman noong May 5.”
“(Sa Catarman hospital), low COVID-19 patient cases. Pero bakit na-release-an? Yan ang itatanong natin.”
“Pangalawa (na issue), COA na ito na nagsasabi, may questionable na P734M worth of ICT equipment. Ito ang siningit nila, ICT resources. Ang description dito, flagrantly inserted. Na-approve na ng DICT ang budget na para doon sa PhilHealth. Pero binabago nila, nagsa-submit sila ng panibagong listahan na total amount P734M, na-flag ng COA yan.”
“May red flag kasi wala sa specs, isiningit, worth P734M. Siningit ang ibang resources at equipment na hindi approved ng DICT. Remember, DICT ang department na nakakaalam dapat ng kung ano ang requirement ng iba’t ibang ahensya kasama PhilHealth. E approved na nga at siguradong nakonsulta ang PhilHealth. Bakit ngayon babaguhin ang listahan? Di lang yan, nagkaroon ng red flag din yan kasi split ang mga items doon sa procurement. Parang pinapalusot na kaya meron pa ring findings na may overprice na P98M. So ito ang mga anomalya na dapat sagutin o linawin pag nagkaroon ng pagdinig sa Senado.”
“Ang pangatlo (na issue) ang kanilang financial status, mukhang manipulate nila ang financial statement nila. May allegation na ganoon kaya ang COA, maski nakaraang pagdinig namin ang COA medyo nahihirapan suriin ang kanilang financial statement. Ang nakakatakot dito, pag minasahe nila ang kanilang financial statement, halimbawa nagkaroon sila ng prior year adjustment, narinig na natin ito noong nakaraang pagdinig, ina-adjust nila ang kanilang nakaraang taon para mapalabas na solid pa rin ang financial status, na marami pa ring pera. Pero sa pagsusuri lumalabas ang kanilang debt to equity ratio, 1 is to 0.99. Ibig sabihin hindi positive. Kasi P111B ang kanilang liability, ang kanilang equities nasa P109B.”
“Hindi lang yan. Kasi doon di pa nakasama kung aalisin pa ang P14B na in-adjust ng PhilHealth e babagsak lalo yan, magiging 1 is to 0.86 ang debt to equity ratio kasi kung mas malaki utang mo sa equities mo, babagsak ka, babangkarote ka. Kaya nakakapangamba rito kaya may mga projection ang nasa loob din, ang kanila rin taga-PhilHealth, na by 2022 pag hindi naawat ang ginagawang kalokohan sa PhilHealth o mismanagement ng pondo, baka sa 2022 ma-bankrupt ang PhilHealth. Ang problema di lang pera ng gobyerno ito, pera ng member yan. May contribution tayo riyan. Ang isang issue pa na na-resolve ng Pangulo ang sa mga OFWs. Naglabas sila ng directive na on top of the P2,400 na binabayaran ng OFW parang sinisingil pa nila ng additional. E nag-iyakan ang mga OFW. Di ba recently lang sabi ng Pangulo huwag mo sinigilin ang OFWs. So tinigil yan.”
“Kung natatandaan mo rin di ba nang nagkaroon ng pagdinig pagkatapos ng privilege speech ko sa PhilHealth at Department of Wealth, di ba lumabas na patay na ang nagda-dialysis tuloy pa rin ang bayad, yung WellMed? Ghost dialysis patients. Di na nagbago ang sistema, ito lang naiba kasi nagawa ng bagong acronym. Existing ang IRM pero iniba nila. Kung tutuusin natin kung susuriin natin ang intent ng IRM, para sa mga calamity-stricken hospitals, health institutions. Pero ito iniba nila, in-expand nila. Siyempre calamity ang COVID-19 pero parang in-stretch nila ang interpretation na di lang tinamaan na hospital ng Marawi siege o Ondoy. Ito in-extend na sa hospitals na tumatanggap ng COVID-19 patients. Ang problema nga bakit bibigyan ng napakalaking halaga ang aggregate total na sa Bicol P247M, at sa Region 8 P196M?”
“Ang Davao del Sur hospital meron din. Yan na-release-an ng P11.73M kamakailan lang May 5. Ito ang St Benedict Hospital ng Davao del Sur.”
Possible Liability of Sec. Duque as PhilHealth Chairman:
“Hindi pa natin alam, gusto natin malaman ano level ng authority. Ayon sa documents na nakuha natin in-authorize nila ang regional directors nila na mag-attend sa pag-release ng pondo. Ginawa na nila yan sa ano kaya may regional directors na naimbestigahan noon eh. Pero kung ganoon na di mo na mapagkatiwalaan pag-handle ng pera ang mga regional directors, di ba dapat may safety net man lang?”
“Maski may binigyan kang authority dapat leading the president and CEO of PhilHealth, si Gen Morales, dapat meron siyang safety net, may mechanisms siya para may check and balance. Kung lahat naman dadaan sa president and CEO baka maantala ang ayuda e nasa COVID crisis na nga tayo. Pero dapat hindi mawala ang ano kasi pera yan eh.”
Credibility Problem of Gen. Morales:
“Unang una i-test muna natin ang kanyang integridad. Sa interview ni Arnold narinig ko yan, tinanong siyang diretso naroon ba kayo sa Zoom meeting? Sagot niya wala siya. Pagkatapos niya si Sec Roque naman ang na-interview, at sinasabi ni Sec Roque naroon siya, at naroon din si Gen Morales. At di makakaila yan kasi marami sila naroon. So kung harap-harapan tanungin ka at media ang kausap mo, alam mo pag media kausap mo at nagkamali ka ng sagot whether intentional o unintentional, parang toothpaste yan na lumabas sa tube, di mo na mapapasok yan. Kasi public yan eh.”
“Let the document speak for itself. Between his word and the official documents ng PhilHealth, ano ang papaniwalaan natin? Yan ang malaking problema. Kung sa umpisa pa lang meron ka nang credibility problem dahil nagsinungaling ka sa napakasimpleng bagay napakasimpleng interview, ang malalaking bagay na sasabihin mong walang corruption lumalabas ngayon at nababasa nyo sa aming ifa-file na resolution bukas napakaliwanag ng mga allegation. At nakasulat dito sa whereas clause, whereases namin, hindi naman ito suntok sa buwan o plucked from thin air. Ito naman binase namin sa dokumentong nakuha namin sa loob sa PhilHealth din. So hindi naman pwede isama namin sa resolution na nanghuhula kami. May figures dito, P247.46M, P196.5M. Saan namin kukunin yan?”
Whether Gen. Morales Should Resign:
“E mismong si Sec Duque, 14 na kami nagpirma na mag-resign e ayaw naman mag-resign. Umaasa siya sabi niya at the pleasure of the President. Kung ganyan lagi ang sagot ng department or agency heads pinapasa nila ang problema sa Presidente. E ayaw naman sibakin ni Presidente ano magagawa natin? So magagawa ng Senado very limited din. Very limited magagawa namin, to come out with facts supported by documents. And bahala na kasi hindi kami nag-e-execute. Kami in aid of legislation or inquiry para malaman nyo na rin in the exercise of our oversight functions malaman ng publiko through media kung ano mga kalokohang nangyayari para ma-guide ang Pangulo kung ano ang dapat niyang gawin. Pero at the end of the day Pangulo pa rin ang magde-decide kung tatanggalin niya o hindi.”
“Unless ma-refute niya ito credibly, itong mga allegation dito na sabi ko nga may documents, walang ibang mapuntahan kundi mag-resign. Kung totoo lahat itong allegation. And so far at face value sasabihin ko totoo ito kasi supported ito by documents. Pero kung ma-refute niya ito sa pamamagitan ng dokumento o issuances na official din at mabe-break niya ang credibility nitong documents na hawak namin sa ngayon, pwedeng sabihin natin na naninira lang ang itong mga tao.”
*****