#PINGterview: Dapat May Makulong na sa Katiwalian sa PhilHealth!

In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
* Expectations at President Duterte’s SONA [00:11]
* Latest corruption and mismanagement at PhilHealth [07:20]
* Claims that IATF is a failure in dealing with COVID-19 [37:04]

QUOTES and NOTES:

* PRESIDENT DUTERTE’s 5th SONA:

Expectations of What PRRD Will Tackle in SONA:

“Pwede na natin siguro ma-anticipate na ang magiging laman ng SONA niya, siyempre kasama ang COVID-19 crisis na hinaharap natin. Pero gusto rin natin marinig ano ang aksyong gagawin dahil ngayon meron na talagang nangyayaring imbestigasyon sa OP, Sec Quitain, tungkol sa mga anomalya sa PhilHealth, sa paggamit ng pera.”

“Hindi natin ma-second guess. Pero yan lang ang aking palagay. Na hindi mawawaglit sa kanyang talumpati ang hinaharap nating pandemya. Pero yun nga, dahil nga may controversy pa in spite of the pandemic, may mga tao pa ring nagsasamantala ng pondo ng gobyerno at pondo ng mga member ng PhilHealth.”

Can PRRD Effect Economic Recovery in Last 2 Years of His Term:

“Medyo mabigat. Kasi napakarami na nating nauutang at di pa natin nakikita kung meron talagang gamot o cure o vaccine itong COVID-19. Napakahirap. Ang uncertainty lahat tayo nanangamba baka isang araw uuwi isang member ng pamilya natin o tayo mismo at positive sa COVID-19. Napakahirap na situation actually.”

Can PRRD be Considered a Lame Duck:

“Depende. Pero sa position ni PRRD, nananatili kasing mataas ang popularity rating… Naging lame duck kasi pagka kulang ng suporta. Pero ngayon lang natin naranasan siguro, di ko sigurado, na 2 years na lang naiwan pero nananatiling nasa 80% pa rin ang kanyang popularity rating. So mahirap sabihing magiging lame duck.”

Chances of Charter Change Being Included in SONA:

“Hindi ko alam. Mukhang hindi siya (PRRD) interesado. Ang nagsusulong lang dito ilang member ng HOR. Pero sa nakikita nating natitirang panahon baka napakahirap na. Hindi pa resolved ang issue na voting jointly or separately. Definitely hindi papasok ang Senado na magkaroon ng joint assembly na hindi natin sigurado kung mabibilang boto namin o hindi. Kasi 24 lang kami, e kakainin talaga kami ng boto ng HOR. Hanggang di resolved ang issue na yan. Kasi di maliwanag ang interpretation ng Constitution mismo. Kailangan balikan pa natin deliberation ng ConCom delegates.”

“Kung next year pa, e unang una nasa election mode na karamihan ng nasa Kongreso rin, baka di na makakuha ng quorum maski sa HOR.”

***

* PHILHEALTH MESS:

Senate to Investigate as Committee of the Whole:

Ang usapan namin (ni SP Sotto), sa susunod na linggo masimulan kaagad ang investigation, ang inquiry ng Senado. Sa Monday kung may pagkakataon. Kung hindi naman, sa Tuesday. Pero ready na, pipirmahan na lang naming dalawa at kung sino mang gusto pa mag-co-author, tapos file namin sa Monday. Pag file sa Monday morning at kaya ihabol para basahin first reading, mababasa yan tapos magkakaroon ng referral. Pero kung gipit sa oras, Tuesday mababasa sa floor.”

I’d like to believe willing siya (Thorrsson Keith) mag-testify … doon sa nangyari sa PhilHealth. May hamon ang president ng PhilHealth, dapat mag-appear siya para (sabihin) kung ano man ang nalalaman.”

“Yan ang hindi natin alam at mahirap mag-judge kasi wala pa ang detalye, hindi pa natin tinatanong at hindi pa ito umaabot sa punto. Itong mga nakasaad sa aming Senate resolution, ito ang reports at allegation at kailangan masusugan pa ito sa pamamagitan ng Senate inquiry. Kaya minabuti namin ni SP recommend ko sa kanya kung pwede mag-Senate COW na, mag-constitute na, unless di pa terminated ang COW investigation na ginawa namin noon. Pero kung concluded na yan kailangan mag-constitute uli kami as COW.”

I suppose may documents yan. May reference ang resolution eh. Ito ang mga naganap sa kanilang Zoom meeting. At may mga amounts, may mga figures.”

Teleconference kasi yan ang protocol sa ngayon. Hindi natin mapipilit ang resource persons o kami mismo kasamahan namin. Maski special session kami nakita ninyo naman kakalog-kalog kami sa session hall dahil pinayagan by way of a resolution, from home ang participation.”

Hindi mo mababasa body language. Mas madaling malaman kung nagsisinungaling ang tao pag kaharap mo. Limitation yan. Pero magre-rely kami mostly sa dokumento. Kung kitang kita hindi accredited ang mga hospital tapos makakatanggap ng total aggregate P247M, tapos iisa ang COVID patient, paano i-justify yan? Kailangan makita natin ang dokumento at kailangan may mag-testify under oath di ba?”

Fresh Issues of Systemic Mismanagement, Corruption at PhilHealth:

Tulad ng sinabi ko kanina, magugulat ka at mind-blowing ang panibagong anomalya. Mahilig sila mag-imbento ng panibagong schemes. May mga tinatawag na Interim Reimbursement Mechanism (IRM). Itong IRM purportedly para suportahan ang national govt para i-address ang COVID-19. Ang nangyari nakapag-release ang PhilHealth ng hundreds of millions of pesos. In fact 2 regions lang at 5 hospitals involved, I think 3 sa Region 5, 2 sa Region 8. Ang na-release, P247M, isa naman P196M, accumulated ito. Pero pag tingnan natin ang record ng mga hospitals, unaccredited (ang mga hospitals nasa Catarman), meron pang investigation na ginagawa laban sa kanila dahil nga nabibigyan mga warranties.”

Ang bilis pang nabayaran. Sa Bicol in a span of 2 weeks released agad ang P247M at sa Region 8 naman in a span of 1 week nakapag-release ng P196M pero ang pasyente, ang COVID patient nila, iisa. Samantalang ang daming hospital na punong puno ng COVID patients yet nagkukumahog makasingil sa PhilHealth. Ito lang ang nakakagulat na allegation. Ito report ito natanggap na rin natin at ito tatanungin natin kung may katotohanan, pero may record ito eh.”

“So ang nakakatakot rito, baka maging bangkarote itong PhilHealth kasi ang debt-to-equity ratio nila sa 2019 dinuduktor na nga nila ang kanilang financial statement, pero ang debt-to-equity ratio nila is 1 is to 0.99… Kung pabagsak ng pabagsak darating ang araw na mabangkarote kasi kung lamang ang gastos mo sa perang nariyan sa iyo papunta ka sa bankruptcy.”

Unang una dapat huwag paduguin lalo ang pondo ng PhilHealth sa pamamagitan ng katiwalian. Di baleng magkautang-utang o masuporta ng gobyerno kung nagagamit lalo na ngayon may pandemic. Pero kung may makarinig kang ganitong allegation or report, yan talaga ang revolting. Ganito na lang ba ng ganito? Ang corruption sa PhilHealth naging normal na, parang ito na ang rule rather than the exception. Kultura na eh. Systemic ang tawag doon.”

“Sabi ko nga kanina, sa Bicol 3 hospital na-release-an ng P247M in a span of 2 weeks. Sa Region 8, 2 hospitals na-release-an ng P196M in a span of 1 week. Pero ang mga ospital (sa Catarman), hindi accredited ng PhilHealth at iniimbestigahan pa. Pagkatapos isa lang COVID patient. Paano ma-justify na sinuportahan ng PhilHealth ng napakalaking pera ang sinasabi lang nila purportedly kasi para tulungan ang national government para ma-address ang threat ng pandemic?Β E hindi ganoon ang tamang pag-assist kung mag-release ka sa iilang hospital ng ganoong kalaking halaga na iisa lang ang COVID patient.”

“Darating din tayo roon kasi hihingi tayo ng kaukulang documentation para ma-justify ang paniningil nila at pagtanggap nila. Actually na-release na. ayon sa report na-release sa kanila ang ganoong kalaking halaga.”

On Possibility of Syndicates Operating in PhilHealth:

Sa halip na tumulong, parang nakakita pa ng oportunidad para gumawa pa ng pera. Pag ganoon, anong tawag mo sa ganoong klaseng tao?”

At the very least dapat ipaliwanag. Unaccredited na hospital pagkatapos iisa lang COVID patient, bakit mabibigyan ng ganitong kalaking halaga at napakabilis samantalang maraming hospital nahirapan (mag-collect) sa PhilHealth?”

“Alam mo yung ang lalaking halaga nito. Hindi nila kayang dalhin yan kung saan sila pupunta.”

“DAPAT MAY MAKULONG!”

Hindi lang overhaul, di lang i-relieve, di lang palitan, kundi papanagutin. Meaning ipadala sa kulungan ang dapat managot. Kasi wala naman nakukulong eh. Nakakasuhan pero minsan mawawala na ang kaso or at all di nakakasuhan. Ang dapat mag-resign hindi naman nagre-resign.”

More than overhaul, dapat may makulong eh. Kung kikita ka ng hundreds of millions, wala naman nangyayari sa iyo, sa halip ma-deter ang susunod, ma-encourage di ba? Iniisip nila si ganito nga, kumita nang malaki lusot na lusot, kaya ko siguro gawin yan.”

“Para lang maging leksyon o kaya para mag-isip-isip naman ang mag-iisip ng katiwalian na talagang totohanan. Kasi kung walang nakukulong maski nagkakaroon ng investigation, kami nag-initiate kami pero very limited ang aming pwedeng gawin kasi hindi kami nag-e-execute.”

“Hindi na pwede. We’re talking here of hundreds of billions of pesos na bukod sa pera ng gobyerno, pera ng myembro, mga overseas na may circular sinisinigil ng additional. Hindi pa yan. Marami pang mga ginagawa.”

Possible Liability of PhilHealth CEO Morales:

“Sa totoo lang nang tinalaga siya riyan napakataas ng expectation namin kasi maganda ang reputation niya nang nasa serbisyo siya, sa AFP… To say the least very disappointing (ang statements ni Morales) eh.”

I hope meron siyang magandang paliwanag. Nang na-interview si CEO/President Morales ng PhilHealth tinanggi niya naroon siya sa Zoom meeting. Tinanggi rin niya na may position na Anti-Fraud Officer. Ngayon pangatawanan niya yan kung totoo ang sinabi niya kasi pag nagsinungaling siya sa media na publiko nakakarinig, ewan ko na kung anong klaseng tao ka naman dahil alam mong mabubuko at mabubuko ka, magsabi ka ng totoo kasi open to the public ang interview. Para sabihin mong tahasan na wala ako sa Zoom meeting at si Sec Roque napakinggan ko rin sinasabi niya naroon siya, naroon si CEO Morales, naroon si Sec Duque, nag-attend din si Sen Go, inisa-isa niya ang nag-attend sa Zoom meeting nila, e bakit tinatanggi ni Gen Morales na naroon siya sa Zoom meeting? At saka di siya pwedeng mawala roon. Siya ang president and CEO of PhilHealth. Ngayon tatanungin namin siya ano ba totoo, wala siya o naroon siya? At kung lalabas na nagsinungaling siya sa interview ng media, agad-agad, wala agad ang credibility niya.”

Possible Liability of DOH Sec Duque:

Tatawagan din siya. Ako mismo tatanungin ko siya bakit ang tahimik niya nang nagsisigawan na? E siya ang chairman. Di ba dapat pumagitna siya roon at alamin niya rin. Pero kung wala siyang ginawang hakbang, bakit?”

Yan ang mahirap. Pagka meron ka ring tama paano ka magku-question? Di ba naakusahan siyang nirerenta ng PhilHealth ang building niya sa Pangasinan? Tapos ang family corporation Doctors Pharmaceutical nagsu-supply ng gamot sa DOH. Papaano yan? Kasi kung meron kang ganoong weakness, unang una wala kang moral ascendancy. Baka balikan ka ng underlings mo, o sabihin ng tauhan mo, β€˜bakit, ikaw lang ba?’”

So far wala (nakikitang may kinalaman siya rito) pero being ex-officio chairman at the very least meron siyang responsibility, ang tinatawag na command responsibility. At present siya roon dapat nauna siyang gumawa ng hakbang para imbestigahan. Bakit kailangan si board member (Cabading?) nag-report diretso kay PRRD through Sec Roque para i-report? Kaya nagbigay ng utos si PRRD para mag-imbestiga si Sec Quitain. Pero mainam na rin itong gagawin ng Senado para open sa publiko. Kasi kung hindi, sabi nga natin pag nakatago ang investigation madaling walisin yan. Kung open sa publiko at least mahirap itago. Ang problema pag nakalipas kaunting panahon at nakalimutan ng publiko, e di happy days are here again.”

***

* COVID-19:

Claims that IATF is a Failure in Handling COVID-19:

Sa kabuuan kung IATF pinag-uusapan natin, maganda naman ang nangyayari kasi napakahirap talagang balansehin ang ekonomiya, paano mabubuhay at kakain ang mga tao sa pipigilan sila sa pamamagitan ng lockdown. Di naman tayo talagang pwedeng lockdown forever dahil paano kikita ang daily wage earners? Di naman kaya sustentuhan ng gobyerno ng napakahabang panahon ang social amelioration program. Limitado rin ang pera ng gobyerno nagkautang-utang na nga tayo. Kaya dapat ngayon di lang magtipid kundi bawasan na ang katakawan.”

“Sa akin not more on kung enhanced or general (community quarantine). Mas importante disiplina ng tao. Ang nawawala, disiplina. Nasa new normal na nga. Sa isang banda, halos lahat wala ka na makikita sa labas na hindi naka-mask. Ok yan. Pero social distancing tapos ang pagbabayaan ang ibang kababayan natin, kasi simple sundan ang protocols. Of course madaling sabihin mag-alcohol kayo every now and then pero kung wala kang pambili ng alcohol, paano ka mag-alcohol?”

“Ang IATF ginagawa nila dapat nilang gawin at tama ginagawa nila pero katakot-takot na pulaan ang nakukuha nila kapag naghihigpit sila.”

Criminality Rising Due to Poverty:

“Oo kasi pag nagugutom ang tao di bale sarili nila pero pag nakita nila mga anak nila umiiyak na sa gutom lalo kung baby at walang mainom na gatas, tapos walang kita o pagkakataon para kumite dahil nga, halimbawa sa restaurant ang waiter nawalan ng trabaho, driver nawalan ng trabaho, janitor kasi sarado ang pinapasukan niya wala siyang kita araw-araw. Di ko sinasabing jina-justify natin pero fact of life ito eh. Kayang tiisin ng ama ng tahanan sarili nila pero pag nakita niya pamilya niya mismo nagugutom e minsan nag-iiba na takbo ng isip. So napakahirap ng tayo ng gobyerno. Lalo si PRRD I can just imagine ano ang sakit ng ulo niya gabi-gabi. Inaabot niya ito eh.”

*****