#PINGterview: Katiwalian sa PhilHealth: Ang ‘Bigating’ B. Braun Avitum

In interviews with Senate media and on ABS-CBN TeleRadyo, Sen. Lacson answered questions on:
* favorable treatment by PhilHealth officials of B Braun Avitum Dialysis Center
* discrimination in IRM, optional liquidation of funds and more questionable schemes
* Senate to share findings with parallel investigations by the executive branch

QUOTES and NOTES:

* ‘BIGATING’ B BRAUN AVITUM

What’s so Special about B Braun Avitum?

“First two hearings klaro naman. Of course may discrimination sa pagpili ng hospitals na beneficiaries ng IRM for COVID. Second, may excessive exercise of discretion dahil pati ang hindi sakop ng COVID-19 binigyan nila. And it seems na merong in the case of B Braun Dialysis Center, talagang kitang kita may special treatment. Now we’re finding out, what’s so special with B Braun Dialysis Center?”

“Ang problema, hindi sila magbigay ng detalye sa B Braun. Tuwing paguusapan yan tahimik silang lahat, tikom ang bibig. So kung siya pumirma ng tseke at inamin niya siya nag-allow ng bayad, maaring may pananagutan siya. Kailangan establish natin kasi sa ngayon napakaraming controversies at anomalya. It’s a matter of converting all these information and documents we have in our possession, ma-convert sa ebidensya. And I think it is not a difficult task to do.”

B Braun New Conduit to Corruption after WellMed?

It seems like ganoon nga kasi ang situation ng WellMed noon parang ang pumalit sa kanya sa ibang scheme naman ang B Braun Avitum kasi maraming question. Ang WellMEd mas grabe yan kasi patay na ang pasyente ng dialysis naninigil pa. E nasaan ngayon ang involved sa WellMed? Na-promote. So sana naman ang involved sa B Braun kung meron man huwag din ma-promote uli. Parang vicious cycle ang nangyari.”

B Braun’s Balanga Bank Account:

At least kahapon na-establish kasi nakakuha tayo ng account number na ang account din naka-attribute sa B Braun. Ito ang Balanga Rural Bank na anomalous or highly questionable ang online transfer of funds. Dahil ang dapat credited na bank ng B Braun as registered, as applied, ang Deutsche Bank in Cagayan Valley. Pero how come PhilHealth Regional Office 2, paano naka-transfer ng pera 11 times sa Balanga which is under Region 3? Di pwedeng kung walang human intervention di pwede magkamali ang computer diyan. Kasi kailangan may naka-on board and so forth. Ang pagkasabi nina Col Laborte, Atty Keith, kailangan may intervention manggagaling sa central office.”

“And then inamin naman ni Gen Morales na siya nag-authorize sa B Braun because I asked him sa hearing.”

Very mysterious ang B Braun Avitum. Mabuti na lang may nakuha tayo, this came from Land Bank … P9.7M inadvertently remitted through the Balanga Rural Bank. Nakakuha tayo ng document.”

“Isa pang questionable, bakit aabunuhan ng 2 PhilHealth officials na nagpunta pa roon at (nagbayad ng) inconvenience fee? Yan ang issue ng BRB, di namin bibigyan, paano ang inconvenience fees? So binayaran nila ng P49K. Why? Kasi may interest sila, natatakot silang sumabog at sila maputukan. So very discreetly sinettle na lang nila using their own personal funds in the amount of P49K plus ang BRB.”

“Ang nangyari ngayon, pumutok ngayon. That’s why I requested PACC Comm Belgica to coordinate with the Ombudsman because the Ombudsman has the power under the law to coordinate with different agencies of government including the AMLC, which now could trigger the investigation into that account number. Kasi suspicious ang transaction. At kung di ni-report ng bank official ng BRB, kasi more than P500K ang amount under the AMLA, milyon-milyon ang pumasok doon umabot ng P9.7M so may question yan. So madali ma-trace yan kung talagang ite-trace. But that’s beyond the power of the Senate. All we can do is summon the AMLC and kung ibibigay nila sa amin ang details ng account number, mate-trace natin sino nag-open ng account na yan.

“Iko-coordinate namin kay Atty Racela who is the executive director. Kung sabi niya pwede and even in an executive session they can furnish us account details ng account number na clearly established, we’l invite him.”

(Atty Keith) has to substantiate (his claims) with evidence. Ang kanya, sinabi niya suspetsa niya ang may-ari ng account sa BRB si Atty del Rosario, which he denied of course. Pero sabi nga mate-trace natin sino nag-open ng account doon dahil may account number kaming nakuha from Land Bank. So doon natin malalaman kung sino nag-open. Kasi ang account B Braun ang pinagtataka namin dito kung ang account holder ay B Braun bakit ang nagreklamo rito ang B Braun kasi nga ang kanilang designated bank Deutsche Bank in Cagayan Valley, how come sabi nila napunta sa BRB ang bayad sa kanila in the amount of P9.7M. Doon nagkaroon ng kontrobersya kaya nagkaroon ng investigation.”

“Ang burden of proof nasa kanya. I’m not ready to conclude unless may document na may kinalaman si Atty del Rosario sa pag-aari ng account na pinasukan ng P9.7M. Right now, wala naman tayong hawak. Until such time na maimbestigahan ng AMLC kasi binigay na namin ang account number kay Comm Belgica, and we also intend to provide Atty Racela ang executive director ng AMLC ang kopya ng account number na yan sa Balanga.”

Who is Behind B Braun?

“We can only trace. Nakakuha kami ng isang notice ang nakapirma managing director, a certain Eduardo Rodriguez. We’ll find out. Kung managing director siya he must be one of the incorporators. May pangalan naman. But how can we validate that kung walang SEC record? May certification kami from SEC hindi registered ang B Braun Avitum.”

“Ang nakuha namin sa SEC Braun Medical Supplies Inc. I am not sure kung B Braun Avitum Dialysis Center connected sa Braun Medical Supplies Inc. as far as we know as per our info, ang latest, ang may-ari ng Braun Medical Supplies, a certain Jojo Villar. I am not sure and I don’t want to conclude related yan or subsidiary company ang Avitum sa medical supplies. I cannot say that for sure. But walang registration sa SEC ang B Braun Avitum Dialysis Center.”

I will advise the secretariat (to invite Rodriguez to the next hearing) dahil record naman yan, may pirma siya roon. Ang Eduardo Rodriguez, managing director ipapatawag namin to clarify sino ang mga incorporators sa B Braun para magkaintindihan. Hanggang ngayon misteryo ang B Braun Avitum.”

Dapat patawag (2 PhilHealth officials who made the deposit in Balanga) kasi sila nag-abono ng P49K inconvenience fee kaya binalik doon ng BRB sa Land Bank ang pera ng PhilHealth. Purportedly napunta uli sa B Braun kasi nakakapagtaka rito kailangan i-resolve pa rin, bakit nagreklamo ang B Braun Avitum sabi nila di pumasok sa Deutsche Bank Cagayan Valley ang sinisingil namin sa Region 2, kasi may bagong branch sila sa Bagabag, Nueva Vizcaya at naningil sila P9.7M, bakit naligaw?”

Dapat interesado si Gen Morales diyan dahil masyadong garapal ang anomalya. Kasi di pwede magkamali. Tayo ba magkakamali meron tayong designated bank parang receptacle natin tapos mapunta sa ibang bangko? E kailangan may nag-intervene diyan, kasi online yan eh. Di ba mahigpit ang bangko diyan?”

***

* MORE QUESTIONABLE PRACTICES:

IRM: Favoritism and Discrimination:

“Last two hearings, na-establish natin maraming defects ang IRM. First, ginamit ito sa hindi intended purpose dahil ang original purpose nito, fortuitous events, meaning acts of God or acts of man. Ang Circular 2020-0007, in-stretch nila sa COVID-19, which okay in-accept natin yan maski hindi dapat ganoon. But then further stretched pa rin ang implementation to include non-COVID cases like kaso, isang pinaka-mysterious dito ang B Braun Avitum Dialysis Center, na ang laki ng singil, P15M so far. At ang speed ng pagkasingil nila napaka-unusual. So clearly established at the very least ang discrimination if not favoritism sa pagpili ng beneficiary HCIs.”

“Issue about OSMA, claim ng PhilHealth through Limsiaco na nabayaran na raw nila. And he submitted to me yesterday ang official receipt. Ang nakalagay roon binayaran nila June 28. When we checked with OSMA, ang OR na present ng OSMA, dated kahapon lang. When I asked nabayaran na raw kayo, ang sabi ngayong hapon lang dumating ang bayad. So ang tagal bumiyahe ng pera na yan, kasi June 28, Aug 11 nariyan lang PhilHealth nariyan lang OSMA at online transactions. Bakit inabot sila ng almost 50 days para matanggap ng ospital para matanggap ng OSMA?”

“Sa record ng PhilHealth nabayaran na pero walang natatanggap ang ospital. Remember during last week’s hearing may lumabas na ganyang issue, sa record ng PhilHealth bayad na pero tanong mo ospital walang natatanggap. So another modus ito. So talagang napakarami, masyadong masalimuot.”

“Ito (B Braun) sa center ng controversy ngayon because of P45M na binayad ng PhilHealth na wala naman silang kinalaman sa COVID cases. Sa Tondo, out of the P45M yan ang pinakamalaki, P15M. Walang capability ang B Braun Avitum Dialysis Center ang Avitum na mag-treat ng COVID patients so nire-refer sa GAB. Ang irony, paradox dito, while nakasingil ng P45M ang B Braun at ang branch sa Tondo ng P15M, yun naman GAB as of June 9 2020, ang singilin nila sa PhilHealth nasa P20M hindi binabayaran. Sila nag-treat ng COVID patient na ang iba nanggagaling sa B Braun na walang kinalaman sa COVID.”

Obvious may favoritism or discrimination. Unang una banggitin ko sa Western Visayas na follow up ng follow up tapos di binigyan. Pagkatapos a Eastern Samar 4 private hospitals ang na-release-an, ang 10 community and district hospital walang release. Mahigit P20M sinisingil pero P20M ang binigay sa 4 hospital. Sa Bicol, EV, ang Catarman Samar, at lumalabas ang sabi ng RVP di man lang sila kinonsulta. Galing sa central office ang master list. Dumating na lang sa kanila, sila facilitator na lang, inuutos na lang, ito may MOA ito, ayusin nyo ang MOA tapos naniningil. So maliwanag ganyan ang nangyayari. Ang pinakamasama ang B Braun Avitum.”

Liquidation ‘Deferred’ or Made Optional:

“Now another controversy, PhilHealth is a withholding tax agent of BIR, registered sila. Ang tanong ito talagang malalim. Because out of the P14B, sabi nila P7B ang binayad sa private hospitals. Pagka withholding tax agent ka, kailangan wini-withhold mo taxes due sa babayaran mo dahil VAT yan eh, yung facilitation fee, professional fee, may percentage yan. Nang tinanong ko bakit di sila nag-withhold, ang sagot ni Limciaco, halata mong may tinatago, na hindi nila alam. How could they not know it?”

“Sabi pa nga nila may tax consultant. Tinanong ko kako bakit di nyo i-fire ang tax consultant? Sabi niya kaha-hire lang nila. Ang masama nito they already advanced to BIR ang dapat withhold nila. Ang tanong ko saan nyo kinuha ang sabi niyang P152M na dapat equivalent sa withheld na taxes? Sabi niya sa capital outlay. So that’s criminal. So sabi nila ma-retrieve pa nila sa HCIs pag nag-liquidate. But remember it was taken up during last week’s hearings ginawa nilang optional or defer muna nila liquidation, and then naglabas uli sila ng memorandum, optional na ang liquidation. Ginawang optional.”

“Again, another question will arise. Pag ginawa mong optional pinapayagan mong huwag mag-liquidate, may tinatago ka. Kasi pag nag-liquidate magkakaroon ng detalye ang pagbabayad at pagtanggap ng HCIs.”

Doctoring Financial Documents:

Para kung meron silang ipo-procure na IT equipment na overpriced madali i-justify kasi kung in the red mahirap i-justify. Pati COA tinanong namin kahapon, ligaw din sila. Sabi nila meron kaming disclaimer ng opinion. Di sila makabigay ng opinion kasi nagtatago ng records ang PhilHealth. Ilang taon laging ginagawa, bloat ang financial statement nila tapos dinuduktor, tapos restated financial statement due to prior year adjustment. Modus operandi yan. Pagkatapos ang benefit claims hindi naman nire-release sa hospital pero accounts payable pa rin yan. Dapat ilibro mo pa rin yan.”

Ibig sabihin noon, mensahe sa atin, magbuwis pa tayo para i-subsidize ang gobyerno. Kasi nagsalita ang Palasyo, hindi natin pababayaan mag-fold up ang PhilHealth. Ibig sabihin saan kukunin yan kung kulang ang equity na pinoprovide ng paying members, sa atin kukunin yan.”

***

* PARALLEL INVESTIGATION BY EXECUTIVE BRANCH:

Simultaneous naman may parallel investigation na ginagawa ang executive branch, may task force, and I hope ishe-share namin lahat nakuha naming document sa task force kung tatanggapin nila. And si Comm Belgica more than willing and I could sense even in his opening statement na talagang determinado ang PACC to get to the bottom.”

“Sa ngayon wala tayong direct evidence to pin down any one of them. Pero pag na-consolidate natin ang dokumento at na-analyze ito ng mga investigator natin doon magkakaalaman.”

Ang gusto natin ma-unearth na maliwanag, sino ba tunay na mafia? Last year nagturuan ito. Sabi ng RVPs ang mafia sa execom. Sabi ng execom, ang mafia sa RVPs. But this time isang revealing din yesterday ang pahayag ni Gen Augustus de Villa, ang 2nd time tinanong siya asking anong reasons niya for resigning. E napaka-hesitant niya. Upon questioning by the SP anong dahilan, inamin niyang pina-resign siya ni Gen Morales, ang reason being wala nang tiwala sa kanya ang execom. Who is Gen de Villa sa PhilHealth? Di ba siya ang dating OIC EVP and COO until na-appoint si Arnel de Jesus? So dapat ang trust and confidence nasa PCEO ng PhilHealth, wala sa execom. Bakit siya pare-resign-in dahil wala nang tiwala ang execom? Di ba dapat ang mawala ng tiwala ang president o board man lang? I think Gen De Villa mas marami pang alam sa sinabi niya kahapon.”

“Sabi niya (de Villa), may chatroom ang execom. Bago sila mag-discuss ng formal meeting, luto na, tapos na usapan wala nang masyadong paguusapan kasi napagusapan na informally. Tama lang din yan to save time. Pero kung tinatago ang paguusap informally para pag may formal discussion na, yan ang masusunod, walang transparency yan at sa mga outside the kulambo, sila rito. Si de Villa maski may gusto siyang i-propose di niya magawa kasi tapos na.”

Nanganganak ng nanganganak. Every time may controversy, every time may questionable issue na lalabas, ang usapan pera. Lagi kadikit niyan pera ang usapan. Ngayon kung may nawawalang pera simpleng kaisipan, may nakikinabang.”

Pero pag tinanong mo mapa-Execom, kung sino man, lahat sila anti-graft, anti-corruption. Pero may nawawalang pera, may nasasayang.”

Possible Liabilities of PhilHealth Officials:

Si Jovita Aragona medyo klaro ang pagmi-mislead niya sa committee. Even during her press conference talagang mukhang deliberate ang pag-mislead niya. Iniiba niya ang specs. Sabi niya XR ang pino-procure nila, when in fact ang records would show klaro ang documents hindi XR ang network switch. Nililigaw kami pati si Gabuya na generic. Mabuti nariyan si Col Laborte who is a certified IT specialist dahil pinag-aral ito sa UN, meron siyang certification. Meron kaming hawak certification niya from UN. Sabi niya parang bumili ka ng iPhone 5 e iPhone 11 na tayo, bakit ganoon kamahal pa rin. Ang procurement ng 2016 bakit mo gagamitin ang presyo ng 2016 sa procurement ng 2018? Di ba maliwanag na palusot yan?”

(Kay Gen Morales), Direct evidence, wala. Except that inamin niya naman last week siya nag-authorize ng pagbayad sa B Braun.”

“In the next hearing kukunin natin ang kopya ng written instruction ni Morales kay Keith. But at the outset tinanong ko si Gen Morales, anong interest mo kung malaman kung forged ang signature ni Dra Natividad? Kasi trabaho ng defense counsel ng tao, ina-accuse siya sa WellMed pero bakit may interest? Tinuro niya one of the board members, I think Board Member Padua, na dating nurse, kakilala ni Dra Natividad. Pero I think at the very least it’s inappropriate for Gen Morales to be interested and even trying to investigate kung forged o hindi ang signature ni Dra Natividad. It’s up to the Ombudsman to find out and it’s up to the defense counsel of Dra Natividad to prove that because matter of defense yan eh. Samantalang kaso ng PhilHealth yan against WellMed. Bakit PCEO ng PhilHealth mismo ang mag-interest para makita kung forged o hindi ang signature ni Dra Natividad?

(Kay Atty del Rosario), it’s early to say kasi di pa namin consolidated ang documents and testimonies. Doon lang makikita kung ano ang possible liability criminal or administrative ng officials na lagi nababanggit. So sa ngayon hindi pa natin na-collate lahat na documents at may hearing sa susunod saka na natin malalaman kung sinu-sino talaga. Pero offhand makikita natin na in the case of Gen Morales inamin niya siya nag-authorize ng payment sa B Braun under sabihin nating questionable circumstances, pwedeng may pananagutan siya.”

“In the same manner nanggagaling ang fund management sector SVP si Rene Limciaco, pwede ring may pananagutan siya.”

Possible Criminal Cases from IRM Misuse:

Medyo malinaw-linaw yan, ang Graft and Corrupt Practices Act kasi overpricing. Klarong klaro kasi grossly overpriced ang mga pino-procure. At nangyari ang procurement noong 2017 pa, na-deliver noong 2017.”

Sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at least ang procurement ng 24 network switches at ibang procurement na grossly overpriced papasok yan. Di ko sure kung ang attempted overricing na naman ng 15 units at pati ibang items, ang Adobe, dahil di naman nabili, walang damage sa govt. But then may award yan, remember ang SBAC sila, ito ang page 3 ng document na dinetach ni Gen De Villa. But he sumitted it to the Senate. Ma-establish natin saan aabot ang criminal liability.”

“Tinanong ko si Sen Drilon, dati siyang SOJ. Meron bang possibility pumasok sa technical malversation kasi ang technical malversation, ginamit mo govt money hindi sa (original) purpose. Let’s see. It’s not for us to determine kung ano ang mga kaso but it will come as soon as we file our committee report at kung ano ang possible recommendations pati violations. Magiging collective effort ng lahat na senador, mag-input kami based on what we discovered in the hearings.”

Questions for Next Hearing:

Ang di ko natanong and I intend to ask next week, magkano na ba ang na-invest ng PhilHealth sa IT system nila. Kasi ito meron silang P2.1B and in one of the press conferences or statements issued by SOF Dominguez, sabi niya you already spent P200B. Sabi niya you fix your IT system, you’re asking for P2.1B, you already spent P200B. I don’t know if he was misquoted or nagkamali ang sinabi niya.”

But I intend to ask PhilHealth mismo, so far from the time nag-start sila mag-procure to enhance their IT system, nakamagkano na sila? Doon para mabalikan natin lahat na procurement. Makita natin ilan ang overpricing. Ito pa lang, kung ganito kalaki ang procurement noong 2017 tapos in-attempt uli 2018 tapos ngayon 2020, you can just imagine. Kasi 5000% eh.”

‘Mafia’ Game Plan vs Senate Investigators: Dilatory Tactics, Appeals to Emotion

“Kawing kawing ang na mga issues, mga controversies at mga anomalya, na nahihilo na kami. And if you notice, ganoon talaga style nila. Hiluhin nila ang mga tao para magsawa na sa katatanong sa kanila.”

Kami pa ngayon may kasalanan. Samantalang hinihilo nga nila kami sa explanation nila kaya minsan kina-cut namin kasi paikot-ikot. Every time maraming senador magtatanong, bakit nyo ginamit ang iRM para sa COVID sa non-COVID? Sagot nila, mandate ng PhilHealth tugunan ang pangangailangan ng dialysis patient, maternity care. Ang layo ng sagot.”

Tapos meron pa silang emotive approach sa media, pambihira ang mga senador, hindi nila iniintindi pangangailangan ng dialysis patients. Parang ina-alienate pa kami masasama kami parang dini-discriminate namin ang dialysis patients na nangangailangan din ng tulong ng PhilHealth.”

“Now hindi namin kinu-question yan. Nobody disagrees. As Sen Pia Cayetano said yesterday, hindi kami nagdi-disagree doon. Tutulungan kung tutulungan pero huwag gamitin ang IRM sa pag-release ng pondo because there are other programs ng PhilHealth sa ibang kaso na labas sa COVID. Every time yan tatanungin namin, yan sasagot ni del Rosario, under the law, they are citing PhilHealth law citing all their mandates. Pero maliwanag naman naka-focus lang tayo sa usapan sa IRM.”

“Ang nangyayari hinalo-halo nila. Naglabas sila circular for COVID-19. Pero halo nila dahil mandate din namin yan dialysis at maternity care pati infirmaries. Hindi namin kinu-question, kinu-question namin mag-focus tayo sa IRM, bakit nyo ginamit ang pera sa maling pamamaraan?”

Huwag tayo sumuko, huwag tayo mapagod, huwag tayo magsawa. Tuloy tuloy pag-expose natin, maski wala tayong nakikitang light at the end of the tunnel balang araw it will catch up with them. Yan ang gusto nila mapagod tayo sumuko tayo.”

“Kaya nga pinapagod kami sa sagot, pag mahaba pinuputol namin. Yan isang strategy nila, pagurin kami, abutin kami ng gabi, pag-adjourn wala kaming makuha. E alam namin yan kaya kung napansin mo ang ibang senador din kina-cut pag masyadong mahaba ang sagot kasi kasama sa usapan nila yan. Pagurin natin ang mga senador, magsasawa rin yan. Kaya ang mensahe, huwag tayo sumuko huwag tayo magsawa huwag tayo mapagod, no matter what.”

*****