Questions for the “Big Elephant” on the PhilHealth Mess

When he appears on Tuesday, I’ll ask him, being the incumbent ex-officio chairman of PhilHealth who was present during the shouting match in their last board meeting that effectively triggered these controversies, why he has been very quiet in spite of all the anomalies being openly discussed with so many unanswered questions involving highly questionable transactions by PhilHealth in the procurement of IT equipment, IRM funds distribution and manipulation of the agency’s financial statements which no less than COA has red-flagged on top of recurring disallowances and suspension in billions of pesos year in and year out.

I’ll ask him what he intends to do or recommend to the President.

*****

QUOTES FROM DZBB/GNTV INTERVIEW…

Balasahan, Hindi Superman:

At the end of the day ang Pangulo na may full authority na mag-fire ng official na sa tingin ng buong bayan sabihin natin pati ikaw at ako siguro, pwede tayo na this early sabihin natin pwede ba siguro balasahin para hindi na mag-hemorrhage pa ang resources. Kasi alam mo ang nakakagalit dito, at a time na pandemic tayo at hirap na hirap ang gobyerno hirap na hirap ang Kongreso saan hahanap ng pondo para tugunan ang COVID-19, pagkatapos makakarinig tayo ng ganito, di ba tayo magagalit? Walang pinatawad eh.

(Kung may sapat) na dahilan (si Pangulong Duterte para magsibak ng opisyal), yes. Ang problema naghihintay siya ng recommendation ng create niyang task force. At nagpahayag siya may trust and confidence siya kay Gen Morales. E ganyan din nangyari sa BOC, yan din nangyari kay Sec Duque, wala tayong magagawa kasi nasa Presidente ang power to hire and fire. Alam naman natin yan. So tayo siguro hanggang investigation lang tayo, hanggang recommendation.”

“Hindi lang amoy (whiff of corruption) ito. Umaalingasaw ito eh.”

Sa akin mas importante ma-uproot ang mafia. Maski sino ang ilagay mo nanggaling na riyan ang ibang nag-head ng PhilHealth. Mukhang napaka-powerful ng mafia sa loob kasi sila nagmamando eh.”

“Ang masama rito, sabi ni Gen Morales maski si Superman ilagay roon walang magagawa. Hindi ako naniniwala. Maski hindi Superman, basta medyo smart lang siya o hindi siya ma-coopted, palagay ko magsa-succeed.”

Extent of Corruption at PhilHealth:

Maliwanag na may katiwalian. Nariyan ang dokumento. At kitang kita natin ang mga nakasaksi ng 2 nakaraang pagdinig, na talagang may katiwalian. Given na yan. At hindi lang naman ngayon yan. Noong isang taon at nakaraang panahon, paulit-ulit yan, vicious cycle ang nangyari. Ang nakikita nating problema walang napaparusahan. Hanggang ngayon ang nangyari sa last year naka-pending pa sa Ombudsman, di pa natin alam ang status. At ang na-involve sa WellMed dialysis, dialysis din yan, na-promote pa na-involved doon eh. Paano gagawin e naging SVP?”

“I-quote ko na lang ang PACC, sabi nila P153-154B mula 2013, pitong taon. Pitong taon lang. E kung hindi natin tinigilan ito, mabuti may nagsasalita sa loob. Ngayon sila turuan ngayon. Tuwing nagtatanong nga namin, ang haba ng sagot pero di sinasagot ang tanong.”

Paulit-ulit na tayo eh. At masyadong blatant, ang hubris na tinatawag. Sobrang lakas na ng loob. Wala nang inaalintala sa laki ng pera.”

Puro pagpapaliwanag, puro pagdedepensa. Pinapaikot kaml. Sinasabi na naming ang IRM particularly ang Circular 2020-0007 para lang sa COVID-19. Ano explanation nila? Maawa rin naman kayo sa dialysis patients, maawa rin naman kayo sa maternity care na nanganganak at sa mga sa infirmary. Hindi yan ang usapan. Ang pinaguusapan natin IRM para sa COVID-19. E bakit binibigyan ng pondo to the detriment ng hospitals at HCIs na talagang tumutugon sa COVID-19 hindi nyo nire-release-an at ang nire-release-an ninyo ang walang kinalaman sa COVID-19.”

Emotion ang ang appeal nila parang kami pa may kasalanan na maramot kami bakit naming kinukwestyon na binibigyan ang dialysis. E ibang programa yan. Huwag na nila ihalo rito kasi usapan dito COVID-19, sila rin nagpalabas ng kalatas ng circular pati SOP na para sa COVID-19. Pinayagan naming kasi ang talagang intention ng IRM, fortuitous events. Pag sinabi fortuitous event, ito parang biglaan, act of God or act of man. Pero pag sinama mo pa ang ibang sakit e talagang magugulo.”

PhilHealth Mafia’s Under-the-Table Deal with Hospitals?

Pati ba naman withholding tax, kasi withholding tax agent ng BIR ang PhilHealth. Pati ba naman yan hindi sila nag-withhold ng tax sa mga pinagbibigyan nila na pondo na pribadong hospital? Nang tinanong ko, sabi ko hahabulin kayo ng BIR, kasi may VAT yan ang professional fee, etc. Ang sagot, una, hindi raw nila alam.”

“Pwede bang hindi nila alam e withholding tax agent ng BIR? Siyempre alam nila yan. Nang naipit na, sabi binayaran na raw nila. Tanong ko saan kinuha? Kinuha raw nila sa capital outlay, CO ang sabi, e di capital outlay. Pwede ba yan? Ngayon as we speak, hindi far-fetched o di malayo isipin natin na may mga may under-the-table negotiations na nangyayari with these HCIs ang pagbabalik, kasi hindi na-withhold so sisingilin nila, saan pupunta ang sisingilin nila e bayad na ang BIR?

“Di malayong isipin sa bulsa nila mapupunta ang nine-negotiate nila. Ito ang sabi ni Limsiaco ang fund management sector SVP, mga P150-plus million. Sabihin natin accurate ang halaga na yan, though I think it should be more than that. Pag siningil ang ospital sabihin nila di kayo re-release-an ibalik nyo muna ang hindi naming na-withhold. Saan pupunta pa yan? E linis na sa libro ng PhilHealth dahil nabayaran ang BIR. Ang tanong saan pupunta yan? Malamang sa hindi paghahati-hatian na naman yan.”

“Unless ma-establish may collusion sila sa mga taga-loob sa mafia sa PhilHealth, kung bakit sila nakakakuha at kung may rebate sila, yan ang problema. Kasi sino magte-testify na may-ari ng ospital na sila nag-rebate? Equally liable sila unless ang DOJ, sa pagsasagawa nila ng investigation, offer-an ang ilang hospital na ito maging state witness nang sa ganoon ma-exclude, maging immune sa suit, kung willing sila makipag-cooperate at material ang kanilang testimonya pupuwede tayo makakuha ng ganoong information. Otherwise magka-clam up lang ang mga may-ari ng hospital.”

“Ganoon ang nangyari kasi bulung-bulungan lang ang nakakuha ng malaki may binabalik na 5-10% pero walang nagpapahayag formally or officially.”

“Ang isang at least indication at least na may mafia, ang testimony ni Gen Augustus de Villa, dating OIC EVP and COO na kung saan napalitan na siya ni Arnel de Jesus pero SVP pa rin siya until he resigned, SVP for operations. Nang pagkatapos ng pagdinig sa HOR, nagkaroon ng meeting sa Execom at nagkaroon ng kaunting bull session. After that tinawag siya ni Gen Morales at sinabihan siya mismo, wala nang tiwala sa iyo ang Execom. Di ba ang SVP or dating EVP na kapwa military officer pa ni Gen Morales, ang tiwala dapat hinuhugot sa PCEO kay Gen Morales. E bakit nawalan ng tiwala ang kapwa SVP e pinagre-resign? Anong indication noon? Sino ang powerful? Ibig sabihin ang Execom mas powerful pa sila sa PCEO. E dapat under niya lahat yan eh.”

Report and Recommendations ng Senate Committee of the Whole:

Kailangan ng panahon kasi hindi pa na-collate lahat, kasi napakaraming dokumento at mahaba-haba na rin ang transcript na aming titingnan. So medyo maaga pa para masagawa ang kung ano man ang aming iniisip na ilagay sa committee report. At meron pa kaming pagdinig sa Tuesday.”

Iko-consolidate lahat ng input ng lahat na senador na gustong magbigay ng kanilang recommendation at yan ang iko-consolidate para magbuo ng committee report. In this particular case, ang Senate President kasi Committee of the Whole ito.”

Hopefully last (hearing) na ang sa Aug 18 at makapagbalangkas na kami ng committee report. Yan na tingin ko sa isip ni SP Sotto.”

“Habang nagsasagawa kami ng investigation dating ng dating ang information at ang information nanggagaling sa loob. So hindi lang kami makakakuha ng dokumento, kasi mga official PhilHealth documents.”

*****

 

One thought on “Questions for the “Big Elephant” on the PhilHealth Mess”

Comments are closed.