#PINGterview: PhilHealth Committee Report, 2021 Budget, ‘Designated Survivor’ Legislation

In an interview with Senate media, Sen. Lacson answered questions on:
* PhilHealth committee report
* questionable items in the 2021 budget
* ‘Designated Survivor’ legislation

QUOTES and NOTES:

* PHILHEALTH COMMITTEE REPORT:

Committee of the Whole Report:

Base sa nalalaman ko marami na nag-affix ng signature. Ako nag-signify ako, kanina the moment he informed us na nira-route na ang COW committee report, sabi ko consider my signature affixed. May idea ako more or less kung anong nilalaman. At pinadala sa amin ang kopya ng committee report.”

Ang salakab ito sa bukid ginagamit, handicraft ito. Pag nilubog mo sa lupa, sa tubig, sa putik, maski ano pwede mahuli. Sabi nga ni Sen Bato pati butete kayang hulihin kasi salakab. Yan ang ibig niyang sabihin but I think he’s just exaggerating dahil yan lang siguro ang figure of speech na ginamit niya kasi minsan nagkabiruan kami sa chat room namin tungkol sa salakab.”

My take is, hanggang abot ng ebidensya. Of course nagdi-differ kami dahil kanya-kanyang perspective eh. Halimbawa ako nagli-limit ako to what was taken up during the 3 hearings ng COW. Ang ibang kasamahan ko, they go as far back as last year’s committee hearing ng BRC. So I think doon nanggagaling si Sen Imee when she said na matatamaan din si Sec Duque because of conflict of interest dahil ang EMDC Building sa Dagupan leased ng PhilHealth, at Doctors Pharmaceuticals Inc. So doon siya nanggagaling. Ang perspective ko dito lang sa na-take up namin kasi yan ang pagkaalam ko may kasong finile na roon. Ngayon I cannot tell you kung ano talaga ang considered, I think we should leave it to the SP para di ma-preempt ang kanyang pag-report bukas sa floor.”

Satisfaction with COW Report, Investigation Outcome:

Ako I’m more than satisfied. Magkatulong naman kami lahat diyan nang binabalangkas yan. Kaya medyo natagalan, hinintay ni SP ang input ng mga ibang senador na gustong magbigay ng kanilang input.”

From where we sit now, maganda ang prospects. Ngayon lang after so many investigations ngayon lang nag-resign ang top officials ni hindi nga pina-resign. Atty del Rosario for example, nobody told him to resign but he tendered his irrevocable resignation. Second, I could sense in the way si Sec Guevarra pursued us in providing them copies of the proceedings ng Senate nakita ko talaga desidido. Plus the fact the President already thrown his full support to Sec Guevarra. Di ba sabi niya siya mismo pipirma alongside sa signature ni Sec Guevarra pag ma-file-an ng kaso. So I think that’s assurance enough. Ang problema rito, pag tumagal ang panahon, baka tulad ng nangyari noong una, nakakalimutan. So call na yan ng prosecution service, ng Ombudsman pag na-refer sa kanila, and then ang courts na maghe-hear. I hope di maulit sa nakaraang mga expose, ang kay Jocjoc Bolante at iba pa, hanggang ngayon wala tayong makitang may nanagot. Kung meron man parang mabilang natin sa daliri natin, in spite of so many anomalies in the past.”

Blue Ribbon Committee ‘Report’ and Possible Conflict with COW Report:

Walang nara-route sa amin. So ang binabase ko, nalalaman ko sa naibahagi sa inyo ni Sen Gordon. Pero as far as the SBRC report, I for one wala pa akong nakikita.”

In the first place wala namang BRC report as we speak. Ang meron lang, ang COW report. So walang nara-route na BRC report. So wala pa kaming pagpipilian.”

As far as I know kasi member ako ng BRC, wala, walang naiikot. Kaya wala pa kaming pagpipilian. Isa pa lang ang committee report na pipirmahan o hindi pipirmahan. Wala kaming pagpipilian kasi isa pa lang ang report na nira-route.”

What I know is what you already know. Sabi niya draft yan, chairman’s report, not necessarily a BRC report. So let’s leave it at that. As long as hindi siya nagra-route sa amin para mabasa namin, hindi natin pwede sabihin maski draft committee report ng BRC. Walang ganoon.”

The SP knows better. Kung nakikita niya bakit niya iko-consolidate sa isang COW report ang conflicting findings and recommendations? Palagay ko di gagawin ni SP yan. So ipi-pick up niya kung anong naka-align sa findings ng COW. Dahil kanya-kanyang pananaw and di pa nagtatapos sa pag-report out ng SP sa floor. Matatapos ito kasi pwede pa ito ma-entertain sa period of amendments. So kung may gusto ihabol maski sino sa amin kasi COW ito at sa plenary ito idi-discuss, pwedeng i-introduce as amendment sa final findings or comments and recommendations ng COW report. But depende sa sponsor at eventually sa body kung tatanggapin ang individual amendments.”

Yan siguro nakikita kong posibleng maging problema. Dahil most of our whistleblowers, the ones who assisted us even in previous hearings di lang sa COW, ang mga RVPs. Now here comes the sinasabing draft committee report or chairman’s report na tinuturo naman ang RVPs na napangalanan pa. E ang iba talaga roon sila nagpo-provide sa amin ng documents. So sa akin sarili kong appreciation ito, kung lahat sila kumikita ng pera galing sa PhilHealth nang limpak limpak, bakit naman nila guguluhin ang usapan? Mananahimik silang lahat. Omerta tawag doon. At magkakasundo sila unless meron silang turf war o agawan sila sa kikitain. Pero sa nakita naman namin, ako particularly, walang ganoon. Ang nag-provide ng documents, and I can claim ako siguro pinakamaraming dokumentong nakuha na nai-provide sa COW. So I would know where those documents came from. And karamihan doon nanggaling sa di ko papangalanan pero sa RVPs.”

“At di nila guguluhin. Maski di nila ilaglag sarili nila, pag napagusapan, pwede makalkal naman kung meron silang culpabilities. I think that’s common sense enough na kung may ginagawa kang kalokohan, hindi ka manggugulo kasi baka mabalik sa iyo.”

“Pwede naman (Gordon comes out with report separate from COW report). Kaya lang kung kontra sa COW report na na-adopt na, hindi ko alam paano pipirma ang mga kasamahan ko sa isang committee report na nakakontra sa na-adopt na naming committee report.”

Alleged P100M Advance Payment to Red Cross:

Iwanan ko na lang kay SP yan. Baka ma-preempt, maging anti-climactic naman ang kanyang committee report bukas sa floor. So hintay natin lahat tomorrow. Anyway sabi ko di matatapos doon ang usapan dito dahil magde-deliberate kami, mag-interpellate, mag-amend. Tingnan natin ang final outcome ng committee report kung ano ang resolution na lalabas dito. Kung di man kasama, tingnan natin kung maisasama sa final output.”

Allegations of CSC Delaying Resolution of PhilHealth Cases:

“If you recall tinanong ko Atty del Rosario in 1 of the hearings, nakakuha ako ng document sa CSC na pending pa kanyang case doon ang invalidated appointment. Ang sabi niya tapos na. Pero ang records naman ng CSC nagsasabi hindi. So kung may ganoon I think dahil na-take up sa COW hearings, kung di man ilalabas o nakasama sa committee report, babanggitin ko yan sa discussion para ma-clarify ano talaga ang status. Kung yan ba talaga tapos na? Sabi ni del Rosario moot and academic, e hindi naman ganoon ang naka-indicate sa official record ng CSC. Kasi maliwanag as of time na tinatanong ko siya sa hearing, pending ang kaso, hindi pa tapos.”

Yan ang gusto natin malaman gaano kalawak ang mafia, for lack of a better word. Kasi wala na tayong maisip ibang word to describe kasi may Omerta, tapos sobrang influence, tapos may mga naha-harass, na umabot pa nga sa usapin sa building sa Dagupan kung saan biglang nag-leak ang tubig na pwedeng nakasira sa evidence doon. So kaya tinatawag na mafia, gusto natin malaman when we deliberate on this sa floor, talaga bang ganoon kalawak na ba ang influence nila na pati sa CSC meron din silang galamay? Remember si Sec Duque was once upon a time chairman ng CSC. Ang isang na-take up natin sa committee hearing si Roy Ferrer, who was asked by the President to resign, all of a sudden Asec siya sa DOH. These are all circumstantial in nature. Whether or not mako-consider as evidence ito to file charges vs Sec Duque di natin alam kasi call na ng task force na created led by the SOJ kung meron silang nakikitang pwedeng complicity ni Sec Duque.”

B. Braun Avitum Probe:

I’d like to see the recommendation of the DOJ-led task force. Kung wala roon I think I should pass a separate resolution calling for an inquiry on B Braun-related anomalies. Not necessarily to go after B Braun but to go after those responsible at PhilHealth bakit may favoritism. Kasi obvious naman ang favoritism at saka masyadong discriminatory. Aside from klarong violation ng batas kasi hindi intended ang pera ng PhilHealth para sa dialysis under IRM. So kung di masasama, I think I should file a separate resolution to get to the bottom of the Balanga account, tapos ang dialysis center na pati ang session-to-capacity ratio na sobra-sobra. Kailangan may talagang special inquiry along that line.”

“Kasi noong una kumuha kami certification from SEC. Ang certification, walang naka-register na B Braun Avitum. Eventually dahil sabi ng B Braun through a PR na nag-change sila ng name from Renal Philippines to B Braun Avitum, naglabas uli ng certification ang SEC na talagang nagpalit ng pangalan ang Renal Philippines, but that’s just one of the issues. Ang may issue rito paano sila nakakuha ng ganoong kabilis at ganoong kalaking pera from IRM not to mention in the past 2018 sobra-sobra ang session-to-capacity ratio nila.”

***

* 2021 BUDGET:

Questionable Items sa Proposed Budget:

May nakita na kaming mga questionable and we want it clarified. For example naulit eh, maraming mga infra na naroon na sa 2020 budget, narito na naman sa 2021 budget. Ang tatanungin, paano nangyari yan, kung walang discontinuance e bakit napondohan sa 2020 under the current year budget, bakit humingi na naman ng pondo pareho ang budget? Kasi ang technical description talagang pareho. And kung nare-recall nyo rin tinanong ko si DBM Sec Avisado during COW hearing, he used the term hiniram daw nila, they borrowed ang pera raw para sa COVID. Sabi ko there’s no such thing. Di ka pwede humiram. Sabi niya overstretched ang word na borrow. I want him to clarify that kasi sa 2021 proposed budget sa NEP, kung hindi discontinued ang project sa 2020 under DPWH, bakit popondohan mo may pondo na yan? So to me, that’s a big issue. Kasi baka double appropriation kalabasan nito.”

“Hindi pa tapos pero it will run to hundreds of millions of pesos.”

And since nag-widen ang deficit natin because of COVID, ano ito, DBCC matters, general principles, bakit tayo magdadagdag ng budget? Hindi ba dapat mag-adjust naman tayo nang kaunti sa lumobong deficit natin at lumolobong utang? Kasi as of December 2019, ang national debt natin sa P7.8-7.9T, e ngayon nasa P10T na tayo. Sa laki ng utang natin di ba pwedeng magbawas tayo, sa halip na increase tayo ng budget to P4.56T baka pwedeng umatras tayo nang kaunti? Anyway may COVID di naman talaga maka-implement fully ang ating mga agencies. Year in year out tanong ko, bakit ang laki ng unused and unreleased appropriations? And yet we keep increasing the budget. Hindi naman nagagamit. E umuutang tayo para di gamitin. If you recall again last year kinwestyon ko, ang deficit na ia-address natin nasa P400B tapos utang tayo ng P1.2T. Bakit ganoon? Di ba dapat kung ano lang pangangailangan mo, yan lang uutangin mo. Di lang sobra-sobra uutangin mo na hindi mo naman gagastusin kasi hindi mo kailangan. So sa akin parang mali yata ang economics noon.”

Questions for DPWH:

Itatanong ko para ma-clarify nila. Gusto ko malaman. Baka may na-miss ako na di ko alam. Tatanungin natin sa kanila yan. Ang household consumption natin I think is down 15.5%. Kung ganoon kalaki ang drop sa household consumption talagang sa VAT pa lang talo na tayo kasi VAT is a consumer’s tax. Uutang tayo para tustusan ang 2021. E nobody can predict how and when the pandemic will end. So bakit P4.56T?”

Malaking Utang:

“Kasama yan kasi kasama sa budget deliberation. Nakakahiya sa pag-iiwanan natin pag lumipas tayo sa mundo na baka matagal na tayong wala rito minumura pa tayo ng susunod na henerasyon. Bakit nyo kami iniwanan ng pagkalaking utang, wala naman kaming nakitang infrastructure or walang nakitang improvement sa PH. Di ba ngayon ganoon din ang tanong natin? Saan napunta ang trilyon trilyon taon-taon, parang hindi commensurate sa nakita nating development.”

Attempts to get Pork?

“Yan ang mahirap sagutin. Ang pandemic nga eh, minsan pino-pork pa.”

***

* ‘DESIGNATED SURVIVOR’ LEGISLATION:

What Prompted Appeal to Discuss It:

Na-trigger ito kasi unfortunately nag-withdraw si Rep. Castelo sa HOR. Sayang kasi I filed the bill in August 2019.”

Ang na-play up kasi rito ang magde-designate ang Pangulo ng designated survivor from among the members of the Cabinet. Nakalimutan na ang first part na hindi naman inaalis dahil Constitution yan, di natin pwede baguhin ang line of succession, constitutional yan. Ang nawawala nga, base sa Constitution Art VII Sec 7-8, ang mechanism, ang batas kung saan paano kung may mangyari sa 4 top officials.”

Compliance with 1987 Constitution:

At the outset I’d like to reiterate na hindi naman natin pino-propose i-alter ang line of succession. That remains. In case of death, disability, inability ng sitting President to function or discharge his duties, then ang VP ang mag-succeed. And the line of succession stays. VP, SP, Speaker of HOR. Ang question, what if under very exceptional circumstances like a terrorist attack God forbid, sa Batasan habang nagso-SONA and na-wipe out ang 4 top officials? There’s no provision in the Constitution o sa batas sino ang No. 4 sa line of succession after the Speaker of HOR. Ang sabi sa Constitution, particularly Art VII Sec 7 and 8, ang Kongreso ang bahala magpasa ng batas. Sabi niya, shall parang magpapasa ng enabling law, shall provide the manner in which acting president, ito Sec 7, will be selected. Pag na-wipe out hanggang Speaker, di natin malaman anong gagawin.”

There will be a constitutional crisis kung di natin alam sino marapat na maupo as acting president in case mawala ang successor hanggang House Speaker kasi tahimik (diyan ang 1987 Constitution) eh. Sa Sec 8 assuming may acting president kasi may batas, pag nawala naman ang acting president, naging incapacitated or namatay or kaya unable to perform, kailangan ng batas sabi ng Constitution, to provide the manner paano ipapatuloy ang succession kung mawala ang acting president. So yan nilalaman ng ating panukalang batas. We simply are proposing to extend the line of succession. So ang susunod after halimbawa in one setting, SONA, sabi ko God forbid, nawala lahat yan, itong proposed legislation na finile ko last year, ang magiging acting president ang most senior member of the Senate based on length of service. In this case, before 2022, Sen Drilon yan kasi siya ang most senior. Huwag naman sana kasi ayaw nating mawala si SP Sotto. And then after most senior member ng Senate, ang susunod sa succession ang most senior Representative, ganoon din based on the length of service. After that, doon papasok ang designated survivor where the President will designate a member of the Cabinet who will be secured in secret. Walang nakakaalam kung saan siya naka-secure, kung sakaling mawala lahat na mentioned na officials, siya ang Acting President.”

“Now as an added feature, siyempre magfa-function siya as President pero in an acting capacity hanggang sa mag-elect tayo ng bagong Presidente and VP, and so forth. Ang kanyang official actions, pwedeng i-revoke kung magkaroon na ng election sa Presidente within the 90-day period upon assumption ng office ng mananalong Presidente sa election. Ganoon ang essence.”

Disabusing Naysayers’ Minds:

I’d like to disabuse the minds of those who may be suspicious, kasi may comments na sobrang sipsip, bakit bibigay sa Pangulo ang pagpili ng member ng Cabinet na mag-a-act as President. Hindi naman mawawala ang line of succession. Naroon pa rin. But in the most unlikely scenario na ma-wipe out lahat, pati acting president namatay pa rin before we choose the next President and VP before election, at least meron tayong mechanism kung saan ang designated survivor or designated Cabinet member na naka-seal yan, di alam kung sino, ang nakakaalam lang siyempre ang Presidente, at naka-lock and key ang kung sinong designated na yan.”

Connection with Rumors on President’s Health?

No. Sabi ko nga it’s more on the Jolo terrorist attack dahil kung mangyari sa NCR at ma-timing na nagtipon-tipon lahat na top officials, yan ang sabihin nating parang nagbigay sa akin ng panibagong pag-iisip para i-revive. Kaya nananawagan tayo sa chairman ng Committee on Constitutional Amendments, Revision of Codes and Laws, Sen. Pangilinan yan. Kung di siya interesado i-sponsor o i-defend, I’m volunteering to be the sponsor because I’m willing and ready to defend the bill on the floor, tulad ng ginawa ko sa National ID that was referred to the Committee on Justice and HR. Since hindi gumagalaw and I’m one of the authors, I requested Sen Gordon in one of our caucuses na kung pwede ako na lang i-appoint niyang subcommittee chair at siyang mag-sponsor and mag-defend ng bill. At (naipasa?) natin ang National ID.”

“It’s more of the terrorist attack that happened in Jolo. And kung sakaling sa isang event or occasion present lahat na nasa line of constitutional succession at naroon ang Presidente, wala tayong provision sa batas. Maski sa Constitution silent eh. Sinabi nga kailangan Kongreso mag-provide ng manner in which to select kung sino ang uupo in case lahat ng na-mention sa constitutional line of succession, mawala. Yan ang pino-provide natin, yung vacuum.”

Possible Talk with Speaker Cayetano:

“I’m hoping may ibang congressman or congressmen na mag-file ng counterpart bill. Kung withdraw or archive na, pero sabi niya proposal pa lang. And I intend to talk to Speaker Cayetano kung pwedeng i-reconsider na ma-take up sa committee hearing and sa plenary nila ang similar na legislation sa HOR. Sayang eh.”

***

* TERRORISM:

Intel Gathering or Bakbakan Na?

“First things first. Ang ATA 2020 is already in effect. Pwedeng gamitin yan sa pag-file ng case sa Jolo bombings. Ang kailangan madali ngayon ng kinauukulan ang IRR. Kung walang IRR especially ang preemptive, ang preventive aspect, nawawala. Kasi maski nasa batas yan kung walang mechanism walang guidelines na susundin ng ating law enforcement agencies, mahirapan sila mag-implement. Like ang planning stage or training, facilitating, ang inchoate offense, sinama namin na bagong feature sa pag-repeal sa HSA.”

Sa tingin ko hindi (problema sa intel). Unfortunately nangyari ang shooting incident sa Jolo, ang napatay pa naman ang officers 1 major, 1 captain, and some enlisted personnel. Sinaabi ng AFP they were hot on the trail ng 2 alam na nating suicide bombers. So kung di siguro nangyari ang unfortunate incident, at kung may IRR ang panahong yan, baka sakaling naaresto na nila sa planning stage pa lang. Kasi ang treatment natin sa inchoate offense, crime in itself maski hindi pa nangyayari ang actual terrorist act sa planning pa lang separate crime na yan so naaresto sana.”

From what I know tuloy-tuloy naman ang technical assistance na binibigay ng US especially in Mindanao. Hindi nabawasan yan. In fact even in past accomplishments ng AFP, hindi lang nababanggit pero malaki ang role ng signal intelligence provided by US govt. We will not elaborate anymore, we know more or less what SigInt means.”

Questions for CSAFP Gapay at CA Confirmation Hearing:

The same questions raised by Sen Drilon and myself tungkol sa statement na nabitiwan ni Gen Gapay tungkol sa ATL, how it will be implemented. I’m sure it will crop up. Sa kanya nag-originate ang comment na yan na pinasagot lang ni Sen Drilon kay Gen Vinluan at Gen Parlade. I’m sure mag-crop up yan tatanungin din siya although nag-backtrack si Gen Parlade and we want to hear from Gen Gapay kasi siya ang CSAFP, ano ang kanyang, kung ganoon pa rin ba ang kanyang pananaw sa regulation ng social media. Let’s see on Wednesday. But I’m sure that will be asked.”

A lot will depend on how he will respond to issues that will be raised in connection with his confirmation. Remember he’s a nominee, he is not even an ad interim appointment. Pag nominee ibig sabihin niyan he can only wear his fourth star once confirmed unlike interim appointment na suot na nila ang rank, kailangan lang ma-confirm ng CA. In Gen Gapay’s case he will remain a Lt Gen while occupying the top post in the AFP kung hindi siya ma-confirm. And kung ma-bypass siya yan ang problema. So let’s see how he will respond to issues that will be raised by the members.”

Misgiving ko kasi dangerous yan, sila ang implementor. Sila mag-i-implement ng ATL sa ground. E siya ang highest official ng AFP kung pananaw niya at i-insist niya na parang at the outset, ang socmed should be regulated, he has a lot of explaining to do. Because may pending petition sa SC, and one of the major issues, one of the most contentious issues na nire-raise doon ang violation ng overbreadth doctrine, meaning overly broad. Ibig sabihin noon, ang unprotected speech pinagbawal mo, necessarily tatamaan din protected speech. Kasi sinasabi riyan ang proscription ng unprotected speech may also be true na ma-proscribe din ang protected speech. Overly broad yan. So the ATA 2020 I think will rise or fall doon sa major issue na yan kasi unconstitutional yan. But kami alam naman namin kami ni FMD kung ano ang legislative intent ng ATA. But kung ganoon ang interpretation ng mag-i-implement, that’s dangerous. Of course, I just hope na mas titingnan ng SC rito ang legislative intent and not how it will be implemented because how it will be implemented, sagutin ng implementing agencies yan. Mananagot naman sila sa ilalim ng batas kung iva-violate nila. Yan ang aking pananaw dito.”

Kung insist niya ang mali, sabi ko nga, magkakaproblema siya.”

*****