Ping Nagtataka sa 2021 Budgets ng DPWH at DICT

Parehong malamya ang paggastos sa kasalukuyang taon pero mas malaki ang dagdag sa pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kumpara sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa 2021.

Bukod sa nabanggit na situwasyon, binanggit pa ni Senador Panfilo Lacson, vice chairman ng Senate Committee on Finance na marami ring kuwestiyonable at nasasayang lamang na pondo ang DPWH pero dinagdagan pa ng P28.348 bilyon ng bicameral panel ang badyet nito para sa papasok na taon.

Ang DICT na lubhang nangangailangan ng gastusin para sa national broadband program upang makatipid ang mga ahensiya ng pamahalaan sa bayarin sa serbisyong na mula sa pribadong sektor ay kulang-kulang P1 bilyon lamang ang idinagdag.

Related: Lacson Questions Disproportionate Fates of DICT, DPWH Appropriations in 2021 Budget Bill

“As it is, at P666.474 billion as proposed under the National Expenditure Program, and we actually base this on the historical data I mentioned, we can immediately see that P82 billion cannot be used. And here we are further increasing the budget of DPWH by P28 billion… We should learn our lessons from that data,” banggit ni Lacson sa kanyang interpelasyon sa bicameral conference committee report ng naturang gastusin.

Dahil sa mga pangyayaring ito, nagpahayag ng dissenting vote ang mambabatas sa bicameral panel report sa ratipikasyon nito sa Senado.

“At the proper time, I am manifesting my dissenting vote on the bicam report for the reasons I had given during my interpellation. At the appropriate time I am going to explain my vote,”dagdag pa ni Lacson.

Nakikita ng mambabatas na masyadong naagrabyado ang DICT kung ikukumpara sa nangyari sa badyet ng DPWH.

“What’s good for the goose should also be good for the gander. The bicam increased the DPWH budget by P28 billion, amid my pointing out its low utilization rate. Now they are using the same argument for DICT? I mentioned during my sponsorship of the budget of the DICT that the national broadband program can save us P34 billion in the next five years once completed. What happened?” nagtataka pang tanong ng senador.

Una rito ay inirekomenda ng mambabatas ang pagtapyas ng P60 bilyon sa badyet ng DPWH sa 2021 partikular sa mga gastusin na kinapapalooban ng mga multi-purpose building maliban lamang sa mga gagawing evacuation centers sa panahon ng kalamidad, double appropriations, right-of-way payments at overlapping projects.

Inusisa rin ni Lacson ang usapin sa P26 bilyon na gastusin in Right-of-Way (ROW) ng DPWH na kinabibilangan ng sumusunod: P11.4 bilyon sa 2020 General Appropriations Act at nasa P5.7 bilyon ROW appropriations na nakapaloob sa iba’t ibang proyekto; at maging ang P22.14 bilyon na ROW appropriations pati na ang P4.05 bilyon ROW na nasa 2021 budget.

Ayon kay Lacson, tinanggalan ng Senado ng P14 bilyon ang ROW appropriations sa 2021 budget pero hindi ito nasunod sa bicameral panel at sa halip ay tumaas pa.

“It’s a very vicious cycle. That’s why I’m asking those questions for future reference, we should learn our lessons from that data,” banggit ni Lacson.

Bukod dito, mas tumaas pa ang inilaan sa gastusin para sa mga multi-purpose buildings na una na ring tinanggal sa bersiyon ng Senado.

“I will not mention anymore the locations because I don’t want to put some people on the spot. Suffice it to say that I know where additional funds for MPBs went to, or are intended to be appropriated. So let’s leave it at that,” ayon pa kay Lacson.

Mayroon ding 793 line items para sa multi-purpose buildings sa badyet ng DPWH nakakapagtakang pareho-parehong P1 milyon ang inilaan na pondo, “this is despite the assessment that MPBs with a budget of less than P2 million would not be implementable,” ayon pa sa mambabatas.

Sa kabilang dako, tinapyasan ng bicameral panel ang badyet ng DICT matapos na taasan ng dalawang kapulungan.

Ayon kay Lacson, dinagdagan ng Senado ng P3 bilyon ang P902 milyon na appropriations ng DICT matapos dagdagan ng Kamara ng P2 bilyon para sa maayos na implementasyon ng national broadband program (NBP) kaya pumatak na ang kabuuan sa P5.9 bilyon.

Ang dagdag na pondo para sa DICT ay personal na ipinaglaban ni Lacson sa budget deliberations sa Senado sa hangaring makatipid sa gastusin sa internet connections ang pamahalaan sa mga susunod na taon.

Bagama’t ang naturang halaga ay maliit pa rin kumpara sa P18 bilyon na kailangan, tiniyak ni DICT Secretary Gregorio Honasan na uubra na ito para ipatupad ang programa mula sa Metro Manila hanggang Davao.

Pero mistulang tinunaw ng bicameral panel ang naturang proyekto at umabot lamang sa P956 milyon ang inaprubahan.

“Out of the requirement of P18 billion, you are effectively giving it just that amount. What can we do with that amount? Nothing,” dismayadong komento ni Lacson.

“Under the House version, the DICT appropriations went up by P2 billion, so it had P2.9 billion for the NBP. Under the Senate version we further increased it by P3 billion so it became P5.9 billion. Sec. Honasan said it can cover Metro Manila to Davao. But now it seems the NBP can reach only Caloocan or Valenzuela City. Kawawa naman,” banggit pa ng senador.

*****