Sagradong obligasyon at tungkulin ang pagtakbo bilang Pangulo gaya lamang ng pagpili ng mga botante ng kanilang iboboto, kaya dapat na seryoso muna itong pinag-iisipan at pinaglalaanan ng panahon bago maglabas ng desisyon.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, kasama sa mga unang dapat na ginagawa ng nagbabalak na sumabak sa pampanguluhang halalan ay ang pagkonsulta sa mga dalubhasa para sa responsibilidad na papasukin na kailangang sabayan din ng pagmulat sa mga botante na maging higit na responsable sa pagpili ng iboboto.
“To me, the decision to go for it is as sacred as going to the poll booth to vote. Since the vote is sacred, there is a bigger responsibility on the part of potential leaders to decide – and prepare – to be a leader of this country,” paliwanag ni Lacson.
Ipinaalala ng mambabatas na ang mga lider ang tinitingnan ng mga tao bilang ehemplo.
Related: Lacson: Going for Presidency a Sacred Duty
“Our people’s lives depend on it. Tiktok, photo-ops and lip service cannot solve our country’s enormous problems,” ayon pa kay Lacson.
Correct. Exactly the reason why embarking on a voyage should measure up to the captain’s capacity to steer that boat responsibly and efficiently. Lives depend on it.
Tiktok, photo-ops and lip service cannot solve our country’s enormous problems.— PING LACSON (@iampinglacson) June 8, 2021
Isiniwalat din ng senador na ang mga naturang mabigat na obligasyon ang pangunahing dahilan ng pakikipagkonsulta nila ni Senate President Vicente Sotto III sa mga eksperto sa iba’t ibang larangan sa hangaring ang mga ito ay mahanapan ng solusyon.
Ang mga konsultasyon na ito ay magiging gabay ng dalawa upang pagpasyahan kung sasabak sila sa Presidential at Vice Presidential elections sa susunod na taon.
Ayon kay Lacson, sa ngayon ay nahaharap ang bansa sa kabilaang malahiganteng mga problema gaya ng pandemya sa COVID na naging dahilan upang tapyasan ng World Bank ang economic growth forecast mula sa 5.5 porsiyento patungo sa 4.7 porsiyento sa kasalukuyang taon.
“We should not be overconfident that we think we can solve all the country’s problems by ourselves. That’s misplaced hubris. In our case, Senate President Sotto and I are studying possible solutions to problems, and if we are capable of resolving the issues facing the country,” diin ng mambabatas.
Umaapela din si Lacson sa mga botante na maging mas matalino at bukas ang isipan at talikuran na ang pera at kababawan gaya ng pambobola, pagkanta, pagsayaw at pagkanta sa entablado o kung anu ano pa, sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa.
Kung magiging bukas at mas matalino na ang mga botante, naniniwala ang mambabatas na mabubuwag din ang mga troll farm.
“There should be a change in mindset. There should be maturity among the electorate, because choosing the right or wrong leaders will affect not only our generation but future generations after us,” paalala ni Lacson.
*****
One thought on “Ping: Sagradong Tungkulin ang Pagpi-Presidente, Kaya Pinag-Iisipang Mabuti”
Comments are closed.