Isa sa una at mahalagang hakbang para maibalik ang tiwala sa pamahalaan at maging ng publiko sa kanilang kapwa ay ang sama-samang pagkilos para ipagbawal at matigil na ang pag-abuso sa sirena o “wang-wang.”
Ayon kay Senador at dating Philippine National Police (PNP) Chief Panfilo Lacson, hindi lamang ang kapulisan ang may responsibilidad para hulihin ang mga umaabuso sa “wang-wang” dahil may tungkulin din ang pribadong sektor na kadalasang naabala at nahahawi sa mga lansangan.
“No one wants to be stuck in traffic while heading for school or work, much less see the so-called privileged few zip past them in cars with wang-wangs blaring. In some cases, the passengers of the vehicles with wang-wang are not even the government officials authorized to use such items. But we can do something about it instead of feeling helpless,” paliwanag ni Lacson.
Read in ENGLISH: Lacson: Collective Action vs ‘Wang-wang’ Needed to Restore Trust
Ang wang-wang ay instrumento na may malakas at nagmamadali at di-pangkaraniwang tunog na dapat ikinakabit lamang sa mga awtorisadong sasakyan ng pamahalaan upang maging mabilis ang pagresponde sa kagipitan.
Pinayuhan ni Lacson ang PNP na obserbahan din ang mga ambulansiyang gumagamit ng wang-wang dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay pasyente ang sakay ng mga ito.
“I just hope the PNP can sometimes randomly flag down such ambulances, especially if they cause traffic build-ups,” banggit ni Lacson.
Bukod sa PNP, kinalampag din ni Lacson ang ibang ahensiya gaya ng Department of Trade and Industry (DTI) para suriin ang mga tindahan na ilegal na nagbebenta ng wang-wang, kasama ang Banaue sa Quezon City.
Sa panig naman ng publiko, dapat na maging alerto umano ang mga ito, pati na rin ang mga netizen at kapag may nakitang gumagamit ng wang-wang sa lansangan na kinaroroonan nila ay agad na i-report sa mga awtoridad.
“In this day and age of modern technology, all it takes is a photo or video of the violator for the appropriate authorities to take action. That said, the authorities need not wait for such reports to go viral before acting,” banggit ng mambabatas.
Sa ilalim ng Presidential Decree 96 noong 1973, mahigpit na ipinagbabawal sa mga may-ari ng mga pribadong sasakyan na magkabit at gumamit ng wang-wang at iba pang mga instrumentong lumilikha ng di-pangkaraniwang ingay sa kalye.
Kasama rin sa ipinagbabawal ng PD 96 ang paggamit ng blinker at kahalintulad na flashing device na kadalasang makikita rin sa mga sasakyang nagwawang-wang.
Ang mga nabanggit na instrumento ay pinapayagan sa panggamit opisyal lamang na mga sasakyan ng Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation, Land Transportation Commission, Police Departments, Fire Departments, at hospital ambulances.
Ang pagbabawal sa wang-wang ay kabilang sa mga unang binigyang diin ng namayapang dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang inaugural speech noong 2010, na sinegundahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang talumpati noong 2018.
Ayon kay Lacson, sa kanyang panunungkulan bilang PNP Chief ay nag-atas siya ng malinaw na kautusan sa mga tauhan upang matiyak na nasusunod ng tama ang batas.
*****
One thought on “Ping: Tiwala Maibabalik Kung ‘Wang-wang’ Sama-Sama Nating Lipulin”
Comments are closed.