Sen. Lacson’s Speech at Rally in Tagum, Davao del Norte

Una sa lahat, nais ko munang batiin ang youth leaders ng Tagum City. Alam niyo, gusto ko ring magbigay pugay sa ating butihing mayor, Mayor Allan Rellon. Dahil alam niyo, a true leader inspires; a true leader motivates.

At yan ang nakita ko kanina. Nagmamasid ako how inspired and how motivated the youth leaders of Tagum City are. Yun ang nakita ko kanina. So sabi ko nga si Mayor Rellon, pambihira ang ginagawa niya. How could he, you know, do such a wonderful thing? Tinatanong ko nga kay Speaker Bebot kanina, yan bang mga youth leaders sa Tagum City, yan yung na-organize ni Mayor Rellon? Totoo. So sa inyo, saludo po kami ni Senate President Tito Sotto at ang aming mga kasamahan.

Bago ako magsimula sa aking mensahe, gusto ko lang kayong kwentuhan sa nangyari sa amin kanina sa eroplano, ano. Maaga kasi yung bangon namin kasi 7 a.m. yung flight. Alam niyo itong dalawa, si Dra. Minguita Padilla at saka si Monsour del Rosario, pareho itong mga galing sa mayamang angkan. Ewan ko ba kung pinariringgan ako dahil alam niyo, galing ako – anak mahirap ako, dahil sabi ko nga, yung tatay ko nagmamaneho ng jeepney, yung nanay ko tindera sa palengke. Nagpapaligsahan sila doon sa loob ng eroplano kung gaano katipid yung kanilang mga ninuno, yung kanilang mga lolo.

Sinimulan ni Dra. Padilla – ako inaantok ako pero hindi ako makatulog kasi kwentuhan sila nang kwentuhan. Sabi ni Dra. Padilla, yung lolo ko kaya kami yumaman… Alam niyo hindi natanong, ano, 34 years na nag-pra-practice pero hindi niya kailangang mag-practice ng medicine dahil mayaman; ang daming buildings nito sa Manila, maniwala kayo. Pero nagsikap pa rin, nag-aral sa UP, nagtapos ng medicine. At ngayon, nagseserbisyo, minsan hindi naniningil. Pagka yung mga pasyenteng walang kakayahan para magbayad, hindi niya sinisingil.

Tuloy ko yung kwento ko, ano. Sabi ni Dra. Padilla, yung lolo ko natatandaan ko tuwing lalabas ng bahay, maski nasa loob pa sila ng bahay, pinapatay lahat yung ilaw [para] makatipid sa kuryente. Kaya noong daw naospital, sila nasa bahay magkakapatid, namatay yung ilaw. Alam nila, “naku, namatay na si lolo kasi pinatay yung ilaw.” Yun ang senyales. Sumagot naman itong Monsour, hindi nagpatalo. Wala, yung lolo ko, alam mo, naninigarilyo yon, pagkatapos niyang manigarilyo at hindi natapos, puputulin yung sigarilyo, ilalagay sa bulsa, sisigarilyuhin ulit. Paligsahan silang dalawa e. Sabi naman ni Dra. Minguita, wala yan, yung lolo ko marami kaming magkakapatid, minsan lamang mag-flush ng inidoro sa maghapon, sayang daw ang tubig. Kaya niyo ba yon? Mabaho, di ba? Pero yung lolo ni Dra. Minguita kaya napakaraming building ganoon katipid. Minsan lamang mag-flush. Isipin niyo minsan lang mag-flush ng inidoro sa buong maghapon. Pila-pila sila sa banyo, sa kubeta nila, pero minsan lang flu-flush, sa bandang gabi na. Sobrang tipid, sobrang tipid. Pero yun ang mark din ng, yung mga ninuno natin, minsan ganoon e.

Now, balik ako sa ating mga youth leaders. Every now and then, naririnig natin, di ba, mga politiko, mga leaders, yung mga elders medyo nakakatanda sa atin, lagi na lang inuulit yung salita ni Dr. Jose Rizal, hindi ba? Ang kabataan ang siyang pag-asa ng bayan. Totoo. Pero ano na ba ang nagawa ng mga leader natin para suklian o para i-motivate o para kilalanin na yung ating mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan?

Now, rewind ako, ano. Alam niyo yung Universal Access to Quality Tertiary Education Act? Republic Act 10931. Ipinasa po namin ito nina Senate President Sotto, panahon niya, August 3, 2017. Alam niyo ba pinagsimulan noon? Kasi malaking pondo ang kailangan. Noong budget deliberation namin noong 2016 – tandang-tanda ko ito. Kasi merong walong kongresista, walang ginawa kundi mag-lobby sa aking opisina. Inaabot kami ng alas-onse ng gabi, minsan alas-dose, pinakikiusap huwag kong tanggalin yung P8.3 billion. P8.3 billion – walong congressmen. Ang problema, yung mga congressmen na yon, nag-re-represent ng ARMM. ARMM pa noon, wala pang BARMM. Sabi ko paanong maiimplementa ng Department of Public Works and Highways ng national, e may autonomy, yung autonomous region. Kaya nga autonomous, at may sarili silang departamento. Pero pinipilit nila. Maraming kinausap para kausapin ako. Sabi ko, I will stand my ground because hindi ma-i-implement ito.

E alam niyo ba sa national budget – ito i-sha-share ko sa inyo, ano. Mula 2010 hanggang 2020, alam niyo ba ang hindi nagagamit sa ating national budget taon-taon on the average? P328 billion. Anong impact noon? Anong implikasyon? Na-de-deny yung ating mga kababayan sa Mindanao, sa Tagum, sa Davao del Norte, sa buong Pilipinas; na-de-deny para pagkalaooban ng social services, livelihood, infrastructure. Kung nagamit lahat yun, hindi ba dapat maraming nakikinabang?

Anyway, balik ho ako sa istorya ko. Tinindigan ko, sabi ko hindi baleng mapaharap ako sa eleksyon, matalo ako sa ARMM, pagkaisahan ako ng walong mga representatives ng ARMM, hindi ko yun iniisip. Ang iniisip ko yung tama. Hindi magagamit o kaya mali yung pagagamit. Alam niyo ba yung nawawala naman sa corruption sa national budget? Ito hindi sa akin galing ito, ang nag-estimate nito Deputy Ombudsman noong araw. P700 billion kada taon. Isipin niyo ang laki noon. P300 bilyon mahigit ang hindi nagagamit pagkatapos yung misused and abused, P700 billion. Ilang mag-aaral ang pwedeng pag-aralin noon? Ilang may sakit ang pwedeng pagalingin noon? Ilang mga farmers ang pwedeng pagkalooban ng binhi, ng pataba, ng patubig? Ilang mga kababayan natin ang pupwedeng mabigyan ng livelihood? Napakarami.

P300 [billion] plus P700 [billion] – P1 trillion, yun ang average taon-taon. Kaya kami pagdating ng budget deliberation talagang scrutiny. Sobrang scrutiny ang ginagawa namin nang sa ganoon makatipid ang gobyerno, makatipid para sa ating mga mamamayan.

So yun ang importansya na yung budget tinitingnan natin. Kaya nga kami nakaisip ng budget reform, yung Budget Reform Advocacy for Village Empowerment para mabalik sa inyo lahat sa pamamagitan or through your local government units maibalik yung dapat nagagamit at yung maling paggamit sa ating national budget. Ito’y matagal naming pinag-aralan.

Kasi sa ngayon, ang budget, budget ceiling. Sasabihin ng yung tinatawag nating DBCC, yung Development Budget Coordinating Committee – Department of Budget and Management, Department of Finance, NEDA, Executive Secretary, sila po yung nag-co-compose. E natuklasan namin taon-taon… Alam niyo ba kung ilan lang bahagdan o ilang percent ng national budget ang nanggagaling sa mga probinsya, sa mga barangay, sa mga munisipyo, ‘yung ni-re-recommend galing sa ibaba? 20 percent. Ang 80 percent lahat nasa taas kaya nagkakaroon ng disconnect.

Sino ba ang mas nakakaalam ng needs at saka priorities ng isang locality like Tagum City, for example, or Panabo City or maski anong munisipyo dito sa Davao del Norte? Di ba yung mga local officials at saka yung mga mamamayan. Walang consultation. Kaya ang nangyayari yung disconnect, walang connection. Hindi nakokonsulta, basta na lang lalabas ‘yung national budget, yung tinatawag na National Expenditure Program, hindi kasali yung mga local government units. So, kayo yung napapagkaitan.

Kayo ang pag-asa ng bayan – kabataan – pero baka dumating ang panahon wala na matira sa Pilipinas, napakahirap sa situation namin sa aming, yung aming henerasyon, ano, pagdating ng araw sabihin namin “Patawad. Patawad sa mga kabataan, patawad sa susunod na henerasyon dahil pinabayaan namin na nagkaganito ang ating bansa.”

Kaya kami ang pangunahin namin, di ba, ayusin ang gobyerno para maging maayos ang buhay ng bawat Pilipino. Anong aayusin? Bakit aayusin ang gobyerno? 2021 – last year lang ito – yung Corruption Perception Index, kinabibilangan ito ng 180 na mga bansa sa buong mundo. Alam niyo kung pang-ilan ang Pilipinas? Corruption ito ha, perception. Importante perception kasi baka mamaya yung mga mag-i-invest hindi mag-i-invest kasi ang perception masama. 117 – pang-117 tayo sa out of 180 countries all over the world. Sa ASEAN, panghuli po tayo. Lima ang pinag-aralan – Malaysia, Thailand, Indonesia, Vietnam. Ang Pilipinas, panglima pag pinag-usapan naman ‘yung tinatawag na Foreign Direct Investment; meaning, mga FDIs, yung mga foreigners na gustong mag-invest, huling pinipili ang Pilipinas.

Now, anong implication nito sa mga kabataan? Anong implication nito sa ating mga manggagawa? Walang job opportunities kasi walang nag-i-invest. Yun ang dahilan kung bakit yung ating mga ibang kamag-anak nandoon sa abroad. Walang choice. Pinagtitiisan, merong social cost, hindi nakikita yung pamilya ng isang taon, dalawang taon, tatlong taon. Nagtyatyaga na magtrabaho sa ibang bansa kasi walang job opportunities dito. Hindi by choice but by necessity. Kasi nga sa aming pag-aaral lahat ng problema natin maikokonekta mo sa korapsyon.

Maikokonekta mo sa maling palakad sa gobyerno. Ito’y pinag-aralan na namin. Kaming dalawa ni Senate President Sotto, ang tagal namin sa serbisyo publiko, lahat hinihimay-himay natin. Bakit ba tayo nagkaganito? Ang masisisi natin hindi yung mga mamamayan, hindi yung business sector, hindi yung pribadong sektor. Ang sisihin natin yung gobyerno.

Sa aming tingin, alam niyo, the number one problem of this country is government. And the solution, simple lang, government. Kasi lahat nagsisimula, lahat nagtatapos sa gobyerno. At pag hindi natin inayos ang gobyerno, hindi maaayos ang buhay ng bawat Pilipino. Yun ang aming unang sigaw, yun ang aming laging isinisigaw. Paano natin maaayos ang gobyerno? Simple rin lang, pinag-aralan namin ito sa Philippine Military Academy at saka yung mga ibang leadership in-service training namin – leadership by example. It is second to none. Walang substitute. Kasi pag leader, hindi ka pwedeng mag-preach, sasabihin mo huwag nyong gawin ito pero nakikita ng mga mamamayan ginagawa naman niya. Sinong susunod? Leadership by example. Hindi po masyado sekreto ito. Alam ito ng ating mga leader. Wala pong makakapagpalit sa leadership by example.

Noong ako po’y hepe ng Philippine National Police, bakit po ako nagtagumpay na nawala yung kotong sa kalsada? Hindi lamang sa Luzon, hindi lamang sa Visayas. I’m sure dito sa Mindanao kung tatanungin niyo yung mga magulang na umabot noong panahon nang ako’y chief PNP – 1999 hanggang 2001. Nawala ang mga checkpoint, nawala ang kotong, nagmura pati ‘yung mga gulay, nagmura yung mga kargamento. Kasi alam niyo bang inaabot na kotong ng mga byahero, ng mga jeepney drivers? Naghahanda na sila minsan isang libo isang araw ‘pag babyahe ‘yung isang pambiyahe ng mga gulay, mga prutas, mga goods.

Katunayan noong nandoon kami sa Pampanga, yung una kaming namasyal, nagkonsulta kami sa pribadong sektor, mga business sector ito sa Pampanga, sa Central Luzon. Merong isa doon – ito alam ni Senate President – siya yung huling nagsalita, sabi niya, “Senator, may utang po ako sa inyo ng P5 million.” Hindi ko siya kilala pero malaking negosyante. Ang kanyang negosyo construction. Marami raw syang truck noon na bumabyahe. Kasi tinanong ko, “Nagkita na ba tayo? Paano ka nagkautang sa akin?” Alam niyo ang sabi niya? “Kasi yung mga truck ko noong panahon niyong chief PNP, kinuwenta ko lahat yung natipid ko. Dahil nawala ang kotong, P5 million.” “I’m sure,” sabi niya, “marami akong katulad na mga negosyante na ganoon din, nakatipid.”

Leadership by example. Hindi natin kayang ayusin ang gobyerno kung ang leader hindi maayos sa kanyang sarili. Makikita’t makikita. Bakit? Pag gumawa ka ng kalokohan, hindi ka lang naman mag-isa e. Halimbawa, tumanggap ka ng suhol, di ba dalawa agad nakakaalam? Yung nagbigay at saka yung binigyan. So hindi pwedeng sabihin walang makakaalam, sikreto lang ito. Huwag kayong maniwala. Hindi pwedeng bibigyan mo sarili mo, wala talagang makakaalam. E tiyak na merong magbibigay at merong bibigyan.

Again, leadership by example. Napakaimportante po yun. Yung youth leaders natin balang araw, kayo siguro naman ang mauupo diyan sa Tagum City Hall, ano, at sa mga ibang munisipyo. Pwedeng kayo diyan, maybe 10, 12, 15, 20 years from now. And I hope you will remember that on this day, nandito po ako sa entablado at sinabi ko sa inyo napakaimportante ng leadership by example. So again, aayusin ang gobyerno para maging maayos ang buhay ng bawat Pilipino.

Maraming, maraming salamat po at good luck po sa ating lahat!

*****