Ping: 2025 Candidacy, Alice Guo/POGO, PhilHealth Funds

In an interview on DWPM (Radyo 630), Ping Lacson answers questions on:
* Alice Guo and POGOs
* PhilHealth funds
* 2025 senatorial candidacy

QUOTES and NOTES:

* 2025 SENATORIAL CANDIDACY:

Independent/Guest Candidate:

Talagang nasabi ko (noon na) ako’y magpapahinga na at tapos na, gardening na lang, at mag-relax sa buhay. Pero sa nangyaring kaganapan, napakaraming pwedeng gawin pa pala lalo na ang pambansang budget. Alam mo naman ang advocacy ko, pagbalangkas at pagbusisi ng ating pambansang budget. At ang naisip ko lang, mahirap tumulong o mag-ayos ng problema sa labas. Kung nasa loob ka mas malaki ang magagawa mo kesa kung nasa labas ka at nagmamatyag lang. Samantalang kung meron kang direct na pakikipagugnayan sa kasamahan, at direktahan ang iyong ginagawa, mas malaki ang iyong magagawa.”

“Gusto ko linawin kasi may nagtanong sa akin sa tweet ano ba partido ko. Sinagot ko, independent ako. Kasi pag file ko ng COC, i-indicate ko doon ang aking political party e wala akong political party kaya independent candidate ako, pero ako ay in-adopt o ginawang guest candidate ng NPC dahil si FSP Tito Sotto, siya ang chairman or Sec-gen ng NPC. At pinagusapan, bibigyan kita ng 1 slot sa akin kung sakaling magbago isip mo.”

“Maski noong 2016 nang ako in-adopt ng LP, kasi matatapos na term ni Pnoy at si Mar Roxas ang presidential candidate noon. Naimbitahan ako maging guest candidate, pero aside from party noon, in-adopt din ako ng party ni VP Binay. At initially though di tinuloy, ia-adopt din kami ni FPRRD. So nangyayari naman talaga yan na gine-guest candidate ka.

“So gusto ko linawin: Magfa-file ako bilang independent candidate, pero ang Certificate of Nomination and Acceptance, ang mag-i-issue, NPC dahil kay FSP Sotto.”

***

* ALICE GUO and POGOs:

Possibility of Guo being a Spy:

“Yan ang observation ko noong una pa, nang nagkaroon ng pagdinig sa Senado na ang kanyang pagsagot at pagkomentaryo, talagang sa tingin ko, di ko naman conclude, ayokong maniwala kayo sa aking spy yan, pero yan ang aking observation. Parang inu-urge ko intel community na laliman pa lalo ang RCBI, ang Record Check and Background Investigation. Laliman pa lalo baka naman talagang may kinalaman sa espionage si Alice Guo.”

Kahapon sa pagdinig ng HOR may lumabas na maski papano, di naman ebidensya pero maski papano may basehan ang aking observation na pwede siya maging spy, kasi may nilabas noon I think Rep (Cheeno Almario) ng isang panayam ng Al-Jazeera, sa isang nakakulong sa Thailand, na sinasabing ang nagpondo ng kandidatura ni Guo Hua’Ping or Alice Guo, ang China. Whether totoo o hindi, at least nakita natin doon na pwede nga ang possibility na pinadala yan ng foreign government para naging spy.”

“Nakapagsimula na siya maging mayor. Ito ang pinaka-concern ko. Mayor siya at hindi malayo kasi maski magtanong ka sa Bamban, Tarlac, maganda ang kanyang palakad doon. Di niya kailangan ng pera kasi bilyon-bilyon ang kinikita ng POGO operations at kung anumang negosyo doon. So talagang napupunta sa kababayan niya, nagpupundar siya. What if sa susunod na election di na siya tumakbong mayor kundi tumakbo sa Congress? Madali sa kanya yan maging kongresista. Pag congresswoman siya, may access na siya sa mataas na level ng security classification kasi tataas ang kanyang security clearance. So delikado yan kung talagang espiya siya, medyo compromised na lahat yung ating national security.”

PNP Dragged into POGO Issue:

“Ang PNP kasi, napakalawak na organization, mahigit 200K na ngayon member ng PNP. Panahon ko nasa 110 or 112K. So mahirap talagang i-manage maski anong organization may lalabas at may lalabas na rogue members. Ang POGO talagang madaling ma-lure kasi ang daming pera. Dumating na tayo sa punto, noong nakaraang taon na makakasalubong ka ng SUV, may mga escorts na hindi lang hagad, di lang escort na backup kundi may hagad pa. Pag tiningnan mo kung saan pupunta, di naman ito government official kundi mga Chinese ang sakay kasi pagbaba sa pupuntahang hotel or restaurant, ang bababa mga Chinese. So maliwanag mga POGO yan.”

“Ang pulis siyempre, tinaasan ni PRRD ang sweldo, dinoble na. Pero sa mga iba, walang kasiyahan, walang kabusugan. Base sa narinig ko, binibigay na allowance sa bawa’t isang pulis na mag-serve as security detail – illegal ito kasi moonlighting yan, P70K at least. Talagang malaki. Mababa kaunti sa sweldo ng sabihin na nating pinakamababang corporal, pero malaki pa rin. Kaya nahihikayat ang ibang pulis na mag-security sa POGO, mga Chinese operators.”

Ngayon pag nandoon na parang atsoy na ang turing kasi binabayaran. Magkakaroon ng extra money kung may papagawang mas illegal pa. Magki-kidnap, kasi may incident na ang involvesd sa kidnapping ng kapwa Chinese dahil sa casino debt, pinapakita, tino-torture at pinababayaran sa pamilya, sa China o HK. Umabot na sa ganoong punto so sumama ng sumama ang tayo ng PNP. Napakaraming member ng PNP tumutupad sa tungkulin pero di maiiwasang meron talagang mga napapasukan talagang sabihin na nating nakakasira.”

***

* PHILHEALTH FUNDS and 2025 BUDGET:

“Ang unprogrammed funds kasi, may 3 parts ng budget. Ang regular budget na nilalagak para sa implementing agencies, pati Senado, HOR, Judiciary, lahat na, buong govt. Meron tayong Special Purpose Fund, at ang 3rd ang automatic appropriation, ito automatically appropriated sa debt service, IRA. Ang pangalawa, ang standby appropriation sa SPF, nasa ilalm noon, unprogrammed fund. May napansin ako doon kasi under unprogrammed appropriations, unprogrammed funds, 3 lang ang special provisions doon. Naka-qualify doon ang pwedeng galawin doon, 3 provisions nadagdagan ng 2. Ang 2 dinagdag nakasama GOCC, na ang PhilHealth pumapasok doon. Yan ang pang-apat. Ang panglima, foreign assisted projects. Di pwedeng gawin yan kasi ang GAA ay general law yan. Hindi pwedeng i-amend ng general law ang special law. Ang special law, ang PhilHealth Act, UHC Act … may amendment pa yan. So pag special law di pwedeng iamyenda ng general law tulad ng GAA. Naisip ko lang kung nandoon ako at napagusapan yan, ipapatanggal ko ang 2 special provisions na yan kasi hindi talaga dapat.”

***

* POSSIBLE BOC OFFER:

“Dalawang pangulo na at 2 beses nang nai-offer sa akin yan. Ayoko talaga, tinanggihan ko. Ang isa direktamente, pangulo nagsabi sa akin doon ka sa BOC. Ang 2nd offer ni-relay sa kapwa kong senador. Sagot ko na lang, naku, kasi di masabi ng pangulo dahil bureau level ang BOC at nahihiya lang sa iyo, baka sabihing demotion. Kasi senador pa ako noon matatapos na term ko in 2013 at the time. Si Pnoy ang nag-offer through a fellow senator na dating nakasama niya rin. Ang sagot ko pakisabi maraming salamat, pero dalawa lang pwedeng mangyari sa akin diyan, mapatay ako ng Customs o makapatay ako ng Customs.”

Una, sabi ko, wala akong technical know-how or capability kasi taxation yan, hindi naman tayo expert sa field. Ang unang nag-offer sa akin si Pangulong Estrada. Sabi ko Sir, hindi ako makakatulong sa inyo diyan, kasi orientation ko PNP – CPNP ako, law enforcement ako. So maraming salamat Sir pero ayoko, sabi ko.”

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading