In an interview on DZRH, Ping Lacson answers questions on:
* Independent candidacy
* Independence in the Senate
* Cleaning the PNP: Leadership by example
* Calls to abolish PNPA
QUOTES and NOTES:
* INDEPENDENT SENATORIAL BID:
“Maski may partido, kasi dumaan ako sa nagkaroon ako ng partido, nanatili akong independent nang ako ay nasa Senado na. So it doesn’t matter as far as I’m concerned maski independent o member ka ng party, ang kasabihan nga pag nasa Senado ka, ang Senado is composed of 24 republics. Hindi pwedeng madiktahan at talagang nananatiling independent ang pagiisip sa mga debate at sa mga issues, at tindig sa mga position sa iba’t ibang issue. So walang kinaiba sa ibang senador na tatayo na mag-isa kung meron silang gustong tayuan.”
* AGENDA to PURSUE in the SENATE:
“Ang talagang naging advocacy ko pagbusisi sa national budget. Kasi ang tingin ko ang national budget ito ang lifeline ng ating economy. Subukan mo pamilyang walang budget, napakahirap mag-subsist.”
“Nang kinwenta ng aking mga staff kung magkano natipid ng gobyerno o ng mamamayang Pilipino sa kabubusisi namin ng budget. Nagulat ako, for 18 years umabot pala ng P300 Billion ang na-save, ang di nasayang dahil na-check o napigil ang realignment na di dapat, napigil ang amendment na di dapat.”
* CLEANING THE PNP:
Leadership by Example:
“Noong nasaksihan ko ang pagdinig lalo sa HOR lumabas ang kapwa kong PMAer ang napaslang noong 2020, si Gen Barayuga. Ang unang pumasok sa isip ko kasi mga pulis nasasangkot, agad-agad ang leadership by example. Yan ang No. 1 leadership principle na napagaralan namin sa PMA at service schooling kung saan may leadership principles na tinatak sa aming isipan.”
“Kaya nang ako naging CPNP yan naging aking panuntunan. Doon nagsimula ang aking credo, nagsimula sa turnover, assumption speech ko yan ang unang una ko agad sinabi ang tama ay ipaglaban, ang mali labanan.”
“Nang sinabi ko alam ko alam kong may pulis na hanggang ngayon gumagamit ng recovered carnaped vehicles. Sa halip isauli sa may-ari, sa kanilang bahay, ginagamit nang personal. Sabi ko binibigyan ko sila 2 weeks, either incognito or officially i-turnover ang mga sasakyang yan kasi di kanila yan. At natatandaan ko in 2 weeks napuno ang aming grandstand sa dami ng sasakyan. Namumulot kami ng sasakyan noon sa ilalim ng flyover sa Crame, iniwanan nila doon. At natutuwa ang may-ari. Ang iba 10 taon na-carnap at di nila makilala ang kotse pinaganda ng pulis, naka-mags na. Parang sinwerte sila.”
Calls to abolish PNPA
“Masyadong drastic. Kung may isang institution na daan-daan ang kadete at may nasangkot na 1, 2, o sabihin nating 10, napaka-uniair sa karamihan ng mga pulis na tumatalimna sa kanilang tungkulin para pati sila madamay. At kung wala tayong PNPA o PMA, saan manggagaling ang recruitment o commission ng mga pulis? Pag commission, ang pagbibigay ng rango, hindi ang commission na masama ang connotation. Kung wala tayong ganoon medyo mahirap. Lalo sigurong parang sabog-sabog ang recruitment system natin.”
*****

