Ping Lacson’s Speech at Alyansa Rally in Bulacan

Magandang hapon sa ating lahat! Ako po ang inyong abang lingkod mula sa Timog Katagalugan lalawigan ng Cavite. Napakaraming pagkakapareho ng lalawigan ng Bulacan at lalawigan ng Cavite. Una, tayo po ay kasama na sinisimbolo ng 8 sinag sa watawat ng Pilipinas na kumakatawan sa 8 lalawigan sa buong Pilipinas na naunang nag-alsa sa mananakop na Kastila.

Noong Hunyo 12, 1898, noong kaunaunahang tinaas ang watawat ng PH sa Kawit, Cavite, sinundan ito ng Malolos Congress, o ang rebolusyonaryong Kongreso sa Malolos, Bulacan noong Setyembre 15, 1898. Kung meron kayo dito sa dakilang lalawigan ng Bulacan ng Francisco Baltazar at Gregorio del Pilar, meron kami sa Cavite na Gen. Emilio Aguinaldo, Gen. Mariano Alvarez, at Gen. Mariano Trias. At sa buong PH, kilala ang Cavite at Bulacan sa naggagandahang dalaga at makisig at maginoong kalalakihan. Totoo po ba yan? Siyempre, magkakasundo tayo diyan kasi ang Bulacan kilala sa mayuyumi at naggagandahang mga kababaihan.

Kami po na nakapaglingkod na at kasalukuyang naglilingkod, nandito sila, kami ay humuhugot ng inspirasyon at motivation sa ating mga bayani mula sa Bulacan at mula sa Cavite. At kami po ay ninanais namin lagi, out of our love for our country, ninanais lagi namin ng mga paglingkod nang maayos, matino, mahusay at buong katapatan. At yun po ang aking panawagan na kung sakali at ako po ay inyong pagbibigyan muli, pahintulutan muli ng mga paglingkod sa Senado, ang maipapangako po lang sa inyo, hindi ko po sasayangin ang inyong boto dahil ako po ay manunungkulan nang buong katapatan, buong husay at may integridad.

Pagpalain nawa tayo ng Diyos Mabuhay po ang Bulacan, mabuhay ang Pilipinas Mabuhay po tayong lahat!

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading