
SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan – Should he earn a seat in the Senate in May, former Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson will draw inspiration anew from our national heroes from Bulacan and from Cavite.
In his speech at the rally of the Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial slate here, Lacson said both Bulacan and his native Cavite have their share of heroes in our rich history.
“We who have served and are serving here, we get inspiration and motivation from our heroes in Bulacan and Cavite. And out of our love for our country, we wish to serve well to the best of our ability,” he said in Filipino.
Related: Ping Lacson, Humuhugot ng Inspirasyon sa Bayani Mula Cavite, Bulacan
Lacson said Bulacan and Cavite both played a major role in Philippine independence – such that they are both symbolized in the eight rays of the sun in the Philippine flag.
He also noted that after the Philippine flag was first raised in Kawit, Cavite on June 12, 1898, the Malolos Congress was held on September 15 the same year.
Also, he said that while Bulacan boasts of Marcelo H. del Pilar, Francisco Baltazar and Gregorio del Pilar, Cavite boasts of Gen. Emilio Aguinaldo, Gen. Mariano Alvarez, and Gen. Mariano Trias.
“If I am given a chance to serve in the Senate, what I can promise is that I will not waste your vote because I will serve with my full honesty, ability, and integrity,” Lacson stressed.
*****
Ping Lacson, Humuhugot ng Inspirasyon sa Bayani Mula Cavite, Bulacan
SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan – Kung sakaling makabalik siya sa Senado sa Mayo, huhugot muli ng inspirasyon si dating Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson mula sa mga bayani natin mula Bulacan at Cavite.
Sa kanyang talumpati sa rally ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial slate dito, iginiit ni Lacson na parehong may mga ipinagmamalaking bayani ang Bulacan at ang kanyang Cavite sa kasaysayan ng Pilipinas.
“Kami po na nakapaglingkod na at kasalukuyang naglilingkod, nandito sila, kami ay humuhugot ng inspirasyon at motivation sa ating mga bayani mula sa Bulacan at mula sa Cavite. At kami po ay ninanais namin lagi, out of our love for our country, ninanais lagi namin ng mga paglingkod nang maayos, matino, mahusay at buong katapatan,” aniya.
Dagdag ni Lacson, parehong may malaking papel ang Bulacan at Cavite sa kalayaan ng Pilipinas, kung kaya’t pareho silang kasama na sinisimbolo ng walong sinag sa watawat ng Pilipinas na kumakatawan sa walong lalawigan sa buong Pilipinas na naunang nag-alsa sa mananakop na Kastila.
Aniya, matapos itaas ang watawat ng Pilipinas sa Kawit, Cavite noong ika-12 ng Hunyo, 1898, ginanap ang Malolos Congress noong ika-15 ng Setyembre ng parehong taon.
Ipinunto din ni Lacson na ang Bulacan ay may mga bayani tulad ni Marcelo H. del Pilar, Francisco Baltazar at Gregorio del Pilar, samantalang ang Cavite ay may Gen. Emilio Aguinaldo, Gen. Mariano Alvarez, at Gen. Mariano Trias.
“Kung sakali at ako po ay inyong pagbibigyan muli, pahintulutan muli ng mga paglingkod sa Senado, ang maipapangako po lang sa inyo, hindi ko po sasayangin ang inyong boto dahil ako po ay manunungkulan ng buong katapatan, buong husay at may integridad,” ani Lacson.
*****

