Ping Lacson: Close Scrutiny of Budget Key to Infrastructure in Provinces

LUCENA, Quezon – A constant and close scrutiny of the national budget is key to addressing infrastructure and traffic challenges in the provinces, independent senatorial candidate Panfilo “Ping” M. Lacson stressed Friday afternoon.

Lacson, who placed second in the 2016 senatorial elections in this province, said this will help ensure that infrastructure projects, both big-ticket and locally-funded, will not be prone to substandard materials due to corruption.

“This is our problem. We do not lack the wherewithal or the budget to improve or build new infrastructure projects, but the challenge is that the funds are lost to corruption,” he said in Filipino at the press conference of the Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial slate here.

Related: Ping Lacson: Mahigpit na Pagbantay sa Budget, Susi sa Paggawa ng Infrastructure sa Probinsya

Worse, he said that in some cases, the contractors are forced to use substandard materials due to corruption – thus the projects may not meet safety standards.

In other cases, Lacson noted that because of corruption, even newly paved roads will need constant repair.

“I hope that at Alyansa, we can maintain the majority in the Senate so we can jointly scrutinize not just the proposed items in the budget but also exercise our powers of oversight,” he said.

Lacson recalled that when he was in the Senate, he questioned the P22-billion budget sought by the Department of Public Works and Highways (DPWH) for road right-of-way (RROW), when it still had P11 billion in unused funds for the purpose.

He recalled as well many families who complained they had not been paid their RROW compensation – until Lacson brought up the matter during a budget hearing.

Lacson also said corruption has been known to hound farm-to-market roads, with some lawmakers “repeatedly” describing them as farm-to-pocket roads.

“We must scrutinize these thoroughly when deliberating the national budget,” he said.

In his speech at the Alyansa rally, Lacson thanked Quezon province residents after placing second in the senatorial race in the province in 2016.

“Should I be given a chance to serve again, I will continue to be the watchdog of the budget to make sure it reaches remote local government units like Quezon,” he said.

*****

Ping Lacson: Mahigpit na Pagbantay sa Budget, Susi sa Paggawa ng Infrastructure sa Probinsya

LUCENA, Quezon – Susi sa pagtugon sa hamon sa infrastructure at traffic sa mga probinsya ang pagbantay sa pambansang budget, ayon kay independent senatorial candidate Panfilo “Ping” M. Lacson Biyernes ng hapon.

Ani Lacson, na pumangalawa sa senatorial race sa Quezon noong 2016, ang ganitong pagbabantay ang titiyak na ang big-ticket at locally-funded na infrastructure projects ay hindi gagamit ng substandard materials nang dahil sa korapsyon.

“Ito ang problema natin, not because we lack the wherewithal not because we lack the budget para maka-improve or makagawa ng bagong infrastructure projects, pero nawala sa corruption,” aniya sa pulong pangbalitaan ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial slate dito.

Ani Lacson, kung may bahid ng korapsyon ang proyekto, napipilitan ang contractors na gamitin ang substandard na gamit, kung kaya’t maaaring hindi papasa sa safety standards ang mga proyekto.

Dahil din sa katiwalian, pati ang bagong gawa na daan ay mangangailangan ng paulit-ulit na pagkumpuni, dagdag niya.

“I hope that at Alyansa, we can maintain the majority sa Senate para pagtulung-tulungan namin, scrutinize talaga not only during budget deliberation not only proposed items sa budget, kundi oversight,” aniya.

Naalala ni Lacson na nang nasa Senado pa siya, kinuwestyon niya ang P22-bilyon na hingi ng Department of Public Works ang Highways (DPWH) para sa road right-of-way (RROW), samantalang may P11 bilyon pa ito sa hindi nagagamit na pondo para dito.

Naalala din niya ang na maraming pamilya ang nagreklamo na hindi pa sila binabayaran para sa RROW compensation nila. Nabayaran lang sila matapos ito ibulgar ni Lacson sa budget hearing.

Dagdag pa ni Lacson, dahil sa korapsyon, ang farm-to-market roads ay nagiging farm-to-pocket roads.

“Kailangan talagang tingnan namin mabuti pag nagpapasa tayo ng national budget,” giit niya.

Sa kanyang talumpati sa rally ng Alyansa, pinasalamatan ni Lacson ang taga-Quezon kung saan pumangalawa siya sa senatorial race noong 2016.

“At kung sakali ako ay mabigyan uli ng pagkakataong maglingkod, ipagpapatuloy ko ang ating ginagawang gawain na maging tagabantay ng kaban ng bayan para masiguradong ang national budget ay makakarating sa mga malalayong kanayunan tulad ng malalayong lokal na pamahalaan tulad ng Quezon,” aniya.

*****

Full Speech of Ping Lacson at the Alyansa Rally in Lucena, Quezon

Magandang, magandang hapon sa ating lahat! Una sa lahat, nais kong magbigay pugay at magpasalamat sa ating mga kababayan, sampu ng lokal na pamunuan sa lalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gov. Helen Tan. At sa pagkakataon na binigay ninyo sa amin upang humarap sa inyong pagsusuri at pagkilatis, para maging karapat-dapat na maging senador ng Republika ng Pilipinas.

Dalawa sa aming kasamahan, si Atty. Francis Tolentino at Atty. Benhur Abalos, ang masasabi kong nag-uumapaw sa kanilang kwalipikasyon at katangian para mahalal bilang senador ng ating bansa. Kami man po sa inyong harapan ngayon, may kanya-kanya din kaming katangian. At ako po ay humaharap sa inyong pagsusuri at pagkilatis para iharap sa inyo ang aking qualification, ang aking karanasan at kakayahan bilang lingkod bayan.

Una, noong ako ay dating sundalo at alagad ng batas sa loob ng 20 taon, makailang ulit kong tinaya ang aking buhay para ipagtanggol ang inyong kaligtasan. Nang ako ay mahirang bilang Chief PNP, ako po ang nagpahinto ng mga nangongotong sa kalsada na bumibiktima sa mga motorista at mga biyahero na lumuluwas sa Manila upang maghanapbuhay.

Nang ako ay naging mambabatas, ako ang nagpasa ng Free Irrigation Act para sa mga magsasaka sa lalawigan ng Quezon at sa buong bansa. Ako rin po ang nagpasa ng Student Fare Discount Act para sa mga mag-aaral sa lalawigan ng Quezon at sa buong Pilipinas. Ako rin po ang nag-akda ng Anti-Red Tape Act at Anti-Money Laundering Act, National ID, at mahigit 70 batas na naipasa sa loob ng 18 taon. Yan po ang aking mga kwalipikasyon at karanasan at ako muli humaharap sa inyo.

Nais kong magpasalamat na noong 2016 nang ako huling tumakbo bilang senador, binigyan nyo ako sa lalawigan ng Quezon ng pangalawang pinakamataas na boto sa lalawigan. Maraming maraming salamat po. Hindi ko po makakalimutan. At kung sakali ako ay mabigyan uli ng pagkakataong maglingkod, ipagpapatuloy ko ang ating ginagawang gawain na maging tagabantay ng kaban ng bayan para masiguradong ang national budget ay makakarating sa mga malalayong kanayunan tulad ng malalayong lokal na pamahalaan tulad ng Quezon.

Ako po ay si Sen. Ping Lacson, No. 33 sa inyong balota. Maraming maraming salamat po. Mabuhay ang lalawigan ng Quezon, mabuhay tayong lahat!

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading