
How can anyone check on the members of the majority bloc when they – or some of them – were busy trying to link the minority bloc to a shooting incident inside the Senate building last May 13?
Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson thus responded Thursday to Sen. Pilar Juliana “Pia” Cayetano’s lament that none of her colleagues checked on her and fellow majority bloc members during the incident.
“Quote of the day: ‘Wala man lang nangumusta sa amin!’ Paano mo ba naman kukumustahin ang mga masasayang nagkakainan, nagkakape at naka FB Live pa para pagbintangan ang minority bloc na may alam daw sa putukan ng baril sa Senado?” he said in a post on X.
In Filipino: Lacson, Tumugon sa Lamentasyon ni Sen. Pia Cayetano Laban sa Minority Bloc
Quote of the day: “Wala man lang nangumusta sa amin!”
Paano mo ba naman kukumustahin ang mga masasayang nagkakainan, nagkakape at naka FB live pa para pagbintangan ang minority bloc na may alam daw sa putukan ng baril sa Senado?— PING LACSON (@iampinglacson) May 21, 2026

He was referring to Cayetano’s emotional response to Sen. Risa Hontiveros Wednesday, when Hontiveros urged the Senate leadership to investigate the situation that led to last week’s shooting incident.
At the time, Lacson noted Hontiveros urged the Senate leadership to “act quickly and appropriately” to investigate the chaotic situation in the Senate that led to last week’s shooting incident and not act as if nothing happened.
Cayetano took offense and accused the now-minority bloc for “trivializing the incident.”
Quote of the day: “Wala man lang nangumusta sa amin!”
Paano mo ba naman kukumustahin ang mga masasayang nagkakainan, nagkakape at naka FB live pa para pagbintangan ang minority bloc na may alam daw sa putukan ng baril sa Senado?— PING LACSON (@iampinglacson) May 21, 2026
Last week, Lacson rejected the unfair and malicious insinuations by some majority bloc members – including Cayetano’s brother Senate President Alan Peter Cayetano and Sen. Maria Josefa Remedios “Imee” Marcos – that the minority bloc members left the Senate early on the day of the shooting, because they knew something would happen.
At the time, he said the minority members including himself left early because the session ended early and a planned all-senators’ caucus had been converted into a majority caucus.
“It is an unfair and malicious insinuation that we in the minority bloc went home early and left them behind because we knew something would happen. That is quite far from the truth. There is no basis for that because no one knew what would happen that night,” he said in an interview on True FM last week.
*****
Lacson, Tumugon sa Lamentasyon ni Sen. Pia Cayetano Laban sa Minority Bloc
Paano makukumusta ang mga miyembro ng majority bloc noong nagkaroon ng pagputok ng baril sa loob ng Senado noong Mayo 13, abala umano ang ilan sa pagtatangkang iugnay ang minority bloc sa naturang insidente?
Ito ang tugon ni Sen. Panfilo Lacson nitong Huwebes sa pahayag ni Sen. Pilar Juliana “Pia” Cayetano na wala umanong sinuman sa kanyang mga kasamahan ang kumumusta noong naganap ang insidente.
“Quote of the day: ‘Wala man lang nangumusta sa amin!’ Paano mo ba naman kukumustahin ang mga masasayang nagkakainan, nagkakape at naka FB Live pa para pagbintangan ang minority bloc na may alam daw sa putukan ng baril sa Senado?” aniya sa isang post sa X.
Tinutukoy niya ang naging emosyonal na pahayag ni Cayetano kay Sen. Risa Hontiveros noong Miyerkules, nang himukin ni Hontiveros ang liderato ng Senado na imbestigahan ang sitwasyon na humantong sa insidente ng pamamaril noong nakaraang linggo.
Sa panahong iyon, binigyang-diin ni Lacson na hinimok ni Hontiveros ang liderato ng Senado na umakto na upang imbestigahan ang magulong sitwasyon sa Senado na nauwi sa insidente ng pamamaril at huwag umakto na parang walang nangyari.
Nagdamdam si Cayetano at inakusahan ang ngayon ay minority bloc na tini-trivialize ang insidente.
Noong nakaraang linggo, mariing tinutulan ni Lacson ang hindi patas at malisyosong pahiwatig ng ilang miyembro ng majority bloc — kabilang ang kapatid ni Cayetano na si Senate President Alan Peter Cayetano at si Sen. Maria Josefa Remedios “Imee” Marcos — na ang mga miyembro ng minority bloc ay maagang umalis sa Senado noong araw ng pamamaril dahil umano alam na nila na may mangyayari.
Aniya, maagang umalis ang mga miyembro ng minority, dahil maagang natapos ang sesyon at ang nakatakdang all-senators’ caucus ay naging caucus na lamang ng majority.
“Malayong malayo sa katotohanan ang pahayag na yan at napaka-unfair at masyado siyang malisyoso. Wala silang basehan para sabihing umalis kami ng sadya para iligtas ang sarili namin at sila iwanan sa Senado. Walang nakakaalam na magkakaroon ng gulo,” aniya sa isang panayam sa True FM noong nakaraang linggo.
*****

