Lacson Rejects ‘Ceasefire’ Offer After Exposing Infra Project Anomalies in Disgraced Ex-SP Cayetano’s Taguig

Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson on Thursday declared there would be no “ceasefire” after exposing alleged anomalies involving infrastructure projects in Taguig City, the political bailiwick of disgraced ex-Senate President Alan Peter Cayetano.

Lacson said that the offer of a “ceasefire” by someone who had arbitrarily and indiscriminately opened fire without provocation is “hypocrisy aimed at buying time to recover and reconsolidate for his next sneaky move.”

“CEASEFIRE MY FOOT! Anong uri ng tao ang magde-declare ng giyera, toy gun ang dala, at laway ang bala; pag na-confront ng bomba, magre-request ng ceasefire, pabulong pa?” he said on X.

In Filipino: Lacson, Sinopla ang Alok na ‘Ceasefire’ Matapos Ibuking ang mga Anomalya sa Infra Projects sa Taguig ni Disgrasyadong Ex-SP Cayetano

(Ceasefire my foot! What kind of man declares war, armed with a toy gun and with just his saliva as ammunition, then uses intermediaries to ask for a ceasefire when confronted by real bombs?)


The apparent peace overture came after Lacson bared “damning evidence” of double billing and other irregularities involving slope protection and other projects in Taguig City.

After he and his team turned over the evidence to the Ombudsman, Lacson said he would present the “delicious” details of the anomalies during the Senate Blue Ribbon Committee’s hearing on flood control projects.

Earlier, Lacson said he was going all out to defend his integrity after Cayetano crossed a line by insinuating that the increase in Lacson’s net worth was questionable.

Lacson maintained that his wealth grew through legitimate business during the three years he was out of the Senate. He added that integrity remains his most prized possession, one he inherited from his parents.

*****

Lacson, Sinopla ang Alok na ‘Ceasefire’ Matapos Ibuking ang mga Anomalya sa Infra Projects sa Taguig ni Disgrasyadong Ex-SP Cayetano

Walang ceasefire-ceasefire para kay Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson matapos niyang ilantad ang mga umano’y anomalya sa mga proyektong pang-imprastraktura sa Taguig City, ang political bailiwick ng disgrasyadong dating Senate President Alan Peter Cayetano.

Ani Lacson nitong Huwebes, ang alok na “ceasefire” ng isang taong walang habas na umatake nang walang anumang dahilan ay isa lamang galaw-ipokrito upang muling makapag-ipon ng lakas para makapaghanda para sa susunod niyang pailalim na galaw.

“CEASEFIRE MY FOOT! Anong uri ng tao ang magde-declare ng giyera, toy gun ang dala, at laway ang bala; pag na-confront ng bomba, magre-request ng ceasefire, pabulong pa?” aniya sa X.

Ang tila alok na tigil-alitan ay dumating matapos ilantad ni Lacson ang tinawag niyang “damning evidence” ng double billing at iba pang iregularidad kaugnay ng slope protection at iba pang mga proyekto sa Taguig City.

Matapos niyang maipasa, kasama ang kanyang team, ang mga ebidensiya sa Ombudsman, sinabi ni Lacson na ilalahad niya ang “delicious” na mga detalye ng mga anomalya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa mga flood control project.

Nauna nang sinabi ni Lacson na handa siyang ibuhos ang lahat upang ipagtanggol ang kanyang integridad matapos umanong lumampas sa hangganan si Cayetano nang magparinig ito na kuwestiyonable ang pagtaas ng kanyang net worth.

Iginiit ni Lacson na lumago ang kanyang yaman sa pamamagitan ng lehitimong negosyo sa loob ng tatlong taon na wala siya sa Senado. Idinagdag niyang ang integridad ang kanyang pinakamahalagang pag-aari, na minana niya sa kanyang mga magulang.

*****

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading