
Disgraced ex-Senate President Alan Peter Cayetano wants Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson investigated because he has gone after corrupt public officials by exposing anomalies, including those involving infrastructure and reclamation projects in Cayetano’s bailiwick of Taguig City, Lacson said Wednesday.
Lacson dismissed Cayetano’s insinuation that he conducts investigations because he is allied with those in power, saying his agenda is – and has always been – to expose corruption and to hold public officials accountable.
Referring to a Philippine Star report quoting Cayetano as saying he should be probed for allegedly using his position to target his critics, Lacson said on X:
“‘Cayetano said Lacson should be investigated for using his position to target his critics.’ – Philippine Star… Translation: Lacson should be investigated for targeting corrupt public officials.”
In Filipino: Lacson: Gusto ni Disgrasyadong Ex-SP Cayetano na Imbestigahan Ako Dahil sa Pagbuking sa mga Tiwaling Opisyal
“Cayetano said Lacson should be investigated for using his position to target his critics.” – Philippine Star
Translation: Lacson should be investigated for targeting corrupt public officials.
— PING LACSON (@iampinglacson) August 5, 2026
On Tuesday, Cayetano held yet another Facebook Live broadcast after Lacson exposed illegal reclamation activities in portions of Laguna Lake and said he would coordinate with concerned agencies not only to jail the crooks behind the illegal activities, but also forfeit the already reclaimed Lakeshore areas in favor of the national government.
Cayetano claimed Lacson should be the one investigated, insinuating that Lacson is emboldened to conduct investigations because “kakampi niya lahat (he is allied with current officials).”
Lacson pointed out that he has consistently exposed and fought corruption and other forms of wrongdoing, regardless of who occupied positions of power.
During his stint as a law enforcer, he maintained an uncompromising stand against illegal gambling, rejecting bribes and hush money offers even if it meant clashing with the officials concerned.
In his early years as a senator, the Arroyo administration accused him of various forms of wrongdoing, including maintaining vast sums in US bank accounts. Lacson dared his accusers to examine the supposed accounts and keep whatever money they could find in them. They found nothing, the accusations were proven baseless, and his accusers eventually retracted their claims.
*****
Lacson: Gusto ni Disgrasyadong Ex-SP Cayetano na Imbestigahan Ako Dahil sa Pagbuking sa mga Tiwaling Opisyal
Gusto ni disgrasyadong ex-Senate President Alan Peter Cayetano na imbestigahan si Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson dahil tinutugis niya ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbubuking ng mga anomalya, kabilang ang mga may kinalaman sa mga proyektong imprastraktura at reklamasyon sa kanyang balwarte sa Taguig City, ayon kay Lacson nitong Miyerkules.
Binasura ni Lacson ang pahiwatig ni Cayetano na nagsasagawa siya ng mga imbestigasyon dahil kakampi niya ang mga nasa kapangyarihan, at iginiit na ang kanyang layunin noon pa man at hanggang ngayon ay ilantad ang katiwalian at panagutin ang mga opisyal ng gobyerno.
Tinukoy ni Lacson ang isang ulat ng Philippine Star na nagsabing nais ni Cayetano na siya ay imbestigahan dahil umano’y ginagamit niya ang kanyang posisyon upang puntiryahin ang kanyang mga kritiko. Bilang tugon, sinabi ni Lacson sa X:
“‘Cayetano said Lacson should be investigated for using his position to target his critics.’ – Philippine Star… Translation: Lacson should be investigated for targeting corrupt public officials.”
Noong Martes, muling nagsagawa si Cayetano ng Facebook Live broadcast matapos ilantad ni Lacson ang ilegal na reklamasyon sa ilang bahagi ng Laguna Lake at ihayag na makikipag-ugnayan siya sa mga kinauukulang ahensiya upang hindi lamang maipakulong ang mga nasa likod ng mga ilegal na aktibidad, kundi ma-forfeit din pabor sa pambansang pamahalaan ang mga naireklamang lakeshore area.
Iginiit ni Cayetano na si Lacson ang dapat imbestigahan, at ipinahiwatig na nagiging matapang umano si Lacson sa pagsasagawa ng mga imbestigasyon dahil “kakampi niya lahat.”
Nguni’t idiniin ni Lacson na noon pa man ay tuloy-tuloy na niyang inilalantad at nilalabanan ang katiwalian at iba pang anyo ng maling gawain, anuman ang nakaupong administrasyon o sinumang nasa kapangyarihan.
Noong siya ay nasa hanay pa ng mga tagapagpatupad ng batas, nanindigan siyang walang kompromiso laban sa ilegal na sugal at tinanggihan ang mga alok na suhol at “hush money,” kahit pa humantong ito sa banggaan nila ng ilang opisyal.
Sa kanyang mga unang taon bilang senador, inakusahan siya ng administrasyong Arroyo ng iba’t ibang uri ng umano’y katiwalian, kabilang ang pagkakaroon ng malalaking deposito sa mga bank account sa Estados Unidos. Hinamon ni Lacson ang kanyang mga nag-aakusa na siyasatin ang mga umano’y account at kunin ang anumang perang kanilang makikita roon. Wala silang nahanap, napatunayang walang batayan ang mga akusasyon, at kalaunan ay binawi rin ng kanyang mga nag-akusa ang kanilang mga paratang.
*****

