
Bakit lalong nagiging lantaran ang pagkasangkot sa ilegal na droga ng ilang Tsino sa ating bansa? Gaano na sila katagal namamayagpag dito? May koneksyon ba sila sa pamahalaan?
Ito ang mga tanong na inilahad ni Senador Panfilo Lacson nitong Lunes kasabay ng pagsasabing dapat ay mahanapan ng solusyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board (DDB), kasunod ng mga serye ng operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga.
“Salute to the PNP! More than these successful police operations, the DDB and PDEA should look deeper into the bold and imprudent behavior of these Chinese nationals to choose the Philippines as their base; how long they had been operating; their possible connections in government, etc.,” saad ni Lacson, na namuno sa PNP noong 1999 hanggang 2001, sa kanyang Twitter account.
Read in ENGLISH: Lacson to PDEA, DDB: Look Deeper into Chinese Nationals’ PH Drug Operations, Connections
Continue reading “Ping sa PDEA, DDB: Mas Malalim na Imbestigasyon sa Pagsangkot, ‘Connections’ ng Ilang Tsino sa Drug Operations sa Bansa”