Interview on DZBB | Jan. 21, 2018

In an interview on DZBB, Sen. Lacson answers questions on:
– BRAVE bill as alternative measure to empower LGUs if Charter change cannot push through
– Senate unity on Charter change issue
– removal of height requirement in the PNP

Related:
Lacson files LGU-empowering budget reform bill to achieve inclusive growth
LGU, direktang dadaluyan ng pondo sa panukala ni Ping

Quotes from the interview… 

On BRAVE bill as alternative mode of empowering LGUs if Charter change cannot push through:
“Natatandaan ko nag-file ako ng bill ang BRAVE, ang Budget Reform Advocacy for Village Empowerment. Parang federalism yan dahil ibababa karamihan ng pondo o malaking bahagi ng pondo ng national government ilalatag papunta sa kanayunan sa probinsya nang sa ganoon matuto sila mag-develop on their own.”
“Ngayon iniisip ko i-revive at report out ko sa floor para magkaroon ng alternatibo, na kung halimbawa hindi magkasundo sa usaping Chacha para patungo sa federalism ito ang pinakamagandang sabihin nating alternative method o means para ma-achieve ang pagkalat ng development sa iba’t ibang lugar sa ating bansa.”
“Natandaan ko nagpresenta ako nito kasi meron akong PowerPoint presentation nagpresent ako kay CabSec Evasco. Ang sabi niya nang natapos ang presentation ang comment niya lang, pag ito nakita ang presentation na ito ni presidente, makakalimutan niya ang federalism kasi ito ang kanyang layunin. Ang objective niya huwag lahat na governors and mayors lalo ang malalayo at mahirap na lugar e lagi na lang sa NCR pudpod ang tsinelas at sapatos kasi nagmamalimos, ang doleout mentality ng Pilipino lalo ng pulitiko hindi mawala.”
“Kaya aking advocacy at ginawa kong bill na finile, ang problema walang counterpart sa House.”
“Ang nilalayon ang national budget mismo mag-appropriate na sa para sa lahat na probinsya munisipyo syudad at lahat na barangay.”
“Sa ganoon, kakalat ang development. Yan ang gusto ni Pangulong Duterte ngayon. Actually noon ko pa ito advocate, even before the campaign.”
“Kung ito halimbawa ma-approve sa HOR at Senado at ma-bicameral, ma-approve ito maging batas, masasabatas ang pagkalat ng pondo sa mga probinsya.”

On Senate unity on Charter change issue:
“Pader na talaga kami ngayon pagdating sa ganoong issue. Especially voting jointly di kami papayag at lalo na kung iniisip nila kung ayaw nyo sumama mag-conass kami nang sarili namin, lalo kung makahatak kami 1 o 2 sa inyo, lalo kami mag-dig-in ngayon na hindi lang kami papayag di voting jointly, kundi hindi kami papayag makipag-joint session.”

On some House leaders’ claims they will push through with con-ass without the Senate, and threats to campaign vs those not supporting them:
“Una, di pa naman napapagusapan kung federal form kung ire-retain ang unitary di pa napaguusapan. So premature ang nangangampanya siya na huwag iboto ang ayaw sa federalism. For all he knows baka naman majority ng senador payag din na mag-federal system tayo at pag naratipikahan ng tao baka ito ang popular na gusto ng mga tao na siyag puntahan ng ating form of government. Kaya napaka-premature ng kanyang negative campaign na hindi susuporta sa federalism.”
“Ang pinaguusapan pa lang dito paano boboto ang 2 kapulungan ng Kongreso. Ito ba magbobotohan jointly or separately? Naroon pa lang usapin natin. So wala pang basehan ang kanyang panawagan na huwag iboto ang ayaw sa federalism. Wala pa sa issue yan.”
“Kung di sana nakapagsalita sila nang maaga nang ganoon baka natalakay pa, na-articulate pa ano ang mga dapat amyendahan ano ang dapat galawin sa ating Constitution nang sa ganoon nagkaroon pa ng idea ang bawa’t senador maski kababayan natin na oo nga pala dapat amyendahin. Ang problema bago tayo umabot sa dapat pagamyendahan o anong aamyendahan na-stuck tayo sa papaano.”

On removal of height requirement in the PNP:
“Wala naman sa height ang galing o talent ng tao. Nasa character. Mas importante ang requirement nasa character kesa sa height.”

*****