In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– Senate leadership changes
– quo warranto and impeachment trial matters
– developments in the West Philippine Sea
Quotes from the interview…
On changes in the Senate leadership:
“Ang pinaguusapan na lang is kailan. The resolution is there, pirmado na ng 15 kasi padating si Sen. Poe. Sa group, pipirma siya. Ang di lang nakapirma siyempre si Sen. Tito at SP. By tradition di talaga nagpipirma ang sinong ma-nominate. At usually siya binoboto ng kanyang papalitan. Pero di pa finalized kailan isasakatuparan so di pa rin nakapirma si SP Pimentel.”
“Hindi (Senate) coup d’etat ito. Kasi normally pag coup d’etat ang SP nagiging minority leader. Ito walang ganito. Sa committee napagkasunduan namin na walang gagalaw except kung anong pipiliin na committee ni Sen. Pimentel, yan na lang gagalaw.”
“Ang napagusapan namin ano ang gusto niyang committee ibibigay namin sa kanya. At lahat kami willing bumitaw sa isang major committee na hawak namin para ibigay sa kanya kung gusto niya.”
“Gagalaw din ang majority leader dahil majority leader ang magte-takeover bilang SP. At napagkasunduan naman si Sen. Migz (Zubiri) magiging majority leader.”
“Ang nabuo naming usapan papakiusapan namin si SP at siya mismo mag-nominate kay Sen. Sotto. Bale 16 nakapirma roon.”
Senate caucus on Monday, May 21:
“Ang paguusapan kung kailan ito ie-execute o i-implement. Sa Lunes ba o sa isang linggo o susunod na linggo. Kaya magkakaroon ng caucus sa Lunes sa office ng SP kasi nga noong napakagusap si Sen. Sotto at SP hindi naging definite kung kailan. Pero isang definite naroon ang pirma ng majority ang buong majority bloc sa Senado lahat yan sang-ayon sa pagpapalit ng liderato.”
“(S)a Lunes pag nag-caucus kami malalaman ang kanyang, kukunin namin ang thoughts niya. Siya (SP Pimentel) humingi ng pagpulong at hintayin namin anong sasabihin niya at doon kami magdedesisyon ano magiging consensus.”
On what to do if SP Pimentel asks for an extension:
“Siyempre pagbibigyan kami kay SP Koko dahil after all magkakasama pa rin kami kahit magpalit ng liderato kasama pa rin namin siya sa majority. So didinggin namin siya kung ano talaga ang kanyang dahilan o kung talagang hihiling siya pwede defer muna dahil di agad maimplementa. So we’ll pick it up from there. Papakinggan namin. Di agad-agad, di pwede sabihin di na puwede o pupuwede.”
“Hindi manggagapang yan (SP PiImentel). Sabi ko nga sa iyo di ba wala sa character niya ang maging confrontational much less manggagapang. Unang una kami rin nagkasundo-sundo na iluklok siya dahil noong July 2016 nagkaroon ng issue kay now-Sec. Cayetano … So alam niya rin na siyempre anong liderato sa Senado di naman ito decision ng isang tao kaya sa rules namin kailangan kung papalit 13 boto kailangan para palitan at 12 para ma-retain.”
Reasons for leadership change:
“Ito parang combination ng napakaraming insidente in the past. May kasabihan tayo sa pulitika, all politics is local. May kasamahan kami roon na (hindi) nagugustuhan ang PDP-Laban ang sumusumpa pa ng mga kasapi nila yung mga kalaban pa ng kanilang kapatid, ama, kamaganak. In-express nila medyo may problema. So ang una kong ginawa kami ni Sen. Sotto… kinausap namin mas maganda kausapin si SP kasi may naamoy akong problema. Ang underlying na kagustuhan namin talaga, maging solid ang solidarity ng majority bloc, di mabubuwag, di mabasag.”
“Pangalawa, noong bumabanat ang Speaker ng HOR sa Senado na mabagal na kapulungan, tapos voting jointly para balewalain kami, gusto nila may marinig sila sa mismong leader ng Senado. E alam mo naman di ba hindi confrontational kasi si SP. Ako pa nga medyo nagpa-react nag-criticize ako sa pahayag ng kaibigan natin sa HOR at ako medyo napababad.”
“So ang napagusapan, kung pwedeng i-consider palitan ang liderato at sa mga pagpupulong napipisil si Sen. Sotto. Pero dahil may napipintong impeachment trial sa Senado nakiusap si Sen. Sotto kung pwedeng teka muna (kailangan) abogado… Pero pinaguusapan diyan ang procedure, rules of evidence, kung anu-ano, medyo mahirap naman ang bato ako ng bato sa body tuwing may issue na idudulog na kailangan mag-rule agad ang presiding officer. So sabi niya baka pwede pagkatapos ng impeachment. So mukhang nagusap naman sila ni SP kung sakaling magkakaroon ng pagpapalit ang pakiusap niya pwede tapusin ang impeachment mas mainam na abogado ang magpe-preside.”
“Tutal mukhang meron namang hindi na aabot sa Senado ang impeachment. So wala nang concern si Sen. Sotto. Yan ang story, walang bawas, walang dagdag, walang pagbobola. Lahat yan, yan ang totoo.”
Reorganization could have happened earlier:
“Totoo yun. Katunayan maski may impeachment trial may mga naging suggestion na para mawala ang concern ni Sen. Sotto sa pag-preside magkakaroon ng kahit interim na majority leader na abogado. At ang napagusapan doon baka pwede muna iupo si Sen. Sonny Angara bilang majority leader o kung talagang siya na maging permanent, siya na maging majority leader. Pero alam din naman niya ito dinulog namin sa kanya kung payag siya na in case na mapadali, baka pwedeng tumayo siya at the very least maging interim majority leader. Sabi niya walang problema mag-review siya ng rules of court at kung ano pang dapat review ng abogado. Alam niya rin pwede siya maging interim at pwede rin maging permanent majority leader. So yan ang naging usapan niyan. Pero nga dahil di pa talaga na-formalize so yan. Kaya noong interview nyo ako noon kung natandaan mo sa Kapihan sa Senado, sinabi ko may understanding at magkakaroon ng pagpapalit di lang malaman kung Hunyo, Hulyo, o October.”
“Kung ma-recall mo rin di ba noong nag-deny si SP Pimentel, nag-apologize ako sa kanya dahil nga nag-deny siya at hindi maganda ang dating sa kanya. Remember I did not retract, di sinabi na mali ang pagkaalam ko, pinangatawanan ko rin na yun ang understanding ko ang pagkaalam ko na may understanding, may pagkakasundo na magpapalit ng liderato. So ito na nga yan.”
On minority bloc members seeking to join majority:
“Sa narinig ko meron at least isa. Pero paguusapan din siyempre namin kung pupuwede ba o hindi. Kasi as much as possible gusto namin ma-maintain ang solidarity ng original majority bloc.”
On what to expect from Sen. Sotto’s leadership:
“Unang una siya ang pinaka-senior hindi sa edad kundi seniority sa pagiging senador. Siya ang pinakamatagal diyan. Nauna siya kay Sen. Gringo so hindi matatawaran ang experience niya. Kung rules of the Senate paguusapan palagay ko sobra na ang qualification niya. Pangalawa nakita namin siya bilang unifying factor maski sa minority maganda ang kanyang pakikitungo at sa tingin ko mas harmonious ang buong Senado, minority at majority kung si Sen. Sotto ang naroon.”
“May mga bumabatikos. Ang pinakamadaling gawin ng tao manlait, mang-insulto, pinakamadaling gawin yan. May nababasa kami sa media, may naririnig. Pero alalahanin natin napakatagal na sa Senado ni Sen. Sotto, sa public service napakatagal din niya. Kaya huwag sana tawaran ang kanyang kakayanan. At ang pagpili ng SP ito ay hindi, ni minsan di niya tinrabaho. Siya napili ng majority na iluklok bilang SP.”
On whether Malacanang ‘supports’ Senate leadership change:
“Ang experience ko dahil paminsan-minsan nagkakaroon din kami ng pakikisalimuha sa Malacanang kay PRRD. Ni minsan di siya nakikialam sa ginagawa namin. Minsan pinapakiusap niya ang DBM kung pwede mapadali. Hanggang doon lang kasi legislative agenda naman yan. Pero para makialam siya at manghimasok sa di official o di karapat-dapat na pakialaman, never pa ako nakarinig sa kanya ng ganoon.”
“Maski pag-reject ng appointee at Cabinet members, never siya nag-express na ipapatawag kami para tulungan ma-confirm o huwag i-confirm. Sa akin, sa personal experience ko. Pero sa iba, ako lahat na pagpupulong na napasama ako, never siya nakialam.”
“Alam mo yan isang maganda sa kanya ang Kongreso at least sa Senado I can speak for the Senate, wala siyang paghihimasok na ginagawa.”
On effect of Senate leadership change on legislative agenda:
“Wala. Pare-pareho naman ang aming mga legislative agenda, ang priorities. Naipasa namin ang National ID. Bicam kami next week. So maipapasa yan, ma-enroll next week or week after next, at maipapasa yan bago sine die adjournment. Ang ibang panukalang batas ang BBL medyo nagkaisa rin kami dapat ipasa. Pero may concerns na ipasok sa period of amendments. Ang ibang panukalang batas lalo ang budget, gaoon pa rin. Si Sen. Loren pa rin mag-handle. Walang pagbabago.”
On not signing the Senate ‘resolution’ regarding Quo Warranto:
“Hindi ako nagpirma dahil unang una tinatanong ko sarili ko, illegal ba o unconstitutional ba nag pag-file ng Solicitor General ng petition for QW? Ang sagot, hindi. Illegal ba o unconstitutional ang pag-acquire ng jurisdiction ng SC sa petition at pag-rule nila sa QW? Binasa ko ang provison ng Saligang Batas. Ang sagot din hindi. At kung halimbawa under the principle of check and balance, sino ba pwede mag-check sa executive at legislative branch dahil sa grave abuse of discretion, excess of jurisdiction? Ang SC. Ngayon sa sistema natin ang Senado o HOR o executive branch pwede nila sabihin sa SC o overrule nila ang SC dahil mali ang ginawa o nag-abuse of discretion? Hindi. Kaya after all, ang final arbiter ang final interpreter ng Saligang Batas o maski anong batas, ang SC.”
“Paano namin kukuwestyunin ang ginawa ng SC e sila sa ilalim ng SB ang pwede mag-question sa lahat ng tungkol sa batas, sa Saligang Batas? So yan ang aking dahilan.” “Pangalawa, saan ang Articles of Impeachment? Kasi pag gumawa kami ng reference sa isang resolution at binabanggit doon na dangerous precedent dahil Senado ang may exclusive sa jurisdiction pagdating sa impeachment, saan ang Articles? May AI bang na-transmit sa Senado? Wala. Unang una, walang AI kasi di pa nagbobotohan sa House. So wala pang jurisdiction at paano kami magre-refer to something that has not transpired? Di pa transpire ang impeachment.”
“Kung halimbawa na-transmit sa amin ang ang AI at napasabay sa QW lalo na … ang SC e hindi pa nagru-rule, ngayon ibang usapan yan, ako mismo ipagdidiinan ko na nasa matuwid sa Senado ituloy ang AI dahil meron kaming jurisdiction at nakapag-convene kami as an impeachment court. Di na namin pwede iatras yan. At lalo pag wala pang decision, impeachment trial na pagkatapos pumasok ang SC at nag-acquire ng jurisdiction sa QW at nag-rule sila, medyo may problema yan.”
“Sabi nila ng mga nagsasalita, magkakaroon ng constitutional crisis ang SC. Sa tingin ko, pananaw ko, kami ang maglilikha ng constitutional crisis kapag in-insist namin na maski wala pa ang AI, magko-constitute kami as impeachment court. Anong basehan namin? Wala. At sabi ko ang huling interpreter wala nang apela, ang SC. Kaya yan ang aking mga dahilan bakit di ako pumirma.”
“Kung halimbawa ang wording o language ng resolution parang generic o walang reference sa impeachment ni CJ Sereno, e ibang usapan yan baka pumirma rin ako dahil in-express lang namin ang sense namin na ganito ang nakalahad sa Saligang Batas ganito mangyari. Pero dapat walang reference sa ginawa ng SC kasi tingin ko parang we are the ones encroaching sa poder ng SC.”
“Binasa ko Art. 8 Sec. 5 Par. 1, SC ang pupuwede, di kami. Sa QW nakalahad sa Saligang Batas ang SC ang mag-acquire ng original jurisdiction ng petition sa QW, habeas corpus, mandamus at kung anu-ano pa. Ngayon ang pinaguusapan dito, magkapareho ba ang impeachment at QW? Hindi. Ang impeachment is mga allegedly na-commit ng impeachable official nang nasa office na siya. Ang QW question doon ang validity ng appointment. So walang clash, walang conflict.”
“Ang isa pa, ang QW is a judicial process. Ang impeachment is a political process. Pag nag-clash ang political process and judicial process na involve isa at parehong tao, malaki ang problema natin. Bakit kami makikipag-clash sa ginawa ng SC na meron naman silang original jurisdiction over petitions for QW. E kami di pwede mag-rule sa QW. Paano namin kwestyunin ang ginawa ng SC, ang liwa-liwanag sa Constitution sila lang may original jurisdiction at mag-rule over petitions for QW among others. Kami di pwede makialam sa QW. So ano ang sense of the Senate na kukuwestyunin namin ang QW? E SC yan eh. Di naman impeachment ginawa nila. Hindi lang pagtatanggal limitado at meron pa akong nakita na 1935 Constitution at sa 1973 Constitution ang pag-impeach malinaw doon ‘shall’ kaya directory. Pero sa 1987 bakit napalitan ang ‘shall’ ng ‘may’? Gusto ko makita ang transcript ng pag-discuss ng Constitutional Commission na nagbalangkas ng 1987 Constitution bakit napalitan ng shall ng may pagdating sa impeachment.”
“Di pa naman na-adopt sa floor. Di pa na-adopt sa plenaryo. Yan resolution pa lang ihahain sa Monday. Ako di ako nagpirma in-express ko ang aking dahilan tulad ng pagusapan natin ngayon bakit ako di nagpirma. At tatanungin ko principal author si Sen. Pangilinan. Mag-interpellate ako. At tatanungin ko para ma-jurstify sa aming lahat bakit namin kailangan mag-adopt ng resolution sa plenaryo expressing the sense, remember it’s just the sense of the Senate. Walang legal, di legally binding. Pero just the same importante rin ang sense of the Senate sa issue na aming ine-express ang aming sense bilang isang collegial body at yan ang aking mga issues tulad ng nasabi ko kanina maraming dahllan kung bakit di ako pumirma. Sa paniniwala ko of course 14 is 14, that’s a big majority of a 24-man Senate. And pag na-adopt ang resolution dahil sa constitutional democracy tayo, igagalang natin yan, tatanggapin namin yan.”
On ‘militarization’ at West Philippine Sea (South China Sea), China said their bombers landed at outpost and are capable of hitting PH:
“Talagang nakakabahala. At dapat talaga kumilos ang PH di naman natin kaya mag-isa, kailangan mag-update tao sa international community sa UN, at pinanghahawakan natin dito ang arbitral ruling, napakatibay, hindi nga lang implementable. Kaya dapat gawin natin dito humanap tayo ng makakasama natin ng malalaking bansa para maging parang balance of power, ika nga.”
“Totoo naman, wala talaga tayong magagawa bilang isang bansang PH. Pero kung katulong natin ang malalaking bansa at magkaroon ng maski anong amount ng pressure, mag-exert ng pressure, makakatulong yan. So kung may effort tayong ganoon, makakatulong sa atin.”
*****