Interview on DZMM | Aug. 17, 2018

In an interview on DZMM, Sen. Lacson answered questions on:
– Possible pork in the 2019 budget
– SB 1898, transferring police recruits’ training to PNP

Quotes from the interview… 

On possible pork in the 2019 budget:
“Taon-taon naman. Siyempre lagi nila tinatanggi pero taon-taon di naman umalis ang pork maski noong dineklarang unconstitutional ng SC. Nariyan pa rin yan kasi nakikita natin yan pag nagde-deliberation sa budget every budget season lalo pag pasok ng period of amendment diyan pumapasok ang mga insertions.”
“Taon-taon tuwing mag-(scrutinize ng) budget ng aking mga staff lagi nating nakikita yan at pag kinakaltas namin may naglalapitan at inaamin naman nila na tinamaan ang kanila, tinamaan ang ganito tinamaan ang ganoon baka pwede i-restore. Siyempre sagot ko naman, di ko alam sa inyo yan, basta nakita namin walang mapupuntahan ang item, questionable yan. Halimbawa may mga item na road construction including road right-of-way. Saan ka nakakakita isasabay mo construction kalsada di pa settled ang ROW? Saan papunta yan? Wala pang bayad, di pa nakakausap ang may-ari ng lupa paano tatayuan ng kalsada yan?”
“(Case in point, Sariaya bypass road sa Quezon). Nag-construct sila ng kalsada pero putol-putol ang kalsada kasi may portion na di nabayaran ang landowner so umaangal sila ngayon. Ayaw nila pumayag. Maraming ganoon. Ang nakita namin sa Sariaya could be just a microcosm, a representative sample ng nangyayari sa ibang lugar. So ang iba madali naman kumausap sa contractor na kaibigan mo sasabihin sa iyo magkano commission, magkano pork ng isang congressman. Alam nila eh.”
“Ngayon ang napansin naming pattern ganito. May items doon na parang may agreement na dito kayo kukuha ng pork kasi makakakita ka ng item na sunod-sunod halimbawa 45 items pare-pareho tig-P10M, iba-ibang item tig-P100M. Ang makikita mong notorious ang repetitive ang road construction including RROW, sabay. Tapos Agno River pagkahaba-haba ng items ang haba rin ng Agno River, repair and rehabilitation Agno River. Since naging senador tayo sabay tayo 2001 nakita natin Agno River hindi nare-rehabilitate e taon-taon bilyon.”

On following the budget process:
“Ang masama, hindi nasusunod ang budget process. Di ba dapat ang budget process nagsisimula sa local development plans ng mga LGUs, starting from barangays, aakyat sa council, pupunta city or town, local development plan tapos approve-in ng council. Dito kasama ang congressmen eh kasi represented sila sa barangay, member sila ng city and municipality, member din sila ng provincial. Di ba dapat doon pa kasi nakikipag-debate sila sa discussion sa LGUs kung ano ang project na dapat unahin kumpleto ang feasibility study. Ang problema inaabangan na lang sa Kongreso pag naroon na ang NEP or President’s budget, walang consultation sa mga LGU, nag-i-insert na lang sila. Saan galing ang planning doon, saan ang feasibility study noon?”
“Pero maski bali-baligtarin mo pork pa rin yan kasi walang pakialam ang legislator sa mga proyekto ng gobyerno. May isang paragraph sa ruling ng SC, kasi in-emphasize lang nila ang pre- and post-legislation na differentiate pag pasa na budget saka lang identify yan ang pork. Tama yan. Yan ang general definition ng SC. Pero subsequently may 1 paragraph doon sinasabi maski anong porma, maski anong diskarte ang gawin mo, pag pork, pork pa rin. Yan pa rin ang kalakaran. So yan di masyadong nabibigyan ng pansin pag nagpupuna o nagde-defend ng pork kung may pork o walang pork.”

On Senate Bill 1898 transferring police recruits’ training to PNP:
“Yung SB 1898 naipasa noong Miyerkules. Pagbalik sa Aug. 28 maipapasa na yan on 3rd reading. Ang House version niyan nag-usap kami ni Rep. Acop ang counterpart chairman sa House ng public order na ia-adopt niya ang Senate version para maisasabatas yan, na mai-transfer ang training at recruitment ng pulis sa PNP mula sa PPSC.”
“Sa hearings namin nangyayari, turuan sabi ng PNP wala kaming control sa recruitment sa training sa PPSC. Sabi ng PPSC maayos ang training problema pag ino-OJT natuturuan ng SPO4 ng palpak dinadala sa nightclub o bar, PO1 pasok ka roon at manghingi ka roon. Ngayon pag pumalpak wala naman maituturo ang PNP talagang sagutin nila accountability nila responsibility nila.”

*****