#PingSays: Tens of billions in taxpayers’ money lost to right-of-way mess, ‘food crisis’, bombings | Sept. 3, 2018

In an interview, Sen. Lacson answered questions on:
– mulitbillion-peso wastage of taxpayers’ money due to RROW issues
– need for government to shift focus to the economy
– possible food crisis
– on Pagcor action on PH offshore gambling operations
– recent bombings

Quotes from the interview… 

On tens of billions of pesos in taxpayers’ money lost to road-right-of-way mess:
“Malinaw naman sa batas RA 10752, kailangan DPWH settle muna ang ROW bago sila mag-commence ng proyekto, e di naman nasusunod. So nagsasayang tayo ng pera.”
“Ilang bilyong piso ang nasasayang in funds, in taxpayers’ money dahil di tama ang pagpaplano ng DPWH? Yan ang nire-raise nating issue, may P10M here, may P100M there, Pag pinagsama-sama mo yan papalo siya sa tens of billions of pesos. Nasasayang, di napapakinabangan.”
“(Sa susunod) na committee hearing pag-submit-in ko sila ng listahan ng proyektong nasuspend at anong dahilan ng detalye ng pag-suspend. Pangalawa sa 2019 budget naalis na ang ‘including ROW’… Kinorrect lang ba nila yan para di na matanong, para madali pagsagot? O dahil settled na? Gusto natin malaman yan. So again tingnan natin sila ng detalye ng listahan ng mga proyektong sabi nilang sisimulan nila sa 2019 na settled na ba ang ROW? Baka di pa so dapat matanggal yan, tulad ng ginawa namin noong 2017 for the 2018 budget, pinatanggal ko ang 50B.”
“Maghihigpit kami, ako in particular, na kailangan settled ang ROW issues bago pondohan ang proyekto in pursuance of RA 10752.”
“(Kung hindi ma-settle ang ROW), papa-delete natin. Noong isang taon ni-restore nila yan. E karamihan doon insertion ng mga congressmen. Di naman talaga ano eh.”

On DPWH claim that ROW issues arise only during the implementation of the project:
“Maliwanag ang batas eh. Kailangan ma-settled or bayaran ang nagke-claim ng bayad ng ROW bago simulan ang proyekto. Di ko alam ano ang justification na nag-arise pa lang ang issue ng ROW habang simultaneously ginagawa na ang project. Kaya tayo nagkakaproblema.”
“Kaya dapat bantayin natin, bago pondohan ang road project dapat talaga ang ROW issues at slope protection ma-settle muna. Sayang tayo ng sayang ng pera. Parang they don’t care as if parang ang pera ng gobyerno sige-sige lang gagastusin walang kaukulang pag-aaral walang kaukulang pag-settle ng issues, nagsasayang sila ng pera ng taumbayan.”

On plans to have road project implementation go full blast:
“Hindi pwedeng full blast kung di magamit ang kalsada. Tulad ngayon nag-erode ang lupa at bato, tanong ko anong effect sa road noon nakonkreto na? hindi rin magagamit, masisira rin.”
“Common sense kasi bago ka magsagawa ng kalye uunahin mo muna ang slope protection para nang sa ganoon, hindi matabunan ang kalsada.”

On the need for government to shift focus to the economy:
“Mechanical na ang antidrug campaign kaya na ng pulis at PDEA yan. Maliwanag naman ang kanyang marching orders, di na kailangan ulit-ulitin pa. Ang hinaharap nating mas malaking problema ang economy kasi ang inflation pumelo nitong August ng 5.9%. Ang projection hahataw 6% pagdating Sept-Oct. So dapat mag-refocus naman na kalampagin naman niya economic managers, di naka-focus na lang lagi sa illegal drugs and related issues.”

On tariffication:
“Nakakatulong yan pero ang nangyari maghihintay pa ng batas na maipasa. We were hoping kasi under the Constitution and Tax Code, pagka naka-recess ang Congress pwede mag-issue ang president ng EO para mag-take effect ang rice tariffication. I think the intention was to flood the market with rice para ang demand dumami, para ang presyo ma-arrest.”
“Yan ang pagkaalam namin kaya kai naka-break ng 2 weeks para pagbigyan daana ng Malacanang para makapag-draft at makapag-issue ng EO kasi yan ang tinatalaga sa Saligang Batas at Tax Code… Pag legislation medyo matagal especially kung tax measure ito.”

On claims of a looming food crisis:
“Sinasabi nila walang food crisis pero pag sobrang taas ang bilihin pati isda lahat halos basic food sa table, e hindi na kinakayang bilhin ng mga lalo na ang sobrang mahirap nating kababayan, pwede natin sabihin na kung wala mang food crisis pa, malapit na tayo magkaroon ng food crisis kasi tumataas ang bilihin.”

On Pagcor action on PH offshore gambling operations:
“May instruction ang pangulo itigil ang issue ng online gambling, lahat na provisional licenses, provisional, maski license pinahinto niya. At dapat monitor, natatandaan ko in 1 of the hearings tinanong ko potential revenues ng gobyerno through Pagcor sa mga online gambling. Sabi ni Chair Domingo at the time, $25B. Ang tanong ko sunod magkano ba generate ngayon? $1B. So maraming leakages so dapat siguro i-monitor mabuti ng Pagcor ang kinikita ng online gambling operations.”

On recent bombings:
“Meron na naman bago sa Masbate. Di lang sa Mindanao. So I hope sa Mindanao na explosions or bombings hindi related sa BOL. Dahil pagpasa ng BOL sabi ko this has become a vicious cycle na kapag kinausap mo MNLF may pinapanganak na bagong armed group, MILF. Ngayon kinausap ng gobyerno MILF baka naman may sumisibol na bagong arned group na di kausap ng gobyerno, lumalabas na nga BIFF. I just hope hindi related sa BOL ang nangyaring 2x na pagsabog sa Sultan Kudarat.”

On talk of extending martial law in Mindanao:
“Di lang too early. I don’t think martial law extension is the better solution. I think the better solution is for our ground forces especially intel units natin to really stick their nose on information, parang keep their ears on the ground, at paigtingin ang intel operations.”

*****