Interview on DZBB | Nov. 25, 2018

In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on:
– possible pork in the 2019 budget
– agreements signed by the Philippines and China
– confirmation hearing for DFA Secretary Teodoro Locsin Jr

Quotes from the interview…

On possible pork in the 2019 budget:
“Meron na akong initial copy ng pinanggagagalaw nila na talagang may pork. Maski sabihin nilang walang pork malinaw na talagang may pork. Kasi ang initial information subject to validation binigyan lahat ng kongresista na tig-P60M lahat. Tinibak-tibak nila di ba may P51B na pinag-awayan nila, ang na-retain sa DPWH P30-31B, may pinagkunan na parang P4B fund pa para masigurado na di ko lang alam kung lahat na 292 congressmen magkakaroon o nagkaroon ng kanilang version ng P60M each. P60M bawa’t isa. Di ko alam kung may di nasama roon. Pero mukhang lahat meron kasi wala naman nag-question sa floor nang in-approve on 3rd reading na iniba-iba na na-approve on 2nd reading so I suppose everybody happy.”
“Ang P60M I suppose standard yan pero siguradong may mapapalad na nilalang diyan na nakakuha pa o nagdagdag pa ng mas malaki pa.”
“Pero dadaan pa rin ng Senado yan para hanapin although meron akong initial numero na ginalaw ng HOR. So validate lang ito.”
“Katakot-takot na hanapan muna siyempre. At siyempre initial pa lang ang info na natanggap ko. Pag dumating sa anin ang GAB-2 doon namin pa-validate kung totoo ang numerong nakita ko. Meron kasi ako napagkunan din.”
“Lagi na lang kasi invoke ang ruling ng Supreme Court na wala nang post-legislation. Lahat pre-legislation during period of amendments doon sila nag-a-amend. Tama yan pero ang di nila binabanggit may subsequent paragraph sa ruling na sinasabing all informal practices na bordering on grave abuse of discretion matatawag ding pork

View Fullscreen

… Ano ba definition ng grave abuse of discretion? Maski pre-legislated yan kung ganoon nga tulad ng ginawa nito pinagbibigyan ng P60M bawa’t kongresista at hinugot sa departments na wala silang ginawang consultation sa agencies concerned di ba grave abuse of discretion yan? Saan papasok ang planning? Kaya nga nagkaloko-loko ang minsan ang mga proyekto kasi pagdating sa Kongreso di nasunod sa pinanggalingan halimbawa ang Local Development Council ang mga plano umabot hanggang sa Regional Development Council tapos na-vet ng mga ahensya at ito ay sinunod ang plano ginawa nila. Tapos biglang gagalawin ng Kongreso at aalisin ang pinagplanuhan ng ahensya at maglalagay ng kanya-kanyang proyekto ang mga kongresista, di ba grave abuse of discretion yan, e di pork din.”

On the possibility of a reenacted budget:
“Ayaw nila (House) siyempre ma-reenact kasi pag na-reenact mawawala ang pork nila hanggang naka-reenact ang budget. Dahil balewala walang bagong item walang bagong programa walang bagong project. Kaya talagang naabala lang dahil talagang nag-insert sila ng kani-kanila.”

On the confirmation hearing for Sec. Teodoro Locsin Jr. (DFA):
“Kasi nga kaya ko nasabi na parang madali lang yan dahil dumaan siya noong nag-ambassador sa UN. Walang lumabas na kontrobersya e kamakailan lang yan. Alangang meron siyang nagawang anomaly, wala tayong narinig between that time and this time. So nasabi ko as chair ng foreign affairs committee ng CA, madali lang yan na para kang kumakanta sa shower.”

On the confirmation of Sen. Honasan as DICT Secretary:
“Tradition naman yan, parang by acclamation na lang halos pagka kasamahan. Nangyari kina Sen. Ople, Sen. Cayetano. Meron namang basehan ang sinasabi namin ni SP at kasamahan ko na madadali lang siya di siya mahirapan pa.”

On agreements signed during Chinese President Xi Jinping’s visit:
“Pabayaan muna natin pero bantayan natin. Kung may makita tayong mali along the way nariyan naman ang Kongreso para gumanap sa oversight function at nariyan ang SC para mag-interpret.”
“Ganoon ang attitude, sa bawa’t administration bayaan natin gawin ang gagawin nila pero bantayan natin.”
“Hindi pa natin nakikita ang nilalaman may conclusion agad tayo na dehado ang PH, nadaya, pinamigay. Ano ang basehan? Basahin muna natin kung anong pinirmahan ng mga department heads, Cabinet secretaries may kanya-kanyan silang palitan ng dokumentong pinirmahan. So masyadong premature at masyadong cynical na, kumbaga, na lahat na ginagawa wala pang nakikita wala pang basehan e meron agad conclusion. Hintayin natin munang ilabas bago tayo mag-conclude. Kung may makita tayong medyo dehado saka tayo magsalita.”
“Ang MOU alam ko convergence lang ng desire o will na mag-usap patungo sa isang common direction, common line of action. Napaka-preliminary noon. Di ibig sabihin pumirma ka ng MOU meron na agad makuwenta, meron agad detalye. Halos wala.”

On claims that PH is limiting joint exploration with China:
“Hindi naman nilimitahan sa China. Nagkataon lang may MOU na pinirmahan with China but it does not prevent them, ang executive department, na makipagusap (sa iba). Ang Malampaya di ba Shell. Ang Shell, Netherlands yan, Europe yan.”

On entry of illegal Chinese workers to PH:
“Meron basehan ang ating pag-alala kasi may historical basis. Noong bago gyerahin tayo ng Hapon kuwento ng nakatatanda sa atin na umabot sa panahon ng Hapon, ang may-ari ng sari-sari store na Hapon e nang lumusob ang Hapon kita nila nakauniporme na yun pala spy na kunwari may tindahan sa malayong lugar yun pala colonel or major ng Japanese Imperial Army. So may pinaghuhugutan ang nag-alala baka mamaya magising tayo mga PLA pala ang mga nariyan sa katakot-takot na condo at may negosyo rito. Di mo maalis yan. Pero iba na ang age ngayon na kung saan nariyan may immigration laws tayong sinusunod na kung mag-overstay pwede ma-deport o kung mag-commit ng crime, pwede nilang iikulong din tulad ng na-chop-chop na murder, nahuli ng pulis ang nagsagawa ng krimen.”
“Di lang mga Chinese. Napakarami ring Koreano punta ka sa kaliblib na lugar may Koreano rito. Naka-focus tayo masyado sa mga Chinese. What if legal na turista yan? Di ba sinasabi nga halos 1m na ang turista na Tsino na narito, mabuti yan nakakatulong sa ekonomiya. Huwag lang Chinese na pupunta rito para manggulo o mag-commit ng crime.”
“Bakit tayo kukuha ng mga magtatrabaho rito na galing ibang bansa samantalang kababayan natin lumalabas ng PH para magtrabaho? I agree with your proposition dapat unahin natin, magkaroon tayo ng same attitude, unahan natin ang mga sarili nating kababayan pag tumatanggap sa employment.”

On alleged involvement of Chinese in illegal online gambling in PH:
“Ang immigration nag-e-enforce ng immigration laws pero sa revenues sa online gambling ang regulatory body ang PAGCOR. So I hope they will be able to come up with an efficient technology para ma-regulate nila nang maayos ang naglipanang online gambling sa PH. Kasi borderless eh. Medyo mahirap talaga unless equipped tayo ng technological know-how para ma-monitor at ma-capture lahat.”

On Memorandum Order 32, to deploy added troops to Negros, Samar, Bicol vs lawless violence:
“Wala namang problema kasi nasa Constitution din yan. Kung babasahin natin sa 1987 Constitution may calling out powers ng president, na as CIC pwede niyang tawagan ang AFP para i-suppress ang lawless violence, rebellion sa buong bansa o maski anong parte ng bansa.”
“Even without the MO, the President or even the CSAFP upon the instruction of the president being CIC, pwede sila mag-deploy kaya tinawag na mobile forces, pwede sila kumuha ng ibang pwersa halimbawa sa lugar na inaakalang walang masyadong problema para i-redeploy sa mga lugar na inaakala nilang kailangan ng mas maraming pwersa ng Armed Forces.”
“Yan ang dapat natin isipin, bakit nagkaroon pa ng memorandum order? Baka may mapupuntahan na may lugar na may plano ang Malacanang na kung di man magdeklara ng martial law ay mag-suspend ng writ of habeas corpus. Having said that, ano ba kapag na-suspend ang writ of habeas corpus, halimbawa na-suspend sa Samar o Bicol o Panay Island? Wala rin naman. Kasi di pwede rin, ang basic rights nariyan pa rin at ang pwede lang saklaw ng suspension of writ of habeas corpus, ang judicially charged rebellion. O kaya kung mahuli ng pulis en flagrante delicto caught in the act nag-ambush ng pulis o sundalo nahuli ang NPA sinasabi sa Constitution sa Art 7 Sec 18 executive department yan… sinasabi rin doon in 3 days kailangan ma-charge ang tao, otherwise ire-release kung naka-detain.”
“Sa Panay Island may farmers na napatay roon. Sa Samar may ambush na nangyari roon, Bicol ganoon din. Ito ang mga lugar based sa intelligence information at nag-obtain ng development doon na sa tingin ng pangulo bilang CIC kasi di natin matatawaran mas marami pa tayong natatanggap na information than the president kasi siya lahat ang accessible siya sa lahat na klaseng information galling sa intelligence community at sa mga law enforcement agencies natin so siya talaga ang final repository ng lahat na information. So siya ang mas may karapatan para umakto magsagawa ng kaukulang aksyon tungkol dito.”
“Sa information diyan sila (NPA) ang malakas sa lugar na yan lalo sa Samar dahil sa activities nga malamang may natatanggap si president na extortion activities doon ang mga atrocities ang panununog kaya siguro pinili niya ang mga lugar. It’s not up to us to question bakit ang mga lugar na yan kasi nga sabi ko kanina mas may access siya sa intelligence information kesa sa ating lahat.”
“(Pero) yan din ang tanong natin kaya tanong ko kanina bakit kailangan pa maglabas ng MO 32. May patutunguhan ba ang deployment of troops parang concentration ng mas maraming tropa sa lugar na yan. Kasi kung walang objective o papupuntahan para sa akin di na kailangan di na necessary mag-issue ng MO 32. Sabihan ang CSAFP bigyan ng instruction na maraming atrocities doon, baka kailangan mag-deploy ka ng mas maraming tao roon. Pero naglabas ka ng MO 32 pwede tayo mag-isip ako mag-iisip baka may patutunguhan pa.”
“Pero sa mga peace-loving citizens doon na wala dapat ikatakot e matutuwa naman sila dahil security nila ma-enhance lalo ang may negosyo roon. Lalo ngayon kasi narinig ko ang sinabi ng tagapagsalita ng AFP na malapit ang kampanya at yan ang mga lugar na traditionally naghihingi ng pera ang NPA sa mga kandidato. So parang protection na rin yan sa mga kandidato at botante na rin para makaboto nang maayos para masiguradong ang magiging midterm elections hindi dahil sa pananakot ng NPA o hindi dahil nagbayad ang kandidato doon para makapagkampanya sa liblib na lugar kundi gusto ng tao ang kandidato. Di ba dapat matuwa rin tayo roon?”
“Ang kinatatakutan dapat ang abuso. Pero sabi ko nga martial law or no martial law, suspended o hindi ang writ of habeas corpus, ganoon din. Kung talagang mag-aabuso mag-aabuso. Pero again ang bottom line bantayan natin at kung may excesses, idulog natin sa dapat dulugan.”

*****