Interview on DZBB | Dec. 9, 2018

In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on:
– ‘pork’ in the 2019 budget
– acquittal of former Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.
– possible extension of martial law in Mindanao

Quotes from the interview…

On claims that the P4.3B ‘pork’ in Pampanga and Camarines are due to ‘misplaced generosity’; and that you are singling out House members:

“Una, misplaced gesture of generosity at ang sinasabi niya di niya alam at ito taliwas sa guidance na binigay ni SGMA. Sabi niya pare-pareho at pantay-pantay, bakit di nangyari yan? Kung misplaced gesture of generosity di ba mas magandang meron silang genuine display of good faith? Isauli nila o kaya sulatin nila ang chairman ng finance committee ng Senado o kaming lahat at sabihin nila pakitanggal nyo yan, kasi di namin alam yan, pinaglalagay yan ng aking mga kasamahan.”

“Hindi naman na-single out si SGMA dahil di pa naman tapos ang pag-interpellate. Papunta pa lang tayo sa mga ahensya. Remember, policy questions ang nangyari noong Martes sa aking interpellation. Di pa naman tapos kasi padalian ang ating paggawang research, at siyempre yan ang lumulutang dahil yan ang lobong lobo yan ang unang nakita. Pero may ibang kongresista darating tayo at may senador din, na wala pa kami roon. Sinasabi agad na may senador din na may napakalaking amendment. E remember wala pa kami sa period of amendment kaya walang basehan ang kanilang sinasabi.”

“Parang panic reaction (ang reaction ng House) eh. Alam mo paiba-iba. Una sabi ni Rep Zamora I don’t know where the good senator got his figures because I looked into our records, wala akong nakitang ganoong kalaking halaga. Then yun sa isang online media outlet. Nang nabasa ko ilang oras lang nakakalipas, another online media sabi niya hindi, kung sino-sino nag-insert. Pero inamin niya na meron. Ano ang totoo, wala o meron? Inamin din ni Rep. Andaya pati ang figures sabi niya kay SGMA P1.9B, di niya binilang ang P500M para sa farm-to-market roads. Ang sinabi lang nila ang pang-DPWH at iba pa. E pag kinwenta mo P1.9B plus P500M P2.4B nga. Tumatawad pa pero malaki pa rin eh.”

“Ang mas magandang analogy, pag nasa korte ka huwag ka magsinungaling kasi mahirap matandaan ang kasinungalingan. Ang madaling tandaan ang katotohanan.”

“Hindi (ko) intention magkaroon ng expose hindi intention magkaroon ng revelation. Ang intention is i-correct ang nakikitang mali sa budget. Parang incidental lang ang magkaroon ng revelation dahil ipapa-clarify ko at kung hindi tama ang sagot siyempre idedebate ko yan.”

On whether the House has asked to delete the items:

“Actually wala. Walang balita na may intention sila na sabihan ang Senado dahil ito di alam ito, di alam ng liderato ng House ito. Pwedeng kami pumapayag na tanggalin ninyo o kami nagkukusang loob na ito ang tanggalin ninyo dahil di talaga naaaayon sa ruling ng SC.”

“Sa period of amendments siyempre pade-delete. Siyempre di lahat dahil meron doon kasama sa National Expenditure Program. Lumobo lang ito after na-approve on 2nd reading tapos nag-hold sila ng tinatawag na small group committee, doon nila pinasok ang mga amendments na sabi ng ibang kongresista, hindi naman ito napunta sa plenaryo.”

On claims other House members got bigger allocations:

“Simple lang naman i-compute. P2.4B ang kay SGMA, sabi niya pang-100 siya pinakamataas. 99 others mas malaki pa roon. So simple calculations, multiply natin ang 99 congressmen with P2.5B kasi mahigit yan sa P2.4B, easily masasabi mo P247.5B. So ganoon ba kalaki ang na-insert ng mga kongresista? Kung sa panuntunan ng statement ni Rep. Andaya na ating ibabase, at ito nilagay ko na lang sa P2.5B kasi sabi niya may P8B. So 247 sabihin natin P250B ang inaamin niyang insertion ng ilang mga congressmen kasi may nagsalita wala naman silang natanggap na higit sa P60M na ikinalat ng liderato ng House.”

“It doesn’t make sense to me na may ganoong kalaking insertion, maski halungkatin natin buong GAB version ng House, wala kaming makita na P250B insertions na ginalaw between approval on 2nd and 3rd readings. Wala kaming makitang ganoon.”

“You can just imagine magkano ang pork na papasok doon, aabutin ng kalahating trillion sa kanyang statement na 100th pinakamataas na insertion ang nangyari sa legislative district ni Gng. Arroyo. Di ba ingat na ingat ako sabihin sa inyo na si Gng. Arroyo mismo nag-insert noon. Unang una wala ako doon nang ginawa ang insertion so di ko alam sino ang nag-insert. But the fact remains lahat na budget na yan, P2.4B, P1.9B plus P500M sa farm-to-market roads within the 2nd legislative district of Pampanga yan ang pumasok, yan ang sinasabi sa budget book na transmit sa amin ng Kongreso.”

“Hindi kapani-paniwala na 292 sila o sabihin natin total number 297, mahirap paniwalaan na ang Speaker pang-100? Magrereklamo ang liderato. Masyao namang generous. Sino ang pinakamalaki at sino ang pang-99 na pinakamalaki na nakapagsingit. Papayagan ba ng liderato ng House yan? Di ba dapat tanggalin din nila dahil kalabisan yan kasi pag sinabing P8B para sa isang kongresista napaka-anomalous noon at saka unconscionable yun. Isang distrito kukuha ng P8B?”

“Yan ang indication kaya sinasabi hindi naman ganoon kalaki kasi hindi nga pinakamalaki kundi 100th. So preparation na yan para pang-justify na di tanggalin ang naisingit na pondo sa 2nd legislative district ng Pampanga.”

On Rep. Suarez’s claims:

“Naintindihan ko naman ang situation ng congressman dahil may constituent sila. Pero ilagay natin sa tama ilagay natin sa ayos doon sila makipag-discussion kung ano ilalagay sa budget sa LDC, lalo si Rep Suarez. Anak niya ang governor. Di ba pwedeng doon na lang sa pag-discuss nila sa umpisa muna sa barangay development council, paakyat sa munisipyo at paakyat sa probinsya, di ba mas maganda doon mapag-usapan kung ano ang requirements ng bawa’t distrito na nagko-compose ng bayan-bayan? Ngayon pagka umakyat ito sa RDC subject to vetting ng ahensya di ba mas maayos? Ganoon dapat yan ang nasa LGC eh. Di ba dapat sundin natin yan para walang disconnect? Ang laki ng disconnect eh.”

On ‘new’ insertions uncovered in the House version of the budget:

“May nakita kaming bago, may distrito sa Bohol, may distrito sa Surigao. Ang pattern makikita mo pagka na-identify mo sino ang congressman sa district na medyo malaki at biglang lumobo, isa lang ang common denominator. Malapit sa Speaker.”

“Ang pwede ko lang i-identify na sigurado ako, ang distrito kasi nasa budget. Di naman nakalagay sa budget sino ang gumawa ng insertion. Bahala kayo mag-draw ng conclusion. Halimbawa isang distrito sa Mindanao so far nakita namin P2B, P1.5B tapos may isang distrito sa Visayas, halos ganoon din, papalo ng P1B.”

On the proper procedures for development projects:

“Yan kaya malaki ang disconnect. Ang pangangailangan at priority ng LGU di nasusunod.”

“Manggagaling dapat sa budget preparation kasi 4 phases. Preparation, ito ang executive. Nagsisimula ito sa LGU, barangay level, paakyat ng munisipyo or syndad, tapos probinsya at aabot sa regional development council. Nagdidiskusyon sila kasi may NGOs pa riyan kaya transparent, may civil society, NGO, civilian sector kasama sa discussion. Ano pangangailangan? Umpisa natin sa munisipyo water system o anuman. Ito vet nila tapos ipapasa sa LDC. Ito na presided ng vice mayor tapos naroon ang councilmen siyempre debate sila roon anong mga priority. Aakyat sa provincial at RDC, consolidated at vet ito ng national agency na mag-implement. Kung infrastructure, vet ito ng DPWH. Kung farm-to-market roads o sa agriculture, DA and so forth. Pag consolidated at nagkaroon ng budget call sa Malacanang, dahil ang prepare nito DBM, ang DBCC mismo, chairman DBM co-chair ES, DOF, NEDA, yan ang mga member. So pag may budget call ipe-present na ang sinumite ng RDC. Every step of the way kasama sa discussion o member pagdating sa municipal, city at provincial level ang district reps. Sa barangay naman pwede sila magpadala ng rep nila para makipag-discussion. So doon dapat nangyayari ang priority projects ng congressmen. Kaya district reps ang tawag sa kanila, kasi nirerepresent nila isang distrito sa probinsya o distrito nila yun ang syudad o bayan depende sa laki ng population and so forth.”

“Ang nangyayari balewala ang local development plans prepared by LDCs at inaprubahan at pagdating sa Kongreso di nakialam ang district rep sa discussion sa pagbalangkas ng LDP, ang nangyayari sa Kongreso kanya-kanyang singitan, wala nang consultation. Sa SC ruling sa Belgica vs ES, dapat hindi nao-override o nadu-duplicate ng individual legislators na considered national officers na wala naman silang lawmaking authority except kung acting as a body, meaning as the whole Congress. Pero nangyayari pag period of amendments o wala pa man kanya-kanya nang insertion ng sari-sariling projects. Doon nagkakaroon ng disconnect. Kung ano ang kailangan at priority ng LGU, hindi nare-reflect sa national budget. Ang dumarating na pondo o proyekto para sa isang munisipyo e hindi ang kailangan nila. So ang laki ng disconnect ano resulta nito? Ang laki ng unused appropriations. Kasi maski ang ahensyang nakatalaga kung sino mag-implementa hindi alam implement dahil di alam kung ano yan, biglang siningit ng congressman.”

“Isang example kasi noong nag-ikot ako noong 2016, sa isang lugar sa Mindanao sabi ng mayor 2 terms na siya may follow up siya na concreting ng kalsada kasi ang kanyang distrito tourism area so walang nangyari until one fine morning biglang dumating doon ang magko-construct, may DPWH at contractor. Tuwang tuwa siya, takbo siya sa lugar ng proyekto. Ito na ang aking nire-request, maraming salamat po. E yun palang gagawin widening. Sabi niya teka muna, wala pang kalsada rito. E hindi, ito ang kontrata namin, widening eh. So wala siyang nagawa kasi may contract. Natapos ang kalsada, widening. Pero wala ang main. So anong gamit noon sa munisipyo? Ito isang kaso ng disconnect na hindi tumutugon sa priority and needs ng munisipyo.”

On what will happen to the insertions of SGMA and Rep. Andaya:

“Harinawa pag nag-caucus kami, mag-introduce ng amendment masuporta ako ng aking kasamahan. Kasi remember isang boto lang ako. Pag nag-introduce ako ng amendment, pag tinalo ako sa boto wala rin, walang saysay. So sana makumbinsi ang majority ng aking kasamahan na kung di man bawasan i-delete ang sa tingin namin ang kulang sa pagpaplano at konsultasyon sa kinauukulang ahensya para hindi lumobo ang unused appropriations.”

“Ang isa pang naging resulta nito, aftereffect nito, ang laki ng COA findings, isang example ang 2017 sa COA report sa entire bureaucracy, mahigit P400B ang suspended ng COA. Mahigit P16B yan naman ang disallowances. Pagkatapos may component na charges, meaning ito ang sa collection ng revenues nag-underappraise o overappraise so kino-correct din ng COA. Ang suma total ng COA report 2017 ang lahat ng may mga COA findings mahigit P500B. Ito ang questionable. Bakit nagkakaroon ng question? Kasi nga walang kaukulang consultation between executive and legislative pag ipinasa ang budget, kaya ang pagimplement wala sa lugar, wala sa ayos. So doon sa discuss natin na preparation. E narito tayo sa authorization phase kung saan ang legislature, authorization. Kongreso pwede mag-authorize maglabas ng pera galing sa treasury. Di pwedeng executive lang yan. Ang mag-authorize by way of legislation ang Kongreso. Tapos pangatlo ang execution dito nagkaloko-loko sa execution kasi dito nagkaroon ng disconnect at maraming problema sa pagplano at pag-execute, pati authorization phase na pinasukan ng mga mambabatas. At ang huling phase, accountability. COA na yan. Kung P583B ang questionable na pag-implement ng proyekto, dahil nga sa problemang nagsimula sa budget preparation, budget authorization at sa execution, e isipin mo ang malaking nasasayang na pera rito. Ibig sabihin kung question ng COA yan, either pahintuin ang proyekto o suspended ang pag-implement ng proyekto. So ito nangyayari para magkaroon tayo ng overview kung paano ang kalakaran sa national budget.”

On pork and the ballooning national debt:

“Tiningnan namin ang national debt. Inilabas ko ito nang nag-interpellate ako. Bawa’t isang Pilipino may utang na P71,000. Isipin mo pinanganak kaninang umaga at ipapanganak sa araw na ito may utang agad siya na P71,000 dahil lumobo ng lumobo ang borrowings natin. Okay lang mangutang tayo kung may pupuntahan ang inutang. E kung nasasayang naman ang pondo due to corruption, inefficiency ang laking masasayang, utang tayo ng utang, lobo ng lobo wala tayong nakitang development para pambayad sa utang.”

“Ang pambayad sa utang, interest payments, kailangan utangin din natin. Malungkot. Kaya nga palaki ng palaki. I remember mga 3-4 years ago nasa P60-plus thousand per Filipino e lumolobo ang population natin pero … per capita per Filipino citizen ang utang from P60K 4-5 years ago ng bawa’t Pilipino na noon 90M ang ating population lumaki ang population dapat liliit ang utang ng bawa’t Pilipino pero pero lumaki pa umabot pa ang utang na P71K per Filipino. Di ka ba nagagalit na wala kang kinalaman, bigla … ang budget mula sa preparation sa authorization lalo sa execution paglalaruan, tapos ang burden mapupunta sa ating lahat na wala naman tayong kinalaman doon?”

“Kailangan magpasa ng taxes kasi kailangan ng additional revenue dahil may pressure ang pinagkakautangan natin sa atin. Uy kailangan mag-raise kayo ng taxes kundi tataas ang interest ninyo o kaya di namin kayo pauutangin. Mag-raise kayo ng sarili ninyong revenue.”

On the removal of UACS in the House version of the budget:

“Ang malungkot nito nawala ang Unified Accounts Code Structure. Napakainam sana noon in-introduce ito ng DBM para sa transparency. Kasi mata-track mo bawa’t project at item may naka-assign na numero. So pag nawala ang numero na yan makikita mo halimbawa nag discussion na sa House o sa Senate at ang numero madali mo ma-trace kung saan napunta. Ang problema tinatanggal sa House. Sinasadya nilang tanggalin, inaalis nila UACS e napakagandang sistema noon. In fact ginastusan ng gobyerno yan para magkaroon ng ganyang sistema.”

“Ang problema pag NEP pinadala sa House pag prepare nila ang GAB-1 ito ang House bill na idi-discussion nila nawawala ang UACS tinatanggal nilang sadya. So isa lang dahilan noon, para mawalan ng transparency.”

“Yan nga ang nagiging problema. Napakadali sana kung ni-retain nila ang UACS at least makikita natin paano nila (inasado?) ang particular na pondo para sa proyekto, saan nila dinala. At makikita roon maski ng executive department makita nila saan napunta ang sinumite nila sa NEP. Ngayon ginagawa ng DBM mag-scrutinize din sila dahil aalamin nila ano dapat i-veto ng Presidente. Ang nangyayari nahirapan din sila kasi mano-mano sila. Nang unang lumabas ang usapin, sabi ko scrutinize ko ang budget, matatagalan sa House, kinakalikot nila, nagpa-send nga ng word si Sec. Diokno at natutuwa ako, sabi niya pakisabi kay Sen. Lacson, willing kaming tumulong sa pag-scrutinize. Ibig sabihin hindi rin sila sang-ayon sa ginawa ng House na inasado ang budget. Parang decapitated or mangled nila talaga para di makilala, unidentified na halos.”

“Ang UACS matagal nang tinanggal yan. Lagi ko nga tinatanong yan ano nangyari sa UACS, ang gandang sistema yan.”

“Ang ending bakbakan yan pagdating sa bicam. Minsan sa bicam malamang sa hindi remember noong 2018 sagot din ito sa insinuation ni Rep. Andaya na ang sa HOR at ilang member lang ng HOR ang aking ini-scrutinize. Ang budget noong discussion namin 2017 for the 2018 budget ang dami kong pinatanggal doon, mga P86B pinaalis ko dahil may issue sa RROW. Pinakita ko pa nga roon may mga proyekto sila na hanggang ngayon di maimplement o na-suspend dahil di settled ang RROW. Ito I picked up from where Sen Villar at the time nag-interpellate ako sa DPWH budget, tumayo siya roon kasi inalalayan niya si Sec Villar. Sabi niya talagang di ma-implement yan. Ang issue na ni-raise ko noon napakababa ng obligation rate ng DPWH. Sabi niya nangyayari yan kasi nga ang RROW di nase-settle pinapondohan agad ang construction of roads. Sabi ko kung ganoon scrutinize namin nakita namin ang items na road construction and repairs including RROW, sabi ko kung including RROW di pa settled ito. Binilang namin yan umabot sa P86B worth ng proyektong di settled ang RROW. Pinatanggal ko. May kasamahan ako sa Senado lumapit sa akin. Sabi nila tinamaan mo project ko. Sabi ko di ko alam na project mo ito in the first place. Nagkaroon kami ng discussion bakit daw pinakikialaman ko project nila. Teka muna, hello. Papaano project nyo e di ba bawal tayo magkaroon ng project nga dahil legislation tayo? So di totoong House lang ang kinu-question ko. General ang aking approach at indiscriminate. Kung ano ang makita ko sa tingin ko masasayang ang pondo ito ang pinapa-delete ko. At noon pinayagan na sana ng chairman ng mother committee pero pagdating bago mag-bicam nakipag-meeting sa DPWH, nag-submit sila ng corrected copies ito settled na ang ROW. I took their word for it dahil sinasabi ninyo ito ang papeles sana sinubmit nyo ito nang nag-i-interpellate ako para di ko na delete. Lumalabas ngayon may project dito, ang Sariaya Bypass Road. Magkano pumasok na pera roon? Sinuspend noong March last year. Sabi nila unsettled ang issue ng ROW maraming nagrereklamo. So nasayang ang proyekto magkano napasok nap era, napakalaki. Di masyadong naintindihan ng kasamahan ko siguro o ayaw nila intindihin at mga kababayan natin kung bakit, di madaling mag-scrutinize. Mas madali matulog nang maaga.”

“Ok lang insertion kasi power of the purse at trabaho natin mag-realign. Sabi nga ni Sen. Loren talagang trabaho ng Kongreso yan. Fine talagang trabaho natin yan. Pero huwag naman ang indiscriminate, tapos whimsical, arbitrary na di tayo nagkokonsulta. Again balikan ko ang SC ruling ang grave abuse of discretion. Ang definition nila ng pork for their convenience sinasabi nila di pork pag pre-enacted.”

“Noong araw kasi may P200M bawa’t senador at may P70M ang bawa’t congressman pero wala pang na-identify na items. Pag naipasa ang GAA saka lang mag-identify, so post-enactment. Pero remember pag binasa mo kabuuan ng SC ruling ang sumunod doon nakalagay na all informal practices of similar import and effect that the Court deems to be acts of grave abuse of discretion, amounting to excess or lack of discretion are also declared void. Meaning pag inabuso mo discretion mo ikaw mag-isa. Di mo alam ang pag-aaral na ginawa ng ahensya, di ba abuse of discretion yan? Kasama rin sa pork yan.”

On the chances of the Senate passing the budget before adjournment:

“Behind schedule na kami. Dapat nasa Day 6 na kami… Ang adjournment namin 14, hanggang Friday kami. May joint session sa 12, pag natapos balik kami sa budget deliberation pero maski Friday, ang legislative calendar kasi talagang Friday. So di kailangan baguhin ang legislative calendar sundin lang ang regular adjournment hanggang Friday. Pero di namin kaya tapusin. Parang pang-Day 2 or 3 pa lang kami sa schedule.”

“Maski mag-special session kami di pa rin kakayanin unless papayag na lang kaming hilaw-hilaw ang budget. Aabutin talaga ito next year, di na maiwasan ito at di namin kasalanan ito. Sabi nila lagi nasa inyo ang NEP noong August, tama yan pero di NEP ang reference namin. Ang mas mahalagang reference namin ang House version. Ang NEP reference din pero ang pinaka-reference namin siyempre ang ia-amend naming House bill.”

On the acquittal of former Sen. Revilla:

“Nakakahina ng loob pero di natin makakaila na former colleague at kaibigan ko si Sen. Bong so syempre maski papano natutuwa rin ako na nawala na siya sa kulungan. Pero sa isang banda naman ang pagiging legislator at pagiging advocate ko laban sa pork barrel siyempre nakakapanghina ng loob at malaki ang frustration. Pero sa isang banda rin ang pangatlong persona sabihin na nating ganoon, e sino ba mas nakakaalam nakaka-appreciate ng ebidensya assuming regular ang lahat na nangyari sa trial kundi ang mga justices na bumoto na i-acquit sya? Di naman natin napagaralan, nahimay, meron ba isa sa atin maski sino sa atin na nakapaghimay ng ebidensya kundi justices ng SB? Sa akin naman let’s give it to them na sila may better appreciation ng ebidensyang presented ng prosecution at defense.”

On the possible extension of martial law in Mindanao:

“Magkakaroon kami ng briefing ng AFP, ng security officials on Monday. Doon maraming tanong kesa sa nakaraang extension. Now base doon sa mangyayari sa Lunes, doon kami siguro makapag-decide kung susuporta namin. As if naman factor ang aming boto kasi voting jointly yan. 22 kami, maski hindi magma-matter at least ang boses ng Senado may ipapakita pero base ito sa briefing bukas. Kailangan kumbinsihin nila kami na pwede pa ang third extension.”

“Tama na (ang 1 briefing) kasi madali lang ang tanungan diyan, simple lang. Nag-e-exist ba ang condition, may rebellion pa ba roon o ano magandang maidudulot ng martial law? Ano bang magagawa nyo pa na di nyo nagawa? Parang ganoon.”

*****