Ping: Ombudsman Puwede Nang Imbestigahan ang ‘Pork’ Insertions

photo1206-002

Kailangan na ring mag-imbestiga ang Ombudsman sa maeskandalong pagkakabunyag sa β€˜pork insertions’ ng mga kongresistang kadikit ng kasalukuyang pamunuan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ang naging mensahe ni Senador Panfilo Lacson, makaraang inguso ni House Majority Leader Rolanda Andaya Jr. ang isang contractor na umano’y nakakopo na sa mga proyekto sa susunod na taon kahit hindi pa aprubado ang 2019 national budget.

Sa kanyang Twitter post, inihayag ni Lacson na puwede nang manghimasok ang Ombudsman, bukod pa sa maaring gawin ng Kongreso matapos ang pagbubunyag ni Andaya.

“Expose pa more! A single contractor bagging 30 flood control projects worth billions of pesos calls for a congressional inquiry/Ombudsman investigation. Thank God I found an unlikely ‘ally’ in Cong. Andaya,” saad ni Lacson.

Related: Lacson: Time for Ombudsman to Step into β€˜Pork’ Insertion Mess

tweet1211-andaya

Una nang nabunyag na nasa 30 flood control projects umano ang nakopo ng contractor na tinukoy ni Andaya kahit pa hindi natatapos ang deliberasyon sa pambansang gastusin para sa susunod na taon.

Base sa mga inikuwento ni Andaya, taga-Bulacan ang contractor pero nakakuha umano ito ng mga flood control projects sa mga malalayong lalawigan katulad ng Sorsogon at Catanduanes.

Bago ito ay isiniwalat ni Lacson na sa ilalim ng bersiyon ng Kamara sa pambansang badyet para sa susunod na taon, nakatanggap ang isang kongresista ng P1.9 bilyon na halaga ng pork insertions at P2.4 bilyon naman ang isang babaeng mambabatas.

Kalaunan ay nabunyag na mga distrito sa Camarines Sur at Pampanga ang napunta ang mga nabanggit na pork insertions, kung saan kinatawan sina Andaya at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa ilalim ng bersiyon ng Kamara sa pambansang badyet sa susunod na taon, mayorya sa mga kongresista ay binigyan ng P60 milyong alokasyon bawa’t isa para sa umano’y mga proyekto ng mga ito.

Si Lacson ay matagal nang hindi tumatanggap ng alokasyon ng pork bilang bahagi ng kanyang totohanang krusada laban sa katiwalian.

“I will continue this lonely crusade against the pork barrel even alone, as I have always been doing,” banggit pa ng mambabatas.

*****