In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– new scheme involving parking of ‘pork’
– bill seeking the abolition of the Road Board
– moves to amend the 1987 Constitution
Quotes from the interview…
On the scheme involving parking of pork:
“Early this year may nag-confide sa akin na kakilala kong congressman may lumapit sa kanya may offer na P200M para sa proyekto sa distrito niya. Ang panggagalingan nito allocation na naka-park sa ibang distrito, medyo malayo… ang condition lang, ang contractor sa amin. So di siya pumayag kasi ang congressman iniisip niya wala siya sa control sa quality ng proyekto na gagawin sa distrito niya baka siya mabagsakan ng sisi dahil kung distrito niya iisipin sa kanya ang proyekto na yan at yan ang ia-assume. So di siya pumayag.”
“Pero yan ang nakapagtataka kung halimbawa talagang gusto tumulong, genuine ang gustong pagtulong di ba partehan na lang siya ng P200M para sa kanyang distrito wala nang condition na ang contractor sa kanila?”
“Basta nag-agree kami mainam mailabas ito para ang bagong scheme na ito malaman ng kinauukulan o ng publiko for that matter.”
“Dapat talaga malaman … sino ibang nakausap na kongresista? I suppose isa lang ito sa nakausap. Kaya ko lang naalala kasi naglabas ng statement ang isang congressman din na baligtad. Sabi niya ang party list nag-park ng allocation sa distrito niya kaya lumobo ng lumobo, yan ang kanyang sinasabi. Pero ang hindi ko mawari, party list wala silang particular district. Pupuwedeng ang kanilang allocation sabihin na nating pork kasi sila nag-identify, kailangan magpaalam sila sino ang congressman doon so doon nila nilagak. May pangyayari pa na medyo nag-away ang party list at district rep ng distrito kasi nag-aagawan sa credit o pag-ako sa allocation sa distrito. Sinasabi ng district rep, akin ito kasi nasa distrito ko. Sabi ng party list, sa akin yan kasi ako naglagay niyan, ako nag-realign niyan. Maraming variation. So posibleng may katotohanan ang sinasabi nitong congressman ng Sorsogon pero mismong ang congressman naman na nakausap ko pabaligtad naman yan. Naka-park ang malaking pondo ang assumption is billion, at nangyayari talaga tama ang sinabi ni Rep. Andaya na may natuklasan sila na napakalaking allocation sa 1 distrito.”
“Ang siste, kaya bang i-absorb, ang absorptive capacity ng distrito say P4B worth of projects saan isasaksak yan kung walang available na paglalagakan? Just the same naka-park sa kanyang distrito, alam nila di ma-implement dahil napakalaki kaya ino-offer ito sa alam nilang kongresistang di nabigyan ng malaking allocation or wala at all. Kasi hindi naman naman talaga nagkakaroon. Pati ngayon meron akong alam na congressman maski sinabing lahat may P60M may nakausap ang staff ko na kongresista sabi niya di siya kasama sa P60M.”
“From one point of view walang pinagbago, naiba lang sistema. Pinaikutan lang nila ang SC ruling kaya ang general principles na interpellation ko di pa point out ko bahagi ng SC ruling hindi naka-limit sa post- and pre-enactment kasi ito lagi nilang sinasabi, pre-enactment ito dinala sa amin ang GAA sa pamamagitan ng legislation. Hindi na tulad ng dati na may item sa GAA na PDAF may total amount na lump sum tapos pagpasa ng GAA saka pa lang naghahanap ng proyekto ang lawmakers. Ang nangyari doon pa lang sa GAA naka-insert na pero ganoon pa rin kasi may grave abuse of discretion. Kaya point out ko di lang portion na yan ang nasa ruling, sa jurisprudence. May ibang practices na sinasabi ng SC na pork pa rin yan. Tulad ng ‘all informal practices of similar import and effect the Court deems to be acts of grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction’ unlawful, illegal pa rin, pork pa rin.”
“May ibang LGU pag gumawa ng local development plan hindi pwede ma-override o ma-duplicate ng kongresista o lawmakers kasi may budgeting process na dapat sundin na lahat ng plano, at least ang local infrastructure projects, dapat sa local development plan manggagaling. Ang nangyayari na-disorient ang ginawang plano sa baba dahil pagdating sa Congress kanya-kanya nang insert-an na wala nang consultation at disregard ang local development plan. Kung tutuusin under the LGC mga member sila ng municipal, city. Provincial, local development councils. Pwede sila makipagdiscussion kung anong proyekto, at least may kasamang consultation sa needs and priorities LGU kasi multi-sectoral may NGOs na nagpa-participate. So alam dapat alam nila sa local level saan ang tulay na unahin, anong kalsadang dapat unahing gawin. Nababalewala yan kasi pagdating ng deliberation sa HOR kanya-kanya nang singitan wala nang pag-aaral o pagpaplano wala nang consultation. So ang nangyayari kung di kaya implement ng mga ahensya di nagagamit so lumolobo ang unused appropriations. At hindi lang yan. Pag hindi nagamit at kung nagamit man mali-mali ang pagkagawa. Di napakinabangan.”
On dealing with the new practice of parking pork:
“Matitigil ito pagka na-scrutinize ang budget at makita saan nakalobo. Ang mas nakakaalam nito ang chairman ng committee on finance kasi sa kanya sinusumite. Dapat ang pag-asa na lang kung kitang kita naman na napakalaki ang ini-introduce na amendment ng senador at puro infra, at hindi kinonsulta sa ahensya.”
“Balak ko ito itanong. Anyway di pa tapos ang budget deliberation at nakareserba ako magtanong sa ahensyang concerned. Pwede tanungin yan kung nangyayari talaga ang ganoon kung alam ng halimbawa ng DPWH merong ganoon.”
On enlightening the public on the budgeting process:
“Kung di naman natin titingnan kaninong pera yan? Pera ng taumbayan yan. Kaya ko sinabing natutuwa ako dahil dati mag-isa ako walang sumesegunda. At least ngayon dahil may nabanggit na pangalan sila mismo nag-scrutinize din kaya lumabas ang issues. At ang kababayan natin na-educate na-enlighten at na-inform through media, naipapaalam sa kababayan natin kung ano ang kamalian sa budgeting process at saka kung ano ang nasasayang na pera. Kaya tinanong ko COA sa budget deliberation dahil natuklasan namin ang questionable na gastusin ng national government ang finding ng COA umabot sa P583B either disallowance, suspension o charges. Pinakuha ko sana ang detalye para malaman ano ang ahensyang may kamalian para mai-correct. Pag P583B ang questionable, ang paggawa ng proyekto, ibig sabihin may mali talaga yan. Anong bahagi ng national budget ang kalahating trilyon sa P3.7T? Napakalaking bahagi niyan.”
On the right-of-way issue involving the DPWH:
“Pinasumite ko ngayon ang DPWH at ito magiging bahagi ng aking interpellation, pinasumite ko sila, itong P50B na tinanggal ko na nakiusap kayo ma-restore dahil nag-commit kayo na settled ang ROW or at least ise-settle bago magsimula ang construction.”
“Pinapuntahan ko ang lugar ng sinasabing proyekto na sabing settled ang ROW, ipapakita ko sa inyo pagdating ng Enero may bahay sa gitna ng kalsada. Paano gagamitin ang kalsada kasi di pa settled ang ROW?”
“Natatawa kami at naiinis kami, dahil kongkreto ang kalsada pero biglang may bahay sa gitna. Kinausap namin ang may-ari ng bahay at lupa, bakit kami aalis dito walang nakiusap sa amin na kung magkano halaga ng ibabayad sa amin wala talagang nakipagusap. May pumunta na may dalang pro forma na letter pinapapirma sa kanila, halos blangko ang halaga. Di siya pinirmahan.”
“Ang tanong, ang laking pondong nilalaan din sa GAA para sa ROW. Ang 2017 or 2016, I think may P29B para lang sa ROW. E kung hindi nila sinesettle ang ROW saan napunta ang halaga na yan? Hihingi ko yan, ang specific o itemized na sino binayaran nila. May inimbestigahan kami sa General Santos di ba… puro false claimants, mga fictitious ang iba tapos fake titles. So ito ba kunektado roon na naglalagak ng pondo para sa ROW di sine-settle, tapos may binabayarang di totoong claimant at ang totoong claimant di nababayaran?”
“Ito ang issue na mahirap i-scrutinize pero pinagtyayagaan namin dahil naghihinayang talaga ako sa pondo ng bayan kung saan-saan napunta bukod sa di na nga napakinabangan ang proyekto e sa bulsa ng iba pa napunta.”
“Sabi ko nga di naayos ang ROW may bahay sa gitna paano gagamitin ang kalsadang kinagastusan ng daang milyon? May papakita ako pagbalik sa Enero ang tinutumbok ng kalsada, subdivision e di bubuwagin mo buong subdivision? Hindi nga napag-aralan. Bahagi ng subdivision lang, pero pina-drone ko, para di na sila makatanggi. Ito ang sinasabi kong kaya ko pumayag ako i-restore ang P50B na pina-delete ko dahil sabi nyo settled ang ROW. Akala nila matatapos na doon ang usapin. Di ko naman tinigilan pina-submit ko sila ano ang completion. At ang submission nila magugulat kayo may physical accomplishment may 0.0%, 0.68%, matatapos na ang taon. So nasaan ang pondo?”
On the House resolution calling for DBM Sec. Diokno’s ouster:
“Unang una ano ang pinag-ugatan ng resolution na yan? Yan ang usapin ng CT Leoncio construction firm na inuugnay nila kay Sec. Diokno. Una, medyo speculative yan. Bakit naman kaagad hihingin ang ulo ni Sec. Diokno na di nakausap ang Leoncio at may sinasabing may kaugnayan sila kay Sec. Diokno? So mukhang premature yan, too harsh and unfair para kay Sec. Diokno, na iniugnay sa kanya tapos agad-agad may resolution na pinatatanggal siya.”
“Meron pang isang issue na separation of powers. Although that’s a resolution na parang sense of the House dahil ina-adopt sa plenary, meron din pwedeng sabihin bakit pinapakialaman ng HOR ang prerogative ng pangulo ang pag-appoint o pagtanggal ng Cabinet Secretary? Yan ang mga issues na involved doon at ito sa pagitan ng Malacanang at HOR.”
“Base sa napanood namin sa Question Hour ang portion at least, wala sa akin, sa tingin ko at this point in time, speculative ang pinanggalingan ng paghiling nila sa resolution sa ulo ni Sec. Diokno.”
“Paano nila na-conclude agad si Sec. Diokno nag-allocate noon? Wala silang binabanggit si Sec. Diokno nag-alok. I think we should leave it ang issue between the HOR and Malacanang.”
On the Road Board abolition and resolution seeking Diokno ouster:
“Ang nangyari sa Road Board initially noong panahon ni Speaker Alvarez may pinasa sa bill on third reading ma-abolish ang Road Board. Sa amin meron din kaming counterpart. E medyo magkaiba ang version ng HOR at ng Senate. So magkakaroon sana ng bicam dahil may disagreeing provisions. Ngayon nagpalit sila ng liderato naamuyan namin na gusto ng HOR sa leadership ni SGMA na bawiin, i-withdraw. So naamoy namin di nila gusto i-abolish unlike kay Speaker Alvarez na for abolition sila kasi guidance ng Malacanang. Nang naamoy namin teka muna withdraw nila? Ginawa namin, in-adopt namin ang HOR version para hindi na nila ma-withdraw. Pag in-adopt namin ano pa iba-bicam natin? Yan ang version nyo ia-adopt namin. So ang naging usapin ngayon okay pero kailangan pirmahan ang enrolled bill at pag-adopt ng HOR at Senado sa HOR… E siyempre di pa batas yan kasi di pa enrolled ang bill. Ayaw naman gumalaw ng HOR kasi gusto nila huwag i-abolish. E gusto ng Malacanang i-abolish so nagkaroon ng stalemate.”
“Sabi ni Sec. Diokno isa sa pinagsimulan ng galit sa kanya ng ilang kongresista kasi napakalaki ng Road Users Tax, yan ang pinanggalingan kaya medyo mainit sa kanya. Di ako makapagsabi kung may katotohanan yan o walang basehan kasi suspetsa yan ni Sec. Diokno.”
“Pero ang tanong ko, ang alam namin bakit ayaw, ang HOR nagboto sila i-abolish bakit bigla nagbago ang isip nila nang nagpalit ng liderato ayaw pa-abolish, anong interst nila sa Road Users’ Tax? That’s about P45B kasi medyo naipon. Ngayon dahil ayaw ipa-abolish ng HOR, may instruction si PRRD na huwag mag-release ng pondo kasi DBM nagre-release niyan.”
On the House’s charter change move:
“Ang nagtutulak niyan si Pangulong Duterte, nga lang siyempre ang usaping dapat tutukan muna e voting jointly or separately kasi vague ang sa Constitution natin. Titingnan pa roon ang transcripts ng discussion ng constitutional commission members and delegates. So mahabang usapin. Kami masigurado lang namin na voting separately walang problema sa amin na pagaralan dahil may mali talaga sa 1987 Constitution na di applicable. Lumiit ng lumiit ang mundo kasi e ang 1987 Constitution natin masyadong nationalistic to a fault. Halimbawa ownership of land and investment, di na practical ang 40-60 tapos ownership ng land hindi na practical ang kaya ba natin payagan ang dayuhang maabili ng lupa. Ang nangyayari naman dito dummy nagva-violate ng anti-dummy law. Tapos ang utilities di natin payagan ang hindi Pilipino na mag-invest. So pinapaikutan din ang Constitution. So para mag-adapt tayo in this day and age of modern technology mainam ring ma-revisit ang economic provision.”
“Ang problema, kung malabo ang interpretation ng pagbasa sa Constitution tungkol sa participation ng Senado ayaw namin yan kaya lagi namin sinasabi maski pasa ng House yan dead in the water sa Senado yan dahil ayaw namin hindi malinaw ang usapin ng pagboto. Kasi kung balewala ang boto naming 24 o 23 e balewala kami, lahat ng interest nt HOR members masusunod yan. Of course sa plebiscite pa yan pero ang first step balewala na kami so bakit kami papasok? Pero di namin sinasabi na in toto ayaw namin. Siyempre karapatan namin bilang Upper House gusto namin meron kaming role sa pag-craft ng ihaharap sa aming kababayan na revision o amendment ng Charter.”
“Sa tingin ng mismong chairman ng commission na created, self-serving at saka disgusting ang description niya. Lalo na ang Senate paano kami papasok? Nasama pa kami sa masisisi na disgusting ang ginawa namin?”
*****