Interview on DZRH | Jan. 29, 2019

In an interview on DZRH, Sen. Lacson answered questions on:
– institutional vs individual amendments in the 2019 budget
– ‘pork’ in the P3.7-trillion proposed 2019 budget

Quotes from the interview… 

On the bicam discussions on the 2019 budget:

“Umabot kulang-kulang P190B, yan ang kabuuan ng lahat na amendment na nare-realign ng mga budget ng iba’t ibang ahensya.”

“Halo-halo ito. May tinatawag na institutional amendments. Halimbawa yung nasabi ko si PRRD nagbuo ng additional infantry division ng PH Army. Yan organisado na pero kailangan i-activate by recruitment, equipage, lahat. So nagpadala sa akin ng sulat si Sec. lorenzana at humihiling ng P4.78B para makumpleto ang activation ng Alakdan infantry division, sa Mindanao kung saan nangyari ang pagbobomba sa Jolo. Siyempre kalilangan hanapan saan manggagaling dahil di pwede madagdagan ang budget na sinubmit ng Malacanang. Nasa Constitution yan, hindi pwede mag-increase. So hahanapan yan kung saan at nakita natin unang una ang mga naisingit ng mga kongresista na walang kaukulang pagkokonsulta sa mga ahensya. At meron pang pinanggalingan ang P75B na inamin ng DPWH na hindi nila alam kung paano napunta sa budget nila. So yan ang mga pinanggalingan ng mga realignment na ginawa ng mga senador.”

On the institutional amendment for the Infantry’s Alakdan unit:

“Ang budget call, doon nga medyo hindi naka-synchronize ang pag-prepare ng budget ng Malacanang, at pag-submit ng mga ahensya. Kasi binuo ang infantry division noong November, noong pinagutos ng Pangulo. Kaso March pa ang budget call at July na naipadala ang budget sa Kongreso, after ng SONA. So hindi talaga ito umabot sa NEP. So kailangan hanapan yan kung saan pwede makakuha para mapondohan.”

“Ganoon din ang nangyayari, may disconnect na sinasabi ko sa LGUs. Nabubuo ang local development plan patungo sa Regional Development Council, mga bandang October na, so tapos na budget call. Dapat mag-usap ang local government through DILG at ang DBCC para sa ganoon mag-synchronize para needs and priorities ng LGUs, lalo ang malalayong lugar, maipasok sa budget para sa taong susunod.”

On amendments by the Senate:

“Wala akong exact figures pero mas malaki yan kesa sa individual. Halimbawa DPWH budget alone nang tiningnan ko Senate version na inaprubahan namin, may naka-parenthesis, decrease yan, ibig sabihin tinanggal na P60B, ang pinanggalingan niyan ang P75B na inamin during interellation ng DPWH na hindi nila alam so paano nila implement kung hindi nila alam? Ako nag-interpellate noon. So okay sa inyo delete namin ito kasi hindi nyo kaya implement dahil di nyo alam? Sabi niya opo. E di siyempre pina-delete yan. Ang problema, nabawasan nga ng P60B may bumukol na P23B sa Senate version. Ang P23B mostly ito ang mga individual amendments. May flood control, structures, kung anu-anong mga items, multipurpose building. So individual yan. Yan ang sinasabi ko kung walang pakikipagkonsulta sa ahensya, halimbawa di ni-request ng ahensya at lumabas sa budget proposal sa Senate version papagawa ng tulay o kalye sa pamamagitan lang ng intervention ng senador, paano implementa ng DPWH o anumang ahensya ang proyekto na hindi sila kabahagi sa pagpaplano? Yan ang sinasabi nating pork barrel, ayon na rin sa ruling ng SC kasi whimsical yan, arbitrary.”

“So umabot ng P23B. Yan ang pinapahimay ko at nang hinimay namin siyempre na-identify namin ang mga probinsya kung saan nagbukulan ang bahagi ng P23B. Halos lahat ng nakita ko roon may flood control. E napagusapan namin na tatanggalin sa budget lahat na desilting, dredging. Kasi yan ang pinakamalaking source ng corruption eh. Alam din natin yan, paano mo susukatin ang nahukay mong ilog? At ang COA, at source ito 40% ang commission dito. Alam lahat yan. Tanong ka maski saan alam nilang yan ang pinagkakakitaan. So nakiusap ako kay Sen. Legarda baka pwede tanggalin natin lahat na flood control.”

“May na-introduce akong amendment, ito intervention ni Sen. Drilon sa interpellation, na ibahin ng DPWH ang kanilang submission. Sa halip na budget for dredging budget sa pagbili ng equipment, ng dredging machines. Sa ganoon, maintenance at manpower ang popondohan, one time bibili ng equipment, ibabahagi ito sa mga regional offices ng DPWH, walang kikita. Ang mag-implement, gobyerno. Hindi na papakontrata kasi pag pinakontrata moa ng paglinis ng ilog, pag-dredge at pag-desilt, nakapahinga ang backhoe pag may darating na mag-inspection gagalaw ang backhoe. Pag umalis ang nag-inspeksyon naka-parade rest na naman ang backhoe sa tabi ng ilog na walang ginagawa pero umaandar ang metro ng gobyerno.”

On removing several individual amendments from the budget:

“Marami roon ang maitatabi. Pero ang argument ng mga kongresista, sila may constituents, may distrito. Pero ang bottom line nga, yun bang isiningit ninyong insertions at realignment ninyo, ito ba nanggaling sa ahensyang mag-implement ng request? Or at least man lang kinonsulta ninyo at tinanong sa kanila kung kaya implementa at magagawa ng plano? Kung hindi, mauuwi sa unused appropriations, di rin magagamit kasi hindi kaya ng ahensya.”

“Katunayan noong 2017 para sa 2018 budget, noong pinapuntahan ko ang proyekto mismo na in-insist ng DPWH na kaya nila implement, ang accomplishment report, physical accomplishment 0.68%, 0.00%, halos wala. So ito ang sinasabi ko na pinakaltas ko noong isang taon para sa 2018 mga P50B na project, pero nakiusap sa mambabatas ang DPWH kung pwede ma-restore. Sumulat ang DPWH kay Sen. Legarda pina-restore ang P50.8B with the assurance ma-settle ang ROW at kaya nila implement. Hindi natapos doon ang pag-aaral at para sa 2019 pinapunta ko randomly ang mga proyektong yan at yan nga ang bumulaga sa amin. Walang na-implement halos. Bakit? Kasi siningit ng senador, at walang plano. So mauwi lang sa unused. Sayang, binungkal ang lupa, di nakongkreto tapos ang bahay sa gitna ng kalsada kasi hindi settled ang right of way.”

On institutional amendments not being pork:

“Kaya ang tawag institutional, mismong ang ahensya ang humiling.”

On institutional amendment for the VMMC:

“Isa pang halimbawa, ang VMMC, dumulog sa aking opisina kasi ako nagde-defend ng budget ng DND. Ang sabi nila nagbago ang price index na binigay ng DOH, tumaas. So madidiskaril ang medicine para sa kanilang mga pasyente. Baka pwedeng humingi sila additional para sa pagbili ng medicine at kung anu-ano pa. So pinadagdagan ko yan. Yan isang halimbawa din ng institutional amendment. Kailangan yan hindi masyadong malaki yan pero binigay ko na halimbawa bukod sa infantry division na may institutional amendment pero nanggaling ang request sa director ng VMMC kasi madidiskaril ang kanilang programa ang kanilang budget P400-plus million. Ito confirm ko sa DOH, nang budget ng DOH tinanong ko si Sec Duque, totoo bang nag-increase kayo ng price index ng medicine? Confirm naman na may increase. So yan, pinayagan kong madagdagan ang budget ng VMMC para sa pambili ng gamot.”

On the statement that ‘pag may lusot na individual amendment, may pinalusot na pork’:

“That is a very fair statement. Kung nakalusot yan, ibig sabihin nagkaroon lang ng horse trading. At ito malungkot sa budgeting process natin. Maski sinabi ng SC bawal itong pork marami pa rin. Ang hindi ko lang matanggap, ang sabihin ko nang unconscionable, alam mo, isang probinsya magkakaroon ng singit na 2.7B, 2.3B, 1.9B. E paano yan, singit lang yan, yan ang tinatawag nating individual amendment na tinatawag.”

“Ang mga ganoon, ang mahirap dito, neither House merong moral ascendancy over the other. Kasi kung halimbawang kami sa Senado nagkaisa kami na sumunod tayo strictly sa SC ruling, meron kaming moral ascendancy na ipaglaban talaga ang matuwid. Ang problema, may kasamahan din naman kami na di na ako mag-mention ng pangalan. Pero paano kami lalaban nang parehas sa HOR kung babalikan kami, meron kayong P23B diyan na individual amendment na tingin namin pork din. Bakit nyo kami binabawalan?”

*****