In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on:
– more ‘talking heads’ after Reps. Bravo and Castro
– institutional vs individual amendments
– call to the public on the pork barrel issue
Quotes from the interview…
On the bicameral conference committee meetings on the 2019 budget:
“Pwedeng huli na (on Monday), pwedeng hindi rin. Hinihintay namin ang feedback ng aming chairperson, Sen. Legarda. Dati ang nagiging practice, kapag nag-meet ang small group bicam, parehong chairpersons ng 2 kapulungan, pagbalik sa amin pirmahan na. Wala na kaming time na busisiin anong pipirmahan namin dahil madalian. Pero ngayon may usapan kami kailangan makita namin anong napagkasunduan bago namin i-finalize ang bicam report.”
“Malapit-lapit na rin magkasundo kasi at least kasi noong mga nakaraang araw noong pagpupulong namin talagang tinitigasan ng HOR na kailangan walang small-group bicam, lahat na member kailangan naroon. Kami rin gusto ko ganoon, gusto ko transparent at naka-open sa media at kung sino gusto makinig sa talakayan doon para magkaintindihan kani-kanino ang insertions, realignments, amendments na tinatawag. Maraming nomenclatures. Pero yun nga, simple lang yan. Lahat yan amendments. Ngayon anong klaseng amendments? Yan ang pinag-uusapan.”
On deletions from the ALGU and Tulong Dunong budgets:
“Yan ang sa other financial assistance to LGUs, under ALGU yan. Meron doon sa NEP pa lang na 7B pero pagdating sa HOR at Senado nadagdagan ng 9B. Noong interpellation sa DILG tinanong ko rin ang SILG, anong gagawin ntin dito alam nyo ba ito. Sabi nila wala silang kamalay-malay sa 16B. So tinanong natin ok sa inyo na tanggalin ito? Sabi nila okay dahil di nila alam anong gagawin wala silang malay saan gagamitin yan, so that’s another 16B on top of the 75B. Meron pa sa Tulong Dunong, meron na tayong Universal Access to Quality Tertiary Education. At may nakapaloob sa budget na 43.4B para sa CHED kung saan yan ang tutugon dahil pinasang batas ito. So ang tanong bakit kailangan pa natin ng… mahigit para sa free tuition, ito ang scholarship programs ng congressmen at senador. Ang tanong ko rin ok ba tanggalin ito at ipasok natin, ibalik ito sa CHED at idagdag sa Tertiary Education Subsidy para ito sasailalim sa isang standard. Kasi sa batas yan, ito ang standard paano makapasok sa scholarship.”
“Pwede rin sila (congressmen and mayors) magrekomenda sa CHED sa pamamagitan ng TES. Bakit sila pa kailangan magbigay ng tseke, sila ang mamimili? Si Chairman de Vera, sabi niya wala sila halos pakialam na doon sa nakalaan sa Tulong Dunong. So duplication yan.”
“(Ang P3B ng Tulong Dunong) ni-realign ko binalik ko sa CHED, sa TES. Hindi ko alam kung maagap yan sa bicam. Yan ang nakaltas ko. Ngayon siyempre dahil may fiscal space na na-create dahil maraming nakaltas, 75B, 16B, 3B, at meron pa sa interpellation sa DPWH dahil sa di nagagamit ang pondo para sa RROW. Ang pondo ng RROW ng DPWH for 2019, 28.89 o 29B. So ang sabi nila sa kanila nanggaling ito, ok sa amin ang 20M para magamit sa ROW. Ang 8.9B pwede kaltasin. So idadagdag mo sa 75 plus 16 plus 3 meron pang 9B na nadagdag. So yan lumalabas na pool or fiscal space, pero sa Senate version pa lang yan.”
Institutional vs individual amendments:
“Maraming nagtatanong ano ang institutional at individual amendments. Ako maliwanag kaya wala akong takot o kaba at pinost ko sa aking website ang lahat na aking amendments kasi kumpyansa ako lahat yan institutional. Ang isa roon, nag-request ang isang NGO, ang Social Watch na ito nakabantay sa DepEd, kulang na kulang ang feeding program ng mga malnourished schoolchildren. So nagdagdag ako bilyon yan dahil kailangan makumpleto ang 240 days sa 1 taon na kung saan may feeding program ang mga batang nag-aaral, ang malnourished. May category ito bahala mag-set ang DepEd. Nagdagdag din ako kasi napagusapan na rin kasi nag-utos ang presidente na mag-activate ng infantry division sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi. Siyempre nagpunta sa akin ang AFP at DND, tinanong ko magkano kailangan nyo rito, 4.78B. So sige lalagyan ko ng pondo. Hindi naisama sa NEP ito sa president’s budget dahil nagbigay ng utos ang pangulo, November na. ang budget call March-April. So hindi umabot. So marapat lang pondohan yan, tutal may pagkukunan naman.”
“Lahat na amendments ko request ng mga ahensya. At vine-vet namin. Tulad ng Film Academy, nagre-request sila ang laki-laki, nakita namin ang item meron daw silang anniversary, e gagastusin sa isang gabi parang P10M. Sabi ko hwag natin payagan ito. Ang request nila mas malaki sa budget na nakalagay sa NEP at GAB so hindi pupuwede. So reject namin yan. Hindi naman kami basta ni-request ng ahensya automatic na pagbibigyan. Tapos age-old pension, nagpasa kami ng batas beterano ng WW2, Korea, Vietnam, P5,000 pension nagkakamatay na sila sa maintenance pa lang, iba rito 70-80 years old, pabawas ng pabawas. So nagpasa kami ng batas increase yan from P5,000 a month naging P20,000. And we owe it to them. So may batas, ang kakulangan noon 600 plus million pesos so pinondohan ko yan. Ang CHR nag-request sila ito kalaban ng pangulo, nag-request maraming gaps … pinagbigyan ko rin, dinagdag ko rin yan. Ang PDEA nag-request mag-increase ng personnel, kailangan may operational expenses tapos facilities. So nagdagdag sa PDEA. Sa PNP, DDB kasi gagawa sila ng survey para mabilang ilan ang drug addict kasi ilan ba talaga, 1.8 ba, 2 million ba kaya pinagbigyan ko. All in all aabot ako ng 30B. pero wala akong tulay, wala akong kalsada, wala akong flood control, wala akong ROW, wala akong feasibility study.”
“So ngayon kayo maghusga, ang sa akin maituturing bang individual amendments or pork or institutional amendments? Ang sasabihin ko lahat institutional. Ang lahat na amendments ko mula’t sapul sinusulat ko official form. At ito open document na pwede suriin. Ang iba naman pag nagbibigay ng kanilang amendment pabulong na lang o kaya kapirasong papel o napkin isusulat ibibigay sa chairman ng finance dahil hindi official. Kasi ayaw nila ipakita.”
On accusations by Congressmen Bravo and Castro:
“Sinabi niya (Bravo) na hypocrite kasi pinapansin ko lang daw mga kongresista.”
“Hindi ko pinupuna ang mga institutional amendments na ginawa ng kasamahan ko at ng mga kongresista. Halimbawa alam moa ng DOH dati P30B ang kanilang pondo para sa facilities. Pero sa 2019 ang nakapansin nito si FMD, sa interpellation niya bakit nagging 50M na lang ito paano magamit ang facilities na nagawa na wala naman laman? So dinagdagan namin ng 27 or 30B, yan institutional yan, di mo pwedeng sabihing pork barrel ni Sen. Drilon yan kasi maliwanag na yan ay institutional.”
“Ang malungkot lang kasi kina Reps. Bravo at Castro, nagsisinungaling sila para ma-serve ang purpose nila. Para mapagtakpan ang pork. If you notice, ni isang kongresista tumanggi na 160M talaga bawa’t isa sila. Narinig mo bang tinanggi nila kasi sinabi ko tig-160M? Mas mainam na hindi pa outlawed ang pork barrel kitang kita mo bawa’t congressman 70M, bawa’t senador 200M. Ngayon lalong lumala, 160M each. Isipin mo yan. Ang sinasabi ko nagsisinungaling kasi sabi nila ipokrito ako dahil pinupuna ko lang kongresista. E all over the news sinabi ko may 23B umusbong sa Senado. Di ba nagtampo rin ang ibang kasamahan ko sa akin.”
“Si Rep Andaya lumapit sa akin noong huling bicam sabi niya Senator Ping, naunahan nyo ako. Imagine. Sabi ko makikita mo rin yan kasi kitang kita sa Senate version may umusbong sa budget na 23B. Ako naman, hindi ako conscious na inunahan ko siya dahil sinabi ko lang yan dahil sa akin kung anong facts sinasabi ko. Na may lumobo. Tapos tiningnan ko mga items na paggagamitan ng 23B. May flood control, feasibility study. Sino magsasagawa ng feasibility study, ang senador? Di ba dapat ahensya ang nagpapagawa noon? At ang feasibility study ginawa yan bago pinasa ang budget. Planning yan eh.”
“Binabanatan lang ako (pero hindi dine-deny na may P160M each sila). Maski noong as early as nag-privilege speech ako sa pork in-anticipate ko na, mawawala o mababawasan ako ng kaibigan dito at madadagdagan ang kaaway ko pero ganoon talaga ang kalakaran pero di naman ako titigil kasi yan ang advocacy ko. Pero nilalagyan nila ng malisya ang ginagawa kong pag-scrutinize at pag-question ko. At kung anu-anong mga issue na sinasabi, meron daw ako 50B insertion na pork din. Kaya early this week di ba pinost ko na sa website, naroon pati explanation. Hiningan ako ng explanation sa aking insertion. Ang problema kay Rep Castro naman, trabahong tamad ang ginawa niya kasi nanghula siya ng figure. Hindi man lang nag-aral. All he has to do mag logon sa website pinglacson.net, at makita niya naroon ang explanation at tamang amount, 30.4B yan at kung saan napunta. Di ba trabahong tamad basta mag-akusa na siya nga may 50B di naexplain e na-explain ko na nga roon.”
“I made public already all my institutional amendments because I have nothing to hide. Bakit ko itatago yan e walang makikinabang doon kundi ang institution?”
“Kaya nga hindi sila nag-ano basta makapag-akusa di nila pinagaralan kung anong akusasyon gagawin basta makapag-akusa. When you insult yourself, di ba it is ridiculous. Pero pagka hindi mo alam iniinsulto mo na sarili mo, ang tawag doon comically ridiculous or ludicrous. Yan ang ginagawa nila eh. Iniinsulto nila ang sarili nila hindi naman ako, Kung ano-ano pinagsasabi nila na mali-mali yung diretsong kasinungalingan, para lamang makapanggulo sa usapan. Ako naman natutuwa ako nagpapasalamat ako sa kanila na tuloy-tuloy ang public discourse sa usaping pork barrel kasi yan ang gusto ko, ma-enlighten ang publiko anong nangyayari sa budget natin? Ilan ang pork barrel, ano ang pork barrel, ano ang institutional ano ang individual, anong matatawag mong pork barrel? Kung susuriin nila konsensya nila basta may komisyon, pork barrel.”
“Pre-enactment ang sinasabi nila. Ino-oversimplify nila ruling ng SC. Parang nilimitahan nila ang usapin sa post-enactment legislation at pre-enactment. In-oversimplify nila. Maraming sa ruling ng SC na pag babasahin nila, halimbawa duplicate mo needs ng LGU ang sabi ng SC pork din yan. Pag arbitrary at whimsical walang kaplano-plano, di alam ng ahensya, pork din yan. Maraming definition doon sa pork ruling. Kaya lang again to serve their purpose para mailusot nila ang pork barrel ino-oversimplify nila ang usaping pork sa post-enactment at pre-enactment. Pagka ito hindi pa napapasa ang budget meron silang allocation tig-160M di na pork tawag nila. Ang problema maski sa budget may usapin na binebenta ang pork sa ibang distrito. Ibig sabihin noon meron palang flexibility kung saan pwedeng dalhin ang budget na nakalaan sa isang kongresista o senador sa ibang lugar. E di anong ibig sabihin noon? Di ba may nasiwalat ako noon may isang staff ng senador nag-offer sa kongresista, bibigyan ng 200M sa distrito mo pero huwag mo paghimasukan ang contractor sa amin yan. Di pumayag ang kongresista, sabi niya di bale na kasi baka mamaya substandard ako malagot sa constituents ko. Tinanggihan niya. At itong kongresista kilala ko sinabi sa akin. Sabi ko paano mangyayari yan kung naka-itemize yan sa budget na paano ilipat sa sa ibang distrito? So nakikita mo meron talagang pork naka-insert sa budget.”
“Sa akin lang kung mapupunta sa dapat puntahan at hindi pinagkakaperahan at ito nakaligtaan, bale trabaho namin mag-amend pero alam din natin ang kalakaran sa proyekto pagka hinawakan ng legislator kausap ko rin may contractor tayong kaibigan na nagkukuwento, bumaba nga raw kasi ngayon 10% sa legislator 5% sa ahensya pero commission pa rin yan.”
On more ‘talking heads’ coming out after Bravo and Castro:
“May susunod pa riyan. Hindi pa tapos yan, may magsasalita uli ang iba. Pero ang purpose noon para i-muddle ang issue, para malayo ang usapan sa kanilang pork. Binabato nila, binabalik especially sa akin. Nanghuhula ng numero na 50B na hindi naman tama at kinuha sa hangin basta lang makapanggulo. Yun lang. Yan ang purpose, para ma-muddle ang issue, magkagulo-gulo na, parang we’ll drag you down with us, parang ganoon. Kung mapaniwala nila ang publiko, fine sa kanila. Pero bahala ang public mag-decide. Ako hindi lang ako ngayon nag-iingay sa pork dahil mula’t sapul, sabi pa nila self-proclaimed anti-pork crusader. No need to proclaim myself as an anti-pork crusader kasi ang actions ko naman can speak for itself.”
On the common denominator of Reps. Castro and Bravo:
“Malapit kay Speaker. Si Bravo unang na-meet ko siya sa isang pagtitipon sa Bohol. Maganda ang impression ko sa kanya noon kasi nilalaban niya free irrigation. Sabi ko maganda yan, ako ay mag-file ng counterpart bill, humingi ako ng kopya ng kanyang bill sa free irrigation sabi ko kopyahin ko mag-file ako, isa yan sa una kong ifa-file. Nag-file ako at naisabatas. He came across as genuine, sincere, tapos makatotohanan, credible. E ngayon sabi ko looks can be deceiving pati ang demeanor pagka una mo lang nakita ang tao, dapat hindi ka talaga, ako I consider myself as a good judge of character, pero nagkamali pa rin ako. Dahil nang bumabanat siyang ipokrito dahil pinapansin ko lang daw kongresista, alam na alam niya pinupuna ko rin ang kapwa kong senador. Ibig saihin, easily he can resort to lying just to suit his purpose. Tapos nang binalikan ko siya na ganito, ganoon, tumahimik siya at pumalit naman si Castro.”
“Sino ba si Rep Castro? Ang palaging malapit kay Rep Alvarez nang siya ay speaker. Ngayon malapit kay SGMA. Noong halalan sa Capiz ginawa yan kasi adopted ako ng LP, siya rin ang nangunguna noon, panay puri niya kay Mar Roxas. So yan si Rep Castro kung saan convenient, naroon siya.”
On the bottom line in the 2019 budget:
“Ang ending dapat huwag masayang ang pera ng bayan. Sabi ko nga, lifeline yan. Pag hindi natin hinigpitan ang pag-scrutinize sa national budget mahalintulad natin ito sa wallet ng nanay na bukas ang zipper, mga anak kanya-kanyang kuhanan bankrupt ang pamilya. Mangungutang ang padre de pamilya dahil nakupit ng anak ang laman ng wallet. Naka-budget yan. Ang gastusin sa isang buwan sa upa, pagkain, tuition, baon, lahar naroon. E kinupit ng mga anak. Ang labas noon ang pamilya mangungutang.”
“Parang simplify natin gaano kahalaga ang national budget. Ito ang lifeline pwedeng mamatay ang bansa kung paloko ang pamamalakad sa national budget. Alam ko ito kasi namulat tayo sa kung paano naaksaya ang budget ng bayan.”
On Sen. Recto’s claim that the P160M each district is an ‘equalization fund’:
“Again, arbitrary yan. Pare-pareho ba ang needs ng bawa’t distrito? Babalik ako sa kanina, bawa’t distrito iba-iba ang pangangailangan at prayoridad. Dapat ilagay natin systematic, methodical, at base sa pag-aaral. Kaya ang pag-aaral ibase ang national budget sa local development plan na sinusumite ng LGU. E hindi naman nasusunod yan. Kasi ang nangyayari nagde-decide na lang ang mga mambabatas. Ang mga congressmen naman, member naman sila ng mga Local Development Council, pwede sila makipag-discussion tungkol sa proyekto na kinakailangan, pangangailangan at prayoridad sa mga distrito nila, bayan o probinsya. Bakit di sila sumasali doon? Kung kasali sila roon at napagkasunduan ng LDC at ito pinadala sa provincial and all the way sa RDC, kung saan sila member din ng advisory committee pwede sila makialam doon. Di ba mas mainam naplano nang husto nakita ang pangangailangan at prayoridad, at pagdating sa HOR sila na ang shepherd? Di ba ito discussed sa probinsya namin, kailangan talaga ito, huwag mawala ito sa national budget. Yan ang dapat proseso nang sa ganoon natutugunan ang needs and priorities ng bawa’t LGU hindi sa taas nanggagaling.”
“Mainam ang pagplano galing sa LGU para pag-abot sa itaas, Malacanang o Kongreso, nagkaintindihan, may connection ang pangangailangan at prayoridad na tutugunan ng national budget. Ang nangyari walang interest ang kongresista makilahok sa usapan ng local development plan. Kasi alam nila na baka di sila kumita roon. E pag sa Kongreso doon sila lalapitan.”
“Ang iba may nagsabi sa akin, taong gobyerno na ito, ang nangyari hindi na needs-driven o priority-driven ang mga proyekto. Nagiging supplier- or contractor-driven. Kung ano meron ang contractor at saan gusto ng contractor doon pinopondohan. Anong mangyayari sa bansa natin? May nakikita ka bang kaunlaran sa kanayunan? Hindi na sila makaahon-ahon kasi nga whimsical.”
“Sino ba mas nakakaalam ng pangangailangan at prayoridad ng proyekto ng bawa’t bayan, probinsya at barangay? Di ba ang local? Kung walang kaalam-alam ang kongresista at senador, sa akin ok lang kung may consultation man, huwag na yung nanghingi ang ahensya ng additional na pondo yun lang magkonsulta sa ahensya, plano ko maglagay dito sa lugar na ito e nakaligtaan yata ito. Kaya nyo ba implementa ito? Pag sabi halimbawa ng DPWH kakayanin namin yan, ok lang. Yan ang problema eh.”
“Makilahok sila (mga congressmen) sa pagbalangkas ng local development plan. Di ba district niya sa local? Makipagusap siya sa mayors, barangay chairmen, sa governor. Paano ba natin matulungan ang probinsya natin paano ko matulungan ang distrito natin? Mayor ano pangangailangan? Makipagusap siya roon, hindi ang ayaw niya makilahok doon pero pagdating sa Congress arbitrariy pili siya, kukuha siya ng pondo kung ano gusto niya ipagawa na maski ang ahensyang magimplement hindi kinonsulta.”
“Sa interpellation ko hiningan ko ang DPWH ng accomplishment report kasi noong 2017 usapang 2018 budget ay pinakaltas akong 50B dahil di settled ang ROW, walang planning. Napaalis sa Senate version pero nang bicam na nakiusap DPWH sumulat kay Sen Legarda kung pwede ipa-restore. Nung nagkaharap kami nangako sila sa akin Senator kaya namin implement lahat yan kaya namin i-settle ang ROW maski di pa settled ngayon yan. Sabi ko may special provision na bago mag-commence ang construction dapat settled ang ROW pero sige na dahil may guarantee kayo na maisakatuparan sige pa-restore na lang so 50B. E hindi natapos yan randomly pinapunta ko ang lugar, alam ko naman ang item, kung anong nangyari sa proyekto. At the same time hingi ko accomplish report ng DPWH. Nagsumite sila, 1%, 0.68%, 1 taon na yan. Bakit? Kasi di na-settle ang ROW tulad ng pinangako nila. May bahay sa gitna o gild ng kalsada. Ang slope protection may hindi napakialaman gumuho ang lupa di nagamit ang kalsada. So ganoon kasimple ang usapan. Walang planning nga basta popondohan mo, sayang ang pera.”
Counter-challenge to congressmen:
“Kaya nagcounter-hamon ako, sabi nila sa akin gawin ko isapubliko ko aking amendments. Sabi ko matagal ko na naisapubliko. Bago nyo hingi yan I already made public all my amendments. Challenge ko kayo naman mag-publish ng 160M nyo at saka ang dagdag pa, 2.4, 1.9. Sila naman ang mag-publish, tingnan ko kung kaya nila i-publish. Hindi nila ma-publish dahil natatakot sila makikita ng publiko na pork ang kanila. Ako di ako natatakot kasi maliwanag sa akin wala akong pork kasi sabi ko kanina wala akong request ng panggawa ng tulay, kalsada, multipurpose facility, flood control. Sa akin institutional maliwanag kaya publish ko. E wala naman sumusunod eh. Sabi nila transparent-transparent pero lip service eh. Ako kung ano sinabi ko talagang gagawin ko. Sabi ko i-publish ko, publish ko. Ngayon sila naman ang mag-publish.”
On identifying senators who benefited from the P23B:
“Sa akin minor significance ma-identify sila. Ang issue rito talaga, ang ginagawa sa budget na kung walang pagpaplano at konsultasyon sa ahensya at basta naglagay ka nag-insert ka, hindi nararapat yan. At kung ang isang mensaheng gusto ko i-convey, maski pinagtatago-tago nyo ang insertions, amendments, kung ano man tawag ninyo, realignments, kung anong tawag nyo maski pagtago-tago pag may nag-scrutinize o mag-examine niyan, maikita at makikita.”
“Yan lang naman message kong gusto i-convey. Hindi lahat na kasamahan ko, as early as 2016 ang first week ito ng aming pagumpisa ng 17th Congress, lumapit sa akin si Sen FMD, Pangilinan, Sotto. Sabi nila parang tama ang ano mo. Hindi na sila magsa-submit at hindi sila nagsa-submit. Alam kong may kasamahan ako roon na hindi rin nagsa-submit individual amendments. Ang nangyayari minsan nga pag-interpellate pa lang nag-submit na ng amendment. Si Sen. Loren nang nag-interpellate ako sabi niya, o hinihintay namin amendment mo. Sabi ko teka muna nag-interpellate pa ako di ko pa alam anong amendment ko. Anong ibig sabihin noon? Pag hinihingan ka ng amendment di pa tapos interpellation ina-assume tapos na ang budget nag-interpellate pa ako? Ibig sabihin anong ginagawa natin ito, parang going through the motions of interpellation?”
“Tapusin natin ang interpellation tapos mag-submit tayo ng amendment. Ako nagpanukala kami kasama rin akong senador gusto nila sa floor kami parang ordinary na panukalang batas na sa floor namin i-propose ang aming mga amendment at pagbobotohan namin. Kaya lang hindi rin medyo practical yan kasi di matatapos ang budget. Pero kung susundan namin ang timeline at hindi apurahan kaya namin gawin yan. Ako kaya ko defend amendments ko.”
“(Sa institutional amendments), walang kontratista yan eh. Sila nag-request sila magimplementa. Ang masama makikita mo rin di mo makakaila mag-eeleksyon nakakita tayo ng Projects initiated by congressman, Project of congressman. Anong tawag mo roon, di ba pork yan? Hindi na tinatago, ang laki ng signage, announcing na project nila yan.”
On headway in the fight vs pork:
“At least merong headway. Ang flood control di ba nag-motion ako bicam at na-adopt yan. Tanggalin natin lahat na budget for flood control kasi source of corruption yan, at least 40% yan, mawawala dahil dredging. Na-adopt yan. So at least meron tayong natipid agad na mga P2B pag tingnan natin ang buong budget na na-adopt, nasa P1.8B ang total ng flood control project (for?) dredging. Tapos realign ni Sen FMD na DOH na-adopt yan. So may headway.”
“Remember, isa lang ang aking boto. Talagang ma-outvote ako. Di pwedeng lahat na gusto ko mangyayari roon kasi isang boto lang ako. Pero I’m willing to go down fighting at di ako titigil. Ire-review ko uli ang pinasok nilang insertions kung anong nangyari 1 year after, gaya ng ginawa ko noong 2017 pinaglaban ko at na-restore noong 2018, binalikan ko at pinagpaguran namin ng staff ko napuntahan ang mga proyekto titingnan kung anong nangyari. At ito ibi-bring up ko uli ito pagdating ng interpellation. So ganyan lang ang buhay.”
“Taon-taon. Ang mangyayari, we ask the same questions, we get the same answers. At sa isang taon ganoon na naman. Pero unti-unti. Kaya nagpapasalamat ako sa congressmen na nagbabatikos at nang-iinsulto, sa akin sa isang banda nakakabuti yan kasi nagtutuloy-tuloy ang public discourse. At lumalawak ang kaalaman ng publiko sa kalakaran ng national budget. Ano ang pork, institutional, individual ano ang nangyayari? Sa akin that’s accomplishment enough para sa akin. Matalo na kung matalo pero at least nagawa ko na rin ang part ko. Naipakita ko sa PowerPoint presentation na mali ang implementation kasi may bahay na di madaanan ng kalsada, ang mga ganoon. Tama na rin yan.”
On the 2019 budget being not pork-free:
“Pork-laden, hindi pork-free, sa ngayon, kung di mababago ang porma ng budget na pinaguusapan sa bicam, hindi yan pork-free.”
On taking the pork issue to the SC:
“Isa sa mga option pero alam mo kaya lang naman nagkaroon ng napakalaking issue, remember ang 1M march na naganap? Nagkaroon ng consciousness sa publko. Ngayon na-erode ang consciousness na yan nababalik na naman at pinagikutan ang SC ruling. That’s one of the options na pwedeng i-take kung meron akong makakasama na magtutulak para iliwanag uli ng SC ano ang pork. Kasi may ika nga parang hindi masyadong nalinaw. Hindi naman sa hindi malinaw kundi ang pag-interpret ng nakikinabang, ino-oversimplify nila. Basta pre-enactment ang mga insertions at amendments hindi pork. Di ba pinakita ko rin nang nag-interpellate ako sa general provisions di ganoon kasimple ang definition ng pork under the ruling. Maraming paragraph at dispositive portions na natuturing na pork maski pre-enacted.”
Message to the public on pork:
“Itong national budget, pera natin ito kaya tayo nagdadagdag ng buwis dahil kailangan tustusan ang national budget. Pag hindi tayo nakialam dito walang tigil ang kabubuwis ang mangyayari sa atin. Pero nababawasan ang kinikita natin dahil nagdadagdag ng buwis, ok yan kung mapupunta sa dapat mapuntahan. Ang national budget para sa kaalaman ng kababayan natin sa mga ayaw makialam o parang wala lang sa kanila, ang pinanggagalingan ng national budget buwis kasi kung walang buwis walang national budget. Ang buwis nanggagaling sa bulsa natin. Bibili tayo ng kendi mero tayong buwis na babayaran sa pamamagitan ng VAT. Sakay tayo ng sasakyan, meron tayong binabayaran na dagdag sa buwis, sa cost ng fuel. At kung hindi tayo makikialam dito, tayo ang nasa losing end.”
“So ang mensahe ko sana makialam tayo tungkol sa usaping national budget particular kung nasasayang, lalo kung nasasayang sa pamamagitan ng pang-aabuso ng nasa authority sa gobyerno sa paggamit ng pork kasi pera natin ito. Tulad ng sinabi ko kanina parang wallet ito ng nanay natin na nakabukas ang zipper at kung ang mga anak lahat doon dumudukot, wala, bankrupt, bangkarote ang pamilya at mangungutang at mangungutang. Ganoon din ang mangyayari kung hindi tayo makialam sa usaping national budget.”
*****