Ping sa Mga Naglilihis sa Isyu ng Pork Barrel: Nakatulong Kayo sa Krusada Ko

talkingheads-1
Image courtesy: lapalabrarazonada.wordpress.com

Sa halip na magdulot ng kahihiyan, lalong nakatulong ang mga kongresistang naglilihis sa tunay na pangyayari sa 2019 national budget para maunawaan ng publiko ang krusada ni Senador Panfilo Lacson laban sa pork barrel.

Ayon kay Lacson, ang mga kongresistang nagsalita na ang mismong nagpaabot sa publiko kung gaano kaganid ang mga ito bunga na rin ng pagbaluktot sa mga usapin, makapagpasasa lamang sa pork barrel na itinago sa iba’t ibang ahensiya.

Matapos ang sunod-sunod na pagbubunyag ng mga nakatagong pork barrel sa iba’t ibang ahensiya mula sa deliberasyon sa Senado hanggang sa pagtalakay nito sa bicameral panel, nagpalusot at nag-imbento ng buwelta kay Lacson ang ilang kaalyado ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Related: Lacson to ‘Talking Heads’: Keep Helping Enlighten Public on Pork

Kabilang dito sina party list Rep. Anthony Bravo at ang nakipag-swap sa posisyon ni dating House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na si Capiz Rep. Fredenil Castro.

“What Speaker GMA’s talking heads obviously do not realize is that they’re actually advancing my cause in educating the public more about the ‘evil pork’ in the national budget. I earnestly urge them to continue this public discourse. Many thanks to Cong. Castro and Bravo,” pahayag ni Lacson sa kanyang Twitter account.

“Are they trying to get back at me because they are affected by my efforts to excise pork from the national budget?” tanong pa ni Lacson.

Si Bravo ang unang nagtangkang maglihis sa usapin sa pamamagitan ng pagsinungaling na ang turing ni Lacson sa amendment ng taga-Senado ay “institutional amendment” at ang amendment ng taga-Kamara ay “pork.”

Isa pang sinungaling ni Bravo ay sa umano’y “nakatagong amendments” ni Lacson sa 2019 national budget.

“If he intended to be truthful about his statements, he should not have skipped my revelation about the PHP23-billion insertions made by a number of senators on the Department of Public Works and Highways’ budget alone,” tugon ni Lacson sa sinungaling ni Bravo.

“What I cannot understand is why Bravo would be conveniently selective in his recollection of facts. I hope he would be truthful and not resort to lying,” ani Lacson.

Pero hindi nakakuha ng simpatiya si Bravo dahil bago pa man siya magsalita ay una nang lnilahad ni Lacson sa publiko ang mga amendments nito sa naturang gastusin.

Matapos nito ay umeksena rin si Castro gamit ang halos kapareho ring argumento kung saan sa mismong pahayag nito ay tila nagbabanta pa kung ano ang mangyayari sa mga kasamahang kongresista kapag hindi dumalo sakali mang magpatawag ng special session para sa budget.

Hinamon din ni Lacson ang lahat na kapwa mambabatas niya na isapubliko ang amendments nila sa budget bill.

“The challenge applies to all who introduced amendments, individual or institutional. Let them make public their amendments, so the public can judge if it’s pork. That is much better than resorting to lies and cover-up,” sabi ni Lacson.

“The national budget is the lifeblood of our country. If we allow pork to ruin the budget, we taxpayers will suffer,” dagdag pa nito.

*****