In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on pork in the 2019 budget.
Quotes from the interview…
On the retention of pork in the budget after bicam and ratification:
“Yan ang dine-describe ko na reciprocal consensus. Ibig sabihin, parang kamutan ng likod dahil parehong meron, so paano magtatanggalan? Noong nag-small group bicam alam ko nang ganoon ang mangyayari. Kasi noong una ini-insist ni Rep Andaya ang small group bicam natin will not go lower than this number ibig sabihin silang lahat. Sabi ko mainam din yan lalo na kung noong (agree siya sa) panawagan natin maging transparent na nariyan ang media, maski sino nariyan at nakikinig sa ating pinaguusapan para lumabas.”
“Ang intention ko kasi noon ilabas lahat ang kanya-kanyang mga amendments at magkakaalaman dahil lahat nagke-claim institutional amendments especially sa Senado. Sa HOR aminado naman sila na individual tinutugunan nila pangangailangan ng kanilang mga constituents sa mga distrito. So mas sa Senate ang sinasabing lahat claim nila institutional. So nang nag-small group bicam, kasi 2 chairpersons na lang ang naiwan, sila na lang nag-uusap. Yan ang small group. Traditional na yan. Mabuti ngayon medyo nagkaroon ng pag-meeting ang bicameral conference committee ng 2 kapulungan, mga ilang meetings na naroon kaming lahat.”
“Talagang ganoon ang kalakaran. Ngayon lang nangyari siguro naka-3 meetings kami na buo ang 2 panels.”
On P190B ‘insertions’ by senators:
“Ang Senado umabot ng P188 plus billion. Pero yan ang sinasabi kong si FMD nakakita nito. Ang DOH nitong 2018 malaki nasa P30B ang nakalagak para sa facilities ng DOH, sa mga malalayong lugar. Nang mapansin niya for 2019 budget, bumagsak siya sa 50M tinatanong niya ano nangyari kung isa sa priority ng administration, sa interpellation ito, ang health lalo nang pinasa ang universal health care, bakit biglang nalaglag? So parang taliwas sa policy ng gobyerno. At naintindihan ng mga kasamahan namin so sa amendment maghanap tayo saan tatapyas at punuan natin ang gap na nakita natin sa NEP.”
“Institutional ito. Pinuntahan siya ni Sec Duque at sa interpellation ko tinanong ko kay Sec Duque. Sabi nila kailangang kailangan nila yan.”
On institutional amendments:
“PDEA, DDB, lalo ang DND and AFP kasi ako sponsor ng kanilang budget, ako ang subcommittee chairman, assigned sa akin AFP, DND, PDEA, DDB, yan ang naka-assign sa akin. Lumapit sa akin at sinabi nga nila, Sir hindi pa napopondohan ito, pina-activate ng isang infantry division sa Basulta. Paano kami mag-recruit ng personnel, paano ang equipage paano namin pupunan? Sabi ko bakit di isama sa NEP kung si president pala? Siyempre may vetting yan. Si Presidente may directive. Bakit hindi sa DBCC o DBM?”
“Sabi nila November ang directive, March ang budget call kaya meritorious so sabi ko sige hahanapan ko. Ganoon din ibang ahensya, ang VMMC punta sa akin ang director at sinabi ang DOH kasi sila nag-pick ng price index ng gamot, sabi nila nagtaas, sabi nila nagtaas. So mababawasan ang aming budget sa pangangailangan ng gamot. Verify ko naman yan sa vetting na ginawa ko verify ko kay Sec Duque nang turn nila sa budget deliberation sa floor. At confirm nila na talagang nagtaas kami ng presyo ng gamot so sabi ko pwede ko pala bigyan ito ng karagdagang halaga para sa pangangailangan sa gamot sa beterano. So ganoon may vetting. Pero di porke’t nag-request ang ahensya, pagbibigyan agad. Tulad ng Film Academy nag-request sa amin milyon ang hiningi. Tapos nang tinanong ko ano ang justification, mag-celebrate ng centennial at pinaka-gabi ng 100 years, gagastos sila ng P10M. Sabi ko huwag na huwag isubmit yan kasi sa akin lang hindi na papasa yan.”
“Ang budgeting process simula mag-set ng budget hearing ang DBCC ang DBM tapos tatawagin ang ahensya, budget call. Unang una ang budget preparation, pagkatapos doon mabubuo national expenditure program at ipapadala sa Kongreso after SONA, may 30 days ang presidente na kailangan padala na niya ang NEP. In fairness to the administration, agad-agad pagkatapos ng SONA naroon na ang NEP, binigyan ang HOR and Senate para pag-aralan namin. Pag sa Senado at HOR may karapatan kami power over the purse, may karapatan galawin yan. Kasi kailangan makita namin kung tama ba. At part kami ng policy-making institutions. So yan nagdedebate kami, committee hearings, tatanungin ang ahensya, kailangan nyo ba ito. Pagkatapos ng committee hearings, isa-submit ng committee ang recommendation sa plenaryo. Then sa plenaryo magde-defend ang sponsors pero nariyan ang ahensya bilang mga resource persons na pwede tanungin o i-reference ng mga sponsors. Ganoon ang budgeting process. Pagkatapos ng period of interpellation, yan na ang period of amendments, committee and individual amendments.”
“Ang nangyayari kasi, dapat pagka ordinaryong panukalang batas talagang sa floor, ito ang amendments ko tapos pagbotohan isa-isa bawa’t amendment.”
“Ang nangyayari sa budget, we just go through the motions kasi ang iba binubulong sa chairpersons ito gusto kong realignments o amendments. Ang iba sinusulat sa napkin, ang iba sinusulat saan-saan, wala na talagang… Dapat man sana official ang form, gagawa kami ng sulat, kung di namin magawa sa floor, ive-verbalize ang amendments mo at justify mo at pagbotohan namin, sana man lang gawing in an unofficial form to the chairperson lahat na detalye naroon. Di nangyayari yan. Ako ginagawa ko lagi pag nag-submit ako ng amendments, in official form at talagang sinusulat ko, properly received at naroon kung saan kukunin ang ire-realign, saan ilalagay, anong justification, may request na ganito. Ganito ang ginagawa ko para talagang malinaw, transparent. For this year ginawa ko, pinost ko sa aking website para makita ng publiko. Pag submit mo pa lang post mo na para makita ng publiko makita ninyo na ito mga amendment para kayo ang makapansin.”
“Halimbawa naglagay ka ng pondo sa kalye sa distrito mo, wala kang maipakitang request ng ahensya tapos hindi mo maipaliwanag bakit hindi naisama ito sa NEP o bakit nailagay mo roon. So yan malinaw doon arbitrary yan.”
“Pag sinabing arbitrary sabi ng SC yan ang duplication at na-o-override ang pangangailangan ng paglalagakan mo ng pondo. Yan ang pork.”
On senators’ individual amendments:
“Ang items na nakita ko flood control, ROW. Sabi ko, ang ROW may budget na tayo sa ROW na naka-lodge sa DPWH, ang halaga 28.889B na noong 2018 may ROW na 20+ billion. So kaya ba itong, katakot-takot ba ang issue sa ROW, di pa nababayaran ang claimants, e bakit kailangang gagawa pa ang senador ng ROW e ang magbabayad ng ROW dapat ang DPWH at may pondo naman doon. May flood control, ROW, water treatment, may feasibility study. Hindi naman trabaho ng senador o kongresista na magsagawa ng feasibility study. Ang gagawa ng feasibility study, ang ahensya, ang DPWH. So sabi ko ang P23 billion na ito, pork ito. Ito ang individual insertions na kung saan na-identify namin ang probinsya. Ma-identify mo ang proponent by deduction sa pamamagitan kung saan lumobo yan, may lumobo kung saan-saang probinsya, 2.7, 2.8, 2.3 yan may isang bilyon.”
“Ang 2.8, ang Antique… Kaya yan, tapos may 2.3 plus may nakita pa kaming 483M pero karamihan mga soft. May sinasabi ako roon na nagkaroon pa ng pondo ang PNP, bibigyan niya ng intelligence fund ang PNP Antique. Sabi ko pag pinag-bundle pa niya ang intelligence fund at ang fuel allowance, additional. Sabi ko magagalit ang PNP nito kasi dapat sa central HQ ito at saka magagalit ang COA rito dahil di mo pwede pagsama-samahin. Walang item sa budget na intelligence fund at fuel allowance. Magkahiwalay na object class ito. So ire-red flag ng COA ito sigurado. Ito binanggit ko na kandidato sa red flag ng COA. Pero sabi naman niya pagkatapos ko mag-deliver ng privilege speech, sabi niya tinanggal na namin yan. Sabi ko e di mabuti pero nakita ko kasi pati roon sa bicam report eh. Yan ang kalakaran ng mga individual at institutional.”
“Sa HOR malinaw inamin din nila tig-160M sila. Sa NEP, nakapasok na roon tig-100. Ito nagawa ito ng dating liderato, panahon ni Speaker Alvarez, may 100M na. Pag-upo nina SGMA ang grupo nila, sabi nila kailangan pantay-pantay meron kasi di pa alam noon na may 100 na roon… So nagbigay ng tig-60. Yan ang simula ng pag-scrutinize namin sabi ko teka muna hindi pareho ang pangangailangan at prayoridad ng lahat na distrito, may distritong maliit, mayaman, mahirap… bakit mo bibigyan ng tig-60 ang bawa’t distrito? At saka paano gastusin o implement ng bawa’t kongresista ang maliwanag na lumalabas na tig-160M? Anong coordination meron nito sa ahensya? Naturally, wala. So pag timplahin mo ang 160M times i-round off natin sa 300, because that’s 297, maliwanag 48B na kaagad yan. May mga singit pa silang may isang 2.4 sa isang distrito, may distrito na higit 2, may distrito 1.9, may mga distrito higit 2B. Pag dinagdag mo pa yan siyempre ang mga nabibiyayaan dito ang malapit naman sa bagong liderato.”
“Ganoon kalaki. Pagka 305, ilang porsyento yan ng ating national budget na pwedeng maaksaya dahil nga hindi maimplementa o maimplementa nang walang kaplano-plano at alam din naman natin, hindi ko sinasabing lahat na congressmen lahat na senador na may individual amendments o may pork, may commission. Pero alam din naman natin ang kalakaran diyan. Makipagusap ka lang sa ilang contractors randomly e kilala naman natin sino yang nangongontrata talaga sa gobyerno.”
On call for line-item veto:
“Nariyan si Rep. Nograles. Siya ang isa sa mga adviser nila roon at nariyan sina Sec Diokno, at ang economic team, Sec. Dominguez, Sec. Pernia. Sana talagang busisiin nila nang husto i-review nila bago pirmahan ang budget, isa-isahin nila ang maliwanag na pork barrel at line item dito ng presidente, tutal sa Constitution basta revenue, appropriations, tariff, basta yang ang mga measures, authorized ang pangulo na mag-line item veto unlike ang ordinary bill na either you veto the whole thing or i-approve mo. Pagka ganyang mga measures pwede isa-isahin, ito ayoko nito, ito pwede sa akin ito. Yung ganoon. Sana man lang.”
“Mabuti nagkaroon ng usapin tungkol dito. Naging conscious ang Malacanang na posible ngang maraming pork na nakapaloob sa 2019 budget at sinabi nila, may pahayag naman sila titingnang mabuti ng presidente. Ako umaasa ako kasi kung babalikan natin ang history ng pamumuno ni PRRD for the past 3 years, ano bang nagawa niya, nakita natin political will. Ang una ang Mile Long mabawi ng pamahalaan, wala ang maraming usapan sa korte. Si Lucio Tan ang di nababayaran na utang sa NAIA, 8-9B, pinagbayad niya, wala na ring usapan sa korte. Ang Mighty napagbayad ng 35B di umabot sa korte, ang ganitong mga, sinusundan ko rin ang kanyang mga desisyon, na talagang strong political will. Ngayon isang affirmation, if I may call it that, ng kanyang political will. At ako umaasa meron siyang reputation na sa bagay na yan sa pagkaroon ng political will, e umaasa ako na talagang gagawin niya na mag-excise ng mga maliwanag na pork.”
“Okay lang naman na yung iba kasi alam din naman natin lalo na election year, maipakitang gilas nila sa kanilang distrito para maipakita nila may accomplishment kasi parochial din ang nga member ng Congress ang concern ng constituent nila parochial din. Pero warped ang budgeting process natin, kasi dapat (binanggit) ko sa interpellation ko sa general principles, ang budgeting process nagsimula sa preparation. Ang preparation unahin natin na kaya tayo may Local Development Council, doon sila nagsisimula dapat ang local development plan. Mula barangay munisipyo siyudad probinsya aakyat hanggang RDC. Every step of the way ang district representative natin member sila riyan, sa RDC advisory committee sila, council. So magsimula sa barangay, di ba dapat a-attend sila o magpadala ng representatives, pag pinaguusapan ang needs and priorities ng kanya-kanyang bayan dahil district representatives. Doon pa lang ipasok nila ang kung ano man ang pet projects nila para sa ganoon ma… ng LDC. Aakyat ito hanggang RDC hanggang sa budget call sa Malacanang. At sila na mag-shepherd pagdating sa HOR sa pagdebate ng budget, siguraduhin nila yung vetted nilang proyekto sa LDC na nasasakupan nila can be carried all the way hanggang sa bicameral conference. Ang nangyayari di sila nag-a-attend sa LDC sa pagbalangkas ng mga local development plans. Tapos pagdating sa Congress arbitrarily iibahin ang lahat na di alam ng LGUs. Yan ang problema, nagkakaroon ng disconnect between the needs and priorities of LGUs lalo ang malalayo at saka ang national budget. Hindi natutugunan ng national budget kaya talagang hindi equitable ang distribution ng national wealth. May bayang hindi makaangat sa pagiging 5th or 6th class municipalities. Case in point ako mismo noong election ito naging advocacy ko, budget reform kung saan bigyan natin ang villages kaya tawag ko roon BRAVE, Budget Reform Advocacy for Village Empowerment. Bigyan natin ng poder, bigyan ng say ang mga LGUs kung ano ang kanilang pangngailangan at prayoridad sa pagbalangkas ng national budget.”
“Kung maitatama natin ang wastong budgeting process especially sa preparation phase, preparation ang executive, authorization ang legislature, tapos implementation ng executive tapos accountability ang COA at oversight ang Congress. Sana kung masusunod nating lahat ang budgeting process in its proper form at sa pamamaraan, palagay ko walang maiwanang malayong lugar na naiiwanan ng progress kasi may say ang LGUs. At di ba ang jobs madi-distribute. Wala pang squatter sa NCR kasi may trabaho roon at may asenso ang lugar nila.”
“At least magiging talagang accountable siya sa constituents at hindi siya makisali sa pagbalangkas ng local development plans.”
*****