Interview on DWIZ: Alleged New Vote-Buying Scheme? | April 13, 2019

In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answers questions on:
– possible veto of the 2019 budget
–ย resolution calling out US senators for arrogance
– new vote-buying scheme using 4Ps, up to P25,000 per vote?
– Holy Week 2019

Quotes from the interview…

On the possibility of PRRD vetoing the entire 2019 budget:

“Mas maganda siyempre pirmahan pero i-veto ang mga dapat i-veto, ang mga line items. Kasi kung ive-veto ang kabuuan, reenacted tayo. At kung hindi ive-veto at aaprubahan ang kabuuan masama rin kasi alam naman natin na may pork insertions doon at may mga unconstitutional ang tinatawag naming post-bicam amendments. So ang pinaka-ideal is, pirmahan pero may line item veto. At ang pinaka-ideal para sa amin, ang reservations, ang listahan na pinadala ni SP Sotto, yan ang mga i-veto na items.”

“Ang pinaka-ideal talaga ang i-line item pero aprubahan. Kasi lesser evil ang pinagpipilian natin kung i-veto totally o kabuuan o hindi i-veto at naroon ang pork. Malaki-laki rin yan, masasayang din ang pondo. Magiging choice yan, sayang ang pondo; ang isa naman, ang epekto sa growth rate nating pambansa.”

“Sinabihan na kami ng economic managers pag ito reenacted tayo till August ang tama sa GDP, ang slide sa 1.8%. Kung ito sa buong taon, minimum sa 2.8% ang negative effect. So masama yan sa ekonomiya kasi nga karamihan talaga na nag-contribute sa growth rate ang government spending yan ang pinakamalaki. So kung ive-veto at abutin tayo ng isang taong reenacted, yan ang magiging negative impact.”

“Ang contingency plan lang na pwede nilang gawin, mag-adjust lang ng target. Hindi makakatulong masyado yan pero siyempre meron din silang iniisip na dapat gawin para ma-cushion ang maging epekto ang slide sa ating GDP.”

“Ang nagsasagawa ng pag-aaral dito mismong economic mangers niya kasi dadalhin lang sa kanya pag kumpleto na ang pag-aaral. E sana kinokonsider dahil kausap namin Sec Dominguez at Abuel, ayaw din naman nila ang nangyari na may insertions na katakot-takot na di napaghandaan ng mga ahensyang mag-iimplementa. So may epekto rin yan kasi siningitan ng mga kongresista dinala sa mga distrito. Lalo ang tama roon ang organizational output ang MFO ng DPWH kasi naroon ang tama, P72B yan tinanggal ang MFO 1 and 2, at nilipat sa distrito, ginawang local infrastructure projects ng choice projects ng mga kongresista.”

“Hindi rin maganda sa ekonomiya kasi pag naging savings hindi magastos, hindi mag-spur ng development yan. At ang sine-save naman, hindi talagang perang buo yan. Ang appropriations, appropriations lang yan. Ito ang authority to spend pero hindi ibig sabihin na ang kabuuan ng P3.757T ay perang cash na tumataginting, hindi ganoon. Kasi kung ano lang ang available na pwedeng i-appropriate yan lang ang halagang ginagastos. Pero kung nariyan ang pera at hindi gagastusin, ang mag-suffer ang development so ang may tama rito, economic growth.”

“Sa tingin ko di niya tototohanin ang threat niyang kabuuan ive-veto niya. Ano lang talagang siguro nasabihan din kasi palagay ko wala pa rin sa kanya ang recommendation. So pinag-aaralang mabuti ng mga economic managers particularly ng DBM kasi sila ang in charge ng pag-release ng pondo. Ang sa information sa amin talagang pinagaaralang mabuti kasi 157 pages ang pinadala ni SP Sotto na sinasabing ito ang mga pork insertions ng mga kongresista. At hindi rin lusot ang mga senador, may senador din na naglagay kaya lang di masasabing violation dahil nga pasok naman sa bicam yan. Sa Senate version naroon na yan eh. Di ba nailabas ko na rin yan na may probinsyang pagkalaki ng appropriations o allocation? Ang masamang ginawa ng HOR, tapos na ang bicam, papipirmahin kay SP ang hindi namin naratipikahan. So doon nagkaroon ng controversy. Kung hindi nila ginalaw yan at lahat na napagusapan sa bicam ang pinapirmahan kay SP, walang magiging problema. Walang dahilan para di pirmahan ni SP Sotto yan dahil pinayagan namin sa BCC. Ang problema hindi naman yan ang aming napagusapan, bakit iibahin ninyo at pagkatapos papipirmahin nyo kay SP di naman kami kasama sa mga iniba ninyo.”

On some pork-hungry lawmakers being sad if 2019 budget is vetoed entirely:

“Dapat yan ang least of our concerns na malungkot sila. Mas maganda makita natin ay umuunlad ang bansa natin, nagde-develop dahil ginagastos ang dapat gastusin, na tama.”

On Andaya claim that Senate made own post-ratification changes:

“Hindi totoo yan. Yan talagang malabo. Maliwanag na ginugulo niya lang ang usapan. Ang lahat ng amendment ng Senate pasok sa ano, ang sinasabi niya kasi pina-submit niya ng amendment ang aming LBRMO. So siyempre natapos ang bicam report March 8. Bago masubmit bakit iba ang petsa noon, March 11 na ata pinadala sa kanya. Sabi niya after BCC ang amendments, di totoo yan. Ang amendments pumasok sa BCC pero nang kinuha niya ang report tapos na ang bicam. Ang date lang nagkatalo pero submit ng LBRMO yan pa ring napagusapan sa bicam. Ginugulo lang niya talaga ang usapan para damay-damay na.”

On suggestion to submit the NEP for Congress to approve en toto, to make sure budget is pork-free:

“Pwede yan, ano naman yan, supplemental na yan. Pero kailangan din namin ng House doon kaya lang bagong liderato na yan kasi mapapang-abot na yan. Pagdating ng SONA isa-submit na rin ng Malacanang sa Kongreso ang 2020 NEP.”

“Kung hihilingin ng Malacanang. Kasi anong pagbabasehan namin sa supplemental budget kung hindi rin magpapadala ang Malacanang ng proposed supplemental budget? Ako hopeful ako pipirmahan niya with a veto message. At kumpyansa ako na karamihan ng kung di lahat sa 75B na pinadala ng Senado, karamihan doon ive-veto niya. Kasi maliwanag naman yan, ito gagalawin mo sa ahensya tapos ililipat mo sa local projects. Di ba? E paano implement yan? Pag tinatanong namin ang DPWH, yun nga lang ang P75B na dinagdag ni SBM Diokno during interpellations, di ba naroon kayo tinanong ko kung alam nila, kaya implement, sagot nila hindi eh. So kaya namin tinanggal yan. Ang problema nang pinatinanggal ko yan ang daming nagkagulo na humugot ng humugot sa pinatanggal ko.”

On resolution calling out US senators for pushing release of De Lima, dropping case vs Ressa:

“Kinausap ko sina SP at Sen Honasan, sabi ko nagda-draft ako ng resolution, baka pwede kayo mag-co-author. Yan, nagpirma sila so kami ang authors ng resolution. Alam mo kung iba lang ang language na ginamit sa resolution ng 5 American senators, hindi na kami kikibo. Pero pag binasa mo ang resolution nila masyadong condescending na para bang inuutusan tayo para bang ang tingin sa atin kolonya pa rin nila tayo. Isipin mo kami mismo hindi kami pwede magsabi sa korte na i-release nyo ang aming kasamahan dahil ganito, prisoner of conscience. Di namin gagawin yan maski kapwa naming Pilipino ang mga huwes di ba? Kasi sa Constitution natin, 3 co-equal branches yan, hindi pwede diktahan ng isa ang isa dahil independent. Pagkatapos sila Amerikano na nga sila, sasabihan nila sa korte na i-release ninyo, i-drop ninyo ang kaso. E teka muna. Sino ba kayo? Pareho na tayo ng stature. Kami, July 4 1946, di nyo kami colony di nyo kami vassal so bakit ganyan ang tono ng pagsasalita ninyo? Kung iba lang ang language na ginamit nila possible, kung hindi persuasive, pero kung babasahin mo ang resolution nilang finile masakit sa mata eh. Kaya reaction naman ni Sen De Lima particular na wala kaming respeto sa kanya, e wala naman siyang kinalaman. Incidental nga lang silang dalawa ni Maria Ressa rito. Ang kinukwestyon namin ang action na ginawa ng senador ng US Senate, hindi sila. Maski halimbawa si SP Sotto ang nasa sitwasyon ni Sen de Lima at may reoslution na ginawa ang US senators hindi naman buong gobyerno ito. At kung gumawa sila resolution na ganoon ang tono kikibo ako kakausapin ko sino makausap kong kasamahan o maski ako mag-isa magfa-file ako ng resolution. Halimbawa hypothetical pag nakulong si SP Sotto wala kaming pakialam diyan dahil korte namin ang nakakaalam diyan. So huwag naman damdamin ni Sen de Lima na parang dahil siya ang nakakulong pagpapahayag namin ng walang respeto sa kanya. Mas mali ang kanyang pananaw. Pati si Sen Hontiveros sinasabi niya nagpapahayag lang daw ng international solidarity tapos di raw yan foreign intervention. Sino ba may sabing foreign intervention yan? Wala kaming sinasabi. Sinasabi lang namin call out namin ang 5 US senators huwag nyo gawin sa amin yan kasi parang masyadong superior kayo sa pagtingin kesa sa amin e pareho lang tayo maski mayaman kayo mahirap kami, maski superpower kayo at kami walang kalakas-lakas militarily pero pareho pa rin ang stature natin sa international community, sa community of nations. Kaya huwag nyo kami pagsabihan nang ganyan. Yan ang aming mensahe. Incidental dito si Sen de Lima at Ms Ressa. Maski sinong senador pa nasa ganoong sitwasyon at gagawing panawagan ng senador ng US o maski anong bansa pa man, ganoon ang tono, magpapanting ang tenga namin.”

“Kung iba lang ang lengwahe, kung medyo persusasive o kung talagang nagpapahayag ng concern… E hindi ganoon eh. Kung binasa mo ang kanilang resolution, condescending talaga ang dating. Arogante eh. Kami nga di kami pwede magsabi sa korte rito, hoy judge, release nyo ang aming kasamahan sa Senado. Di namin gagawin yan. E sila, i-release nyo, i-drop nyo ang kaso. E teka muna, di ba may due process? Sila na nag-decide. Parang prisoner of conscience. Unang una nabasa ba nila ang information o resolution kung bakit nagkarooon ng kaso sa korte? Kami mismo either way di namin hinuhusgahan, dahil nirerespeto namin ang decision ng korte kasi co-equal namin ang judiciary. Sila foreigner pa sila kami kapwa Pilipino di namin gagawin sasabihan namin o judge o korte i-release nyo si Senador so and so, di gagawin yan kasi kabastusan yan.”

“Ready ako kung ako maatasan ni SP mag-sponsor sa floor at mag-defend, handa ako mag-defend.”

“Depende kung sa pananaw nila dapat suportahan ang resolution, ia-adopt ng majority.”

“At least na-express namin ang strong sense of the Senate na ganoon ang aming pananaw na huwag ganoon ang trato sa amin ng mga senador. Di namin nialalahat ang buong US government. Di naman ganoon. Kaya mali ang understanding ni Sen Hontiveros na foreign intervention. Kasi di foreign intervention yan. Ang senador na lang na gumawa ng resolution at ilang mambabatas sa HOR. Yan ang kino-call out namin. Bakit hinalo mo ang buong bansa? Pagkatapos ang international solidarity paano maging international solidarity pinakikialaman mo nga kami?”

On Resolution 1037 as a deterrent vs arrogance by other countries:

“Tama. Ganoon magiging impression nila, walang kumikibo, sige pa, susunod na reso natin o baka i-adopt ng US Senate yan dahil iniisip nila tama ang ginawa ng kasamahan nila at walang kumikibo, walang nagko-call out galing sa PH.”

On blame for power, water problems:

“Ang (sisi) rito di naman pwede ibigay natin sa pangkasalukuyan. Kasi nagsimula lahat yan, halimbawa ang problema ng MWSS, sa concession agreement na pinirmahan noong 1997 pa at dahil doon nagkalugi-lugi bangkarote ang MWSS ang laki ng utang so naisip ni FVR i-privatize. Tulad ng kuryente dahil nagkaroon ng crisis sa power noon kaya pumayag si FVR noon di ba ang IPP? Kung babasahin ang kontrata ang agreement ganoon na lang binigyan ng sovereign guarantee. Maski halimbawa sa tubig ma-approve pa lang ang business plan maniningil na. At di pa nakapagsimula ang construction ng kanilang dam o water treatment plant nagbabayad na ang consumer. Ganoon din sa IPP na kung saan di pa nakakapag-deliver maski 1 unit of electricity nagbabayad na tayo ang mga consumer ng electricity. Ang tubig nagbabayad na tayo, hindi pa nako-construct ang water treatment plant so di ba napaka-argabyado? Hindi argabyado ang gobyerno pero argabyado ang customer ang nagko-consume ng tubig at kuryente. Noong panahon ni FVR magandang pakinggan dahil solved ang power shortage tapos ang MWSS sa tubig. Ang problema ang long-term effects tayo nagsa-suffer. So hindi ko bibigyan ng buong sisi ang pangkaraniwang ahensya dahil nariyan ang concession agreement pag takeover nila. Ang pwede isisi sa kanila dapat in-anticipate nila at gumawa ng anumang contingency plan para kumbaga di man maawat nang buo e nagawan ng paraan para medyo ma-temper ang problemang ating hinaharap ngayon.”

“Hindi naman mali ang pagka-privatize. Ang mali roon ang agreement na pinasukan natin kung saan halimbawa magkaroon tayo ng usapin dito tatakbo sa arbitration sa Singapore babayad tayo ng P3.5B sa Maynilad. Kasi nanalo sila sa arbitration. Dahil nga pinanghahawakan nila ang concession agreement na pinasok natin, guarantee ng Constitution natin ang inviolability ng kontrata di pwede maviolate. Dapat pag-aralan din nang husto maski ng Kongreso rin na dahil ito utility, di ba pagka utility dapat kumuha sila ng legislative franchise. Ang nangyayari rito ang kanilang argument, agent lang sila ng MWSS. Pero noong nabasa namin ang ruling sa Singapore sa Maynilad ang turing sa kanila kaya sila na-award ng P3.5B, ang tawag sa kanila, utility. So pwede pagaralan nang mabuti yan nang sa ganoon para i-revisit natin ang concession agreement na by the way mag-expire sana sa 2022, in-extend pa uli ng MWSS sa 2037. So effective pa rin ang concession agremennt na yan. Ang tanong baka pwede pagaralan ng may alam sa batas na i-require na kumuha sila ng legislative franchise para mabago ang terms sa agreement na yan para medyo maproteksyonan naman ang mga consumers. Tayo yan.”

On whether these should be included in PRRD’s order to review govt contracts:

“Tama yan. Pero sa maayos na pamamaraan. Kasi pag ni-review at ni-rescind ang contract lalo kung unilateral ang pag-rescind, pagbabayaran natin yan dahil tatakbo yan, magpapa-arbitration na naman yan, doon tayo natatalo. Ilang beses tayo nagbayad diyan dahil tayo natatalo. Yan ang cost ng napaso nating kontrata.”

“Tama naman ang concern na in-express ni Sen FMD. Kaya lang dahil nakatali tayo rito wala namang masama kung review mo lang naman, e di gagawin ng abogado ng pamahalaan na pagka ni-review nila, hananap at hahanap sila ng paraan na legal at maayos at di tayo mananagot kung sakaling meron silang paraang maisip para baguhin.”

On brownouts used for cheating in elections:

“Iโ€™m sure pinaghahandaan na (ng awtoridad) yan. May mga contingency sila riyan kasi alam nila pagka summer na ganito, at every election day yan ang concern na ine-express, brownout dahil may planong mandaya. Dati na natin narinig yan pero walang ganoong nangyayaring malawakan. Pero meron talagang nangyayari sa local level. Di maiwasan talaga yan.”

On possible collusion among power plant owners to shut down simultaneously to raise power rates:

“Dapat din talaga tingnan. Sa amin naman masipag naman ang aming chairman sa committee on energy at siguradong patitingnan niya yan, si Sen Gatchalian.”

On govt being biggest problem in the country:

“Government in general. Hindi ang gobyerno mismo ngayon o gobyerno ni President Aquino o kanino man. Gobyerno ang gumagawa ng batas, gobyerno nag-iimplement ng batas, gobyerno nag-iinterpret ng batas. Kung masama ang gobyerno ang laki ng problema natin. Kaya sabi ko ang solusyon naroon sa problema mismo, ang sagot doon, good government. Kung good government, ang ibig sabihin ng good government good ang mga government officials. Pag election piliin natin ang namumuno na nakakatulong sa good governance. Kung hindi, hindi tayo makakaahon talaga. Yan ang essence noon.”

On alleged new vote-buying scheme:

“Hopefully (educated ang electorate) pero galing ako sa Baguio tapos nakakwentuhan ko si Gen Magalong kasi kumakandidato siyang mayor. May information di sa Baguio City pero may lugar na mahirap talaga tapos di ganyan kadami ang botante, umaabot daw minsan ng P25,000 ang bayaran, in several tranches. Halimbawa botante sa isang probinsya di ganoon karami, ginto ang boto. Tapos palakihan na ngayon. Dati nakarinig tayo P200-300 tapos pumalo P1000, nagulat ako nang kinwento niya sa akin sa Abra. Dati siyang regional director ng CAR. Ang Abra pinaka-problemado nang naroon siya. I think 2013 elections nang siya regional director first and only time tahimik walang patayan sa Abra. Yan ang, may contact pa siya roon ang sabi nga sa kanya pumalo ng P25,000 at ginagamit in several tranches ang 4Ps, ang mga lugar na ganoon baka isara ang Land Bank na branch doon o ilan lang, pinaubaya sa mga pulitiko ang pag-distribute. Kung di nabigyan ang talagang beneficiary na tama, hindi na rin makakakibo dahil wala silang means o siguro sa takot na rin, di sila magrereklamo. At ang nabibigyan dito ang pambili ng boto. So dapat tingnan din mabuti lalo lalo na ng DSWD kung umaabot sa beneficiaries na 4Ps kasi baka di lang sa Abra baka sa ibang lugar na masyadong mataas ang poverty sa poverty index. Baka nangyayari rin yan. Kasi ako mismo nagulat ako kagabi naguusap kami. Isipin mo isang botante o isang kabahayan sa ibang lugar isang buong bahay P25,000.”

“It goes without saying na yan nakakagamit. But these are information na kailangan i-validate dahil first time ko narinig na ganoon pero di ako magtataka kasi pag sa local level pag election rampant ang vote buying.”

“Pag kumakalam ang sikmura, hindi mo masabihan na huwag mong tanggapin ang pera. Pero ang paradox dito, dishonest kasi tumanggap ka ng pera para bumoto tapos honest ka naman kasi sinusunod moa ng konsensya na sino nagbigay ng pera yan iboboto mo. Parang mahirap paniwalaan nagsimula ka you are dishonest to yourself and your country by accepting bribes para iboto ang isang kandidato. Pagkatapos pwede ba naman hindi mo sundin dahil natanggap mo pera, iboto mo na lang ang gusto ko iboto pero naroon ang honesty na tumanggap ako ng pera rito iboboto ko talaga ito. Yan ang mahirap i-break ang ganoong kultura especially sa vote buying kasi kung kumakalam ang sikmura sasabihan mong huwag mo tanggapin yan dahil 3 taon pagdudusahan yan mahirap paliwanagin sa taong nagugutom. Ang dapat malaman nila, 45 days sa local level kasi 90 days sa national, parang kanya-kanyang pagsasamantala. Isip ng botante pagupo mo 3 taon mo kami pagsasamantalahan e di ngayon kami gaganti sa iyo 45 days talagang pagsasamantalahan ka namin. Ang kandidato o sige utuin nyo ako 45 days lang ito at pag-upo ko naman yari kayo sa akin. Kailan natin ma-break itong vicious cycle na parang gantihan. Sa halip na isipin ng botante ito 45 days ako magpagaralan ko sino dapat iboboto dahil hanap kong 3 taon pag-upo ng sinong uupo doon ako makakatikim ng ginhawa o kahirapan. At ang kandidato dapat isipin nya ang paghirap na 45 days pero in 3 years niya di ba isipin nya kapakanan ng bayan. Hindi ganoon ang nangyayari eh. Kaya malungkot ang sistema sa bansa natin.”

On Chinese foreign ministry claim that Spratly belongs to China; amid favorable decision for PH:

“Maliwanag na yan. Sinabi sa The Hague. Anong gagawin nila, invade nila? May pananagutan sila riyan. Meron tayong population doon, may budget ang Kalayaan, munisipyo yan. At seat ng govt sa Kalayaan sa Pag-asa tapos may Marines tayo roon.”

“Doon natin kailangan ang tulong ng bansang tulad ng US, Australia, na pwede mag-maintain ng balance of power sa area na yan. Kung tayo lang mag-isa against China, lalo pa ganyan ang nangyayari, baka wala tayong laban. Pero we should also learn our lessons sa kapitbahay natin, halimbawa ang Vietnam, ang Korea, ang Russia di ba noon giniginirian ng China pero nang kinasahan sila, atras din naman sila. Kaya dapat di na tayo masyadong accommodating, dapat (kumibo?) rin tayo pagka binu-bully tayo nang todo. Kaya hindi ako sang-ayon sa pinahayag ng Pangulo noon isang missile aabot NCR, sabi ko noon huwag natin advertise, mahina na nga tayo advertise pa nating mahina tayo.”

“Okay ang magpakaibigan pero huwag dapat tayo magpaabuso maski napakalaki ng bansa. Parang sa US, huwag tayo magpa-bully, 5 senador na Amerikano sasabihan ang korte natin na kung anong dapat gawin.”

“Ginawa na naman yan, diplomatic protest. Tapos nagsalita ang Malacanang na sinabing legally and historically kanila ang area doon, sabi nila sa amin talaga yan, which is also true kasi nagkaroon ng arbitral ruling.”

On Holy Week 2019:

“Holy Week o hindi Holy Week lagi naman tayo pag kailangan manawagan sa Diyos di ba? Andiyan naman tayo maski mag-isa tayo. Bago matulog at pagkagising tumatawag tayo. Paggising na para sa hinaharap pagtulog bago pagtulog pasasalamat naman inabot tayo ng gabi.”

“Lahat tayo actually, lahat tayo wala namang puro sa atin.”

*****