#PingSays: ‘Shared’ House Speakership; Death Penalty Bill; Sen. Bato | July 9, 2019

In an interview, Sen. Lacson answered questions on:
possible effects of a ‘shared’ House Speakership
– possible ‘pork’ in the budget, amending the 1987 Constitution
– Senate’s continued independence even with ‘the President’s men’
– passage of death penalty bill
– Sen dela Rosa’s ‘S*** happens’ statement

Quotes from the interview…

On President Duterte’s decision to endorse Reps Alan Cayetano and Lord Allan Velasco as House Speakers:

“While malinaw ang separation ng 3 branches pero traditionally talaga namang at least ang HOR halos Presidente o executive ang ‘namimili.’ Having said that, ang presumptive Speaker, while it is a fact na advantage na rin ang nanggaling sa Senate, si Rep Cayetano, pero it doesn’t change the reality na especially sa budget, gagawin din namin ang dapat naming gawin.”

On Charter change:

“Ang bilin ni PRRD na i-amend ang Charter, hindi naman ganoon kasimple rin. It is more complicated than we think, lalo na’t hindi pa talagang nare-resolve. Kailangan i-clarify muna ang ambiguity sa provision ng Constitution, ang papaano boboto, manner of voting. Assuming ConAss, sinasabi sa Art 17, ¾ ng lahat ng members ng Congress makakapag-introduce ng amendments. Pero hindi malinaw paano boboto. Magkasama ba as one body or separately?”

“Walang napalitan sa situation dahil unang una, hindi papayag ang Senate na mag-constitute kami into a Constituent Assembly hanggang hindi malinaw. Ang tanong, sino maglilinaw? Kung papasok kami sa isang kasunduan sa kanila by way of say a joint resolution magkakaroon ng course of action so mati-trigger ang SC na mag-render ng decision. So yan ang iniiwasan namin. So parang chicken-and-egg situation ito. Anong uunahan natin, interpretation ng SC kung voting separately or voting jointly? Kung di malinaw at napasok kami sa situation di na kami makakaatras.”

“Hindi ko sinasabing walang pag-asa pero walang nagpalit. Maski ang presumptive Speaker nanggaling sa Senado at maski anong commitment ang ibigay sa amin ng HOR na voting separately, anong panghahawakan namin? Yan ang problema.”

“Ang problema pag nag-amend or iniba natin ang Charter, wala namang assurance ano ang pwede galawin na provision. Parang faucet yan eh, pag binuksan mo hindi mo na mapigil ang tubig na lumabas o gaano karaming tubig ag lalabas kasi binuksan mo na ang faucet. So hindi na natin alam anong ibang provision. Sa amin, ako for one, kung siguradong economic provisions lang ang gagalawin, pwede siguro pero hindi naman natin mapanghahawakan nyan.”

“Kailangan munang linawin mabuti ang, kung ConAss paano kami boboto? Ang problema nga noon, paano mo mati-trigger yan? Yan ang hindi namin makita kung paano gagawin.”

On passing the national budget:

“Maski 3 ang maghati-hati o 1 magiging Speaker, as far as I’m concerned, ganoon pa rin ang position ko sa budget. Hindi naman pwedeng porke’t dating senador magiging Speaker, larga na rin kami kung may insertions na papayagan. So hindi mababawi ang position ko. And I suppose dahil sa nakaraang taon, I think I have more or less ang suporta ng majority ng mga senador, naroon na rin sa position na scrutinize natin ang budget.”

“Kaya lang naman nagkaroon ng problema sa budget, dahil ginalaw nila after ratification ng BCC report. Kung di nangyari yan maipapasa on time. Kinulang sila ng oras dahil nga hindi nila alam kung paano hahati-hatiin ang kanilang insertions. Doon nagkaroon ng gulo.”

“Pero kung smooth ang transition nila dahil anticipated naman, ang sa akin ang bottom line huwag nila masyadong damihan ang pork barrel nila. Or huwag naman masyadong sobra kasi ma-o-obvious.”

On possibility of pork in the budget under Rep Cayetano as Speaker:

“Let’s see. Kasi maski Speaker siya, isa lang naman siyang congressman. Papaano kung ang iba hindi maawat at mag-insert din? Remember nang namimili sila ng Speaker may narinig tayo may P200M per congressman. P200M per congressman, if you are counting 300 congressmen or you do your math magkano na yan sa pork pa lang? Napakalaki.”

“He’s only one vote din.”

“Sa akin basta alam ko ang direction ko. Hindi ko papayagan ang sobra-sobrang insertion lalo na kung walang consultation man lang sa mga ahensya na paglilipat-lilipatan nila ng mga appropriations. So walang mapapalitan.”

On Rep Cayetano possibly catering to HOR whims as Speaker:

“Sa HOR kasi parang medyo naging transactional din doon. Tingnan natin. Test ng leadership niya yan. I wish him luck also.”

On smoother Senate-HOR ties with Rep Cayetano, a former senator, as Speaker:

“I can only hope so na ganoon ang situation. Kung hindi, kasi may baseline kami. As far as the Senate is concerned, meron kaming baseline na below or beyond the baseline, we cannot also agree. Especially ako. Dahil of course pag sinabi mong baseline relative yan may kanya-kanyang baseline, may baseline na medyo mataas, may basehline medyo mababa. Pero at the end of the day, deliberative body kung ano ang will ng majority, masusunod.”

On the effect of term-sharing on legislation, including budget:

“Basta smooth ang transition hindi masyadong maapektuhan siguro. Sa isang banda mabuti na rin ang naka-prepare na sila sa term sharing para ang legislative agenda naipe-prepare na rin sa pamamagitan ng isang transition na maayos. Kasi kung biglaan din, hindi naka-ready ang new set of officers, medyo magpapalit ng mga priorities.”

On need for Senate to be independent:

“Lagi namang independent ang Senate. Maski allied with the President, sa Senado talagang mas independent ang mindset.”

“Basta kami magiging independent kami all the way.”

On a Senate with only 4 minority members:

“Last Congress, 5 lang din ang minority. But we have worked harmoniously. Sa tanda ko pa nga, mas malimit pa ngang I go along with the minority sa mga debate at botohan. There are occasions anyway. Kasi especially under the leadership of SP Sotto, mas maganda ang harmony, ang working relationship ng majority and minority, kasi consensus builder si SP. Sa kanya, ayaw niya pinupwersa ang minority even during caucuses; talagang we hear them out kung ano ang mga concerns at pinagbibigyan namin kung kayang pagbigyan. Pero kung talagang parang obstructionist na ang dating hindi na namin pagbibigyan.”

On Senate independence amid the presence of ‘President’s men’:

“No, it won’t affect the independence of the Senate. There are only 2-3 very close allies ng Presidente. At sila rin naman nagbibigay ng assurance na maski ganoon sila kalapit sa Pangulo, hindi naman as if kung anong idikta sa kanila gagawin nila; may assurance din sila ginawa. And even kung hindi ganoon ang mangyari, 2-3 boto lang naman sila.”

On Senate committees:

“Pagbobotohan yan sa July 23, the day after the election of officers, ang election naman ng mga committee chairmanships.”

“Sinabi ko kay SP Sotto nang nagsasakit ang ulo niya, kesa sumakit ang ulo mo ipamigay mo ang committee kong gusto, walang problema sa akin. I can always participate in the debates. Kaya naubos ng naubos. Ang defense naiwan. Ang accounts, wala. Maski ayawan ko talagang pinagsaksakan nila sa akin dahil unang una kailangan matapos ang Senate relocation kasi Committee on Accounts yan. At walang takers noon.”

On Sen Sotto remaining as SP:

“Walang duda as of today. Walang duda yan. Pero wala naman tayong nakikitang disagreement. Maski nga minority mas gusto si SP Tito pa rin ang maging SP.”

On death penalty bill:

“Re-filed yan. Ni-refile ko yan even during the 12th Congress, first time ako naging Senador nag-file ako kasi having come from the PNP iba rin ang appreciation ko. Dahil during my time when after the execution of Leo Echegaray, dumami ang nagko-complain ng rape. Ang indication noon, hindi sa dumami ang rape kundi maraming naenganyo, maraming na-encourage na mag-complain kasi nakita nila justice is being rendered. So yan ang nakita ko lang na pwedeng deterrent effect. Pero pwede ring on the part of the victims, maging parang motivation nila na mag-file ng complaint.”

“Mag-undergo naman sa debate yan. Kung ako masusunod kasi magpapasa tayo ng ibabalik ang DP, we might as well cover plunder. Sa akin nga may feature pa ang qualified bribery. Kung tumanggap ka ng bribe na ang case involved ay DP ang parusa, dapat kung government official or police officer or law enforcement officer ka, yan din ang parusa mo. Tumanggap ka ng lagay para sa drugs, e ganoon na rin yan. Parang kabahagi ka ng drug syndicate. Yan ang feature ng aking version, qualified bribery. Kung tumanggap ka ng lagay para di mo file-an ng kaso ang isang kasong rape na filed sa iyo, dapat DP ka na rin.”

“(Willing ako mag-sponsor) depende kung anong mapagkasunduan namin sa majority, ika-caucus na lang yan. But ako I’m willing to sponsor it just like the National ID system kasi revert yan sa committee on justice and then hindi maasikaso ni Sen Gordon so nabigay sa akin, being a member of the committee on justice. Nag-volunteer ako mag-subcommittee chair, so ako nag-sponsor sa floor. And mabuti na rin because it has developed into a landmark legislation.”

“(Ang death by) firing squad medyo brutal naman masyado, although experience would tell us in 1972, si Lim Seng, when he was publicly executed through firing squad, talagang nag-zero, almost gone, almost nil, if not talagang totally nawala ang problem ng drugs. Kasi iba yung graphic na nakikita kung paano pinarusahan. So si Sen dela Rosa may have a point dahil ganoon ang situation. Kasi pag nakita ang may certainty tapos masyadong graphic o kitang kita ang parusa, siyempre nag-i-instill ng fear yan sa mga criminal.”

On Sen dela Rosa’s ‘S*** happens’ statement:

“In-offer ko sa kanya public order para ang perspective niya lumawak. Kasi ako noon, parang perspective ko nanggagaling lang sa law enforcement. Since I want him to succeed as a legislator, mas maganda ang maaga-agang mamulat na siya na huwag lang sa law enforcement side ang tingnan mo. Ang plight ng mga nato-Tokhang. Let’s face it may mga abuses din ang pulis. Yan ang purpose.”

“Oo. Na-appreciate niya naman yan pero napabigla siya doon sa ‘S happens.’”

“Wala (ako nakikitang dahilan para mag-inhibit siya), kasi sabi naman niya unang investigation or inquiry na gagawin niya tungkol sa 3-year-old na namatay. Let’s see. Makikita nyo rin naman kung ano ang magiging demeanor niya or behavior niya o attitude niya when he presides over the committee hearing. Tingnan natin. Huwag tayo maging judgmental kaagad kasi siyempre na-thrust siya rito sa trabaho ng legislation. Ako rin ganoon naman biglaan din ako when Erap was ousted, napatakbo ako na senador maski hindi pa ako retirable noon. Pero natutunan naman lahat yan.”

*****

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.