In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– ‘Patay kung patay!’ Dealing with ‘organized’ moves by pork proponents
– pork proponents’ violation and twisting of the 1987 Constitution
– death threats vs Mayor Benjie Magalong
QUOTES and NOTES:
* ‘PATAY KUNG PATAY!’:
Dealing with House members’ ‘word war’ over aborted attempt to insert pork in 2020 budget:
“Sanay naman ako to roll with the punches. Sige, kung banatan nila ako, sabi ko nga e di sige, pasawaan tayo e di patay kung patay!”
“Manner of speaking lang yan, pag sinabi kong patay kung patay, paguran tayo. Parang fight to the finish.”
“Pag matalo ako, e di talo. Parang live and fight another day. Ganyan talaga ang buhay kasi sa demokrasya. Pag natalo ako sa botohan, hanggang doon lang kaya ko pero hindi ako titigil sa kae-expose.”
“Hindi na (ako nagulat). Kasi last year ganyan din naman reaction nila. Unang una kailan ba sila umamin na may pork? Never naman sila umamin lalo na’t simula noong lumabas ang SC ruling 2013 mula noon di sila umamin, laging may interpretation sila hindi pork ito hindi pork yan. So hindi na rin nakakagulat.”
“Medyo mas matindi, mas violent ang reaction dahil palit-palitan sila, may magsasalita, bukas makalawa iba naman, nagpapalit-palitan. At mina-muddle ang issue. Kung anu-ano ang lumalabas na issue. May insulto. So yan, expected naman yan eh.”
“Parang organized eh. Pati sa social media may bumabanat. Pati sa mainstream. Tapos palit-palit nga, hindi lang isa, di lang dalawa, nag-take turns na magbatikos. Isa lang ang nakikita kong strategy, paguran, namamagod. Kung sakaling bibigay, tuloy ang ligaya. Pero sanay na rin ako riyan. Sa tagal ko sa Senate maski mula pa noong 2002-2003 lalo na nang nag-privilege speech ako sa pork, puro batikos ang inaabot ko.”
“Although di ko kine-claim ang credit kaya nila in-scrap kasi in-expose ko, sinabi ko sa inyo. Dahil nang check ko nga even sa level pa lang nila hindi tinuloy. Ang tanong, bakit yan pina-pound nila lagi, sabi ko nga in-scrap na nila, hindi na nga issue yan. Pero bakit doon pa rin sila pabalik-balik? At babalik ako, kailan sila umamin na may pork? Kaya nothing is new.”
“Alam ko tama ang ginagawa ko. Look, P95B ang last year, for this year, early this year na-veto. Siguro maraming nasaktan doon dahil yung plano nila sinabi ko sa inyo hindi na tinuloy even before na-expose. Kasi nang check ko sabi nila di na tinuloy ang plano kasi umalma ang ibang congressmen; siguro alam din nila hindi lilipad at lahat sila madadamay pa. So sa kanila na rin nanggaling ang hindi pagsang-ayon. So in-abandon nila ang kanilang plano na ganyan ang gawin.”
Rep Villafuerte’s claim you are trying to discredit the House to make the Senate look good:
“Kung papabayaan ko yan ang maitim na balak at late na bago ko ibulgar, mahirap na yan, lalong matatagalan ang budget. Mabuti ang ika nga nipped in the bud, yan ang purpose ko rin, i-preempt na kung anuman ang maitim na balak makakarating at makakarating sa amin.”
Rep Castro’s lobby letter and his claim it was just a ‘request’:
“Ewan ko sa kanya. Ano ba tawag mo roon, di ba nagla-lobby siya ng project?”
“Kung yan paggawa ng munisipyo e doon pa lang sa local development council (LDC) ng Dumalag, halimbawa pinagusapan nila yan pag tinamaan ng road-widening at nasira ang … ng munisipyo kailangan magpagawa, dapat diniscuss nila sa LDC at pagkatapos aakyat sa probinsya ng Capiz. Naroon naman si Rep Castro, member siya ng municipal at provincial development councils. Dapat follow up niya yan naka-ready ang program of work, tapos hanggang sa RDC sinundan niya at siniguradong niyang maisasama sa NEP para pagdating sa Senado, kumpleto ang planning. At ito kung DPWH man o DILG mag-implement, nakasama ito sa budget mismo sa RDC. Ganoon dapat ang procedure.”
“Ang problema bigla siyang pupunta sa opisina at may bitbit siyang letter. At isipin mo munisipyo P258M. Nakalagay pa, tapos tatawagin itong fictional. Akala niya tinatapon namin ang papel pag pinapadala sa amin. Hindi ba sabi ko sa inyo teka parang may nilalapit sa akin yan, ang sagot niya ayaw niya mag-comment kasi fictional daw sinasabi ko. Napilitan ngayon ako, sabi ko sa staff ko, i-post nyo sa website natin ang letter na yan para malaman kung sino ang sinungaling sa aming dalawa. Ang sagot niya naman, hindi lobby yan, letter request. E ano ang tawag mo roon?”
“Kung kasama sa NEP yan at inaprubahan ng provincial and regional development council tapos naisama sa NEP, di na niya kailangan mag-lobby kasi naroon naman sa NEP. Bantayan niya na lang doon at hindi ko parang tatanggalin yan. Kung nakalagay sa NEP, ibig sabihin kumpleto ang planning noon at kailangan ng municipality ng Dumalag ng bagong munisipyo. I will have to check, pagdating sa amin ng budget, and for all we know baka hindi rin kasama sa HOR version malalaman natin, makikita natin.”
“Hindi ko pipigilan (kung ang proyekto niya dumaan sa tamang proseso), susuportahan ko pa. Ang advocacy ko, mas magandang mapunta sa malalayong komunidad ang development. May bill ako riyan, dapat equitable ang distribution.”
“Ibase natin sa needs and priorities ng mga communities hindi parang whimsical, di nakikialam sila sa discussion ng LDP tapos pagdating sa Kongreso bigla na lang paiikot ang budget kung anong gusto nila yan ipapagawa nila. So di alam ngayon ng probinsya at bayan-bayan ano ang proyekto ni congressman, di naman namin napagusapan sa LDC. Itatama lang ang proseso, ok lang naman. Ako susuportahan ko pa nga yan kasi mas gusto ko mas maraming makuha ang malalayong communities na napakaliit ng IRA at napakaliit ng income.”
Rep Defensor’s call to scrap Senate funds in favor of party lists and ‘constituents’:
“Ang tingin nila sa constituent lagi na lang proyekto. Di ba pwedeng ang constituents pakinggan mo ang daing?”
“Ang tingin nila sa constituent lagi, proyekto ang katumbas. Ang tingin namin sa Senado karamihan sa amin tinitingnan namin ang daing ng mga kababayan natin, yan ang pinakikinggan namin. Huwag nyo pabayaang nakawin ang buwis namin. Yan ang constituents; tinutugunan ko ang hinaing ng constituents namin na ilabas lahat ito. Pangangatawanin ko na nga rin kasi mula’t sapul laban ko naman yan.”
‘Hatchet jobs’ pa more:
“Lagi naman ako nagkokonsulta sa kanya (SP Sotto) eh. Meron pang itong talagang hatchet job kasi siya mismo tumawag ng pansin, sabi niya may lumabas sa news sinabi ko raw sablay daw ang information, nag-e-explain siya wala akong sinabing ganoon. Sabi ko ‘Partner sanay na tayo riyan’ ang hatchet na ginagamit ang media na out of context o kaya misquote ka para lang ma-service-an ang sino ang sine-service-an nila. Sabi ko walang problema sa akin naintindihan ko yan, mula’t sapul naman dumaan na ako riyan.”
“Si Sen Zubiri nagdispensa siya, dahil wala raw siyang sinasabi sa media na kinausap niya ako tigilan ko pag-expose. Ganoon din sagot ko. Sabi ko walang problema sa akin, naintindihan ko lahat yan, na maski hindi mo sinabi ilagay nila words sa mouth mo para lang ma-serve ang ends nila. Ok lang yan, sabi ko, walang problema. So ganoon, meron talaga silang effort, and ako naka-ready ako roon. Ano bang mawawala sa akin? Kung siraan nila ako masira ako, ok lang, sanay ako masira. Basta tama ang ginagawa ko buo ang loob ko.”
History of pork in the budget:
“Kasi mahirap pagkatiwalaan eh. Maski noong para sa 2019 sinasabi nila ganito walang pork. Nang nasilip namin di lang naman ako, pati kasamahan ko, nasilip agad may lumobo agad P95B actually P75B nakita namin; at maski na-veto na ang P95B may mga nakalusot pa rin. Di lahat nahagip eh. Meron pa ring pork na lumusot. May alam akong probinsya o distrito na may nailusot pa ring pork eh. Hindi ganoon kalaki pero at least malaking kabawasan ng sasayanging pera ng bayan.”
“Di ba lagi tayong may TRAIN 1, TRAIN 2, tumaas ng tumaas ang gasolina, bakit tayo nagdadagdag ng tax? Para matugunan ang pambansang budget. Samantalang hindi ba napakasakit ng parang tayo ang nagkakarga dumadagdag sa gastusin natin tapos iilan lang ang nakikinabang, daang milyon pa pakinabang nila? Para bang pinaghahanapbuhay natin sila eh. Yan ang nakakagalit. Ako isang taxpayer lang ako pero pag nakakausap ko pangkaraniwang tao yan din daing nila eh. Sabi pa ni Defensor wala raw kaming constituent, e kaming lahat lingkod bayan, kaya nga public servants. Ang constituent namin ang Filipino people.”
“Di naman nag-iisa yan (HOR members na ayaw sa insertion ng big pork). May kasamahan ding umangal din. Umayaw sila dahil siguro nahahalayan sila na bakit naman ganoon ang kalakaran? Pinaghahalo-halo nila yan eh. May move sila, ito wala akong pakialam doon dahil internal nila yan. Sa dami ng deputy speaker gusto nila dagdagan ng P1.6B, pampondo, pandagdag ng MOOE ng 22 speaker. So yan hindi ko pinakikialaman kasi bahala sila roon. Kung gusto nilang dagdagan ang MOOE ng mga kongresista at kailangan nila dahil magdadagdag sila ng staff, para makapagtrabaho sila nang maayos, ok lang. Ang binabantayan ko lang pork barrel na alam natin may mga commission na hinihingi riyan.”
***
* VIOLATION and TWISTING OF THE 1987 CONSTITUTION DUE TO PORK:
On House’s possible violation of the Constitution:
“Ang hindi ko maintindihan kasi noong Huwebes, kasi meron kaming lunch kung saan nagtitipon-tipon kami, naroon si Rep Villafuerte. Nagpapaliwanag sila, sabi niya, nabanggit ko sa kanya, totoo bang ma-transmit nyo na sa Senate ang HOR version on Monday or Tuesday? Narinig ko kako nagsa-submit pa ang small group committee ng individual amendments. So paano kako yan, submit nyo sa amin hindi pa kumpleto? Sabi niya yan ang kalakaran sa HOR, pass nila on third and final reading pero actually hindi pa talaga kumpleto. Yan ang kanilang sinusunod na proseso.”
“E sabi ko teka muna. Sa amin unang una, hindi ko papakialaman ang prosesong susundin nyo pero maliwanag naman sa Constitution. Pag binasa natin ang Art 6 Sec 26, ang nakalagay roon, upon approval of final reading, wala nang papasok na amendments. Ang susunod botohan, ayes and nays, tapos na. Pero ang kanilang ginagawa di ko alam bakit ganoon ang sistema nila, magdedebate sila sa floor pero hindi pa papasok ang amendments. Sabi nila medyo magulo sa kanila pagka ganoon kasi maraming magtatanong. Sabi ko e ganoon talaga ang proseso at Constitution ito. So may pakialam din tayong lahat. Maski sabihin pang meron silang sinusunod, pero pag Constitution ang nilalabag, may pakialam na rin tayo.”
“At saka hindi lang ako nagsasabi noon di lang rules ng Senate o rules ng HOR. Ang pinaguusapan doon, ang Saligang Batas. Ito, Art VI Sec 26, ‘upon the last reading of a bill, no amendment thereto shall be allowed.’ Wala na bang liliwanag doon?”
“Malinaw (labag sa Constitution ang ginagawa nila) kasi pag approve mo on third and final reading, di ba napapanood nyo kami? Pag isasara ng period of interpellation, bubuksan ang period of committee amendments. Isasara ang period of committee amendments, bubuksan ang period of individual amendments. Pag napasok na lahat, nagkasundo-sundo na lahat at tinanggap o ni-reject nagbotohan kung anong amendments ia-approve magbobotohan na kami. Pagkatapos pag approve on third and final reading maghihintay na lang kami ng BCC kung may disagreeing provision sa HOR. Ganoon din ang HOR. Hindi pwede sabihing iba ang sinusunod naming proseso sa HOR kasi Constitution na ang nagmamando rito; ang rules tumutugma yan kung anong provision ng Constitution. So kung ita-transmit nila sa amin maihahabol daw nila amendments. Sabi ko di ba noon pa kayo nag-pass on third and final reading? Yan pala di pa kumpleto ang amendments. So hindi lang anomalous, talagang violation ng Saligang Batas.”
“Ang nangyari kasi for 2019 mas malala yan. Nag-bicam na kami, nag-ratify na pareho ang HOR at Senate, naratipikahan na namin ang bicam report, nai-report out na sa floor para ratipikahan, pagkatapos ginawa nila binago ang naratipikahan at nagdagdag pa sila, nag-realign pa uli. Nagkagulo kaya na-delay. Ngayon sino ang sisisihin natin pagka nagkaroon ng reenacted, pagka ganoon ang sistema? At kung uulitin nila yan ngayon malamang sa hindi delay na naman.”
“Mabuti na rin si PRRD veto niya ang P95B, hindi biro-biro yan. At nang committee hearing kami ng budget ng DPWH isa sa tanong ko naapektuhan ang PAPs, naapektuhan ba nang veto ni PRRD ang 95B? Maliwanag sagot ni Sec Villar, hindi. Walang effect kasi hindi sila nag-submit. Kasi galing sa HOR yan.”
Twisting SC’s 2013 Ruling vs Pork:
“Kaya nasasayang ang pera natin, dahil sa kapritsyo. Ang definition ng pork puro hindi post-enactment, sabi nila post-enactment yan lang ang pork. E pag binasa mo ang ruling ng SC, di ba ang lahat na all informal practices tapos the same import and effect, tapos hindi dumaan sa tamang, parang tantamount to grave abuse of discretion, pork din yan. Yan ang ginagawa nila, may grave abuse of discretion tapos whimsical ang paglagap ng pondo sa proyekto, kung ano gusto nilang proyekto, whimsical ang tawag doon sa definition ng SC ruling, pork pa rin yan.”
“Doon kami hindi nagkakasundo dahil sinimplify nila ang definition. Basta pre-enactment ibig sabihin bago maipasa ang budget nakapasok ang insertion nila, sabi nila di na pork yan. E kung di kailangan ng probinsya o distrito o bayan ang kanilang siningit na proyekto dahil whimsical nga, kapritsyo nga, pork pa rin yan dahil may grave abuse of discretion. Yan ang sabi ng SC.”
“Let’s face it. Kaya lang sila sabi nila to answer the needs of my constituents. Kung ganoon pala ang katwiran nila e di makipagdiskusyon sila pag binabalangkas ang LDP. Matutugunan ang pangangailangan ng kanilang distrito dahil doon pati NGOs at CSOs nagpa-participate doon. Kasi doon pag nagbubuo sila ng LDP sa simula barangay munisipyo siyudad hanggang probinsya, pinaguusapan nila yan anong kailangan natin, tulay rito kalsada roon. Nadi-discuss at dumadaan sa proper vetting at lahat may consultation.”
“Ang trabaho ng congressman dapat sila mag-shepherd pagdating sa HOR, ito pinagaralang mabuti, kailangan ng distrito ko kailangan ng bayan natin ilalaban ko ito. Yan walang problema sa akin yan dahil dumaan sa tamang proseso.”
“Kaya tayo di umaasenso ang PH napagiiwanan ang bayang mahirap, forever mahirap kasi nga, kaya pag budget season napakaraming governors, mayors at barangay chairmen sa hallways ng Senate at HOR. Parang naninikluhod, namamalimos. Ayaw natin ng ganoon. Ang dapat na fina-follow-up at mabantayan ang kasama sa LDP nila, yan kung ganoon ang sistema wala kaming problema. Ako mismo kung may makikialam sa kasamahan ko babawasan halimbawa sa Dumalag na kung magkano ang proyekto at nakita ko naman mula sa LDP kasama na, tapos approved ng Malacanang, tapos alam ng implementing agencies, ako mismo ipaglalaban ko yan, di na kailangan pumunta sa akin si Rep Castro.”
***
* DISCONNECT CAUSED by LEGISLATORS’ PORK:
“Ang mahirap pagka ganoon nagkakaroon ng disconnect, di magkatugma ang needs and priorities ng communities sa lumalabas na budget. Pag pinakialaman ng legislator senador man o kongresista ang by way of individual amendment na walang coordination sa mag-implement, ligaw ang implementing agency. Ang masama, di alam ng communities. While they represent the districts di sila nakipagsangguni sa LDP. Member naman sila roon. Barangay, municipal o city hanggang RDC pwede sila makipag-discussion kung gusto pagawa ng tulay ipasok sa LDP tapos all the way sa RDC pwede pa rin nila bantayin yan hanggang dumating sa NEP nakabantay pa rin sila. Nag-shepherd sila ng proyekto na kailangan ng distrito nila sa bayan o syundad o probinsya. Pag ganoon walang problema kasi alam ng implementing agencies, DPWH DepED o DA alam nila kasi part sila ng planning.”
“Kaya napansin natin di ba taon-taon ang laki ng unused di kasi alam ng implementing agencies. Ang nangyayari minsan pwersa ng congressman, kakausapin ang district engineer kailangan gawin ito so kamas-kamas, topsy-turvy ang planning kasi madalian. Ang masama pa bitbit ng kongresista ang contractor na gusto niya, walang magawa ang district engineer baka mapalipat sila dahil sa political pressure. Kaya di tayo umaasenso, lakihan natin ang picture, look at the whole picture, kaya nga nagsimula budget natin ilan lang, unang budget ni GMA nang 2001, ang unang budget year niya, wala pang 1T ang budget. O ngayon 4.1T na tayo. Kung iikot ka sa PH at hahanapin mo idinagdag na budget taon-taon nakikita ba natin commensurate ba yan? Malayo.”
“Huwag na natin sabihing nasayang sa kumuha ng 20% ang legislator, congressman, pero malaking portion na nasasayang ang inefficiency sa pagimplement kasi di handa ang implementing agencies dahil di nila alam. Sa DILG sa 2019 budget may nakita akong P16-19B na items. Nang tinanong ko si Sec Ano, alam nyo ba ito? Sagot niya maliwanag hindi. Paano implement? Hindi nila alam.”
“Hindi ito tumutugon sa pangangailangan talaga ng kanayunan. Kaya ang disconnect napakalawak. Hindi kailangan ang tulay si congressman papagawa ng tulay. Di ba noong araw meron ako privilege speech, Bridges to Nowhere? Nagpagawa ng tulay, sa dulo ng tulay, ‘No Trespassing Private Property’? Merong tulay dire-diretso pagtawid mo sarado dahil bundok? Para lang makagawa ng project gagastusin ang buwis natin, maski hindi kailangan ng tulay papagawa ng tulay.”
***
* NINJA COPS:
On having ‘ninja cops’ attend Oct 1 Senate hearing:
“Oo ako suportado ko yan. Call ng chairman pero vice chairman ako ng justice committee. So mas maganda nariyan na rin sila, tutal nariyan ang documents sa amin, nariyan ang identities at facts of the case. Mainam nariyan na sila para masagot nila, in fairness to them bigyan sila ng forum para agad-agad masagot nila kung ano man ang ina-allege o binibintang sa kanila.”
“Oo maski siguro di naguusap, nang nag-testify si Mayor Magalong, may idea na sila na sila yan.”
On Chief PNP Albayalde:
“Mabuti na rin kasi (ma-address) ang speculation na nababanggit ang pangalan niya. Mabuti, sinuportahan namin ang motion ni Sen dela Rosa isapubliko ang contents ng executive session. Mahirap ang puro bulungan na di ka makasagot kasi di ka binabanggit pero sa bulung-bulungan lumalabas pangalan mo. Mainam na rin yan.”
“Sabi ko rin sa inyo kasi ang naging action sa kanya noon, relieved siya kasi siya ang provincial director, tauhan niya ang sinasabing nag-agaw bato at nagpatubos sa Chinese. So mainam na rin. Ako may tatanungin din ako sa kanya para rin ma-clear niya ang sarili niya at kung mali-mali ang sagot niya baka di niya ma-clear ang sarili niya. Nasa kanya yan. May itatanong ako sa kanya. Noon pa man alam ko na ang facts of the case, sabi ko nga sa inyo di kay Mayor Magalong nanggaling, may nagpadala sa akin ng documents, ang case folder.”
“Dalawa kasi yan, may administrative case, may criminal case. Ang status ng administrative case inaksyunan yan sa level ng regional director, summary dismissal. Dismissed ang police involved. Tapos na-commute sa halip na dismissal ginawang 3 months’ suspension, pagkatapos demoted 1 rank. Ang criminal case filed ito sa DOJ pero ang prosecutors hanggang sa National Prosecution Service dismissed nila ang kaso. Pero hindi pa talaga dismissed yan kasi subject for review kaya maganda kung naroon si Sec Guevarra para malaman ang status ng criminal case. Kung totoo ang allegation doon at may mga testigo, may ebidensya roon nakita ko roon, at di pa finally dismissed at subject to review, mas maganda ma-review sa level ng SOJ.”
“(Ang mga ninja cops) nahatulan na sila administratively. Ang hindi ko lang alam kung kaya, kasi baka napagsilbihan na nila kung anong pwedeng gawin sa kanila given the circumstances. Kasi nabigyan na ng dismissal tapos nabawasan ang dismissal ng suspension at saka demoted, so parang served na nila yan. Hindi ko alam, tatanong ko sa Napolcom anong pwedeng gawin kung sakaling magkaroon ng reinvestigation. Although completed na proseso nila at na-serve na suspension, di ko alam. Tatanungin natin sa Napolcom. Kasi ang double jeopardy nag-a-apply yan sa criminal cases. Pag arraigned ka na at dismissed ang kaso, mag-set in ang second jeopardy kasi may first jeopardy na. Di ko alam sa administrative, I have to brush up again ano ang panuntunan diyan kung ma-apply rin ang legal principle ng double jeopardy sa administrative cases.”
On death threats vs Mayor Magalong:
“May idea kung sino. Kaya naman ni Gen Magalong i-defend ang sarili niya at alam niya ang pinapasok niya nang siniwalat niya yan. And I’m sure he’s ready for anything. Kilala ko yan, malakas ang loob, matapang yan at may prinsipyo.”
“Kung magre-request siya sa Senate we may provide, augmentation man lang. Mayor naman siya, meron siyang security detail palagay ko sa Baguio. Pero kung mag-request siya at kakayanin ng Senate paguusapan namin yan. Pero malamang bibigyan namin siya kung mag-request.”
On drug queen leaving PH despite pending warrant:
“Unang unang nilabas ni PDEA DG Aquino ang tugnkol sa drug queen, sa budget hearing namin ng PDEA. Kasi nga sinabi niya ang napagusapang issue na recycling, nagsimula yan sa imbentaryo ng drug na nakumpiska, sabi niya mga P22B, hanggang nag-evolve ang usapan na mga pulis mismo nagre-recycle kasi binabawasan daw paghuli pa lang. Kaya niya nabangit na meron silang sinusubaybayan na drug queen na doon binebenta ng pulis ang inaagaw-bato nila, yung misappropriate nila na pag nakahuli ng 10 kilos, 5 kilo babawasin, diyan nila dinadala. Yan ang sinabi. Tapos lumabas ang pangalan. At lumalabas may pending AW sa RA 9165, paano nakapyansa yan e no bail yan? Dapat malaman din yan.”
“Yan nga rin, isang parang dapat mag-adjust ang enforcement natin ng strategy dahil sa dami ng napapatay, bakit ganyan pa rin ang problema sa droga.”
*****