#PINGterview: Payo sa Bagong Chief PNP; Kaltas sa 2020 Calamity Fund

In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– Priorities of Archie Gamboa as new PNP chief
– P4B cut in 2020 calamity fund going to pork?

QUOTES and NOTES:

* NEW PNP CHIEF:

On appointment of new Chief PNP:

Sa PNP, maraming qualified pero mabuti nakapag-appoint din pagkatapos ng ilang buwan din na OIC. Kasi pagka OIC lang, limitado ang authority ang power ng Chief PNP kasi hindi permanent Chief PNP. Natatandaan ko noong budget deliberation ng DILG, naroon din ang Napolcom, hiniling ko nga sa kanila na by way of a Napolcom resolution baka pwedeng ibigay sa kanya ang authority ng isang full-time CPNP. Nang inaral nila, hindi nila magawa ang gawin siyang ex-officio member ng Napolcom. Importante yan kasi siya ang nagre-represent ng PNP sa Napolcom. Dahil sabi nila magiging violation yan ng PNP Law. So ngayon, dahil appointed na siyang permanent Chief PNP, makaupo na siya sa Napolcom bilang ex-officio member.”

Enough time to effect reforms:

Totoo yan, lahat na reporma. Pati powers to appoint. Under the PNP Law, ang full Colonel lang pataas ang ina-appoint ng Presidente at ang Patrolman hanggang Lt Col, ang nag-a-appoint, of course subject to the confirmation ng Napolcom, ang CPNP. So kung hindi full time ang CPNP, ang iniisip ko nga noon, sino ang nagpo-promote sa rango na hindi naman presidential appointee o hindi kailangan Presidente para makapag-promote. Unlike sa AFP ang pag-commission pa lang Presidente na at ang promotion all the way up to CSAFP 4-star general, Presidente. Pero sa PNP hindi yan ang situation. Ang presidential appointee lang diyan, full colonel hanggang 4-star general.”

“Noong araw noong CPNP ako nakapag-promote ako on the spot pag may magandang accomplishment. Right there and then pag dinalaw ko may magandang accomplishment at maganda ang accomplishment, on the spot nagbibigay ako ng promotion hanggang Lt Col or Supt at the time.”

Kaya niya (Gamboa) kasi under the PNP law RA 6975, ang nakasaad doon kailangan more than 6 months. Pag within 6 months magre-retire na, hindi na qualified para ma-appoint. But between now and September, that’s a good 9 months kaya pwedeng pwede siya, qualified siya. At nariyan siya bilang OIC at nakikita ko ang ginagawa niya sa PNP maski noong OIC siya, ang mga reporma at pag-address sa internal cleansing ginagawa naman niya. So I think hanggang September, he has a good time para isagawa ang reporma at dapat isulong sa PNP para ma-address ang kanilang mission.”

Priorities the Chief PNP should pursue:

Ginagawa na niya, ang internal cleansing. Sa akin yan ang dapat unahin kasi papaano makapag-perform ang PNP na hindi disiplinado, na maraming rogues, may nagkalat na ninja cops? Sa akin tulad ng ginawa ko noon in-address ko muna internal cleansing. Noong internal cleansing, nawala ang pangongotong sa kalsada. Sama-sama yan. Pag hindi disiplinado, hindi maayos ang mga pulis natin, paano makakapag-deliver sa in-assign na mission sa kanila? So napakaimportante noon. At yan naman ang direction ni CPNP Gamboa. I think he’s well on the right track.”

“At nasimula niya na yan, ngayong appointed na siya, sa tingin ko lalo siyang ma-motivate para paigtingin pa ang ginagawa niyang reporma. He’s more than qualified kasi lawyer, tapos well-exposed siya, matagal siyang deputy for administration. I think he’s more than qualified sa position na yan.”

Ang cleansing sa akin simple lang naman ang power or kinakailangan behind it. Ang tinatawag na paulit-ulit, leadership by example. You cannot preach what you cannot practice, that’s very basic sa leadership. Pag nakita ng subordinates mo na pinapatupad mo ang di mo ginagawa, walang makikinig sa iyo. Ang leadership by example is second to none. There’s no substitute for it. Walang ibang gagawin, hindi susunod sa iyo ang tauhan mo kung sinasabi mong gawin nila, hindi mo pala kaya gawin. I think that’s basic enough.”

Indictment of former Chief PNP Albayalde to aid PNP internal cleansing?

Yan napakaimportanteng lesson, a bitter lesson kung ating iisipin dahil ang pinakamataaas na pinuno nila for so long a time, ma-indict dahil sa anti-graft ang filed sa kanya. Nasabi ko na ito. Hindi lang long arm of the law. The law has a very long memory. Isipin mo, 2013 nangyari yan yet ngayon lumabas lahat yan at naglabasan ang mga tumetestigo. Ang isang iniisip natin dito, meron pa bang ibang nagawa rin kung totoo ang mga facts na narinig natin sa pagdinig, pati investigation ng DOJ, kung totoong nangyari ang ang palit-ulo P50M, ni-recycle na drugs, ilan pa kaya ang nagawa between that time at nang nabuko? Yan ang lalo nating isipin. Bakit hindi nababawasan ang shabu sa merkado? In spite of so many operations conducted by frontline units ng PNP down to municipal and station levels, yet napapansin natin parang hindi nababawas sa supply side. So may nangyaring hindi natutuklasan. At isang pangyayari itong natuklasan natin, ang nahuhuli at na-confiscate na droga, may admission mismo ang PDEA nang nagkaroon ng pagdinig dito, talagang nagkakaroon ng recycling ng drugs. So ang hindi natin nakita, nakita natin ngayon at hindi na rin nagulat ang nakikinig sa Senado dahil alam nilang nangyayari talaga, di lang nila alam sino o paano sinasagawa at ang ibang detalye ang 5 Ws. Pero maliwanag sa pagdinig sa ninja cops na talagang nangyayari. At may pinapalit-ulo na walang kinalaman, yan ang hinaharap bilang akusado. Makukulong muna yan bago ma-acquit. Yan siguro ang dahilan bakit napakataas ng acquittal rate at mababa ang conviction rate, kasi ang hinaharap ng nakahuling pulis, ang mga rogues in uniform, maling suspect. At ang suspect na dapat maparusahan ay sinusuhulan sila. At nagkakaroon sila ng palit-ulo. So ilan pa ang ganoong pangyayari na di pa natuklasan? Yan ang dapat hindi tigilan, kasama sa internal cleansing, maski nakaraan na. Kasi ang best deterrent ang tuklasin at parusahan mo ang dating gumawa.”

“Ito ang magde-deter sa kasalukuyang member ng PNP na hindi kayo makakawala, meron kayong gawing kalokohan kasi maski ilang taon na nakalipas pwede pa kayo madiskubre at makasuhan.”

“Function na ng criminal justice system natin (ang mangyayari sa kaso vs Albayalde). Alam natin medyo mabagal pero ang bagong CJ si CJ Peralta, napakaraming reporma rin na in-introduce sa judiciary. Ang narinig ko nga, obligado ang judges ngayon na nariyan sa kanilang mga korte not later than 8:30 a.m. para magsimula ng trial at siya nag-iikot. So maraming reform din ang nangyayari sa judiciary. Hindi magfa-function ang criminal justice system kasi may mga pillars yan, all the way hanggang penology kasama yan pati community. So hindi pwedeng law enforcement lang ang ating tututukan. Siguro maraming katanungan sa isipan ng kababayan natin, sana umabot ang kaso ng ninja cops, nasimulan na ng law enforcement and prosecution pero ibang usapan ang korte and penology. Tuloy-tuloy dapat.”

“Sa criminal case naman walang tinatawag na command responsibility. It’s either kasama ka sa conspiracy o kaya accomplice ka or accessory after the fact. So maski nagkaroon ng pagdinig sa Senado hanggang doon lang talaga ang tingin ko umabot ang ebidensya doon sa kaso ni Gen Albayalde. Walang naipakita roon na part siya ng conspiracy sa ginawa nina Baloyo and company.”

(Kung hindi binuksan ng Senado ang kaso), baka tuloy-tuloy ang ginagawa nila. Kasi nakakalat na sila. Meron na sa Cavite, sa Tagaytay si Baloyo, may nabalik sa Rizal. Ang iba kung saan-saan na-assign. So may mga knowledge yan at malalakas ang loob noon kasi nakalusot sila. At saka ang lure of money. We’re not talking of P10M, P1M, P20M. Yun pa lang palit ulo sa narinig natin P50M yan. Tapos magkano na-recycle na drugs? Hundreds of millions. So doon pa lang kung mahina-hina ang moral fiber ng pulis ay bibigay. Hindi maalintana na baka mahuli. Tutal sa tingin nila kayang kaya paikutin ang kasamahan nila maski mga commanders nila kaya nakaka-encourage yan. Kaya mabuti nangyari, napakalaking blessing na rin sa PNP, dapat hindi na rin ikalungkot ng PNP although sabi ko nga, yan ang bitter lesson. Pero dapat matuwa ang PNP lalo ang liderato na lumabas ang ganitong pangyayari nang sa ganoon, para sa akin malaking deterrent yan.”

“Kasi ako pagka sa disiplina, nakatuon ako sa punitive side. Kasi maraming pulis sari-saring character yan. Kung 10 pulis ang kausap mo, 10 klaseng character ang kausap mo. Meron diyan magpapalusot. May matitinong susunod. May dating nakagawa ng hindi maganda pero reform ang iniisip, self-reformation. Meron talaga ang pag-iisipan kung paano ka papalusutan. So yan ang malaking challenge lalo sa CPNP kasi hindi ka naman pwedeng nasa lahat ng lugar sa PH lahat na station para bantayin ang pulis mo. So malaking challenge kay CPNP Gamboa itong pagtatalaga sa kanya as CPNP.”

Higher salaries additional deterrent to cops going rogue:

Kasama yan. Yan ang aspect naman ng motivation. Kasi kung kulang ka sa motivation, ang morale ng tao mo mababa baka hindi rin makapagtrabaho nang maayos kasi maraming iniisip. Siyempre ang pamilya niya paano pakakainin ang anak, at pangangailangan ng sariling pamilya, siyempre nasa isip niya yan. So napakaganda rin ang ginawa ni PRRD na itinaas ang sweldo ng pulis para hindi sila binibigyan ng dahilan para gumawa ng kalokohan. Ang gumagawa ng kalokohan, yan ang wala nang kabusugan. Yan ang hindi na nahihiya. Sa laki ng sweldo nila dapat mahiya sila sa kanilang CIC kasi pinakita na kung paano napaka-generous ng Presidente, ang CIC, pagkatapos gaganunin mo pa.”

“Siyempre kaya nang lumabas ang usapin sa speed gun, ang sama ng loob ni Presidente. I just hope tama ang sinabi ni SILG Año na nagkaroon ng blunder sa pag-present, na hindi naman totoong overpriced o hindi na-compare ang apples to apples. Wish list yan, ang pagkaalam ko nagtanong ng wish list so nag-present nang binigay ang presyo nagulat ang Presidente kasi sabi niya nga bakit nang mayor siya P10,000 lang bakit naging P950,000 ito? Dapat pa rin magsagawa ng investigation although ang initial finding nila, mali lang ang presentation. Ang pine-present ay ibang version kesa tinatanong. Dapat i-clarify nilang mabuti yan. Kung kukuwentahin natin, 10,000% ang overprice kung ang initial information na nakuha natin ang susundin. Pero as it appears now, sana let’s just put it behind us na tanungin pa rin. Ang P950,000 na kasama ang mga accessories sa basic na pangangailangan na nagkakahalaga ng P10,000, sapat ba o commensurate ba sa P950,000? Dapat tingnan pa rin yan. Kasi marami ring kalokohang nangyayari sa procurement, hindi lang sa PNP kundi sa iba-ibang ahensya natin sa gobyerno. Alam natin yan.”

***

* CALAMITY FUND:

P4B cut in calamity fund for 2020 may go to ‘pork’:

Medyo mahirap i-trace kasi ang nangyayari pag bicam hindi ito parang magkaltas tayo tapos ilipat natin dito, di ganoon ang ginagawa. Sa BCC pag nagharap, kaltas muna ng kaltas. Halimbawa kuha tayo ng P4B sa NDRRM Fund, disaster fund na tinatawag, kaltas tayo galing sa DepEd. Kaltas galing sa ganitong ahensya. Ipo-pool yan tapos saka sasabihin naka-pool yan as general fund. Tapos doon kukuha. O kaya dito sa distrito mo ito may ganito rito, o kaya mga congressmen meron kayong tig-ganoon. So mahirap i-trace yan. Kaya sana gusto ko maging transparent ang BCC para pag nagkaltas ng P4B from NDRRM Fund, agad-agad alam natin saan ililipat. Hindi ang mag-pool ka ng so many billions tapos saka na lang parang nangingisda ang mga member on behalf of their other colleagues siguro dahil di member ng BCC nakikinabang pag nagpu-pool na ng pondo na ire-redistribute papunta sa alam mo na, ang iba roon papunta sa pork barrel.”

Maling sistema (ito), hindi transparent. Kaya sabi ko dapat gawing transparent ang discussion sa BCC, dapat in full view, nariyan ang CSO, NSO, media para mapakinggan. Tulad noon mahirap na ma-trace although we are still trying to trace saan napunta ang P4B. Although ang sinasabi ng ibang kasamahan ko at totoo rin, hindi talaga nagagastos taon-taon ang NDRRMF. Pagkaalam ko under RA 10121, 2011 ito na-enact, ang counterpart sa local, kasi pagka LGU, ang kanilang IRA, entitled sila na may at least 5% nakasaad sa batas, yan ang nilalagak para sa kanilang local disaster risk reduction and management fund o LDRRM fund. Under the law ang 30% noon ilalaan nila para sa QRF, ang quick reaction fund. Kaya pag may kalamidad may agad-agad na nahuhugot ang governors and mayors para gawan ng evacuation at temporary evacuation center. Doon nakukuha, 30% ng 5% galing sa kanilang regular resources, IRA man o local revenues, pwede sila humugot. Ngayon within 5 years at di nagagamit yan, yan ang dinadala sa general fund. Standby yan para pa rin sa disaster. Di pwede galawin yan kundi sa disaster. After 5 years pag di pa rin nagagalaw kasi di nadadalaw ng disaster, yan ay pwedeng gamitin nila parang kumbaga sa national level, sa National Treasury, at pwede gamitin sa ibang pangangailangan sa social services at ibang pangangailangan ng LGU. Pero hindi pa rin nagtatapos doon. Under RA 10121 may regular accounting and auditing. Nagsa-submit sila ng accounting ano ang hindi nagamit, extended and unextended portion na sinasabi kong dapat within 5 years nakalaan yan para sa disaster din. Kung di sila dalawin ng disaster in 5 years, after 5th year pwede nila gamitin yan i-realign sa ibang pangangailangan. Sa national pooled na kasi, dati pag budget deliberation, bawa’t isang ahensya may kanya-kanyang NDRRM fund. Ang ginawa niyan of late, pinool na lang sa isang item, ang NDRRM fund. Sa 2020, yan ang P20B. Ang pinasa naming Senate version P20B yan. Pagkatapos ng BCC nabawasan ng P4B. So hindi lang talagang P16B pondo para sa calamity kasi ang hindi nagamit sa 2019 nariyan pa yan. Even in previous years.”

“Sabihin na natin, narinig ko si Sen Gatchalian, na may pinagusapan ito kaya binawasan ng P4B, may naiwan sa 2019 na P11B plus. So sabihin natin may P16B plus P11B, that’s P27B para sa calamity. Pero kung ganyan may nangyaring Taal, at hindi pa rin tapos ang Marawi, at meron pang nangyaring earthquakes sa Mindanao, baka kulangin ang P27B so bakit mo babawasan ng P4B? E ang kalamidad hindi natin na-anticipate, di natin nape-predict yan. Ang Taal hindi natin ine-expect.”

Kaya nga ang dapat diyan ang NEP, kasi ang P20B nanggaling sa NEP. Ito nirerekomenda ng executive branch sa Kongreso na pondo para sa disaster. Dapat yan hindi talaga binawasan kasi hindi natin alam kailan ano ang darating na disaster na kalamidad. At hindi natin alam magkano aabutin na gastos.”

“Ang Pilipinas we ranked 3rd most disaster-prone country in the world, tayo ang pangatlo. Ang 60% ng ating total land area exposed sa disaster at calamity. At least 74% ng ating population susceptible sa danger or risk ng disaster at kalamidad. You can just imagine kung No. 3 tayo sa most disaster-prone countries sa buong mundo, dapat talaga meron kang pondong nakalagak para pang-address sa calamities. Bakit babawasan ng Kongreso yan, para lang ma-satisfy ang pet project ng mga distrito? Parang mali.”

“Ang nangyari mag-constitute ang BCC tapos magme-meet para introduce ang members, tapos iniiwanan sa 2 chairperson ng both panels ang pag-discuss. Wala naman talagang nangyayaring discussion. Ang gusto kong mangyari pero ino-oppose ito na baka mag-grandstanding, baka walang mangyari. Lalong kaming maging maingat pag nariyan ang media pag nakabantay kayo mahihiya kami, ‘oy ang district ko bigyan ng P20M. Di ba mas magbe-behave?’ Ang sabi nila baka mag-misbehave, baka kanya-kanyang papogihan. Sa akin hindi ganoon, ayokong tingnan nang ganoon yan. Mas maingat kami at alam nating nariyan ang piercing eyes ng mga reporters or may mga NGOs na naka-represent diyan. Sa tingin ko mas magiging matino ang output ng BCC report kesa pag iniwan sa small group bicam at pag susunod na meeting diyan pirmahan. Doon nangyayari ang katakot-takot na amendments. Parang nabalewala ang pinagdebatehan namin, ang pinagpuyatan hanggang madaling araw, nag-aaral ng budget, parang nababalewala lang sa pamamagitan ng BCC. E walang pag-aaral ang BCC. Tinitingnan lang doon ang mga individual amendments na huwag magalaw at madagdagan pa.”

Aside from anti-terrorism act ang amendment sa HSA ang isang priority ko rin bilang chairman ng defense and security committee, mag-constitute ang congressional oversight committee on the NDRRMC Act. Kasi nakasaad sa batas yan, na kailangan mag-constitute tig-6 member ang HOR and Senate. Ang purpose noon, within 5 years o bago matapos ang 5 years kasi nakalagay as the need arises, i-revisit at i-audit ang accomplishments, ang impact ng batas sa disasters o sa mga tao. So yan isang priority na tinitingnan ko bilang chairman ng defense and security, ma-constitute agad ang Senate panel. Mag-coordinate ako sa chairman sa HOR si Rep Tupas na mag-constitute na rin ang HOR para makapag-meet kami para mapagaralan, although may panukalang batas sa pag-create ng Department of Disaster Risk Reduction Management, dapat pag-aralang mabuti. Kasi naroon naman sa NDRRMC Act na kailangan i-revisit talaga for possible remedial legislation, meaning mag-amend pero not necessarily mag-create ng department. Nasabi ko na rin pag nag-create tayo ng department anong panunustos natin? Ang laking budget na naman kailangan natin. Bagong create ang DICT magkano lang ang budget ng DICT for 2019? Mahigit P4B lang. Nang compare ko nga mas malaki ang pork ng isang congressman sa budget ng isang department. P4.5B ang in-attempt of course pero vetoed ni Presidente sa 2019. Pero ganoon kaliit, create tayo ng department na di natin kayang pondohan. Nag-create tayo ng Human Settlements Department na ma-activate lang talaga itong Enero. Yan popondohan mo rin yan. E magke-create ka ng Department of Risk Reduction and Management mag-appoint ka ng Secretary, ilang Usec ang appoint mo riyan, ilang Asec ia-appoint mo, tapos magtatayo ng opisina, regional and national, kwentahin natin magkano. Tapos may pronouncement ang Pangulo earlier sa pagpasok niya bilang Presidente, rightsizing. Sabi niya rightsize natin ang bureaucracy kasi napaka-bloated na, e 1.4M na ang government employees. Ilan ang population natin? 100+ million. Ilang percent ang taong gobyerno sa population ng PH? Baka masyadong bloated ang bureaucracy tapos magtatayo pa tayo, although it is a necessity magkaroon ng permanent office hindi ad hoc tayo na pagka nangyari ang Yolanda mag-create ka ng OPARR, parang task force, tapos may Task Force Marawi, TF Earthquake, TF Taal, puro ad hoc yan, walang matatapos ang trabaho.”

Prioritize rightsizing:

Yes pero dapat magkaroon ng permanent agency na tutugon sa kalamidad. Nasabi ko na kanina, we ranked 3rd in the whole world at least in 2018 among all countries in the world na most disaster-prone. At napakalaki ng exposure natin sa risk ng disaster, at least 74% ng population susceptible sa danger ng kalamidad. Tapos 60% ng total land area ng PH naka-expose sa disaster. So kailangan talaga natin ng permanent agency but not necessarily a department.”

On reported planned bill to create a Taal Commission:

“Ganoon na nga ang nangyayari, ad hoc pa rin yan. Tuwing may kalamidad nagke-create tayo TF and commission pero wala talagang tumutugon kasi pag sinabi mong commission may council na naman yan. With all due respect, ginagalang natin si Sen Recto sa ganyan kasi ang laki ng contribution niya sa legislation. Pero sa akin lang, kung may commission tayo at Task Force tayo at council tayo, ang NDRRMC is a council. Ang chairman SND, co-chaired by SILG. Lahat halos ng Cabinet members, myembro niyan. Ang kanyang pinaka-secretariat or executive director, OCD. Pero yan wala namang tao. Kasi ang mga tao niyan seconded sa kanila galing DND at talagang tao para sa kanila, mga casual. So anong magagawa noon? Kaya dapat talaga gawing permanent, parang i-elevate natin ang OCD yan ang permanent agency na tutugon. Kasi pag nagkaroon ng calamity, necessarily gagawa ng Post-Disaster Needs Assessment, ia-assess. Papa-approve pa sa council yan. Bago mo ma-meeting lahat na member ng council, may kanya-kanyang schedule yan kaya napakahirap dapat may dedicated agency na tutugon sa lahat na calamity, man-made or natural.”

I can understand where he’s coming from. As I said, talagang devastation nangyari sa Batangas. Yan nga ang unfair doon Cavite nag-e-enjoy sa (view ng) Taal pero pag sumabog, Batangas ang tinatamaan.”

***

* ANTI-CORRUPTION:

On President Duterte’s reported threat vs oligarchs behind water concessionaires:

If I can read the mind of the President correctly, gusto niya magpakita na walang high and mighty at walang pangkaraniwan pagdating sa paglaban sa corruption. Yan ang message na gusto niyang impart sa ating kababayan. And rightly so. Kasi di ba while ang scale ni Lady Justice dapat pantay, nakikita natin sa tunay na buhay na lamang na lamang talaga ang mga mapera ang makapangyarihan ang well-connected kesa sa pangkaraniwan. So siguro yan ang gusto niyang impart sa ating kababayan, kaya ko gibain maski gaano ka-powerful o well-connected, o gaano kayaman kaya kong banggain. So ang message noon na mag-come across sa ordinary Filipinos, sa hoi polloi, na kung yan di sinasanto, tayo pa kaya? So ang message kung maipaparating sa ganoon, malaking pagtulong yan sa paglaban sa corruption kasi parang pinapakita niya roon na maski ka kayaman o makapangyarihan di ka sasantuhin.”

“Lagi tayong may haka-haka (na may pinapaboran si PRRD). Pag ganyan ang malalapit sa kanyang negosyante yan ang laging napagisipan at napapagdiskitahan na siguro kaya ginagawa ito may gustong pumasok na malapit sa Pangulo. Rightly or wrongly yan ang iniisip ng kababayan natin. Kasi nangyayari naman talaga in the past kung sino ang malaking negosyanteng tumulong, napapaboran. So hindi rin natin masisisi ang kababayan natin na mag-isip nang ganoon. Sabi ko nga rightly or wrongly.”

***

* ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL:

Ang renewal ng franchise, ayon sa Constitution, nasa Kongreso yan. Kami ang magde-deliberate at ang mag-a-approve niyan.”

I don’t think the Supreme Court will encroach on the power guaranteed by the Constitution na naka-lodge sa Congress of the Philippines kasi separate branches yan.”

‘Similarities’ to Sereno quo warranto case:

“Iba yan. Yan naman kasi nasa Constitution na ang SC meron silang original jurisdiction para sa kasong involved quo warranto at mandamus. Naroon yan so hindi sila nag-impeach.”

“Pero hindi in-impeach ng SC si CJ Sereno, ginawa nila quo warranto. And it is written in the Constitution. Walang masyadong nakakaalam noon. Kaya nang nagdebate kami ni Sen Pangilinan, kasi siya ang proponent ng Senate resolution na parang sense of the Senate na nakapirma ang 14 gusto niya pa-adopt sa floor but I debated with him and pointed out na hindi naman in-impeach ng SC si dating CJ Sereno. Naalis siya sa pamamagitan ng quo warranto at ang quo warranto, argumento namin 2 a.m., binasa ko sa kanya na hindi matatanggal ng SC ang isang CJ sa pamamagitan ng quo warranto. Binasa ko sa kanya ang provision sa Constitution na may original jurisidiction ang SC para sa pag-address ng pleading and petition na mandamus, habeas corpus, kasama quo warranto.”

***

* PRRD LEGACY PRESENTATION:

Tatlong taon pa lamang, parang napakaaga para sa legacy. Dapat ang legacy presentation sa mga bandang 5th year man lang sana. Masyadong maaga, 3 years maraming pwede pang mangyari. Entitled naman sila gumawa ng sariling propaganda. The other part of it is, naniniwala ba ang tao o hindi? Yan ang nagma-matter. Pag gumawa ka ng presentation, maski gaano kaganda ang presentation mo, tao pa rin mag-judge kung totoo ba present mo o hindi. At makikita natin kung tama ang sinasabi nilang legacy kung nangyayari ba o hindi. Halimbawa pag sabing successful sila laban sa graft and corruption tatanong ng tao, totoo ba? Sinabi nilang successful sila sa anti-drug operation, ang tanong din ng tao, totoo ba? Kaya double-edged yan. Kung gagawa ka ng legacy presentation e kung di paniniwalaan ng tao, sayang ang effort mo. Para sa akin medyo maaga para sa legacy. Legacy ginagawa yan towards the end.”

*****