Lacson: Roof Leaks that Reportedly Destroyed Records in PhilHealth Region 1 Office May Not be from Natural Causes

Roof leak at PhilHealth’s Region 1 office. Images CTTO

The roof leaks that reportedly destroyed documents and records at the office of the Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) in Region 1 do not appear to be from natural causes, Sen. Panfilo M. Lacson said Saturday.

Lacson, citing information reaching him, said the leaks occurred in selected areas of what was supposed to be a newly occupied building by PhilHealth, whose personnel moved in only last December.

“There were indications the roof leak was not due to natural causes. The information I got is that there was an inventory of documents when the leaks occurred, particularly at the IT and accounting departments,” he said in an interview on DWIZ.

He added the PACC personnel who were examining the records were surprised that the leak suddenly occurred. “A video of the incident shows the ceiling was new. How come there was a leak?” he noted.

Lacson said those behind such acts may eventually find themselves in the same boat as PhilHealth executives who attended the Senate’s hearings and tried to cover up shenanigans at the state insurer.

“Some PhilHealth executives who attended our hearings had tried many times to treat us like mushrooms – they wanted us ‘kept in the dark and fed with a lot of shit.’ We gave back what they deserved. Many people hope they rot in jail,” he said on his Twitter account.

“Despite their cover-up efforts, the Senate gathered enough damning evidence in terms of documents and testimonies during our three hearings thanks in large part to courageous PhilHealth insiders, and the Senate leadership wants to share our findings with the task force headed by Justice Secretary Menardo Guevarra,” he added, noting malversation of public funds or property alone can net reclusion perpetua if the amount involved exceeds P8.8 million, and perpetual special disqualification and a fine equal to the amount of the funds malversed or the value of the property embezzled.

Meanwhile, Lacson said the Senate Committee of the Whole will turn all the evidence and records of the Senate proceedings to the task force headed by Secretary Guevarra, and is working overtime to come out with a committee report the Senate President Vicente Sotto III is expected to present in plenary early next week.

*****

QUOTES FROM DWIZ INTERVIEW…

* PHILHEALTH MESS:

Intentional ang Nangyari sa Regional Office 1?

May mga indication na ito hindi natural ang cause/s. Ang report, habang nagsasagawa sila ng inventory, pagsasaliksik ng dokumento, nagtuluan. Ang tinamaan ng tulo, ang IT department at sa accounting.”

“Hindi na (building owned by Duque family). Dati ang EMDC yan. Itong bagong opisina nag-move in sila diyan Dec 2019. Nasa building sa old De Venecia Highway. So iba na yan. Kaya pinagtataka natin kamo-move in lang nila noong December 2019, bakit mag-leak kaagad? Bago ang kisame.”

“Ang report kasi, as it was happening, nang nangyayari yan may nagbigay-alam sa amin niyan. Habang nagsasagawa sila sa pagsasaliksik ng records, biglang tumulo. Tapos tamang tama ang nag-leak lang, ang office ng IT at Accounting. So mismong ang PACC na naroon na nagsasagawa ng pag-exam ng records, nagulat din sila. Bakit biglang nag leak. Kung nakita ninyo ang video, bago ang ceiling. Tapos biglang nagtuluan.”

“Ang iniimbestigahan nila riyan ang pagkaalam ko ang kaso ni Pamela del Rosario, na nabanggit sa pagdinig ng Senado pero di masyadong na-discuss kasi lumang kaso, walang kinalaman sa IRM. Ito ang sa cancer patient. Yan ang iniimbestiga ng PACC kasi malawakan ang kanilang investigation, di tulad ng Senado sa IRM, IT overpricing at manipulation ng financial records.”

Yun lang sa Region 1 naipagbigay-alam sa amin na may indication na sinasadya talaga. Kung natandaan nyo rin, historical background, ayaw mag-submit sa NBI particular si SVP del Rosario, ang ini-invoke niya Data Privacy Act samantalang ang head ng DPC, sinasabi na hindi saklaw ng DPA ang itago ang documents pag may investigation.”

Ginagawa naman ng NBI, sinecure nila ang regional offices pati ang central office sa Pasig. Magandang hakbang din yan, mabuti rin may report na may tangkang ganoon nang sa ganoon mai-secure ang documents. Maski secure nila, ang nakalap lang ng Senado sapat na. Naipadala na namin kay Sec Guevarra, kami ni SP Sotto. Kasi may usapan sila ni SP na lahat na records ng proceedings ng 3 linggong pagdinig ng Senado, ibabahagi namin sa task force. As we speak now, natanggap na nila ang pinadala namin.”

“Pero I suppose and I can only assume, na marami pang incriminating documents na nasa PhilHealth pa. Ang sinasabi ko lang, nai-secure natin at least ang mga records din at dokumentong naisumite sa Senado, at ito ang ibinahagi namin kay Sec Guevarra.”

Going after Mafia:

The only way to go after the mafia is to uproot and expose them first. Ang sabi nga ng DOJ para sa ngayon ang initial attitude, go for the low-hanging fruit muna. Sige makapag-file tayo ng kaso parang Al Capone style tirahin natin sa maliit na kaso muna. Pero sa lumalabas na investigation ng Senado, mabigat na kaso na yan. Ang binanggit Art 217 ng RPC Act 3815, maliwanag doon pag lumampas P8.8M ang amount na na-disburse ng accountable officer, reclusion perpetua na. E ilang counts yan? Ilang lumabas na pera na ang mananagot napakaliwanag sa ngayon, si Limsiaco at Gen Morales kasi sila ang maituturing na accountable officers kasi sila nagre-release ng pera na di dapat. Unauthorized yan kasi napakababa ng, ito ang kaso na binahagi namin sa DOJ.”

Ang sabi ng abogadong kausap ko rito, easy to prosecute, difficult to defend. Maipakita mo lang ang accountable officer nag-disburse o nag-approve ng pag-disburse ng perang hindi authorized, di dapat sa pinaggagastusan, malversation of public funds or property. Isantabi natin ang property. Pero ang malversation, sabi sa HOR technical malversation, NO! This is malversation of public funds, di na technical. Pag malversation kasi lumang batas ang RPC, 1930s yan, nasaliksik namin may batas na umiiral na simply mag-malverse ka ng public funds, swak na swak na ito nangyayari at least sa IRM, pati pag-withhold ng tax na inabonohan ng PhilHealth sa admission ni Limsiaco galing sa kanilang corporate operating budget. Pwede ba yan? Di yan pupuwede. Marami silang kaso ihaharap. Pati ang BIR, NIRC, Tax Code. Marami silang papanagutan doon kasi di sila nag-withhold.”

HDO vs PhilHealth Execs?

Hindi naman makaka-issue ng HDO ang DOJ. Korte lang ang pwede. At sa ngayon sa stage pa lang ng investigation. Wala pa nga tayong tinatawag na PI kundi talagang, ano pa lang ito, law enforcement investigation kumbaga. Gagawa naman sila ng recommendation kay PRRD at may power ang Pangulo na i-preventive suspension din sila. So magkatulong-tulong Ombudsman, CSC, pati AMLC.”

Importante role ng AMLC. Remember ang mystery ng Balanga Rural Bank, naibahagi namin kay Sec Guevarra, bahala na siya dahil member ang AMLC ng kanilang task force, at Ombudsman na kaya sana ilabas kung ano ang misteryo sa likod ng account number ang P9.7M na sinasabing erroneously nai-credit sa BRB. Hanggang ngayon hindi pa na-resolve yan.”

Gen Morales May Pananagutan?

Pero base lang yan sa aming pag-imbestigahang ginawa maliwanag siya rin makakasuhan. For example nang tanong namin si Limsiaco bakit di withheld ang taxes na dapat i-withhold ang taxes na dapat withhold. Sagot niya di niya alam. Pero may memo na nilabas si Gen Morales na sinabihan niya RVPs na papirmahin sa BIR Form 2307, na katunayan na nakaltasan na. Mabuti ang RVPs alisto rin, nag-usap-usap sila na huwag mag-comply sa memo ni Gen Morales, kundi sasabit sila sa falsification of public documents. Kasi pag release mo ang Form 2307 parang inamin mo na nagbayad na ang HCIs, mga hospitals. E hindi pa. E di sila makakasuhan. Mabuti na lang na hindi at nakuha namin ang memorandum kaya nagkaipit-ipit si Limsiaco dahil tanggi siya ng tanggi sa kasinungalingan niya pero na-confront sa document, wala siyang nagawa.”

Ito nakikita mong may complicity si Gen Morales kumbaga dahil pirma siya ng pirma ng memorandum pati ang, napakaraming question eh. Pati ang pag-issue ng IRM circular, highly questionable. Ang mag-trigger noon, board resolution. E nagpirma si Gen Morales March 20, pero ang PhilHealth board resolution na magraratify ng i-issue na circular, March 31. Dokumento yan, di nila pwedeng itanggi yan. Tapos lumabas sa pagdinig, tinanong ko mismo si del Rosario na kung anong date ng effectivity kasi basa ko sa circular, Chapter 8 nakalagay roon date of effectivity once pinagbigay-alam sa Office of National Administrative Registration. E June 11 ang date of effectivity. Paano ang na-release nilang pondo mula March 25 noong una hanggang June 10, mga P14B yan, lahat yan illegal kasi di pa effective. At may sapat na SC ruling tungkol diyan na ang administrative order di nagiging effective hanggang maging effective.”

“Ang transmit naming records may kasamang recommendation doon pati si Gen Morales dapat masampahan ng kaso.”

Sec. Duque May Pananagutan?

Hindi na abot ng COW kung may culpability si Sec Duque. Kasi ang board di nahagip ang members ng PhilHealth board sa anomalya. Katunayan sa testimony ni Dr Susie Mercado at BM Cabading, di nila authorize ang pagpapalabas ng Circular 2020-0007. Di ba nag-testify sila, sinabihan silang suportahan pero ayaw nila. Pero eventually March 31 nagpalabas ang PhilHealth board resolution.”

“Pero ang meeting nila Jan 2020 para magpalabas ng IRM circular, hindi sila pumayag kasi naniniwala sila pang fortuitous event lumulusot pa si Sec Duque sabi niya kasama ang dialysis. Nang i-confront naman siya di ba ang tanong ko sa kanya mag-cite ka maski isang provision sa IRM Circular 2020-0007 na nagsasabing kasama ang dialysis? Wala siyang masabi. Eventually inamin niyang talagang illegal, pati si del Rosario na illegal talaga ang disbursement. Pwede ba i-rectify mo yan? Bilyon ang lumabas, P14B. Paano mo ire-rectify ang P14B?

“Kung ibabase sa nakalap namin sa Senado masasabi ko wala kaming nakitang ebidensya pero di pa natapos ang investigation, nagsisimula pa lang ang task force. I just hope, naniniwala ako kay Sec Guevarra na honest to goodness na talagang he wants to get to the bottom of all these issues. At ang pakikipagugnayan sa kanya talagang pursigido siya kasi nakiusap siya kung pupwede namin ibahagi sa kanya lahat na aming nakalap na ebidensya, dokumento pati testimonya sa Senado. Kasi kung di siya seryoso di siya magpupursigi para hingin sa amin ang mga records.”

Dapat May Makulong!

I am hoping against hope sana may makulong na. It’s about time.”

Senate Committee Report:

Pipilitin namin na mareport … ang committee report sa Lunes kung kakayanin. Kasi kino-consolidate lahat. Sa ngayon 4 issues na ang mapapaloob sa committee report. Una ang IRM, illegality ng pag-disburse ng pera. Pangalawa ng overpricing ng IT equipment. Pangatlo manipulation ng financial records. At pang-apat may special sa B Braun kasi napakalaking usapin. Di natin sinasabing may kasalanan ang B Braun. Ang maliwanag na may kasalanan doon sa usaping B Braun ang Philhealth kasi di ba ang MIDAS ang kanilang tracking system naipakita natin ang Society of Nephrology, parang association tungkol sa nagda-dialysis, sabi nila sobra-sobra ang nakalista na sinisingil ng B Braun sa PhilHealth sa capacity nila, 130%, 167%, 124%. Ibig sabihin noon naningil sila ng di nila naman nila dapat kayanin base sa tracking system ng PhilHealth na hanggang 90% ng capacity or 72 sessions per machine. Sa kanila lampas-lampasan. So bakit binayaran ng PhilHealth? Di lang yan. Kung dikit natin sa IRM bakit patuloy sila sa pakikipag-transact sa dialysis sa B Braun samantalang sarili nilang tagging system ang nakakita sa B Braun na may probability di natin sinasabing tahasan, may probability na may mga ghost dialysis patients din o ghost dialysis machines kasi paano ka makapag-conduct ng dialysis session na lampas sa kapasidad mo? That’s a physical impossibility.”

Maraming mga lumalabas na recommendations. Aside from restructuring organization, may iba may suggestion i-dissolve na ang PhilHealth. Pero pinag-aaralan namin kung ano ang magiging implication sa health sector. Pinasa natin ang UHC Act at malaki ang papel ng PhilHealth doon. Pero sa isang banda naman kung nakikita natin ang daan-daang bilyong piso na pinapasok nating pondo sa GAA napupunta sa kalokohan at sa bulsa ng kani-kanino, marapat pa ba na bigyan pa natin ng additional pang pondo ang PhilHealth? Yan ang pinagaaralan namin.”

Suggestions to Abolish, Privatize PhilHealth:

“Sa akin first things first. Ikulong muna natin ang lahat na responsible all this time, di lang usaping IRM at overpricing, lahat, pati nakaraan. Dapat balikan ng task force at malaman sino paulit-ulit na nagnanakaw ng pera natin.”

(Pag-privatize), mahirap gawin yan kasi mawawalan tayo ng state health insurance. Pag privatize mo, walang state health insurance ang kababayan natin. Magiging private. E marami namang private health insurance companies. Sa akin lang yan ha, di ko napagaralan masyado ang mungkahi ng members ng HOR, pero para sa akin marami naman available.”

***

* REVGOV GROUP:

Supposed PRRD Supporters Calling for RevGov:

Yan ang gawin ng mga sipsip na wala sa lugar. Mabuti na lang si Gen Gamboa di niya pinatulan. At wala dapat pumatol sa ganyan. Kasi anong dulo niyan, anong tinutumbok nila? Under the administration magtayo ng revolutionary govt? Anong pakay?”

“Ang nakalagay sa nakita kong document, may nakapirma roon na familiar din ang pangalan. Napakita lang sa akin ang kopya ng invitation, wala akong way sabihin na authentic yan until sinabi ni CPNP Gamboa na siya mismo naimbita siya. Di ko lang alam kung pareho yan sa document na kumakalat sa social media na yan din ang invitation na natanggap niya.”

Dapat huwag patulan, kasi ito siguro mga nasarapan sa buhay nila dahil di naman sila Presidente kundi tagasuporta. They never had it so good. Gusto nila siguro mag-revolutionary govt para wala nang election. Mga sulsol na wala sa lugar. Ang tawag ng mga karpintero riyan, wala sa hulog.”

Walang Kinalaman si PRRD?

I don’t think so. Nakita natin pag nagsalita maski in private or small group meetings, pagod na pagod na ang mama. Maski nang simula pa lang ito ibabagay ko lang, sabi niya tuwing tatawid siya sa Ilog Pasig naka-barge gusto niya tumalon para huwag na makarating ng Malacanang Palace. Biro niya niyan noon pa earlier on, I think 2016-2017, di niya akalain ganyan kalaki ang problemang haharapin niya. E talaga naman alam natin napaka-tentative, napaka-reluctant niyang kandidato. E talagang nakaguhit sa palad niya, akalain mo naman nag-file si Martin Dino. Ang porma pa nga para tumakbo mayor ng Pasay. Di ba siya naging substitute?”

“Kaya pag tinadhana maging Pangulo, talagang minsan nga sa isang dinner matagal na, kami-kami nina Sen Honasan at Sotto naguusap-usap kami, sabi sa amin na talagang destiny ito. Sabi ko sa kanya, Mr President e kung di ba naman destiny yan, di ka nag-file ng COC, naging Presidente ka.”

*****

3 thoughts on “Lacson: Roof Leaks that Reportedly Destroyed Records in PhilHealth Region 1 Office May Not be from Natural Causes”

  1. Let the corrupt exposed to the public to Shame so public may know how they enrich themselves.

  2. As always, evidence were tried to destroy before it can be fully unmasked! If you want to look for all the evidence, it always reside in their office hard drives and email. PhilHealth Servers must be freeze before they could cover their tracks. You will be surprise what doctors are hiding including the force killing of suspected COVID patients thru vaccination. Trust us, we knew their secrets that your government doesn’t know 🙂

Comments are closed.