In an interview with Malou Mangahas, Sen. Lacson answered questions on:
* Tarlac shooting incident
* Need for proactive stance vs terrorism
* Pork barrel system
* Fight vs corruption
MORE DETAILS:
* TARLAC SHOOTING:
Shooting Incident Involving PSMS Nuezca:
“Nakakagulat, kahit dating pulis ako. At di tayo nasorpresa nang nakita natin ang napakaraming kaso noon. Isa ang refusal to undergo drug test. Noon pa lang siguro na dapat nalagay na sa watch list kasi probable drug user ito. Kung di payag mag-undergo ng drug test may ibig sabihin yan. The mere fact he refused at umalis sa premises nang di nagpapaalam sa superior officers pati sa Napolcom.”
Policy Recommendation:
“Sa ibang jurisdictions, pag sila mag-off-duty surrender nila kanilang service firearms. Dito dahil authorized tayo mag-possess ng personal firearms, isang magandang policy recommendation sa PNP, pag official firearm lang gamitin outside homes kung sila on duty. Hindi para pagbawalan mag-possess ng personal firearms pero defensive ang pag-possess ng firearms, meaning dapat sa loob lang ng bahay. At habang sa active service, naisip kong panukala huwag sila bigyan ng CPNP ng PTCFOR para maiwasan, iba ang lakas ng loob kung training mo paging pulis o sundae, iba lakas ng loob pag may nakasukbit na baril sa baywang.”
Claims that PNP, AFP Leaderships are Politicized:
“Ang nakikita ko accommodation more than display of politics. Accommodation ang pinaguusapan dito na halos lahat gusto pagbigyan kasi ang liderato ng AFP at PNP. Importante ang may continuity at may panahon sa pagpaplano at paghanda, pag-implement at pag-wind down. Kung bibigyan 4-5 buwan kada hepe, mukhang taliwas ito sa normal na pag-lead sa isang agency. Not only uniformed services maski private agency like kumpanya o any govt agency for that matter. Mas importante bigyan mas malaking space ang namumuno para policies may sapat na panahon isagawa ito.”
“Sa aspeto ng leadership, dalawa ang importante, mission accomplishment and morale of the men. Ang nangingibabaw sa present admin, morale of the men, the troops. Sa pingaralan namin sa leadership training naming, mas importante dapat mangibabaw ang accomplishment of mission, secondary ang morale ng tropa. Ako sumasangayon (na kung) may accommodation para mas maraming ma-please sa hanay ng PNP at AFP, baka nasasakripisyo ang accomplishment of the mission, which is far more important than the morale of the men.”
***
* ANTI-TERRORISM:
Proactive Stance vs Terrorism:
“Di ba mas mainam proactive ang strike ng sundalo at pulis para ma-save ang buhay kesa mag-react na lang tayo kung patay na ang marami?”
***
* PORK AND CORRUPTION:
Pork Barrel System:
“Hindi naman nagbago ang commission, di naman nagbago ang pakikialam ng lawmakers sa pag-implement ng proyekto. Sila pa rin implement although nakalista sa GAA. Pero ganoon pa rin ang kalakaran.”
“Pinaikutan ang SC ruling na dinedeklara ang pork barrel unconstitutional at dinefine ano ang pork. Hindi na naka-lump sum o identified o listed na sa GAA. Pero alam natin kayang pilipitin ng lawmakers ang heads ng agencies.”
“Kaya ang laki ng unutilized appropriations, hindi kaya implement ng ahensya kasi di sila nagplano… wala nang time ang ahensya magplano.”
Double Standards vs Corruption:
“Ang corruption ang pinakaimportante, leadership by example, ang moral ascendancy. Kung ang subordinates mo may alam ginagawa ka rin, bakit di sila mapapaiba sa iyo? Kung alam nilang wala kang ginagawa as leader at alam nilang tatamaan sila dahil may moral ascendancy ang leader, down the line mag-iingat o magbawas o hindi mag-commit ng corruption.”
“Bakit sa ibang bansa like Singapore at maunlad na bansa, alam nila they will be dealt with accordingly. At ang batas ia-apply sa kanila maski sino sila.”
“Pag silip ng subordinates mo may double standard, parang mahirap mag-succeed. May mga cases talaga na kita nating double standard. Pag hindi masyadong malapit tanggal kaagad. Pag sobra lapit naman, maski ano pakita mong ebidensya, trust and confidence. Hindi naman trust and confidence ang issue na pinaguusapan.”
“Ang pinaguusapan kita mo nang may corruption na issue, akala ko whiff of corruption? Parang kaunting kaunti mahanginan ka ng corruption tanggal ka na? Kung ganon pananalita yan dapat patupad. Pero kung selective, mahirap mag-succeed laban sa corruption pag double standard.”
Justice Delayed:
“Isa pang problema natin, ang pagkiling ng hustisya sa bansa natin saksakan ng tagal. Hanggang sumasawa na testigo at complainants. May reporma sa judiciary pero sa ating bansa lang tinutubuan ng lumot ang ebidensya di pa rin tapos ang kaso. Sa ibang bansa sa loob ng 1 week may hatol na ang hukuman. Nakaka-encourage sa complainants. Dito balik tayo kay Nuezca, isang kaso he failed to attend a court hearing sa drug case, Dismissed ang kaso. Anong parusa kay Nuezca? Wala. Dismissed ang kaso. E samantalang siguro sinabi niya kung ano man depensa niya.”
*****
One thought on “#PINGterview: The Mangahas Interviews”
Comments are closed.