According to Luke 10:19: “Behold, I have given you authority to tread on serpents and scorpions, and over all the power of the enemy, and nothing shall hurt you.”
When I came across this Bible verse, I thought of leaders entrusted with authority or power if you will, especially those of us who at some point in our careers were elected to serve the interests of the very same people who gave us the mandate to serve them.
I wonder, how many among those leaders have given the thought of using the authority given to them to “tread on serpents and scorpions.” We have a primary objective in mind: protect the weak and the helpless from the greed and abuses of the others similarly given equal authority and power, but turned their backs on promises made when campaigning to secure the mandate with an entirely different and malevolent motive of abusing their power and authority for self-aggrandizement.
Malapit na naman ang panahon ng kampanya sa midterm elections sa 2025. Maraming matatamis na pananalita ang maririnig muli sa mga kandidato. Iisa pa rin ang linya: nais maglingkod nang buong tapat at wagas. Subali’t kung mababasa lamang ang nasa likod ng kanilang kaisipan ay maliwanag na kabaligtaran ng kanilang sinasabi ang iniisip gawin kapag naluklok na sa kapangyarihan.
Maraming salamat sa ating mga pastors mula Hilagang Luzon na nagbigay sa amin ng pagkakataong makipagdayalogo sa pagtitipong ito. Nagpapasalamat din ako sa butihing city mayor ng Baguio City, Mayor Magalong, na siyang naging daan upang ako kasama ang dating kasamahan sa Senado nitong nakaraang taon, Sen Tito Sotto at Sen Bam Aquino. Katulad po ni Mayor Benjie na dati ko na ring nakatrabaho sa PNP, nais kong ipabatid sa lahat na naririto na kung anuman ang uri ng serbisyo publiko na nailaan ko sa loob ng napakahabang panahon, from my previous life as law enforcer and Chief of the PNP na kung saan nagkatulong kami ni Gen Magalong noon na ituwid ang mga mali sa institution na kapwa naming minahal at pinaglingkuran, all the way to our second public service career as elected public officials. Patuloy pa rin kaming makikipaglaban sa mga abuso lalo na sa paggamit ng taunang pambansang budget.
Hindi na rin lingid sa ating kaalaman na sa kanyang sariling pamamaraan ay ine-expose niya ang mga detalye ng katiwalian sa pagsasayang ng bilyon bilyong piso sa substandard infrastructure projects at iba pang gastusin ng pamahalaan gamit ang salapi mula sa nalikom na buwis galing sa pinaghirapan at pinagpawisan ng ating mga kababayan. At ang mas masama, sa malaking pagkakautang na babayaran ng mga Pilipino, marami pa ang hindi pa pinapanganak as we speak. Ito rin ang aking ginampanang papel sa loob ng 18 taon kong paglilingkod bilang senador ng Republika ng Pilipinas.
I’m confident that my 2 former colleagues, former Sen Tito Sotto and Bam Aquino have like-minded intentions if given the opportunity to serve again.
And lastly, quoting again from the last verse of Luke 10:19: “And nothing shall hurt you.”
This is the prayer we are hoping to be answered kapag muli kaming makabalik sa serbisyo publiko: Ilayo sana kami sa kapahamakan habang tinutupad namin ang aming mga tungkulin.
Muli, maraming salamat po sa ating lahat at magandang gabi.
*****

