
The Philippines has a long and proud history of leaders standing up to foreign powers to defend our sovereignty and freedom – and former Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson is confident this tradition will continue amid current world events.
Lacson said Philippine leaders and heroes have stood up to invaders and colonizers in the same way Ukraine President Volodymyr Zelenskyy refused to be cowed by US President Donald Trump recently – for his people’s sake.
“I do hope and trust that our president – not just President Ferdinand Marcos Jr., but all other presidents – have stood up to foreign powers during the time of the Spaniards, Japanese and Americans. They all fought for our sovereignty and freedom,” he said in Filipino, in an interview on Bombo Radyo Philippines.
“We have experienced this and I trust that regardless of who the bully is, our leaders will stand up for us,” he added.
Related: Ping Lacson: Kaya ng Mga Lider Natin na Ipagtanggol ang Bansa vs Malalakas na ‘Bully’
Presently, the Philippines has stood up to bullying by China in the West Philippine Sea. Using the “balance of power” or allying with militarily powerful countries, the Philippines has prevented China from entering our exclusive economic zone.
On the other hand, Lacson said he admired Zelenskyy for publicly standing his ground during a meeting with Trump, even if the US is a powerful and strong nation.
He noted such a stand earned Zelenskyy the admiration and support of other world leaders.
“Zelenskyy’s demeanor and actions in defending his country were praiseworthy,” Lacson said.
*****
Ping Lacson: Kaya ng Mga Lider Natin na Ipagtanggol ang Bansa vs Malalakas na ‘Bully’
May maipagmamalaki na kasaysayan ang Pilipinas kung saan ipinagtatanggol ng ating mga lider ang ating soberanya at kalayaan laban sa mga dayuhan – at naniniwala si dating Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson na hindi ito mababali sa gitna ng mga nangyayari sa mundo ngayon.
Ani Lacson, hindi pumayag ang ating mga lider at bayani na ma-bully tayo, tulad ng ginawa ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy na hindi nagpatinag kay US President Donald Trump kamakailan.
“I do hope and I trust na ang pangulo ng bansa natin, hindi lang si Pangulong Marcos kundi maski sinong pangulo pa, nagawa din ito natin noong panahon ng Kastila, panahon ng Hapon at panahon ng Amerikano. Tinataguyod ng leaders natin kaya marami tayong bayani, na ipaglaban ang sovereignty and freedom ng ating country,” aniya sa panayam sa Bombo Radyo Philippines.
“Dumaan na tayo diyan and ako nagtitiwala maski sino pa ang bully, tawagin na nating bully, ang makaharap ng ating pinuno ng ating Pangulo, ipagtatanggol pa rin ang ating mga karapatan natin bilang sovereign country,” dagdag niya.
Sa kasalukuyan ay hindi umaatras ang Pilipinas sa pambu-bully ng Tsina sa West Philippine Sea. Dahil sa “balance of power” o pakikipag-alyansa sa ibang bansa, napipigilan ang pagpasok ng Tsina sa ating exclusive economic zone.
Ani Lacson, humanga siya kay Zelenskyy dahil hindi ito nagpatinag kay Trump sa isang pagpupulong – sa kabila ng pagiging makapangyarihang bansa ng Estados Unidos.
Iginiit niya na dahil sa ginawa ni Zelenskyy, humanga at sumuporta sa kanya ang mga pinuno sa ibang bansa.
“Kapuri puri ang demeanor at ang ginawa ni President Zelenskyy na pinagtanggol niya ang kanyang sariling bansa,” ani Lacson.
*****

