Lacson: Fresh Start, Nothing Else, at Core of Senate Leadership Change Push

A fresh start for the Senate – and nothing else – is at the core of the push of the Senate’s 11-member minority bloc for a leadership change, Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson stressed Sunday.

Lacson dismissed speculations that the minority’s move is linked to efforts to amend the Constitution or influence the impeachment trial of Vice President Sara Duterte.

“Sa amin, ang primary or main concern naming 11, ibangon ang Senado. Wala kaming pinaguusapang kailangan palitan natin ng liderato para maitulak natin ng Con-ass, palitan natin ng liderato para ang impeachment mag-convict, wala kami ganun usapan (Our primary or main concern is to restore the Senate’s integrity. We never discussed anything else – not Con-ass, not the impeachment trial of Vice President Sara Duterte),” he said in an interview on DZBB radio.

“Yan lang ang mismong pinaguusapan namin na sana pagpalit tayo ng liderato, maibangon namin, magkaroon kami ng fresh start. Kaya napili namin si Sen. Sherwin Gatchalian. At least fresh face at wala siyang kaaway sabihin na natin (We in the minority bloc agreed that our reason for seeking a leadership change is to give the Senate a fresh start. That is why we rally behind Sen. Sherwin Gatchalian, he is a fresh face and has no ‘enemies’ among senators),” he added.

In Filipino: Lacson: Panibagong Simula, Wala Nang Iba, Nasa Sentro ng Panawagan sa Pagbabago ng Liderato sa Senado

For now, he said each member of the minority bloc has his or her own task to get additional support from senators. He added the only “non-negotiable” is that the bloc would support the bid of Sen. Gatchalian for Senate President.

Meanwhile, Lacson said he and Sen. Vicente Sotto III are ready to become guides for the next generation of senators by sharing lessons from their decades of public service.

“When the minority bloc holds a caucus, I refer to Sotto and myself as the Council of Elders. We don’t aspire to attain positions in the Senate but we are willing to share our personal and professional experiences, drawing from our long years here,” he said in a mix of English and Filipino in an interview on DWIZ radio.

“I believe we can contribute. This is a transition period leading to the next generation of senators. So what we can contribute to guide the new generation that will lead the Senate and the country, we are willing to help,” he added.

Earlier, Lacson said the 11-member minority bloc is rallying behind Gatchalian to be Senate President, should it get the needed numbers.

But Lacson also said that even if they get only one additional member, they can sway the Senate’s policy decision through a simple majority of 12 out of 23, with Sen. Ronald dela Rosa out.

*****

Lacson: Panibagong Simula, Wala Nang Iba, Nasa Sentro ng Panawagan sa Pagbabago ng Liderato sa Senado

Panibagong simula para sa Senado — at wala nang iba — ang nasa sentro ng pagsisikap ng 11-miyembrong minority bloc para sa pagbabago ng liderato sa Senado, binigyang-diin ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Linggo.

Ibinasura ni Lacson ang mga espekulasyon na ang hakbang ng minority ay may kaugnayan sa mga pagsisikap na amyendahan ang Konstitusyon o maimpluwensyahan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

“Sa amin, ang primary or main concern naming 11, ibangon ang Senado. Wala kaming pinaguusapang kailangan palitan natin ng liderato para maitulak natin ng Con-ass, palitan natin ng liderato para ang impeachment mag-convict, wala kami ganoong usapan,” aniya sa panayam sa DZBB.

“Yan lang ang mismong pinaguusapan namin na sana pagpalit tayo ng liderato, maibangon namin, magkaroon kami ng fresh start. Kaya napili namin si Sen. Sherwin Gatchalian. At least fresh face at wala siyang kaaway sabihin na natin,” dagdag niya.

Sa ngayon, sinabi niya na bawat miyembro ng minority bloc ay may kanya-kanyang tungkulin upang makakuha ng karagdagang suporta mula sa mga senador. Aniya, ang tanging “non-negotiable” ay ang suporta ng bloc sa kandidatura ni Sen. Gatchalian bilang Senate President.

Iginiit din ni Lacson na handa sila ni Sen. Vicente Sotto III na magsilbing gabay sa susunod na henerasyon ng mga senador sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga aral mula sa kanilang mahabang taon ng paglilingkod sa publiko.

“Kaming 11, I refer to the two of us pag caucus, ang tawag ko sa aming dalawa, kami ang Council of Elders. Wala kaming hinahangad na position pa sa Senado kundi i-share na lang namin ang aming professional and personal experiences sa loob ng Senado. Yun na lang naman ang hinahangad namin maging papel na dahil sa lawak na rin ang pinagdaanan namin,” aniya sa DWIZ radio.

“Palagay ko naman may maiko-contribute kami. Dahil ito parang transition na ito. Pagpunta na tayo sa next generation of senators. So dapat kung anumang mai-contribute namin to guide ang new generation, magmamana na ng leadership ng Senado o leadership ng ating bansa at least man lang sa pamamagitan ng aming maicocontribute makatulong kami,” dagdag niya.

Nauna rito, sinabi ni Lacson na ang 11-miyembrong minority bloc ay sumusuporta kay Gatchalian para maging Senate President, sakaling makuha nito ang kinakailangang bilang ng boto.

Pero sinabi rin ni Lacson na kahit makakuha lamang sila ng isang karagdagang miyembro, maaari pa rin nilang maimpluwensyahan ang mga desisyon sa Senado sa pamamagitan ng simpleng mayorya na 12 sa 23, kasunod ng pag-alis ni Sen. Ronald dela Rosa.

*****

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading