Lacson Appeals to Fellow Lawmakers for ‘Sacrifice’ to Help Revive the Economy

Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson on Monday appealed to fellow lawmakers to do their part in helping revive the Philippine economy, even if it means “sacrificing” their patronage items in the 2027 budget.

Lacson said the country is facing extraordinary economic circumstances, whose growth indicators have fallen far below the macroeconomic assumptions made by the government’s economic team when it crafted the National Expenditure Program (NEP) early this year.

In Filipino: Lacson Nanawagan sa mga Kapwa Mambabatas na Mag-‘Sacrifice’ para Maibangon ang Ekonomiya

“Extraordinary times tayo ngayon. Sana maintindihan ng mga kasamahan natin (lalo) sa Mababang Kapulungan na medyo mag-sacrifice muna tayo kasi ibabawi muna natin ang ating ekonomiya kasi tayo napagiwanan (We are now in extraordinary times. I hope many of our colleagues especially in the House of Representatives understand the need to sacrifice to help stimulate the economy. Otherwise we will be left behind by our neighbors in the region),” he said in an interview on DZMM radio.

“Yun ang situation natin, talagang medyo gloomy so mas mainam na magkaisa-isa na muna ang mga mambabatas para ibangon na muna ng economy (This is our situation now. It’s gloomy so it needs all lawmakers to unite and save the economy),” he added.

Over the weekend, Lacson slammed several patronage or “papogi spending” items in the budget bill, including P241 billion in “fragmented ayudas” and 3,950 multi-purpose buildings (MPBs) that are separate from the Local Government Support Fund (LGSF) Financial Assistance to local government units (LGU) subprogram.

Some of the proposed MPBs were found to be “ghost” projects after his team checked the coordinates and found no actual structures at the designated locations, he added.

Lacson also questioned the continued funding of several ayuda programs in the budget including Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), and Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

He noted as well appropriations for the Tulong Dunong program, where lawmakers arbitrarily give out scholarships.

These items are not likely to provide the needed boost for an economy where Gross Domestic Product grew only 2.1 percent in the third quarter of 2026 from 2.4 percent in the second quarter; and inflation reached a three-year high at 7.8 percent in October 2026, up from 7.2 percent in September, Lacson stressed.

Lacson also pointed out that the current economic realities are far from the macroeconomic assumptions of GDP growth (projected at 5-6% at first and revised to 3.5-4.5%), peso-dollar exchange rate (initially projected at P60-62 to $1, but now more than P63 to $1), and inflation (initially projected at 4.5%).

“Sana i-adjust natin ang ating ipapasang budget, para sa investment-oriented. Pag pagawa ka ng MPB, walang balik yan. MPB then loosely fragmented ayuda… Ito ang sinasabi kong dapat mag-realign tayo, di pwedeng more of the same (We must adjust the budget bill to make it more investment-oriented. MPBs or loosely fragmented ‘ayuda’ do not offer economic returns. We must realign these items. We cannot have more of the same),” he said.

He also stressed the need to protect funding for foreign-assisted projects, particularly major infrastructure investments such as subway and railway systems, which can contribute to long-term economic growth.

Lacson also said they will work to pass the budget bill on time and avoid having a reenacted 2026 budget.

To guard against questionable insertions during the bicameral conference committee proceedings, Lacson said the Senate has invited budget advocacy groups including the People’s Budget Coalition to be the “vanguard” in monitoring the proceedings.

He reiterated as well his suggestion to keep livestream cameras rolling even if the proceedings are suspended, to ensure transparency.

*****

Lacson Nanawagan sa mga Kapwa Mambabatas na Mag-‘Sacrifice’ para Maibangon ang Ekonomiya

Nanawagan si Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Lunes sa kanyang mga kapwa mambabatas na mag-ambagan para maibangon ang ekonomiya ng bansa, kahit mangahulugan ito ng pagsasakripisyo sa kanilang mga patronage item sa 2027 national budget.

Diin ni Lacson, dumaranas ngayon ang bansa ng pambihirang sitwasyong pang-ekonomiya, kung saan malayong-malayo na ang mga pangunahing economic indicator sa mga macroeconomic assumption na ginamit ng economic team ng pamahalaan sa pagbuo ng National Expenditure Program (NEP) sa unang bahagi ng taon.

“Extraordinary times tayo ngayon. Sana maintindihan ng mga kasamahan natin (lalo) sa Mababang Kapulungan na medyo mag-sacrifice muna tayo kasi ibabawi muna natin ang ating ekonomiya kasi tayo napagiwanan,” ani Lacson sa panayam sa DZMM radio.

“Yun ang situation natin, talagang medyo gloomy so mas mainam na magkaisa-isa na muna ang mga mambabatas para ibangon na muna ng economy,” dagdag niya.

Noong weekend, binatikos ni Lacson ang ilang patronage-oriented o “papogi spending” items sa panukalang budget, kabilang ang P241 bilyon para sa mga magkakahiwalay na programa ng ayuda at 3,950 multi-purpose building (MPB), bukod pa sa 1,850 MPB sa ilalim ng Financial Assistance to Local Government Units (LGUs) subprogram ng Local Government Support Fund (LGSF).

Natuklasan din ng kanyang team na may ilan sa mga panukalang MPB na mga “ghost” project matapos suriin ang kanilang mga coordinate at makitang walang aktuwal na istruktura sa mga itinakdang lokasyon, dagdag niya.

Kinuwestiyon din ni Lacson ang patuloy na paglalaan ng pondo para sa ilang programa ng ayuda, kabilang ang Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), sa kabila ng umiiral nang mga programa para sa social protection gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sinita din niya ang alokasyon para sa Tulong Dunong scholarship program, kung saan, ayon sa kanya, malayang nag-eendorso ang mga politiko ng mga benepisyaryo nang walang kaparehong proseso ng pagsusuri na ipinaiiral sa mga umiiral na programa ng tulong pinansyal para sa tertiary education.

Dapat muling suriin ang mga prayoridad na paggastang ito sa panahong nahihirapan ang ekonomiya, diin ni Lacson. Bumagal sa 2.1 porsiyento ang Gross Domestic Product (GDP) growth sa ikatlong quarter ng 2026 mula sa 2.4 porsiyento noong ikalawang quarter, habang pumalo naman sa pinakamataas na antas sa loob ng tatlong taon ang inflation sa 7.8 porsiyento noong Oktubre, mula sa 7.2 porsiyento noong Setyembre.

Itinuro rin ni Lacson na malayo na ang kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa sa mga assumption na ginamit sa paghahanda ng 2027 budget, partikular sa GDP growth, palitan ng piso kontra dolyar, at inflation.

Unang itinakda sa 5 hanggang 6 na porsiyento ang inaasahang GDP growth bago ito ibinaba sa 3.5 hanggang 4.5 porsiyento. Ang palagay naman sa palitan ng piso kontra dolyar ay P60 hanggang P62 sa bawat $1, ngunit lampas P63 na ngayon ang halaga ng dolyar. Samantala, nasa 4 hanggang 5 porsiyento lamang ang inflation assumption.

“Sana i-adjust natin ang ating ipapasang budget, para sa investment-oriented. Pag pagawa ka ng MPB, walang balik yan. MPB then loosely fragmented ayuda… Ito ang sinasabi kong dapat mag-realign tayo, di pwedeng more of the same,” aniya.

Binigyang-diin din niya ang pangangailangang maprotektahan ang pondo para sa mga foreign-assisted project, partikular ang malalaking imprastraktura gaya ng mga subway at railway system na makatutulong sa pangmatagalang paglago ng ekonomiya.

Sinabi rin ni Lacson na sisikapin ng Senado na maipasa sa takdang panahon ang 2027 budget upang maiwasan ang muling paggamit ng reenacted 2026 budget.

Upang maiwasan ang mga kuwestiyonableng insertion sa budget sa panahon ng bicameral conference committee proceedings, sinabi ni Lacson na inimbitahan ng Senado ang mga grupo ng budget advocates, kabilang ang People’s Budget Coalition, upang magsilbing “vanguard” o tagapagbantay sa mga talakayan.

Muli rin niyang iginiit ang mungkahing panatilihing umaandar ang livestream cameras kahit suspendido ang pormal na pagdinig upang matiyak ang transparency.

*****

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.