Interview on DZBB | April 22, 2018

In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on:
– challenges facing new PNP chief Albayalde and new BuCor chief dela Rosa
– criticisms vs anti-drug war fromย the US State Department and EU Parliament
– claims of ‘utang na loob’ and the Blue Ribbon report
– ‘extortion’ racket at Boracay
– update on National ID bill

Quotes from the interview…ย 

On the challenges facing new PNP chief Albayalde:
“Unang una, mukhang maganda ang direction na gustong tutukan o papuntahan ni Dir Gen. Albayalde… Mukhang determinado siya na unahin ang disiplina kasi unang sabi sa akin, ‘Sir paano ba effective way talagang madisiplina ang mga pulis?’ So nakita ko yan talaga ang unahan ng agenda niya. Of course di niya kinakalimutan ang overall mission ng PNP na maintenance ng peace and order, law enforcement duty. Pero mahirap mag-succeed kung may mga scalawags, ang ICU, inept, corrupt and undisciplined police officers. Kasi iniintindi mo mission mo sa labas, pati sa loob may kalaban ka pa.”

On using the Counter-Intelligence Task Force and SAF vs rogue cops:
“Naibahagi ko sa kanya palakasin ang counter-intelligence group. Kako kamusta kayo ni (Supt) Chiquito Manalo, ang counter-intel task force ng PNP? Sabi niya ‘Ok naman kami Sir.’ Sabi ko palakasin mo yan at itong SAF pwede mo gamitin pinaka-muscle mo, ito ang CITF yan ang nagbi-buildup ng counter-intelligence sino ang mga nangongotong, sino ang pulis na scalawag. Tapos pag ready to implement or execute, nariyan ang SAF, napaka-reliable ng mga yan at mahirap kausapin ang mga yan. Yan ang takbo ng usapan. So nakita ko sa kanya ang determination na talagang unahin ang internal cleansing. At mukhang yan talaga ang kanyang tinatahak na direction.”

On Gen. dela Rosa’s challenge at BuCor:
“Ang Bilibid naman ang unang unang dapat ayusin doon ang corruption, connivance, conspiracy between the jail guards and BuCor personnel at saka ang mga preso, lalo na drug lord na talaga namang napakaraming pera.”
“Natatandaan ko nang nariyan si Gen. Magalong at nag-operate sila sabi niya Sir every time magbacktrack kami sa nahuhuli, maski ngayon si Dir Gen Aaron Aquino, every time nag-backtrack sila isa lang direction pinupuntahan, ang Bilibid. So not necessarily doon nanggaling ang drugs pero direction doon talaga nanggagaling sa loob. So once Bato solves the drug problem sa loob ng Muntinlupa meaning di ang drug problem na naroon ang sumisinghot kundi sila nagdi-direct, once ma-solve niya yan ang laki ng impact sa anti-drug operation natin sa labas.”
“(Si Gen. dela Rosa), ang passion niya sa paglaban sa illegal drugs naroon. On that note alone, malaki ang bentahe kasi makaka-focus siya roon. How he got it is another matter. Ang mechanics, pag-implement. Dahil naroon ang 90 percent, ang 10 percent passion, I think thatโ€™s more than enough; pero 90 percent na implementation naroon ang hita kumbaga sa manok.”
“Kailangan talaga strict ang pagbabantay sa jail guards kasi di makapag-operate ang drug lords na nakakulong kung walang connivance ng jail guards. Kasi cell phone o SIM card o load lang napakalaki na ng ginagastos ng drug lords. Kung narinig ko P100,000 high-end na cell phone para magamit. At ito pinupuslit pwede ng bisita ng drug lord pero may pakialam o may pagpayag ang mga gwardya kasi lulusot bay an kung mahigpit ang mga gwardya? At yung gwardya kung di nasusuhulan di rin magluluwag.”
“Kaya malaki ang papel ni Gen. dela Rosa na pagiging director ng BuCor dahil doon nanggagaling, ang talagang direction ng mga drug operation sa labas nanggagaling sa Bilibid. Ito parang open secret naman ito sa law enforement sa PDEA at PNP pag nag-interrogate o nag-backtrack sila whatever means na gamitin nila whether human intelligence or technical or signal intelligence talagang ang turo sa loob ng Muntinlupa kaya namamayagpag ang drug lords kasi kakuntsaba nila ang mga gwardya.”
“Noong panahon ni Gen. Bucayo nakausap ko siya bago siya umalis ng NBP sabi niya Sir di ko kaya roon, mag-resign ako kasi di lang seguridad ko ang medyo imperiled pero maski ang pamilya. So ang mga gwardya ganoon ang feeling ang mga minor functionary riyan. Kung kaya i-operate parang Mafia-style, kayang perwisyuhin ang pamilya nila ang mahal sa buhay, doon ka matatakot. Ganoon, dapat i-address ni Gen. dela Rosa yan.”

On US State Department and EU Parliament’s criticisms vs anti-drug war:
“Unang una hindi naman lahat na nafi-filter na information o lumalabas na information tungkol sa anti-drug operation dito ay accurate. Malaki ang role ng media kasi naha-highlight talaga ang napapatay. Of course talaga namang may patayan pero ang naha-highlight ang napapatay, ang riding in tandem na attributed sa law enforcement, I think itโ€™s quite unfair. Hindi na-highlight mahigit 150 ang pulis na napatay din, may napatay na sundalo sa anti-drug war.”
“Siguro kung naiparating din sa European Parliament na may namamatay na pulis sa anti-drug operation at ganoon kalala ang drug trafficking sa PH, baka iba ang magiging pananaw at di puro batikos inaabot ng PH.”
“Ang sinasabi ko, of course may nangyayari at minsan nagkakapareho tayo ng pananaw tulad ng kay Supt Marcos, na kitang kita natin may maliwanag na paglabag. Katunayan nirekomenda ng committee namin sa Senado na file-an ng murder totoo na-file ng murder pero pagdating sa petition for review na-downgrade to homicide binigyan pa ng bagong position sa Region 12. So ito ang nakakarating na information na nakakalabas ng bansa at pag ito nagsama-sama, na-compile, talagang negative ang epekto sa pananaw ng anti-drug war sa ating bansa.”

On what PH government can do to address US, EU concerns:
“By presenting facts. Instead na sabihin mong wala kayong pakialam dito at nakita mo ang lumabas na report ng State Department or European Parliament analyse mo yan, may productive people naman tayo sa intelligence na pwede mag-analyze ng pinapalabas ng sinasabi na intelligence reports ng ibang bansa, i-correct natin sa pamamagitan ng communications. Ito ang facts. Ang pinaka-antidote ng mga ganoong criticism batuhin mo pabalik ng facts.”
“Kailangan maganda rin ang communication ng PH hindi lang sa loob ng bansa at di natin mako-correct yan sa pamamagitan ng kontra-mura o pag-criticize. Gawan natin ng paraan para macorrect ang impression. Kasi pag ang pagbalik mo ganoon din criticize mo rin, ano maitutulong mo para maiko-correct ang impression? So parang ang gap lalong lalawak, lalong lalaki. At saka ginagawa nating pag-implement ng anti-illegal drug operation dito i-review din natin naayon i-consider natin ang criticism may basehan ang iba, di lahat na criticism walang basehan.”
“(I)-correct natin at hingi tayo ng dialogue o through media rin, at tingnan muna natin ano naging basehan ng kanilang criticism. Baka naman meron doong nababanggit na mali taliwas sa katotohanan i-correct na lang natin sa halip na ang sagot mo โ€˜wala kayong pakialam.โ€™”

On ‘intel reports’ cited by the US:
“Magugulat ka. May sarili akong experience na kung saan yung mismong nilalabas ng State Dept o kaya nire-report nila sa POTUS, minsan 1-2 linggo nang nasa diyaryo rito. So mukhang mga kaibigan natin sa US Embassy mukhang newspaper clippings lang pinagbabasehan nila sa pag-report ng sinasabing intelligence report papunta sa kanilang bansa.”
“Siguro sa kakulangan din ng kanilang naga-gather na intelligence kailangan pinaghahanapan sila ng reports na nangyayari rito siyempre gumagawa sila ng paraan. Ang naging reference nila diyaryo. Kaya di mo masasabing accurate ang kanilang intelligence. Kasi di natin maaalis, lahat naman na department may mga trabahong tamad. Kung wala kang ma-report, clippings na lang sa newspapers or online news at yan ang i-report mo.”
“Cut and paste. Ganoon ang ginagawa.”

On EJKs as claimed in the US State Department report:
“Unang una babalikan natin ang definition ng EJK. Pag sinabing EJK di ba state-sponsored killings? E karamihan ng napapatay rito yan ang hindi nila alam, meron silang term diyan na ang killings di ma-determine, DUI, deaths under investigation, marami yan. Yan ang mas marami. Ang kinapapalooban mismo ng law enforcement agencies kung saan may excesses, yan ang iniimbestigahan, di karami yan. Ang failure ng PNP sa tingin ko napakaraming DUIs, dapat nagpapakita sila, sinabi ko na noong director pa ng NCRPO si Dir Gen Albayalde sabi ko sa kanya bakit di ilabas ang na-solve na case na DUI, marami naman pala. Sa hearing, marami kaming naso-solve na DUI. Bakit di yan highlight ninyo, ipakita na di nyo sina-sanction?”

On ICC:
“Ang ICC preliminary examination as the name suggests, very preliminary yan. Kung magkakaroon ng basehan para magkaroon ng preliminary investigation. Pag magkaroon ng PI naman ano pa rin yan may proseso pa rin kung aabot ito mismo sa court, sa ICC. So ito ang unang stage. Nag-withdraw na tayo ng membership doon pero ang isang condition doon, parang wala bang ginawa ang authority sa PH para mag-imbestiga, parang helpless na. Sabi ko nga maituturing ba na yung investigation na ginawa ng Senado maituturing ba ito ng ICC na parang hindi na qualified para magpatuloy ng PE made-determine ba nila na ang investigation na ginawa ng Senate at ngayon ginagawa ng SC na pinapadala lahat na record ng napatay sa illegal drugs ito ba would qualify para di na magpatuloy para mawala ng jurisdiction ang ICC? Isa kasing condition yan, na walang ginawa ang courts at ibang institutions ang functioning institutions walang ginawa para imbestigahan. Sa tingin ko naman may ginawa ang Kongreso, may ginawa ang Senado, may ginagawa ang korte. So ang tanong, mag-insist pa rin ba ang ICC na in spite of all the investigations that have so far been conducted or that have already been conducted by these institutions, e dapat mawalan na ng jurisdiction ang ICC? Ito maliwanag yan sa kanila sa internal rules nila.”

On Sen. Gordon’s claims of ‘utang na loob’ and the Blue Ribbon committee report:
“Ang issue ko lang sa sinabi ni Sen Gordon di ko siya in-authorize na mag-express ng opinion on my behalf. Hindi niya alam reason. In the first place nang na-interview mo siya di pa ako desidido kung pipirma ako o hindi. For all we know, pipirma ako with reservations. At di ko pa nababasa ang report niya. While nagko-conduct siya ng hearing, naroon ako sa opisina nagmo-monitor ako. Di naman talaga ako nag-attend ng hearing and I share the reasons cited by some of our colleagues bakit di sila nag-a-attend.”
“Di makasingit eh. Pinapanood ko nga ibang kasamahan ko. At pag sa lounge kami pinaguusapan namin yan. Sina Sen. Ejercito, Gatchalian, Hontiveros, Aquino, yan minsan nakikita ko sumasama sa hearing pero pagdating sa lounge yan ang topic nila. Sabi nila kanina magsasalita na sana ako di na naman ako natuloy. Wala raw sila pinakakaabangan kundi mag-CR si Sen Gordon para sila naman makapagtanong.”
“Ang issue ko sa kanya bakit naman siya magbabatikos agad na kaya di ako pumirma dahil tinulungan ako noong ako may kaso. Kaya kino-correct ko walang naitulong sa akin si dating Pangulong Aquino sa aking kaso. Ang tumulong sa akin ang katotohanan kasi nga ang statement ni Mancao ang resolution ng CA at pati ng SC pabago-bago. Parang witness without credibility. Tapos mas mahaba pa ang panahon sa ilalim ni Pangulong Aquino na ako nagtago kesa sa panahon ng No. 1 persecutor ko ang dating administration. Kasi bumalik ako di pa niya itama ang kanyang facts.”
“Yan ang tinatawag na fake news. Ang sinasabi niyang bumalik ako noong 2010 nang pangulo si PNoy. Bumalik ako March 26, 2011. Nawala ako Jan. 7, 2010. Anong mas mahabang panahon na ginugol ko in hiding? Di ba panahon ni Pnoy? Anong klaseng tulong yan? Ibig sabihin shooting from the hip bigla na lang siya babatikos, kaya ako nainis.”
“Kaya ako nakapagsalita, di ko sinabi absolutely na walang kasalanan si PNoy sa dengvaxia. Sinabi ko lang, mahirap para sa akin paniwalaan na capable siya mag-commit ng graft and corruption. Anong masama roon? Dahil yan, ano ko yan, nanggaling sa akin yan, galing sa puso ko yan. Yan ang aking experience sa working relationship kay Pangulong Aquino noong kami senador pa, magkasama kami sa Senate noon, at noong naging presidente siya. Ina-assault ko ba ang report niya by saying that? Of course not. Sariling opinion ko it is difficult for me to believe he was capable of committing graft and corruption. Without giving reference to the committee report of Gordon kasi di ko nabasa ang committee report. Anong batikos niya agad kaya ganyan yan, dahil tinulungan niya nang nagtago. Mali pa facts niya, sinabi niya 2010.
“Yan ang masama kay Sen Dick. Di muna siya nag-iisip. Mas mabilis ang bibig niya kesa sa brain niya. Ang mahirap sa tao ang mas mabiilis magsalita kesa mag-isip.”
“Ginagawa ko nagpakuha ako ng transcript ng proceedings. Kada hearings may transcript yan so nagpa-collate na ako sa staff. Ako mismo nang binabasa ko natatawa ako… Siya ang nagtatanong siya ang sumasagot. Pag may sumagot ng di po sir di po ganyan, ipipilit niya ang kanya. So bakit ka pa nag-investigate ng resource person? Kitang kita roon na meron na siyang conclusion at ang investigation na ginagawa niya mag-shoot sa kanyang conclusion.”
“Halimbawa nagsasalita isang duktor o Usec, nagsasalita si Sec Garin, ika-cut niya di ganyan. Ganito yan. O ikaw na may conclusion.”
“Unang una, karapat dapat bang i-adopt ang kanyang committee report kung ganoon ang kanyang pagdinig? At co-chair si Sen Ejercito di rin makasingit. Tapos yan nga meron pa roon siyang ininsulto na usec or asec, dahil nakasalamin ang duktor sabi niya ‘You only look intelligent but you are not.’ E resource person mo yan eh. Ibig sabihin di niya gusto ang sagot ng resource person kaya umabot pa sa pagiinsulto, personal insult. Parang youโ€™re trying to look intelligent but you are not intelligent. Anong klaseng pagtrato sa resource person? Naroon yan sa transcript. Pagdating ng floor deliberation tingnan natin how he conducted the investigation kung naraapat ba pirmahin ang kanyang committee report. Kasi lumalabas talaga roon ang conclusion naroon na antimano pero ang pagdinig mo kumbaga sa ano mag-shoot doon sa conclusion ang pagdinig. Ang daming mga instance ito kina-cut niya ang mga resource persons pag di niya gusto. At parang siya lang nakakaalam. E kung alam mo na pala lahat gumawa ka ng committee report huwag ka na tumawag ng resource persons.”
“May dissenting report na ginagawa ang minority si Sen. Drilon. Gumawa sila dissenting opinion, isang possibility mangyari riyan kung majority ng senador sa 23 nakita namin mas rational o mas may katwiran ang dissenting report ang minoiruty report baka yan ang ma-adopt sa floor. Isang possibility yan. Katunayan di ko pa nakita ang minority report. Maski sa majority ako kung nakita kong mas katwiran yan baka magpirma pa ako roon. Titingnan ko. Pag nakita kong mas makatwiran yan baka doon ako magpirma as a committee report.”
“Sa aking experience nasabi ko na kanina mahirap ako maniwala na nakakapag-commit siya (former President Aquino) ng graft and corruption. Pero kung may makikita ako sa full report na may mga portion na tinolerate niya o kaya parang may kinalaman siya, pupuwedeng magbago ang aking pananaw. Sabi ko naman kaya nga past tense ang ginamit ko, that he was capable, I was referring to the time he was president and I was working with him. Sabi ko mahirap paniwalaan dahil nga may sarili akong personal experience with him at sabi ko nagsagawa ng pagsubok na tinatawag na pasado siya sa standard na sinasabi kong may integridad ang tao.”

On whether there are moves to remove Sen. Gordon as Blue Ribbon panel chairman:
“Hindi para sa akin maghusga kundi yan dinadaan sa paguusap ng majority. Pwede i-caucus pero wala pa naman nagmumungkahi na mag-caucus kami para pagusapan kung kailangan na palitan. If it comes to that we will evaluate and we will come into para magkaroon ng consensus kung dapat kami magpalit ng Blue Ribbon chair.”
“No, hindi (When asked if he will initiate Gordon’s removal). Baka sakaling magbago ang kanyang attitude sa pag-conduct. For all we know, this will be a learning experience for all of us, for Dick and myself included, para alam mo na, mai-correct namin ang direction niya na tinatahak tuwing magkakaroon ng pagdinig ang BR. Baka sa susunod na pagdinig pagbigyan niya kami magtanong. Sana maging conscious na siya ika nga.”
“(S)i Dick masyadong passionate sa ginagawa niya, minsan he gets carried away. But in a wrong way. Dapat maski carried away ka maski may passion ka isipin mo rin ang katayuan ng kasamahan mo. You should also be sensitive to other people di pwedeng sensitive ka lang sa sarili mo. Ako pag nagpe-preside ako nga ang huli eh. After opening statement nagre-recognize na ako ng kasamahan ko. Ako pasundot-sundot lang kasi yan trabaho ng presiding officer, ibabalanse pagbigyan lahat. Ikaw ang host, huli kang kakain. Serve mo muna sila at may time ka na magpicapica lang at iikot ka kasi ikaw ang host. Hindi ikaw ang host ikaw ang kumakain nanonood ang bisita mo.”

On the ‘extortion’ racket at Boracay:
“Ang laki ng hinihingi roon, P400,000 para mabigyan ng ID ang kanyang empleyado. Ang empleyado niya kasi naka-stay-in doon na may quarters doon … Ito ang hinahanapbuhay ng barangay officials doon, kagawad na nagpaparating ng ganoong mensahe, na lalakarin ang ID ng empleyado di ko alam ilan, siguro marami-rami rin. Napakalaki, P400,000, so racket yan! Dahil sinamantala nila ang utos ng pangulo na walang makakapasok riyan na di tagaroon, na hindi resident.”
“May hearing na nagaganap tungkol sa Boracay. May resolution na mag-hearing doon. Di ko alam kung willing to testify ang may business na nakausap ko roon pero narinig ko mismo kasi spontaneous.”
“Trabaho ng DILG yan mag-counter-intelligence sila roon. Kung kinakailangan magasagawa sila ng entrapment operation. We cannot allow na may barangay official na tatakbo pa sa May 14, tapos kung makakalusot at ganyan ang kanilang kalakaran, 2 taon titiisin sila ng mga taga-Boracay o kaya ang mga nagnenegosyo roon. Sa DILG yan, trabaho nila pagtibayin nila intelligence at counter-intelligence para mahuli ang nagsasamantalang ganoon.”

On the National ID bill:
“Ang National ID tapos na yan, magba-bicam kami pagbalik namin. I think itโ€™s almost done. Ang main issue gusto ng House functional, sa Senado foundational. Ang functional di na tayo graduate, pag lisensya LTO kailangan may ID ka, GSIS may ID ka. Di na tayo graduate. At least sa Senate foundational yan, parang general administration at pangserbisyo ang gamit. At eventually mag-evolve into just 1 identification. Ito ang napakarami nating kapal na wallet natin.”
“Since 2001 senador ako file ako ng file. Ang iba di nakakarating sa committee di natatawagan ng hearing. Every regular session ng Kongreso nagfa-file ako national ID. Mabuti na lang sa ngayon naipasa na rin. At least nearing approval kasi na-approve 3rd reading sa House and Senate reconcile na lang namin ang disagreeing provision.”

*****