Interview on DWIZ | Sept. 1, 2018

In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– the Isulan bombing and Senate Bill 1956 (Anti-Terrorism Act of 2018)
– pork in the proposed 2019 national budget
– need for government to shift its attention to the economy
– President Duterte’s recent strong statements against possible abuses by China
– timetable of Senate relocation

Quotes from the interview… 

On the Isulan bombing and Senate Bill 1956 (Anti-Terrorism Act of 2018):
“Nagsasagawa ng investigation ang PNP and AFP. Kung ito ay terroristic act, di lang tungkol sa martial law ang posibleng mapagusapan dito, kundi pati ang Bangsamoro Organic Law.”
“Ang nakikita ko para talagang masawata ang mga susunod kung may susunod na pangyayari, huwag naman sana, paigtingin ng armed forces ang National Security Council ang ating mga security officials ang kanilang ginagawa sa ating mga ground forces. Talagang dapat sila ang mag-review ng kung tama ba ang kanilang strategy o plano na sinasagawa tungkol sa security ng ating mga kababayan, sa Mindanao particularly.”

On possible extension of martial law in Mindanao:
“Dec. 31 ang binigay na palugit ng extension sa declaration ng martial law sa Mindanao so talagang masasabi premature nga. At dapat din pagaralan bakit in spite of ML declaration sa Mindanao, bakit nagkaroon pa rin ng pagbobomba? Sa akin kung ako tatanungin mas mainam ang ground security officials ang ating ika nga take to task para sa ganoon di mangyayari ang ganoong pagbobomba at anumang terrorist activities.”
“Ang masasabi natin dito, kailangan paigtingin ang kanilang intelligence operations and intelligence efforts.”

On how Congress may react if another extension of martial law over Mindanao is sought:
“Baka this time around baka iba ang magiging issue at katanungan kung hihingi sila uli ng extension. Kasi bago magkaroon ng joint session nagkaroon naman sila ng pagbe-brief mga security officials, hiwalay sa Congress sa Lower and Upper Houses.”

On Senate Bill 1956:
“10 years na naipasa ang HSA pero mukhang tuloy-tuloy pa rin kung natatandaan mo ang simultaneous bombings na nangyari even after naipasa ang HSA noong 2007.”
“Yung legislative proposal yung basic na amendment na gusto ng executive branch, nanggaling sa NSC. Ako lang ang napakiusapan na mag-author. Pero siyempre di ko ifa-file ang bill kung para bang kinopya ko lang sa NSC version. Ginawa ko pinagawa ko staff ko, nag-coordinate kami sa ibang countries sa ibang jurisdiction, sa Australia, US, kung ano ba dapat amyenda para ma-enhance ang ating HSA? At incorporate namin sa ibinigay o propose ng NSA, si Gen. Esperon.”
“So ang lumalabas doon, ngayon kasi pinaparusahan natin under the HSA ang purpose ano ba ang dahilan bakit nagkaroon ng pagbobomba, halimbawa maski anong terroristic activities nakita natin medyo kahinaan. So ngayon napaparusahan natin talaga ang mismong terroristic act. Tapos walang provision sumasaklaw sa mga foreign terrorist, so sinama natin doon. Pag di ka taga-PH tapos nagsagawa ka kailangan may kaukulang ngipin ang gobyerno sa ilalim ng batas to deal with them. Tapos dinagdagan ang predicate crimes, sa pagpapatupad ng anti-terrorism act.”

On chances of SB 1956 being passed before end-2018:
“Noong Huwebes nag-usap kami ni Sen. Honasan kasi siya ang chairman ng national defense and security committee. Sabi ko kung pwedeng kasi naipasa ito first reading sa floor, baka pwede bigyan ng kaunting prayoridad para magsagawa ng committee hearings para marinig ito at maiakyat sa plenaryo para pagusapan. At aalamin namin ano ang effort sa HOR para ma-enhance na natin ang mahigit 10 taong HSA na nakita nating halos walang nangyari sa batas na pinasa noon.”
“Basta nagusap kami ni Sen. Greg. Ang sabi niya sige magpa-schedule ng 2-3 committee hearings o 1 lang kung masaklaw, kung walang masyadong contentious issues pwede ito gawan ng committee report para mapagdebatehan sa floor.”
“Malamang, siguro bago mag-break sa October harinawa maipadala sa plenary para pagbalik namin sa November madebate na at bago matapos ang December o bago dumating ang December break ay maipasa naming on third reading.”
“Depende yan sa takbo ng debate at kung ano maging final form kung ano maiaapruba sa 2nd and 3rd reading. Ang nakita natin posibleng maraming itatanong from the likes of Sen. Risa dahil ang concern niya sa human rights implications. Pero na-cover din yan sa enhanced version kasi naroon pa rin ang pagbigay halaga sa karapatang pantao maging ng mga suspected terrorists.”

On cash-based vs obligation-based budgeting:
“Ang cash-based is 1 year di na obligated kung accomplished project. Di babayaran ang di matatapos pero may extension ito under the cash-based budget na 3 buwan. So Enero, Marso 2019. Una ayaw ng HOR na maging cash-based kundi gusto nila ibalik sa obligation-based. Ang obligation-based 2 years at basta na-award na, may notice of award, ke matapos o hindi ang contractor, babayaran.”
“Kaming senador sumasangayon kami sa DBM na cash-based kasi para ma-speed up ang pag-implement ng proyekto. At hindi masyadong magastos sa gobyerno gawa ng kung ano lang ang matapos ng contractor yan lang ang babayaran.”

On pork in the 2019 budget, particularly in infrastructure projects:
“Ang take ko bakit hinihiling ng kongresista, election year next year. So kung cash-based at 3 buwan ang palugit naging hybrid 1 year 6 months, so 3 buwan ang hinihingi nilang extension kung saan maski di tapos ang proyekto pwedeng bayaran ng DBM pwede pa tuloy-tuloy dahil may budget pa rin ito. Kung ito ire-relate natin sa election year next year, may kinalaman ito sa pork, maliwanag. Kasi noong isang taon para sa 2018 budget ang pina-delete ko, dahil kung masasayang din ang pera bakit natin popondohan? Nasa mga P62 billion plus another P18 billion, mga P80-plus billion ang pinapa-delete ko kasi di ma-justify ng DPWH na settled ang ROW. Kung balikan ang history ng ating appropriations ang nakakaabala sa pagpapatupad ng proyekto ang settlement ng RROW.”
“Actually magiging focus ko sa aking interpellation sa committee hearing sa Lunes kasi nakasalang ang DPWH sa Lunes at nag-research kami nagpunta kami sa lugar na kung saan pina-delete ko pero pina-restore nila sabi nila settled ang ROW, sabi ko saan ang pruweba settled na yan? Ngayon lumalabas ang sabi nilang settled na ang ROW, so na-restore ang mga pina-delete ko dahil na-pressure din ang ibang kasamahan ko sa Kongreso at Senado at sa bicam talagang na-restore yan. Sa bicam isang boses lang ako roon at noong nag-submit sila ito ang settled ROWs pwede na umpisahan ang proyekto, pumayag na rin ako di na masyadong nag-object. Pero imo-monitor ko, babantayan ko kung totoong may na-settle ang issue na ROW. May mga proyektong nakalista roon sa sinasabing settled ang ROW na hanggang ngayon di pa settled. So ipapakita ko sa kanila ano status ng proyekto.”
“As a matter of fact at least 3 projects nakita naming major projects ito nasuspindi pa ang pagimplement kasi di pa settled ang ROW. So halimbawa Sariaya Bypass Road pinuntahan ng staff ko ilang beses. Putol-putol ang kalsada pinapondohan ng, in fairness to the current DPWH administration, March 2016 sinuspindi ang proyekto after makapaglaan at makapag-disburse ng P466M. Hindi magamit ang kalsadan, naging white elephant yan dahil ang may-ari ng lupa di papayag, di settled. And there’s another one mas malaki ang budget, anyway tatanungin ko sa Lunes. Yan ang nagiging problema. So maski sa GAA, may special provision sinasabing ayusin muna RROW bago pondohan ang infrastructure projects, ang paggawa ng kalsada.”
“I remember in 2017 for the 2018 budget kinu-question ko ang laking unused appropriations ng DPWH. Natandaan ko tumayo si Sen. Villar, sabi niya, kaya malaki unused kasi nga di settled ang ROW nagpopondo tayo sa DPWH ng paggawa ng kalsada. Taking off from where she manifested, sabi ko tama yan, in fact may special provision. Ngayon bakit papayagan pondohan ang alam natin na di pa settled. E natalo ako sa botohan wala akong magawa, pinabalik ang 80-plus billion. Alam mo mahirap magsalita, alam ko kani-kanino ang malalaking portion doon na na-insert noong nagsagawa ng debate for 2018 GAA, hanggang ngayon yan ang binantayan ko kung naisakatuparan lumalabas wala talagang ROW. Ang tanong, narelease ba ng DBM ang pondo para sa kalyeng walang ROW? Kung na-release man, anong status ngayon ng construction sa kalsada? So yan tatalakayin sa Lunes at kung hindi pa rin sila makapag-explain, dadalhin ko ito hanggang plenaryo para marinig ng buong mga kasamahan ko roon kung anong nangyari dahil ang pinaglalaban ko roon natalo sa botohan dahil ilan sa mga kasamahan ko lalo sa HOR, ako nga medyo parang kinokontra pa nila ako na maraming instances na wala nang pork sa GAA.”
“Pinipilit kong meron kasi maliwanag meron talagang pork. They are relying their statements on the SC ruling ang post-legislation and pre-legislation. Tama yan. Pero yan ang general interpretation ng SC ruling na lumabas noong 2013. Pero subsequently may paragraph doon na sinasabing all informal practices of similar import and effect na may excess discretion e pumapasok din na pork barrel…

View Fullscreen

… Tama yan, pre-legislation yan, at hindi post-legislation. Dati magbibigay ng P70M bahala kayo riyan saka kayo mamili pagpasa ng GAA, senador P200M. Of course it goes without saying di ako kumukuha noon, di ko ina-avail ang P200M for the longest time. Ngayon ginagawa Ngayon pinapasok nila ang proyektong gusto nila during budget deliberations especially sa period of amendments, pero may halaga rin. Bawa’t senador P300M bawa’t congressman I think P100M, tumaas pa. Pero may kongresista at senador humahataw hanggang bilyon. Meron akong alam na congressmen na talagang malapit noon sa administration ng PRRD humahataw ng P6-5B, 1B. Tapos kaya ba nila implement ang proyekto na yan? Ako na sasagot, meron isa o dalawang kongresista ang laki ng kanilang pinasok na pork. Halos wala pang 1/5 ang na-implement. Kaya malakas ang kanilang lobby na di pwede ang cash-based dahil 1 year lang.
“I can just speculate I can just assume though di ko alam ang kalakaran. Halimbawa ako contractor at cash-based ang babayaran lang sa akin ang matatapos ko hanggang Dec 30 or 31, 2019 tapos may extension 3 buwan. Bakit ko ibibigay ang buong commission kung ang babayaran sa akin ang matatapos sa 1 taon? Whereas before pag continuing appropriations siyempre ibig sabihin ng mambabatas bigay mo sa akin bong 10% ko dahil anyway sa iyo ko tinalaga ang buong proyekto meron kang P50M project bigay mo na ang 10% ko riyan kasi that’s good as yours. Pero ngayon ang kontratista sasabihin niya teka muna malulugi ako pag binigay ko halimbawa P1B 10% P100B commission pero tantsa ko magagawa ko siguro for 2019 kaya ko lang mga P400M, bibigyan kita ng P40M na commission di pwede bigay sa iyo ganoon kalaki, anong matitira sa akin, kung di ko ma-accomplish ang proyekto malulugi ako.”
“Sabi nila ayaw nila talagang di papasa uupuan nila. Kaya ngayon naging hybrid. Nakatawad sila ng 3 buwan kaya naging 1 year and 6 months, 18 months ngayon na pwede tuloy-tuloy ang pagpopondo basta obligated na, na-award na ang proyekto gagawin sa loob ng 18 months.”

On guarding against pork in infrastructure projects in the 2019 budget:
“Talagang meron. Nakita na nga namin. May mga lump sum. Madali palatandaan diyan pag ni-lump sum madali naman hanapin yan kasi di mo makita ang items bakit mo popondohan?”
“Bigyan kita example ng nangyari nakaraang taon. May nakakita kami na similar 45 items na pare-pareho ang nomenclature. Bawa’t item 10M saan mo dadalhin yan? Bakit ganito 10M in 45 items ano yan, di ba lump sum yan? Yan ang pwede paglaruan na pwede paghugutan ng mga mambabatas dito tayo kukuha kasi walang item ito, ito pwede ililipat sa ibang item at yan ang project nila.”
“Narinig ko madalas Sec Diokno na taagabg walang pork kasi definition nila ng porkless budget ang puro lahat pre-legislation. Kung post-legislation yan ang lump sum na 70 and 200 bahala kayo mamili ng project kayo magturo ng project. Pero sa SC ruling dinadaan ang insertion nila habang nagde-deliberate pa. Pero pareho ng suma total din yan. Sila rin nag-identify ng project, sila rin naglagay ng pondo. Ang kaibahan, di na uniform. Sa mga ‘hoi polloi’ ang mga pangkaraniwalang mambabatas na kasama sa administrasyon na di kasama sa mayorya, yun ang makakakuha ng regular. Kung ikaw kontra ng kontra, pwede wala ka. Pero ordinaryong mambabatas bibigyan ng regular na 70 or 100. At sa senador 300, dati 200 lang. Pero may iba talagang sobrang laki, nakakasingit. Ang interpretation walang pork pero sila pa rin nag-identify ng projects in coordination with the agencies concerned. In this case kung infrastructure, DPWH. Alam ng DPWH and DBM yan. Pero for convenience ayaw nilang gawing malaking issue dahil ang interpretation nila compliant na ito sa Nov 2013 ruling na post- and pre-legislation. Ang nakakaligtaan nila, ang binanggit ko kanina ano ba informal practices? Di nga post or pre-legislation pero practice pa rin ganoon pa rin. Nakalagay of similar import and effect. Di ba ang nag-identify pa rin, mambabatas? Ang iba di makatiis. I’m sure for the 2019 GAA makapagsimula ng proyekto I’m sure may mga lalabas na signage na project of congressman so-and-so. Anong ibig sabihin noon, kaninong project yan?”
“Ano naman kasi nga post nila. Dati nakakakita kami ng project for legislative district. Kinwestyon ko ito ang linaw nito bakit legislative district, di ba dapat ang proyekto para sa probinsya o bayan? E bakit ito legislative district? Maliwanag para sa congressman ito. Kung sino man ang nagsulat noon ang congressman siguradong naglagay noon. So binago nila medyo nawala ang legislative district although naging mas malaking challenge sa amin kasi mas mahirap maghanap ngayon kasi nawala ang legislative district pero madali pa rin hanapin makikita mo dahil lump sum. Yan ang ating babantayin uli kasi katakot-takot ang nasasayang. Di ba meron slope protection? 100 meters na kalsada ang stretch 3 years pinopondohan ng P300M mention ko yan noon. Sabi nila slope yan kaya kwento ko P9M per meter. P900M sa 100 meters, sabi nila slope. Pero hanggang ngayon tumatagas ang slope; sa Nueva Ecija ito.”
“May nakita uli kami na ganoon din. Mas mahaba. Parang 15 km, ang tatanungin natin doon, magkano yan kung ibe-base natin sa cost ng slope protection sa NE na P9M per meter, magkano ang pondo sa 15 km na may slope protection na kasama sa proyekto? Kaya ngayon di mapapakinabangan ang kalsada kasi inuna ang kalsada wala pa ang slope protection. Although sa budget nakalagay doon with slope protection. E wala, binagsakan na ng bundok ang kalsada, di passable. E di nasayang na naman ang pera.”

On ‘gains’ in guarding against pork in the 2019 budget:
“Marami dapat tingnan. Ang sabi ko nga siyempre nakakapagod, nakaka-frustrate kasi para kang si Lone Ranger na wala man lang Tonto, na basta… pero aral pa rin kami ng aral, sige pa rin, pinagpupuyatan pa rin yan at hinahanap pa rin kasi nakita rin namin maski papano may nangyayaring positive may epekto naman, ini-improve na nila, wala na ang nakalagay including ROW, tinatanggal na yan. Dati napaka-lump sum ang dating ng various projects including ROW. Ini-improve nila. At kung walang nagbabantay e di lalo na. You can just imagine nagbabantay tayo tine-take up natin ito year in and year out, ganyan pa rin, ganoon pa rin. E lalo kung walang nagbabantay.”
“Isang positive effect di ba natandaan mo for 2017 budget nagkaroon ng P8.3B na dapat nakapondo sa congressmen ng ARMM tig-1 billion. Nang question ko di ba natanggal yan at kinampihan ako ng kasamahan ko ilagay sa free tuition. Kaya nagkaroon ng interest maipasa ang sa free tuition dahil nagkaroon ng initial na pondo kasi wala pa ang nagpapaloob ng free tuition kasi nagkaroon ng initial funding P8B kinuha namin sa ARMM yan kasi violation ng organic act. Di pwede mag-implement ang DPWH sa Manila kasi may sariling DPWH ang ARMM, sa regional assembly. So may mga ganoon. Parang medyo nakaka-encourage din kasi di sa lahat na pagkakataon nag-iisa ako o kami kasi sa 2016 nilapitan ako ni Sens Drilon, Pangilinan at Sotto sabi nila sa akin di kami kukuha ng parang binibigay na P300M naka-waive sila. Di ko alam sino pa nag-waive pero at least, ang nagsabi sa akin pero alam ko may iba na di na rin kumukuha pero di sinabi sa akin di ako kukuha. Maski papano may motivation din.”

On the need for government to ‘shift’ focus on the economy:
“Pag may nangyayaring krisis definitely may pagkakamali at may shortcomings kung ano man ang ahensyang in charge sa mga pinanggagalingan ng crisis. Ang dahilan ngayon tumaas uli inflation, nasa 5.9% na sa August. Almost 6. At ang projection papalo sa mga susunod na buwan. So mataas ang inflation. Pag sinabing inflation di ba ang general movement ng prices pataas at purchasing power ng mamamayan humina, yan ang definition ng inflation. So hanggang kalian ito hindi ma-arrest? Ngayon ang ibang kinuukulan ang pagpasa ng TRAIN kasi tumaas ang excise tax ng fuel. Sabi nila bakit titingnan ang TRAIN samantalang isang maliit na component lang pinanggagalingan sa pagtaas ng fuel? Totoo rin yan. Pero bakit tinaas mo pa rin yan in spite of kung maayos ang projection ng ating economic managers, bababa … at magkaroon ng cushion di pa madagdagan ang pagpapalala ng inflation. So di pa matatapos ito. I don’t think bababa ito, I think pataas pa ito.”
“Ang purpose ng pamahalaan nasobrahan sa anti-drugs. I would suggest na total parang mechanical na yan. Bayaan na siguro sa pulis at PDEA yung tungkol sa paglaban sa illegal na droga. Siguro ang Malacanang mag-focus naman sa mas mabigat na problema na nakikita natin, which is ang economy natin, kasi di bumubuti, sumasama eh. I think siyempre kung nasaan ang focus ng pangulo siyempre naroon lahat sa bureaucracy naroon ang kanilang pagtutuunan ng pansin. Pero kung pagtutuunan ng pansin ng pangulo sa susunod na buwan o taon ay ang ekonomya syempre doon magfo-focus ng karamihan sa buong bureaucracy. So if I may suggest unsolicited as it is kung pwede i-focus ng pangulo ang kanyang efforts ang galit sa nangyayaring di maganda at tungkol naman sa ating economy.”
“Pwede na niya pabayaan yan (anti-drug war) sa pulis kasi nariyan na talaga ang pulis. O hindi na kailangan pault-ulit na nagsasalita sa drugs. Sabi ko nga mechanical na yan sa PDEA. Alam na nila gaano kagalit ng pangulo sa illegal na droga, of course di natin mini-minemenos ang importansya ng problema ng drugs pero nariyan na ang effort ng gobyerno. Ngayon ang di natin nakikita kasi unti-unti natin nararamdaman ang problema ng pangkabuhayan, ang sikmura.”
“Ang galunggong bakit import sa China e sagana tayo sa galunggong. Siguro dahil di nakapangisda masyado ang ating fishermen sa Scarborough Shoal which used to be a common fishing ground. Maski arbitral ruling ang lumabas common fishing ground yan, shoal yan. Parang di defined as island or islet. Pero pwede mag-fish. Ganoon ginagawa, hina-harass ng Chinese Coast Guard ang mga fishermen. Ang epekto sa inflation ng aquatic resources sa mga 0.4% so humina catch ng ating fishermen. Ang pwede natin kung ako ang mag-analyze bakit humina ang supply ng isda, kasi naroon abundant talaga ang isda sa lugar na yan. Kung harass ng Chinese Coast Guard ang mga fishermen hihina talaga huli roon.”
“At saka we have seen nothing yet, sabi ng Amerikano we have seen nothing yet. Palala ng palala dati 4% inflation medyo alarmed tayo ngayon 5.9%. At sabi ng Netherlands-based bangko sabi papalo 6% sa lalong madaling panahon. Di ba sabi ko sa pagdinig pag sikmura nagreklamo medyo delikado.”

On President Duterte’s recent statements on China:
“Maski sinong pangulo kasi maliwanag ang Constitution eh. Kailangan protektahan mo ang ating territorial integrity, di ba ang ating bansa, kung anong interest natin, kasi ang foreign policy nagsisimula yan sa national interest. Di pwedeng uunahin mo, isantabi mo interest ng ating bansa dahil yan ang laging paramount. Maski hindi ka pangulo maski ordinaryong mamamayan ka, maski sino ka man siyempre national interest muna. So normal lang yan kung meron siya kasi di natin alam lahat na mga dumarating na problema sa pagitan ng China at PH, mas may access siya sa ganoong information. So kung may mga dumarating na bagong issues or development ang nakita nyo medyo agrabyado ang PH although di tayo definite kung saan pinanggagalingan niya, more or less may idea tayo may bagong development kaya siya nakapagsalita nang ganoon.”

On the Senate transfer:
“Everything is on schedule. Yan lang ang masasabi ko. Kasi around the clock ang pagtrabaho ng staff at lahat nakasunod sa scheduled na sinabi ko noon sa mga kasamahan ko.”

*****