Interview on DWIZ | Oct. 27, 2018

In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– situation of detained Sen. de Lima
– options for new Customs Commissioner Guerrero
– PNPA sex scandal as a ‘test case’ for the Anti-Hazing Law of 2018
– proposed Anti-Terrorism Act of 2018
– Sen. Honasan being eyed to head DICT

Quotes from the interview…Β 

On the recommendations of the IPU’s human rights committee:
“Sa ibang recommendation nila at gusto nila ang SC mag-grant ng tinatawag na occasional legislative furlough. Meaning bayaan ng SC na lumabas si Sen de Lima para mag-attend ng session. E wala naman tayong panghihimasok na pwede gawin sa SC. Kung wala tayo, bilang kami sa Senado, lalong walang dapat makialam na maghimasok o makialam ang ibang parliamentarian sa ibang parte ng mundo.”
“Meron din silang sniasabi na recommendation na dapat itong Senado kaming mga colleagues niya umakto in solidarity with Sen. de Lima. Ibig sabihin noon kung ano pinaglalaban ni Sen. de Lima kung ano man yan, na siya sa opposition at meron siyang ibang issue vs PRRD parang suggest nila kaming lahat mag-act in solidarity with de Lima. So papaano yan? Wala siguro sa katwiran ang kanilang hinihingi.”
“Hindi pa IPU yan, wala pang official because ang HR committee parang sa atin yan, may plenaryo at may mga committee. Dadaan pa yan sa governing council eh. So governing council ng IPU yan ang mag-transmit sa IPU sa plenaryo para mapag-usapan ang issue. So masyadong premature at untimely na mag-withdraw tayo ng membership sa IPU na wala pa naming sapat na basehan kundi ang recommendation pa lamang ng HR committee ng IPU.”

On Sen. de Lima’s criticism of Sen. Lacson and SP Sotto:
“Bakit kaming dalawa ang criticize ni Sen. de Lima? Bakit siya naging selective naman? Di ba dapat pareho ang aming kumento (ng ibang senador) at least practically along the same line, di ba? Na huwag mag-intervene, may sarili tayong judicial system, kung papayag kaming pakialaman parang sinasabi namin, confirm namin meron talagang political persecution… Nabasa ko statement ni Senators Drilon at Hontiveros pero bakit kaming dalawa lang ni Sen Sotto kanyang binanatan?”
“I think Senate President Sotto and I deserve an apology from her. Kasi unang una bakit selective? Kung babanatan niya kami dapat unahin din niya ang statement ni Senators Drilon at Hontiveros. Pati Sen. Pimentel nag-comment din pero sabi niya nanggaling ako roon, pinaliwanag ko sa kanila yan, pero di dapat sila manghimasok. So pareho ang statement namin bakit kaming dalawa ni SP Sotto ang kanyang binabanatan?”

On possible teleconferencing for Sen. de Lima:
“I was recommending to SP Sotto at amenable siya at inform ko si Senate minority leader Drilon na baka pwede i-extend kay Sen. de Lima. Nariyan ang equipment sa teleconferencing … pwede siya mag-interpellate, mag-amend at pwede mag-participate sa committee hearings.”

On what new BOC Commissioner Guerrero may need to do in his new post:
Equipment for enforcing Customs laws: “Noong dumaan (si former Commissioner Lapena) sa opisina ko nang nagkaroon ng budget deliberation ang BOC, (humingi siya ng) dokumento dahil may gusto siyang i-procure ng equipment para lalong mapaigting ang kanilang pag-enforce ng Customs laws. Ako naman willing na willing ako … napakadaling i-justify ito pagdating ng period of amendments, madali rin maghanap kung saan manggagaling ang ire-realign para sa inyo dahil nakita natin may lump sum appropriation lalo na kinaroroonan ng House ang NEP. Sabi ko ako na bahala maghanap ng budget para i-augment para sa inyong pangangailangan. Ewan ko kung ipu-pursue ni Gen. Guerrero pag nag-takeover siya. I just hope na maisama sa briefing ni Commissioner Lapena sa kanya yan nang sa ganoon ang initiative na yan i-pursue pa rin. Sayang eh. Mas marami silang makokolekta pa kung ma-procure ang equipment na kailangan nila.”
Removing the Friday 3 o’clock habit: “Ang isang nabago ni Commissioner Lapena riyan nawala ang Friday 3 o’clock habit. Kasi wala na ako namomonitor pag biyernes nagpapartehan ang mga tao. Of course may ibang scheme na lumabas nang nawala ang organized na tara pero meron pa ring tara. Narinig ko base sa aking impormante ko sa loob sa demorahe naman. Pag iniipit ang kargamento siyempre babayad ng demorahe ang importer mapipilitan silang mag-shell out para huwag maabala ang kargamento.”
Counter-intelligence and leadership by example: “Kailangan paigting ang counter-intelligence, kasi ang kalaban mo riyan di lang smugglers, sarili mong tao. Kaya kailangan talaga napakatibay ng counter-intelligence mo. Di lang yan. Ang importante talaga ang leadership by example. Kung alam nila ang commissioner meron din natatanggap di mo masasawata ang tauhan mo na tumanggap din. Maghanap-buhay din. May nakausap akong district collector sabi nila karamihan sa kanila makita lang nila mag-head sa kanila sincere at talagang lahat pareho ang standards walang tatanggap, sabi nila kami naman Senator payag na rin kami pero kaya lang parepareho. Pag nakita namin ang commissioner namin at ang deputy commissioners namin kumikita pwede ba kami na inuutusan, di kami kikita? So dapat leadership by example. Talagang in the truest sense of the word di dapat lip service. Maski sabihin mo araw-araw leadership by example pero makikita at makikita ng tauhan mo ito ginagawa mo, wala kang moral ascendancy, so wala ring mangyayari.”

On suggestions for a complete overhaul of BOC:
“Tingin ko di kailangan complete overhaul. Kung complete overhaul mo, anong mangyayari sa incoming shipment? Siyempre mag-organize ka pa nakatengga lahat na importation, mag-suffer ang economy natin, mag-suffer ang collection, mag-suffer ang nangnangailangan na raw material ng manufacturer natin.”
“Di advisable ang complete overhaul. Siguro transition kung sino ang pag-upo na bagong commissioner kung sino ang inaakala niyang suspect o di susunod dahan-dahan alisin. Pero di pupwedeng parang in place, parang lahat tanggal riyan maghahanap ako ng pampalit sa inyo. Magsa-suffer ang economy natin.”

On President Duterte’s ‘zero tolerance’ in his fight vs drugs:
“Sabi ko na nga zero tolerance si PRRD maski mga kaibigan niya, sabi niya 15 taon nagsilbi si Gen. Lapena sa Davao, nag-regional director ng Region 11 at malapit sila sa isa’t isa pero nagawa ng pangulo na tanggalin siya although nilipat sa ibang position dahil drugs ang involved. So doon kanya-kanyang pananaw ang pananaw ng ibang tao di zero tolerance ang presidente. Sa aking pananaw ganoon kalapit ang tao sa kanya tinanggal niya pa rin dahil drugs ang involved. Sa akin sinasabi ko zero tolerance talaga ang presidente.”

On the PNPA sex scandal as a test case for the Anti-Hazing Law:
“Pwede sila unang masampulan.”
“Capital offense yan, ang hazing. At hindi exempted, kasi although ang AFP and PNP may mga circumstances na pwede sila ma-exempt pero pagka ganyang gawain na hazing, kulong sila habang buhay at makukulong sila nang no bail habang dinidinig ng korte yan kasi anti-hazing law in-amend na yan, in-expand yan in-strengthen natin dahil kay Atio Castillo, yan dapat harapin nila at diyan sasakit ang ulo nila.”
“Strengthened na ang batas at haharapin nilang problema, di biro-biro. Ang prime ng buhay nila dahil bata pa ito, sira katulad ng involved kay Atio Castillo. Kulong sila held without bail so yan din ang sasapit ng upperclassmen na ito.”
“Well-publicized ang hearing kay Atio Castillo noon pati ang pagsasabatas o pag-amyenda ng anti-hazing law. Dapat alam nila ang consequence niyan.”

On US mail bomb incidents fast-tracking PH anti-terror bill:
“Target namin maipasa ito bago matapos ito bago mag-break by December.”
“Pinapalakas natin ang Human Security Act (with the) Anti-Terrorism Act, at magko-conduct ako isa pang pagdinig pagkatapos mag-render ako ng committee report. Kasi ang inimbita namin sa susunod na pagdinig ang civilian sector, ang mga NGOs para madinig ang kanilang panig. Kasi mga resource persons namin noon although may Commission on Human Rights representative noon mag-isa lang siya noon. So papatawag namin ang academe at ibang NGOs para makuha ang kanilang inputs.”

On Sen. Honasan to DICT:
“I cannot speak for him pero privy ako sa plano italaga siya sa department. Alam ko malimit sila mag-coordinate kay acting Sec. Rio kasi dati naming professor sa PMA yan so maganda ang kanilang vibes ika nga.”

*****