In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– update on the 2019 budget
– the government’s anti-drug war
Quotes from the interview…
On the Senate’s actions on the 2019 budget:
“Nagusap-usap kami kasi noong nag-meeting kami Lunes kasama ang 3-man panel sa HOR may more or less pinagkasunduan. But when we researched, na-verify namin, may mali sa initial agreement.”
“May nag-suggest may precedent sa HOR, ang Pamana budget ng OPAPP. Nangyari noon may 700M noong 2018, kung saan nagkaroon ng pagbabago by way of a concurrent resolution. Parang payag ang Senate at HOR, pero mag-sign ng concurrent resolution kasi hindi pupwedeng mabago kung ano ang na-ratify. Sabi namin sige kung may ganoon pwede natin iconsider. Pero konsulta muna namin sa aming liderato. Noong research namin lumabas hindi applicable kasi baligtad. Ang Pamana case, yan ang napagusapan sa bicam pero inadvertently mali nang naisulat sa enrolled bill kaya kailangan i-correct. So nag-concurrent resolution para para ibalik sa napagusapan sa bicam. Baligtad. Ang kaso naman nito, napagusapan sa bicam, binago. E parang di magandang i-cure sa pamamagitan ng concurrent resolution.”
“So nang nalaman namin yan, ano pang pwede nating gawin, mag-meeting kami Tuesday gabi so Monday ng gabi nag-usap-usap kami, at nag-suggest na maganda pumayag naman kami si Sen FMD dahil sabi niya nga, pwede naman di mapapahamak si SP pirmahan ang enrolled bill as is pero mag-addendum siya. Mag-express ng reservation by way of an explanatory note or letter mismo kay PRRD na ito pirmahan ko ina-attest ko lang dito hindi kasama 75B na kinu-question namin. So yan ang napagkasunduan.”
“Pero ginawa namin yan hindi para sa amin lang kinonsulta din namin sa executive branch, particularly sa economic managers, economic team. Ito ang plano ng Senado, ano ang pwede mangyari kung maglagay kami ng addendum na ganito? Sabi nila talagang i-scrutinize nila ang mga items na nag-express ng reservation si SP.”
“Yan ang assurance nila (Palace’s economic team). Humingi pa sila ng detalye, ang hiningi nila di lang items ng 75B kundi ang kopya ng bicam report para maikumpara nila ang pagbabago, binigyan din namin sila noon. Kaya sabi ko na kumpyansa kami na pag-aaralang mabuti at i-consider seriously ang reservation na in-express ni SP Sotto.”
On economic impact of delayed budget:
“Kasama sa consideration namin yan. Parang hostage ang buong budget ang pinaguusapan dito ang contentious issue dito ang isang butal ng P3.757T, so ang 75B yan lang ang nagho-hostage sa buong budget. Mga almost 20%, mga 19-plus percent ang umaapekto nagkaka-delay sa budget. Mga 19.9%.”
On the chances of PRRD opting for line-item veto:
“Confident kami roon.”
“Inaaral ng economic team ang mga pinadala namin kasi para mas madali sa kanila in-itemize na namin lahat yan, lahat na sinasabi ni SP naroon nakalagay na at ikukumpara na lang nila yan sa na-ratify na bicam report.”
“May guide na sila, binigay na namin sa kanila mga items na ginalaw kung saan nadala. Halimbawa ang 75B na inalis sa 87 DEOs nilipat sa CO. Naroon yan, naka-itemize. Tapos ang 79B na pinaglipat-lipat nila mula sa ibang district papunta sa ibang district naroon na rin yan. Ang 72B na ginalaw sa organizational output MFO ng DPWH naroon na rin yan.”
“Naroon na rin (ang Build Build Build). Naging lead ang local infrastructure project nalipat. (Dapat ma-restore ang sa MFO) kasi ito ang programa nila, ng executive branch. Pinagaralan nila yan at na-vet nila yan at pinagkaisahan nilang ito ay itutulak. May mahabang preparation ang DPWH at economic team, so dapat hindi masakripisyo yan.”
On supplemental budget:
“Ive-veto lang nila yan sa enrolled bill. Di pwede baguhin kundi ive-veto lang. At para magamit ang 75B, kailangan idaan sa supplemental budget. Pwede mag-veto ang Presidente pero di siya pwede mag-amend.”
“Nakapaloob sa enrolled bill ang mga hindi tama sa naratipikahan na bicam report. Ang dominanteng document dito ang enrolled bill.”
“At para madali (ang pagbuo ng supplemental budget), pwedeng ang ipapadala na parang maliit na NEP na nakapaloob sa 75B pwedeng yan ang ibabalik sa bicam report.”
“Mas matagal yan kung hindi itemized ang pinadala ng Senado. Pero dahil itemized lahat gagawin lang nila iva-validate lang nila. Titingnan lang nila. At saka may idea na rin sila so pag veto yan, pag prepare sila ibalik na lang nila kung saan ang napagkasunduan sa bicam kung sang-ayon sila doon. Kung hindi naman, maglagay sila ng listahan na naaayon sa kanilang programa.”
If HOR takes a hardline stance again:
“Yan na naman ang problema kasi siyempre di lang HOR ang mag-decide niyan. Pero by that time kung makapaghintay ang executive branch at talagang magmamatigas, baka after, sa 18th Congress na, kung iba na liderato, iba na ang attitude ng bagong liderato.”
“2/3 vote para override (ang presidential veto). At hindi nangyari yan, na-override ang presidential veto. Kaya di rin pwede masunod kasi di kami papayag na i-override ang veto ng Presidente. Precisely ang vineto niya kung mangyayari ay yan na pinadala namin.”
On HOR’s post-ratification tweaks of the budget setting a bad precedent:
“Yeah pero isang maganda, hindi sa pag-aano pero di na ako nag-iisa ngayon eh. Nakakatuwa rin, nakakaluwag din ng damdamin na hindi na lonesome. May kasama ako sa Senado na yun na rin ang position. Ayaw nila ng sobra-sobra. At unprecedented ito kasi ngayon lang nangyari nabago ang bicam report. Mag-iisang buwan na, normally kasi matapos ma-ratify ang BCC report natapos ito pinirmahan ng members ng BCC tapos ni-ratify ng both houses, normally after 2-3 days nariyan na enrolled bill papadala na ng HOR kasi walang binago. Nagkaduda kami mag-1 buwan na di pa transmit hanggang sa kasamahan nila yan nagbibigay ng information sa amin na ginagalaw nga. Siyempre nagreklamo sila dahil sila ang tinanggalan naman. 62 sila. Karamihan sa kanila ang akala ko sa akin lang nag-report na rin kay SP, FMD. Kaya nagka-usap-usap kami tungkol doon pinaaral ko sa LBRMO, nag-submit ng detailed report ang LBRMO, ito ang nagalaw from bicam report. Doon nagsimula ang impasse.”
“Hopefully (nadala na sila) kasi alam nila may united stand ang Senate, unlike before na sabi ko nga, voice in the wilderness. Maski reklamo ako ng reklamo nara-ratify pa rin. Pero sabi ko nga hindi pa naman nangyari talaga na binago ang BCC report. Nagkaroon ng malaking pagbabago habang nasa BCC. Habang nag-conference ang BCC ng 2 kapulungan doon talaga nagbabago ang naipasa ng both houses, kaya tawag natin the 3rd chamber. Pero tama pa rin, naaayon pa rin sa panuntunan kasi nga di pa ratified. Ang pagkakaiba nito napagkasunduan sa bicam ginalaw pa ng HOR.”
“Ayaw namin sabihing pinasa namin ang bola kasi parang medyo masama ring pakinggan. Pero persuasive naman ang sulat ni SP na ito ang sa tingin ng Senado unconstitutional pero kayo pa rin ang masusunod.”
“Maliwanag yan. Maski nang nag-meeting kami sa Malacanang unang statement agad kapag walang pirma ang SP wala akong gagawin diyan. Parang in so many words sine-send na ni PRRD ang mensahe sa HOR na huwag nyo na palusutin yan kasi hindi lulusot. Pero ganoon kasi harap-harapan kami noon. Pag-upong pag-upo yan na opening statement.”
On the anti-drug war:
“Ako ang nag-defend at nag-sponsor ng budget ng DDB at PDEA, vice chair ako ng finance so sa akin na-assign ang PDEA at DDB. Sa committee hearing napagusapan namin yan ang problema hindi nagkaintindhian ilan ba bilang ng drug users kaya si dating DDB head Reyes natanggal pa kasi iba ang kanyang calculations. So nang napagusapan paano natin ma-unify ang mga statements dito na isa lang talagang official report ng mismong gobyerno ilan ang drug users kasi yan ang barometer natin kung nagsa-succeed o hindi. Noong 2015 bago upo PRRD pag halimbawa 2M ang drug users, at itong 2018 naging 1M na lang, so maganda ang accomplishment. Meron silang pinropose na nahirapan sila magpa-survey kasi di mapag-rely-an ang reports ng barangay officials, minsan din pag sangkot ang barangay officials hindi accurate ang data na binibigay. Anong maitutulong ng legislation? Sabi nila may iniisip sila, gagawa sila survey na methodical, scientific, analytical at malalaman nila saan nag-proliferate ang mga drugs, saang mga barangay. Ang budget na suggest nila noon, 70M. Sabi ko take up ko sa floor at kung pumayag kasamahan ko all the way pati ang HOR, mapopondohan natin carry natin recommendation ninyo. Napasa yan hanggang sa enrolled bill.”
“For DDB talaga yan. So kaya nang nagsalita si PRRD na nag-worsen pa, parang isang perspective lang ang nakita niya at saka ang pinagbasehan niya kasi ang dating bilyon-bilyong pisong droga pa rin pumapasok sa bansa. Ako naman tiningnan ko kabilang side, na ito perception, observation and opinion ito ni Prsidente baka nagkaroon siya ng ganoong impression dahil pinagbabasehan niya ang pumasok na droga sa Ayala Alabang at 1.8B galing sa Vietnam. Kung yan ang kanyang pinagbasehan, unfair sa law enforcement kasi nagsa-succeed. Para sa akin mas importante bago dumating sa distribution point ma-interdict na, di umabot sa merkado. Ang 2-pronged strategy diyan supply reduction at market reduction. Pag na-constrict mo supply may effect sa merkado ibig sabihin apektado ang users. At ang nagiging consequence tumaas ang presyo ng droga hanggang mabawasan ang gumagamit kasi prohibitive na ang presyo. Kung doon natin titingnan, ibig sabihin nagsa-succeed at hindi nawo-worsen. Kailangan lang makita natin empirical data ilan ang drug users na talagang accurate na bilang more or less. Baka naman out of observation ng Pangulo out of frustration bakit tuloy ang daloy ng droga sa PH. Sa akin magandang indication kasi nahuhuli.”
“Ang hindi natin nakikita kung nakalusot di nahuli sa mga sulok-sulok sa barangay at sitio, at ginagamit doon, dadami ang gumagamit kasi overflowing ang supply. Yan ang mas masama. Sa akin mas maganda nahuhuli bago dumating ng distribution point.”
“So ngayon nasa kanila ang challenge. And I suppose bago mapirmahan ang groundwork ginawa na nila siguro para pag nariyan na pondo diretso na agad di na mag-prepare di na plano.”
“Ang importante magkaroon ng accurate na bilang ng drug users para sa susunod na survey makita natin kung nag-worsen o nag-improve ang drug situation.”
“Maganda rito ma-determine ang barangay na malakas ang influence ng droga, makapag-focus sila roon. Economy of force pa rin dahil sa ngayon kung wala silang pag-aaral parang mahirap, itong napagaralan sa intelligence pag kalaban mo pag wala kang sapat na intelligence para kang nakikipaglaban na nakapiring. Natandaan ko sabi ng prof namin isang analogy sabi sa amin kaya ko talunin si Muhammad Ali basta nakapiring siya, ako hindi. Kung nakipaglaban ka at kalaban mo kulang sa intel at ikaw sagana sa intel, tatalunin mo kalaban mo.”
“Pero kung bulag siya at kulang sa information at ikaw sagana sa information, malaki advantage mo roon.”
On the dropping of cocaine in PH waters:
“Yan, ang sabi ng PDEA di para sa PH yan. Naaksidente yata ang vessel so natatakot baka mahuli sila, dump na lang sa waters natin. Pero sinasabi nila ang destination noon, Australia.”
“It doesn’t make sense kasi walang demand. Walang market bakit naman mag supply ganoon kalaki na cocaine? Sa namumuhunan sa drugs, parang hindi ugma sa kanilang trade.”
*****