Interview on DWIZ: Nasa Pangulo na ang Pag-Veto ng Pork sa 2020 Budget | Dec. 21, 2019

In an interview on DWIZ Sen. Lacson answered questions on:
– ‘early’ signing of the 2020 budget in January 2020
– reinstatement of cops acquitted in Maguindanao massacre case
– NPA hit list and anti-terror bill
– assessment of 2019 and expectations in 2020

QUOTES and NOTES:

* PORK in the 2020 BUDGET:

On SP Sotto’s signing of the 2020 budget bill:

“Ang usapan lang, kasi baka maantala ang pag-submit ng enrolled bill so pipirmahan pero nauna roon, pinadala ko sa kanya ang listahan ng questionable items. At pinagpaalam ko sa kanya kung pwede magpadala ng kopya sa office ni ES Medialdea pati kay acting SBM Avisado.”

“Lagi kaming nag-usap ni Sen Sonny (Angara) at ina-appreciate niya ang ginagawa hindi lang ako pati ibang senador din. Kaya lang bicameral system tayo, ang parliament natin ang Kongreso. Hindi pwedeng lahat gusto ng Senado masusunod. Siyempre may amendments ding pinasok ang HOR kaya pinagme-meeting-an ito para pagkasunduin.”

Leaving ‘pork’ matters to the President and Executive Department:

Tapos na rin ang aming role, dapat iwanan ang kapalaran ng national budget sa executive dahil prerogative naman ng Pangulo na mag-veto o hindi.”

Last year ayaw namin maging complicit si SP na pipirma sa enrolled bill kung saan di namin naratipikahan ang ibang parte roon. This time around naiabot sa bicam ang insertions na ginawa.”

Hindi naman kailangan magbigay ng commitment (ang Executive Department) dahil prerogative talaga ng Pangulo na aralin bago magpirma ng national budget, ang enrolled bill, at kung may makita silang questionable, whether or not may nilista kami o wala, sa kanila yan. Kasi taon-taon naman laging may line item veto ang Presidente.”

“Nasa kanila talaga yan. Tapos na role namin. Nag-deliberate na kami, nagdebate, nag-amend, at nag-BCC. Kung anong kinalabasan sa BCC na-ratify na rin. So talagang nasa Presidente na yan. At talagang hindi na namin pwede panghimasukan.”

Conditional implementation of items in the 2020 budget:

“Pwede rin yan. Ang tawag doon, conditional implementation. Pwedeng nasama sa pinirmahan pero kung sa tingin nila hindi naman yan karapat-dapat i-release dahil may question, pwede ring i-withhold naman ang release. Pwede yan. Ginagawa rin nila yan.”

Possible reenacted budget in the first week of January:

“Pero mag-retroact naman sa Jan 1 yan. Ang 5 days parang balewala na rin yan. So hindi nila pwedeng tawaging reenacted ang budget.”

Maintaining advocacy to guard budget:

“Taon-taon nating ginagawa. At hindi lang sa susunod na budget kundi ine-exercisenamin ang oversight. Nire-review pa rin namin ang implementation ng pangkasalukuyang taon na budget. Tulad ng ginagawa namin taon-taon binabalikan namin maski nakaraang taon at kasalukuyang taon.”

***

* MAGUINDANAO MASSACRE:

Reinstatement of cops acquitted in Maguindanao Massacre case:

Depende kung ano ang naging dahilan sa pagka-dismiss sa kanila sa serbisyo. Kung nag-violate sila ng regulation, halimbawa nagpagamit sila sa pulitiko, at kung bakit naroon sila at wala silang kaukulang authority from the PNP, pwede doon sila ma-dismiss so walang bearing ang pagka-acquit nila kung pagka-dismiss nila ang di pagsunod sa regulation ng PNP.”

Pwede sila mag-appeal kasi kung sila napawalang-sala ibig sabihin di sila guilty or hindi na-prove ang guilt nila beyond reasonable doubt. But that’s another matter altogether. Kung ang dismissal nila ay incidental sa nangyaring massacre at may ibang dahilan nag-violate sila ng rules and reglations sa PNP, ibang usapan yan.”

Hindi saklaw ng hukuman yan kasi administrative ang dismissal. Ang focus ng korte, ang criminal aspect. So hindi pwede paghimasukan ng korte ang administrative aspect ng kaso kasi PNP at Napolcom ang nakakaalam noon.”

Yan ang bottom line as far as the PNP. Kung wala silang authority bakit sila naroon sa lugar na yan at ang nangyari nagamit sila ng local politicians at magsasagawa ng ganoong gawain, although kung halimbawa wala silang direct participation pero kung may mga bagay na meron silang nagawa na labag sa rules and regulations ng PNP at doon sila na-dismiss, hindi saklaw ng criminal case yan.”

Long wait for appointment of new PNP Chief:

I think exercise ng due diligence (ang Pangulo). Kasi ang nangyari kay dating CPNP Albayalde medyo maraming issues na lumabas kaya ngayon nag-iingat siguro ang Malacanang lalo ang Pangulo na kung mag-a-appoint ka, ang wala kang masasabi o walang mauungkat na problema maski noong di pa siya CPNP.”

May epekto yan sa efficiency sa performance ng PNP kasi iba siyempre ang full time na CPNP. Tulad noong budget deliberation ng DILG at ng PNP take up ko sa kanila yan, bakit di pa by way of a Napolcom resolution bigyan ng lahat ng authority na binibigay sa full time CPNP. Pero sumulat sa akin ang Napolcom, hindi nila maibigay ang pagiging ex-officio member kay OIC Gamboa kasi OIC lang at baka mag-violate sila ng PNP Law. So yan ang di naibigay sa kanila pero ibang power like pagpirma ng permit to carry outside residence binigyan sa kanya. Pati ang although limitado ang pag-promote at pag-appoint ng police officer.”

Mas maganda ang full time para lahat na poder at lahat ng authority naroon sa CPNP. Kasi kung kulang ang authority, meron kaming sa leadership training basta kailangan kung ano ang responsibility mo may commensurate authority. Di pwedeng responsibility mo mas lamang sa authority na ibibigay sa iyo. Kumbaga sa akin, formula for failure yan. Imagine, responsibility mo pero wala kang karampatang authority.”

“Yan ang di malinaw. Sa PNP Law, ang presidential appointees diyan ang full colonel pataas. Ang tanong diyan, dahil ang authority ng pag-a-appoint mula Patrolman hanggang sa Lt Col, sa CPNP yan. Although vina-validate yan at confirm yan ng Napolcom. Pero ang authority wala sa Pangulo kasi sa PNP Law ang ina-appoint ng Pangulo ang full colonel pataas. Ang di malinaw, sino magpro-promote sa mga mas mababang rango. Yun ang isang hinihingi ko sa kanila noong budget deliberation, dapat ibigay sa OIC ang authority na mag-promote sa mga hindi presidential appointees.”

Naka-delegate din naman yan sa OIC yun nga lang ibang authority na di kayang gampanan ng Presidente. But I think kung di binigyan ng authority na mag-promote ng hanggang Lt Col, ang Presidente pwede naman i-appoint o i-promote siguro. Kaya lang matatambakan talaga siya dahil ang armed forces, iba sa AFP, lahat na commissioned officers maski ang pag-commission ng 2Lt Pangulo talaga yan, yan sa batas. Sa PNP Law iba ang situation. Ang pag-appoint ng mababang rango kesa full colonel hindi kailangan ng Pangulo.”

***

NPA HIT LIST, ANTI-TERROR LEGISLATION:

Alleged hit list of the NPA includes PRRD and ranking officials:

“Kung totoo, halimbawa accurate ang intelligence information kasi nanggaling sa pinakamataas na intelligence level at National Security Adviser mismo, may basehan talaga ang intelligence report. At nakakabahala talaga yan. Imagine kung tina-target nila mga CPP-NPA mga warriors nila, Pangulo na, CIC, nakakabahala talaga yan. At trabaho talaga ng mga security forces natin para paigtingin pa ang kanilang intelligence gathering at gumawa ng kaukulang hakbang para mapigilan ang ganitong mga banta.”

“Pag ganyan kataas ang level ng intelligence report, wala akong reason para pagdudahan. At yan sumasailalim sa proper intelligence cycle mula roon sa pagbigay ng information, pag-analyze at evaluate, at pag-analisa. Kaya medyo seryoso na bagay yan. Kaya dapat gamitin ang pwersa ng gobyerno para hindi umabot sa ganyang level ng threat.”

On CPP-NPA’s sincerity in peace talks:

“Kung ngayon na-analyze at na-validate ang intelligence report, bago siguro usapang peace talks, nariyan na yan. Talagang meron nang threat na ganyan. Ang tanong, hinold ba nila yan nang nagbukas uli ang pamahalaan para sa peace talks or tuloy-tuloy pa rin ang effort? Kung lumabas na tuloy pa rin ang effort, hindi talaga sinsero sa pakikipagusap.”

Localized peace talks:

Natandaan ko nang nagkaroon ng pagdinig, ang chairman ng peace process Sen Honasan, suggest namin kay Sec Bello at Sec Dureza noon ng OPAPP, na i-localize ang peace talks. Huwag na makipagusap sa The Netherlands kasi after all ang nakaraan na situation, may peace talks sa national level pero hindi sinusunod ng NPA sa local ang usapan. Maski may ceasefire na umiiral may ambuscade na ginagawa ang local na CPP NPA guerrillas. So suggest namin at para na rin maging mas practical, gawing localized ang peace talks. Yan ang yata pinu-pursue ngayon dahil di lahat na probinsya at di lahat na towns may problema sa insurgency. So at least ma-isolate ngayon at ipaubaya sa LG officials of course under the direction ng OPAPP ni Gen Galvez, siya kumakatawan ngayon doon. Bigyan ng guidelines at suporta. Pero ang localized peace talks will be more effective than the national level of peace talks.”

Proscription of CPP-NPA as terrorist organization:

Ang kailangan i-follow up ng gobyerno ang proscription ng CPP NPA bilang terrorist organization. Pero yan natatagalan. Kaya isang feature o provision na gusto namin pa-amend doon, bigyan ng timeline ang korte mag-proscribe o mag-issue ng order ng proscription sa organization na kino-consider na terrorist organization. Ang isang amendment o provision na maaring baguhin doon, bigyan ng period of 6 months at magkakaroon ng preliminary order of prescription kung saan within 72 hours ang korte, ang RTC na nakasampa ang petition sa pagdeklara ng proscription, pwede mag-issue ng preliminary order of conviction at within 6 months kailangan mag-decide ng korte kung gagawing permanent ang proscription o outright dismiss nila.”

“Ang Abu Sayyaf, the only terrorist organization na na-proscribe ng korte, ang ASG. At ito umabot ng 12 taon bago proscription, at least 10 years. So naisipan namin ipasok ang provision na i-amend na limitahan ang pag-decide ng korte sa proscription. At isang naka-pending diyan ang petition ng gobyerno ng DOJ na ideklara ang CPP NPA as a proscribed terrorist organization.”

“(Kung walang proscription), hindi sila pwedeng arestuhin. Unlike kung may proscription na, basta established na member sila ng CPP NPA, in the case of ASG, established silang member ng ASG, pwede sila arestuhin na kasi ang organization may order of proscription. So hindi mahirap sa law enforcement. Kasi kung individually you will have to deal with a terrorist organization, mahirap yan. Kasi mag-ga-gather ka ng sapat na ebidensya o mag-file ka individually para ma-prosecute ang mga member ng ASG o member ng NPA organization.”

Anti-Terror Bill in the Senate:

“Kasi 2 araw na lang naiwan sa interpellation but at least nasimulan na namin. Kung napakinggan ninyo maganda ang talakayan namin ni Sen FMD siya ang unang interpellator. May nakapila tulad Sen Pimentel, Gordon, Tolentino, yan ang nag-reserve to interpellate. Ako naman naka-ready ako kasi matagal ko na rin inaaral. Ready ako i-defend ang panukalang batas.”

Pagbalik namin ang period na yan bago mag-break uli sa bandang Abril maipapasa sa third reading. Nangako si Sen FMD napagaralan niya rin, hindi niya iba-block ito kundi may mga ika-clarify lang siya.”

“Hindi pa (certified as urgent) kasi wala pa kami, nasa interpellation pa lang kami, dapat pagka nasa period of amendments pwede kami humingi ng certification kung kinakailangan.”

Martial law in Mindanao expiring Dec 30:

“Oo pero pahayag na sila na hindi sila mag-extend dahil sa pagrekomenda ng SND, at binigyan siya ng assurance, kasi siyempre nasa minority si FMD. Ang pagkasabi sa akin nagusap sila ni Sec Lorenzana na hindi niya iba-block ang anti-terrorism bill, huwag lang i-extend ang ML. So parang ganoon ang naging usapan at wala sigurong pangangailangan para i-extend ML sa Mindanao.”

“Pero sa Senado wala akong nakikitang problema. Ibang usapan sa HOR kasi meron silang party list na progressive bloc na maraming tatanungin. Pero of course depende sa takbo ng debate sa kanila. Pero sa Senado wala akong nakikitang major problems except of course may magka-clarify at saka kung may mga amendments na acceptable halimbawa sa akin, tanggapin ko. Kung hindi naman pagbobotohan namin sa floor.”

***

ASSESSMENT of 2019, EXPECTATIONS in 2020:

“Sa legislation masasabi ko especially sa Senate because I cannot speak for the House. Pero sa Senado maraming mga landmark bills na naipasa na talagang makakatulong din hindi lang sa ekonomiya kundi sa peace and order. So generally speaking I would like to say na maganda ang kinalabasan ng legislative work ng Senado. At stable ang liderato ni SP Sotto. Masaya naman ang member dahil sa kanyang pamumuno wala akong nakikitang dahilan para magkaroon ng sabihin nating destabilization sa liderato ng Senado.”

Sa 2020 kailangan maipasa ang anti-terror bill at ibang pet bill ng mga senador kailangan maipasa rin. Siyempre ang budget nakabantay pa rin tayo at hindi natin talaga titigilan kasi hindi lang ngayon ko naging advocacy yan. Matagal kong adhikain yan at talagang ang national budget tingnang mabuti dahil ito ang tinuturing nating lifeblood ng ating ekonomiya lalo na ng bansa natin.”

*****