
More “iyakan” (crying) among members of the House of Representatives may lie ahead as the Senate scrutinizes red flags in the House version of the P7.2-trillion proposed national budget for 2027, Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson said.
Lacson, a longtime watchdog of public funds, said the Senate may restore “hundreds of billions” of pesos in cuts and realignments by the House, including changes to funds for Foreign-Assisted Projects (FAPs) and additional funding for flood control projects.
In Filipino: Lacson: ‘Iyakan pa More’ sa Kongreso Habang Sinusuri ng Senado ang mga Red Flag sa 2027 Budget
“Simula pa lang na iyakan na ‘yan, kasi pagka kinorrect namin lahat yung mga ginalaw nila, baka lalo pa silang mag-iyakan (The crying has just begun. Once we make the needed corrections, more crying may be coming soon),” he said in an interview on DZMM radio late Wednesday, referring to the emotional reactions of some House members after they passed their version of the budget bill.
“Napakadami pa naming gagawin sa Senado, tuloy-tuloy ang aming pagdinig pati pagbusisi ng budget. So meron din ‘yung mga naipaglalagay sa mga distrito na basta hinalukay eh. Ang laki ng galaw doon (Our work is cut out for us. We are holding hearings on the budget at the committee level. But we will do something about the questionable changes made to the budget by the House),” he added.
The Senate formally received on Wednesday the House version of the budget bill, and expects to hold plenary debates on the measure starting in November. Lacson said he and his staff are now poring through the measure.
Lacson said the Senate would take a hardline stance against changes to FAP appropriations, stressing that the Philippines has commitments to its foreign partners.
“Yan ang talagang titigasan namin na di pwedeng galawin yan. Masa-sacrifice yan (We will adopt a hardline stance that appropriations for FAPs cannot be touched. We will sacrifice a lot),” he said in an interview on DZBB radio Thursday.
In an X post last Sunday, Lacson cited advance information showing some of the House’s changes affect FAPs, which may potentially expose the government to significant financial consequences.
“SIMULA PA LANG NG IYAKAN: Wait until we pass the Senate version of the budget measure, where we will restore hundreds of billions in cuts and realignments, including those affecting Foreign-Assisted Projects, which could result in heavy financial costs and consequences,” he said.
One example he cited was the Lakeshore (Laguna) Road Network, a multi-year project involving the Japan International Cooperation Agency (JICA).
Lacson explained that failure to implement FAPs could leave the Philippine government liable for commitment fees, among other financial costs and consequences.
“Hindi pwedeng unilateral on our part na ayaw naming pondohan ito, nag-commit tayo doon (We cannot unilaterally say we are not funding the project. We made a commitment to it),” he said.
On the other hand, Lacson raised concerns over advance information showing additional appropriations made by the House to flood control projects – barely a year after President Ferdinand Marcos Jr. expressed outrage over anomalies in such projects with his “Mahiya naman kayo (Be ashamed)” remark.
Lacson had delivered two privilege speeches and chaired Blue Ribbon hearings on the issue, helping build cases that led to charges against several personalities and the detention of some individuals.
“Hindi pa naghihilom, hindi pa lumalamig ang init, eto na naman tayo (The wounds have yet to heal and the situation has yet to cool, but here we are again),” Lacson said.
*****
Lacson: ‘Iyakan pa More’ sa Kongreso Habang Sinusuri ng Senado ang mga Red Flag sa 2027 Budget
Posibleng titindi ang “iyakan” sa hanay ng mga miyembro ng Kamara de Representantes habang sinisiyasat ng Senado ang mga red flag sa bersyon ng Kamara ng panukalang ₱7.2-trilyong pambansang budget para sa 2027, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson.
Ani Lacson, na matagal nang nagbabantay sa paggamit ng pondo ng bayan, posibleng ibalik ng Senado ang “daan-daang bilyong” pisong binawas o inilipat ng Kamara sa ibang paggagamitan, kabilang ang mga pagbabagong ginawa sa pondo para sa Foreign-Assisted Projects (FAPs) at ang karagdagang pondong inilaan para sa mga flood control project.
“Simula pa lang na iyakan na ’yan, kasi pagka kinorrect namin lahat yung mga ginalaw nila, baka lalo pa silang mag-iyakan,” aniya sa panayam sa DZMM radio nitong Miyerkules ng gabi, na tumutukoy sa naging emosyonal na reaksiyon ng ilang kongresista matapos maipasa ang bersyon ng Kamara ng panukalang budget.
“Napakadami pa naming gagawin sa Senado, tuloy-tuloy ang aming pagdinig pati pagbusisi ng budget. So meron din ’yung mga naipaglalagay sa mga distrito na basta hinalukay eh. Ang laki ng galaw doon,” dagdag niya.
Pormal na natanggap ng Senado nitong Miyerkules ang bersyon ng Kamara ng panukalang budget at inaasahang sisimulan ang plenary debates sa panukala sa Nobyembre. Sa ngayon, binubusisi na ni Lacson at ng kanyang staff ang panukala.
Sinabi ni Lacson na magiging matigas ang paninindigan ng Senado laban sa mga pagbabagong makaaapekto sa pondo ng FAPs, dahil may mga obligasyon ang Pilipinas sa mga dayuhang katuwang nito.
“Yan ang talagang titigasan namin na di pwedeng galawin ’yan. Masa-sacrifice ’yan,” aniya sa panayam sa DZBB radio nitong Huwebes.
Sa isang post sa X noong Linggo, binanggit ni Lacson ang paunang impormasyong natanggap niya na nagpapakitang may mga pagbabagong ginawa ang Kamara na nakaaapekto sa mga FAP at posibleng magdulot ng malaking gastos at iba pang pinansiyal na epekto sa pamahalaan.
“SIMULA PA LANG NG IYAKAN: Wait until we pass the Senate version of the budget measure, where we will restore hundreds of billions in cuts and realignments, including those affecting Foreign-Assisted Projects, which could result in heavy financial costs and consequences,” aniya.
Isa sa mga halimbawang binanggit niya ang Lakeshore (Laguna) Road Network, isang multi-year project na kinabibilangan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Diin ni Lacson, kapag hindi naipatupad ang mga FAP, maaaring managot ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagbabayad ng commitment fees, bukod pa sa iba pang gastos at pinansiyal na epekto.
“Hindi pwedeng unilateral on our part na ayaw naming pondohan ito, nag-commit tayo doon,” aniya.
Samantala, nagpahayag din ng pagkabahala si Lacson sa paunang impormasyong natanggap niya na nagpapakitang nagdagdag ang Kamara ng pondo para sa mga flood control project—halos isang taon matapos ipahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang galit sa mga anomalya sa mga naturang proyekto at sabihin ang “Mahiya naman kayo.”
Dalawang privilege speech ang inihain ni Lacson at pinamunuan niya ang mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa kontrobersiya sa flood control. Nakatulong ang mga ito sa pagbuo ng mga kasong humantong sa pagsasampa ng mga kaso laban sa ilang personalidad at pagkakadetine ng ilang indibidwal.
“Hindi pa naghihilom, hindi pa lumalamig ang init, eto na naman tayo,” ani Lacson.
*****











