In an interview on DZIQ, Sen. Lacson answered questions on:
– Charter change
– PCSO’s STL being used as front
– Atio Castillo hazing death
– Message to the public
Related:
Senators united stance on the issue of Charter change
PCSO’s problems with illegal gambling operators
Sponsorship Speech for Committee Report 232 and Senate Bill 1662
Quotes from the interview…
On Senate hearings on Charter change planned in various areas nationwide:
“Ang layunin ng public hearing… para maunawaan ng tao ng iba’t ibang mode ng pagpapalit o pag-revise o amend ng ating Constitution. Sa isipan ng mga senador, premature pa pagusapan ano ang ipo-propose na amendments kasi di pa malinaw ano ang mode. Ito ba gagawin sa concon o sa pamamagitan ng conass.”
On whether the hearings may interfere with the consultative committee formed by President Duterte:
“Definitely hindi. Kasi ang Senado naipadala sa amin ang concurrent resolution ng House. Tapos may resolution na filed ng iba’t ibang senador na humihiling ng constitutional convention. Ako meron din akong resolution at ito co-author ang kasama kong senador na mag-constitute ang Senado as constituent assembly at talakayin ang ano ang pwede i-propose na amendment or revision na Senado lang.”
On the meeting between leaders of 2 houses of Congress:
“Sa Lunes magkakaroon ng pagpupulong kaming mga senador para pagusapan at talakayin ang pinagusapan nila, ang leaders ng 2 kapulungan.”
“Wala pa ang mode. Sabi nila isantabi muna kung papaano ang porma kung sakaling ito ay gagawin itong assembly mag-voting separately or jointly o separately mag-discussion o magkasabay. So yan ang tatalakayin namin sa Lunes dahil magkakaroon kami ng caucus.”
“Sa akin parang ilalagay mo ang karetela sa harap ng kabayo kasi pag pinaguusapan ang detalye, structure o ano ang form of government yan ang karetela. At ang mode kung paano bobotohan yan ang kabayo. Lumalabas parang inuuna ang karetela sa kabayo.”
“Di ba tama ang logic na ayusin muna natin paano ang vote ng pagpalit kesa sa unahiin mo proposal. Kasi may mode na available sa atin constitutional convention maitsapwera ang mambabatas noon.”
On whether Malacanang may interfere with Congress’ charter change efforts:
“Hanggang sa ngayon di siya nakikialam o walang kinakausap na senador para itulak ang federalism. Pinababayaan niya muna ang legislature na pag-usapan ito.”
On the loss of P48 billion a year in STL operations:
“Sa STL operations lang yan … Dinadaya ng operators ng STL na kung saan mga front lang naman talaga ng mga ng mga dating gambling lord. At sabi ng mga pulis sa pagdinig namin, pag naghuhuli sila ng bookies or illegal, sasalo ng STL operators sasabihin empleyado nila may hawak na ID. Pag pina-submit ng listahan ng empleyado sasabihin di pa updated. At kinakasuhan pa ang mga pulis. So malinaw talaga dinadaya ang remittance.”
On Atio Castillo hazing death:
Senate to start debates on the floor regarding the committee report and Senate Bill 1662, “hanggang maaprubahan ito at maipasa bilang batas.”
Message to the public:
“Hinalal tayo ng tao, ibalik natin sa kanila ang tiwala na binigay sa atin. Yan ang pamamaraan na naiisip ko paano maibalik ang tiwalang naibigay sa akin noong nakaraang election. Pwede tayo magtamad-tamaran magupo-upo lang tapos pakaang-kaang pero nakakahiya. Bukod sa nakakahiya sa mga tao nakakahiya sa sarili.”
*****