In an interview on DZRH, Sen. Lacson answered questions on:
– need to tighten Bank Secrecy Act and related legislation after Ligot acquittal
– passage of the 2019 national budget
– potential PH takeover of Hanjin shipyard in Subic
Quotes from the interview…
On tightening the Bank Secrecy Law following the Ligot acquittal:
“Maraming pag-aaral diyan. Mula pa noong bagong senador ako at susunod na Congresses na kung saan nariyan ako nagfa-file ako ng bill sa Senado noon na kapag pumasok ka sa gobyerno kailangan hindi ka maprotektahan ng provision ng Bank Secrecy Law. Basta taong gobyerno ka kailangan hindi ka kasali sa karapatan ng mga mamamayan sa ilalim ng Bank Secrecy Law. Kailangan transparent, anytime ikaw napapailalim sa imbestigasyon deemed waived ang probisyon ng Bank Secrecy Law sa iyo.”
“Natandaan ko pangalawang ulit ko fina-file humihiling ako sana makarating man lang sa committee na madinig sa isang committee hearing. Hindi ito nadidinig eh.”
“Parang … walang interest, kasi di man lang naisasalang. Pag nag-file kami ng bill may first reading, babasahin sa floor na Senate Bill ganito dapat i-refer sa committee. Galaw na ng committee yan para aksyunan kung saan isasalang yan. Maraming panukalang batas na nare-refer sa mga committee namin. Depende na sa chairman ng committee kung kailan tatawag ng committee or public hearing. Kasi di uusad yan hanggang di tatawag ng public hearing.”
On the passage of the 2019 budget:
“Natapos namin ang period of interpellation kahapon so ngayon magsa-submit ng amendments, members ng Senado. At pag na-consolidate ia-approve namin on 2nd reading and ia-approve on 3rd reading. Tapos noon magba-bicam. Sa tingin ko di masyadog magtatagal pero bicam medyo magiging madugo. Kasi maraming disagreeing provision sa versions ng HOR at Senado. Yun na lang sa usapin ng P75B sa interpellation ko naitanong kay Sen Legarda at naroon din ang pamilya ng DPWH, hindi nila alam kung saan nagmula at hindi pa rin nila alam kung ano ang mga proyekto, mga PAPs, programs, activities and projects na nakapaloob sa P75B.”
“So ang argument ko noon kung di nyo alam kung saan nanggaling ito di kayo kasama sa planning dito paano nyo iimplementa ito? Mauuwi ito sa unused appropriation o kung pilitin nyo implement di maayos ang pag-implement kasi walang planning, di sila kasama sa planning. Dapat kasi sa national expenditure program sa pagbalangkas ng President’s budget, nasa budgeting process na dapat alam na alam ng ahensyang pangalakan ng pondo kung saan gagamitin ang pondo at kasama sila kung hindi man sila mismo mag-prepare ng plano sa PAPs, naiimplementa nila.”
“So ganoon lang kasimple ang lohika rito. Inamin naman ng DPWH na hindi nila alam. Katunayan sagot nila they are still in the process of validating kung ano ang items na nakapaloob sa P75B. So napagkasunduan namin e tanggalin natin ito at yan ang naging sense ng halos mga kasamahan ko roon na di kailangan isama sa budget ng DPWH ang items na di nila alam paano iimpleenta.”
“Ngayon pinagaaralan namin saan dadalhin ang P75B. May panukala dahil kinaltasan higit 20B ang pondo ng DOH kailangan ng mga kababayan natin lalo na’t naipasa ang Universal Health, na libre lahat na lahat na kababayan natin na magkakasakit basta sa mga ospital ng pamahalaan o private hospitals sa lugar kung saan walang serbisyo ang ospital ng gobyerno.”
On Malacanang and House’s positions on the P75B ‘insertion’ removed from the DPWH budget:
“Hindi sila nagkakasundo sa P75B. Ang kanilang pagkakaiba sa P75B ang gusto ng DBM, i-retain kung anong nilista nila na sinama sa NEP. Ang problema noon pagdating sa HOR nagpalit ng liderato ang mga items, na-chop nila yan at nilipat nila. Kasi ang suspetsa nila ang proyekto sa ilalim ng 75B na nadagdag sa P480B na budget ng DPWH sa NEP suspetsa ng HOR doon karamihan na may-ari ng proyekto roon kaalyado ng dating Speaker Alvarez. Kaya ginawa nila ito sinibak-sibak nila, at nalipat naman, ito ang natiktikan natin at na-take up sa interpellation, na ilipat naman ang proyekto sa distrito ng malalapit naman kay Speaker Arroyo.”
“Ang gusto ni Sec Diokno huwag nyo pakialaman yan dahil yan president’s budget. Preo ang suspetsa nina Rep Andaya, mapupunta lahat na mga proyekto sa dating kaalyado ni Speaker Alvarez di na speaker ngayon so pinalitan nila. Kaya naglobohan ang mga appropriation sa mga distrito na malapit kay Speaker Arroyo.”
“Ang nagiging problema sa halip na mag-comply ka sa ruling ng SC, pinapaikutan nila. Humahaap sila ng paraan paano palulusutan ang nakasaad sa ruling ng SC. Kasi ang lagi nilang sinasabing definition ng pork sa ilalim ng 2013 ruling, pagka post-enactment, meaning pag pasado na ang budget. Kasi noong araw may tig-P200M bawa’t senador at tig-P70M bawa’t kongresista, at ito di pa nililista sa GAA. Naka-bundle yan, naka-lump sum. At pag tapos maipasa ang GAA, saka pa lamang namimili kung anong proyektong paglalagakan ng pondo na yan, ang P200M at P70M. Ang makikisig mas malaki nakukuha siyempre, umaabot minsan ng bilyon, mapa-kongresista man o mapa-senador. Pero post-enacted. Meaning hindi nakasaad sa GAA kung ano ang mga proyekto na yan. Ngayon pinapasok na nila ang kanilang mga insertion habang nagdedebate o kaya sa NEP pa lang nakalista na ang program nila roon kaya napakahirap maghanap ngayon. Pagka kami, staff namin inaabot ng madaling araw sa kahahanap ng pork sa GAB.”
“Inserted sa preparation at nakalista na ang items kaya talagang pag-aaralan mo. Ang isa pang napakalungkot dito ang pag-prepare ng budget may tinatawag na Unified Accounts Code Structure (UACS) kung saan bawa’t item, bawa’t proyekto, bawa’t activity at bawa’t programa na nakaloob sa budget, may numero, may code, numero man o letra. Ang proseso ng budgeting pag prepare ng Cabinet ito dapat nanggagaling sa LGU, sila nagbabalangkas ng local development plan. Ang masama pagdating sa House pag-convert ng NEP na gagawin nilang GAB, ang tawag namin doon GAB-1 kasi di pa GAB-2 na pinapadala sa Senado, kundi ito iko-convert muna ang NEP sa bill ng Kongreso kasi lahat ng tax measures at appropriations measure nanggagaling sa House. Nawawala ang UACS so ang hirap maghanap. Yan ang pang-track eh.”
On whether anti-corruption campaign improved in the last 3 years:
“Sa tingin ko walang masyadong pagbabago sa paggamit ng pondo ng bayan. Especially sa GAA. Ang budget natin ito ang lifeblood ng ating bansa. Kasi pag walang budget paano ang bansa natin? Tingin ko walang masyadong pagbabago ang mga mambabatas in spite of maraming naka-pending na kaso maraming kaso sa SB, ganoon pa rin iniba ang sistema inikutan lang ruling ng SC pero katakot-takot pa rin ang pork barrel sa budget.”
On whether government should pay more attention to anti-drug or anti-corruption campaign:
“Both pero mas maraming nadidisgrasya, mas maraming namamatay sa gutom sa corruption. Di lang natin nakikita kasi pag pinag-aralan mo ang budget ang rural areas pag may budget deliberation nakapila ang barangay chairmen at mayors parang nagmamalimos.”
On the possible government takeover of Hanjin shipyard:
“Hindi lahat na facility kailangan i-takeover ng gobyerno pag nalulugi. Pero ang Hanjin special case ito dahil may national security implication, may economic implications and even social implications. Kasi 33,000 ang mga umaasa rito directly or indirectly. Pagkatapos may implication ito sa ekonomiya pati sa social kasi ang laborers, at sa ekonomiya. Pati national security kasi sa ngayon may 2 Chinese firms na nag-a-apply na para i-bail out, i-takeover.”
“Kahapon ako kasi ang sponsor ng budget ng DND pina-Committee of the Whole namin para matanong diretso ang taga-DND. E hindi raw kaya ng PN ang kabuuan pero ang naging suggestion namin at ito dadaan sa masusing pag-aaral dahil ang public-private o joint venture dapat dadaan sa NEDA yan. May EO 423 na sumasaklaw rito na guidelines. Kaya naman daw ng PN pero ang suggestion namin tutal may naka-float na P75B plus, may nakita kami na pwede i-realign. Ang $430M that’s P22B, so suggestion ko sa DND di ba mas maganda popondohan namin yan P22B ang equivalent, i-takeover muna ng gobyerno tapos i-bidding natin sa private entities na gusto mag-partner sa gobyerno.”
“Pero dapat may control ang gobyerno particular ang PN sa pagpapatakbo nitong facility kasi ang lalaking barkong ginagawa rito. Kung halimbawa China ang magpapatakbo baka nariyan na lahat na kanilang carrier kasi diyan papagawa. E ano mangyayari sa atin? At baka di pa tayo makasingit magpagawa riyan, last priority tayo. Mas maganda tayo mag-control at tayo maghanap ng private entity na partner na magpapatakbo. Ang expertise dati pa nariyan na. Ang Hanjin Korea, pwede Korea pumasok diyan para ka-partner ng PH.”
“Ang Committee of the Whole ang interpellation doon na-refer sa Committee on Government Corporations and Public Enterprises at saka Committee on Defense. So mata-tackle ito magkakaroon ito ng resolution kung magkasundo ang both houses magkakaroon at least at the level ng policy makakatulong ito sa pangulo na gumawa ng decision. Pero sinabi na ni Sec Lorenzana napagusapan na nila ng pangulo ito, amenable ang pangulo i-takeover ng government. Yung mechanics na lang paguusapan. Ang suggestion ko kahapon at ang ibang kasamahan ko rin ganoon din suggestion nila gobyerno mag-takeover at saka maghanap ng private entity na partner.”
*****