Interview on DWIZ | Jan. 19, 2019

In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– need for transparency in the bicameral conference committee on the 2019 budget
– DBM Sec. Diokno’s claim that deleting P75B from DPWH budget may harm economy
– US NGO’s claim that PH is a ‘war zone in disguise’
– Sri Lankan president’s reported intent to ‘copy” PH war vs drugs
– ratification of the Bangsamoro Organic Law and efforts to reach out to Nur Misuari
– Sen. Pacquiao’s bout vs Adrien Broner

Quotes from the interview…

On the period of amendments in the 2019 budget:

“Palagay ko tatanggapin (ni Senate finance committee chairperson Loren Legarda) ang mga amendments namin dahil na-take up lahat sa interpellation yan. Kaya nga natatawa ako nang nag-interpellate ako noong Wednesday sabi niya hintay niya ang aking amendments sabi ko teka muna nag-interpellate pa ako paano ko ibabalangkas ang amendments kung di pa tapos ang interpellation. Pero nag-submit ako noong Huwebes actually, nakapag-submit na.”

On the P75B ‘deleted’ insertions in the DPWH budget:

“Hindi lahat. Actually sobra pa nga ang napa-delete kasi may move to delete pero hindi napagkasya ang paglalagakan. So naglagay ako reservation doon na kung sakaling may mapagkalagakan ng kaukulang halaga at para rin sa kasamahan ko sa ibang senador na gusto mag-amend para naman sa kanya-kanyang advocacies, meron pang naiwanang halaga roon. Di lang P75B ang pinagkuhanan ko. Meron kaming napagkuhanang ibang halaga. Halimbawa ang farm-to-market roads na talagang labis-labis binawasan din namin yan, parang nakakuha kami ng P6.1B doon at ito nilagak namin sa iba’t ibang mga ahensya.”

“Ang P75B halos na-mangle na yan, wala na yan. Na-trace namin lahat di umabot sa interpellation. Sa interpellation ko sa DPWH budget, na-identify namin sa P75B ang P51.792B, kung saan ang P20B nahati-hati nang pantay-pantay ni SGMA na P60B. So mga P20B yan. Ang naiwan P31.792B yan naman ang naiparte-parte sa iba’t ibang ahensya, tapos may local government support fund. May naiwan doon na P7B sa DPWH. So ang P75B halos di mon a rin makilala yan kasi nga hinati-hati na yan. Ngayon may pag-aaral kaming ginawa na halos na-account namin lahat yan. Siguro mga butal na lang ang hindi inabot, hindi exact P51.792B pero umabot kami sa P51B para mapunuan ang P75B.”

On DBM Sec. Diokno’s ‘warning’ that deleting the P75B is tantamount to unemployment:

“Panakot lang niya yan. Ang P75B di nga alam ng DPWH paano implement at di nakonsulta.”

“Yan lang dapat ipaliwanag lang saan galing ang P75B at bakit di alam ng DPWH. Sabi nila sa budgeting process dapat alam.”

“Yun nga nakakatawa nga. Sa halip ng warning sana pinadala sa amin ito pakiusap namin huwag nyo galawin kasi ito computation niyan tapos mababawasan ng 0.5 percent ang ating GDP. Yan sinabi niya sa media sana pinaliwanag niya sa amin yan maski sa pamamagitan ng sulat.”

On need for transparency in the bicameral conference committee’s discussion of the budget:

“May panukala narinig ko sa kanyang pahayag sa media na may sistema introduce sa bicam na kung saan transparent. Ako ang pagkaalam ko na transparent sana ito mangyari, ilabas ng mga individual na kongresista sa pamamagitan ng kanilang bicam conference committee, ang counterpart namin sa HOR, at kaming mga senador gawin namin ito ang amendment ni senador ganito, ganoon din sa HOR. Iprisinta nila in a manner na napaka-transparent kung sino-sino ang proponent ng mga amendment.”

“Diyan minsan nagkakalokohan ika nga sa panukala, pagdating ng period of amendments, bulungan. Kanya-kanyang singitan na hindi na maintindihan kung kanino nanggaling, bulungan ng bulungan. Ganoon din ang nangyayari sa Senado pagkatapos ng period of amendments, natatawa ako kasi di pa tapos ang interpellation nagde-deadline na pag-submit ng amendments. Inaapura kami. Saan ka nakakita ng panukalang batas ito panukalang batas ito, budget bill ito, nag-interpellate ka pa tapos na amendments? Para ano pa ang interpellation kung tapos na pala ang amendments?”

“Sabi ni (Rep. Andaya), wala siyang problema sa P20B na mahigit na ilalagak sa health, ang nakaltas sa health ibabalik at magagawan ng paraan yan. Pero may sinasabi niya may introduce siyang transparent, magiging transparent ang bicam. Yan ang pinakaasam-asam ko kasi meron nga akong proposal na i-open sa publiko ang bicameral conference.”

“Ang problema, ang nangyari pagka nag-meet ang bicam, photo op, tapos palalabasin lahat na tao kami-kami na lang naroon. Worse, mag-motion pa mag-form ng small group bicam, pag small group bicam yan ang appro ng HOR at finance chair ng Senado sila-sila na lang nag-uusap. Sana maging makatotohanan pag may amendments pa-identify natin sino nag-amend at kung ano. Kaya nag-motion ako sa floor noong Wednesday sa interpellation nang hinahanapan ako ng amendments, sabi ko alam nyo naman wala akong individual amendments. Lahat na amendment ko institutional.”

“Aantayin ko lang anong sistema na sinasabi ni Rep Andaya para maging transparent. Kung nahahawig sa iniisip ko o kaya hindi ganoon at pwede tweak, sasabihin ko ito ang aking counter-proposal para lalo talagang transparent.”

“Sa Lunes pag session, ia-approve na namin yan on 2nd and 3rd reading tapos noon mag-constitute kami ng panel para sa bicameral conference. Doon siguro baka mag-caucus kami at para magkausap-usap ano talaga ang kailangan natin i-push na parang ito ang non-negotiable sa atin, ano naman ang pwedeng pagbigyan natin. Ewan ko, siya naman ang chair. Pero yan lang dapat gawin kung maging transparent, kasing transparent ng period of interpellation, kasi pagdating sa budget di rin nila alam ano ang amendments.”

On Sec. Diokno’s claim of a special session if the budget is not passed on time:

“Si Sec. Diokno lang nagsabi noon. Ang sabi naman ng Palasyo di nila pressure ang Kongreso di ba? Mahilig din manakot si Sec Diokno kasi, na hindi naman talagang position ng Malacanang dahil nagsalita siyang mapilitan tumawag ng special session. Ang di magandang dating sa amin para kaming mga bata parang mga kindergarten na tinatakot. Huwag ganoon kasi responsible naman kami, alam naman namin ginagawa namin at alam naming kailangan maipasa ang budget.”

“Parang with a grain of salt, o sige pag yan type mo, pero alam namin ang ginagawa namin dito. Kaya namin talaga ipasa ito bago mag-adjourn ang Senado. Huwag nang sabihan kasi parang napaka-irresponsible namin na tatakutin pa kami na hala kayo mag-special session di kayo makapagkampanya. Huwag naman kasi parang kindergarten na boys, girls ganito kung hindi ganito. Huwag sana ganoon.”

On the proposal for government takeover of Hanjin in Subic:

“Kailangan maghintay kami ng request o ng proposition from the executive. Kasi sa kanila yan. Kung kailangan nila mag-decide sila okay, i-takeover ng gobyerno tapos bid out namin ang partnership sa private entity, e di kami naman pwede anytime magpasa ng supplemental budget para gobyerno mag-takeover sa Hanjin. Ang $430M, roughly P22B yan. So ito mga ideas na lumabas nang lumabas ang usapin ng Hanjin. Pero wala pang final doon.”

“Hindi ganoon kasimple dadaan ng NEDA yan lalo pagka may joint venture ang gobyerno sa private entity may guidelines diyan natandaan ko parang EO 423 na pinasa noong 2005. So kung 2005 panahon ni Gng. Arroyo yan. So may proseso, di ganoon kadali na basta na lang takeover. Siyempre may pag-aaral na gagawin ang executive branch diyan.”

“So sa ngayon premature pa na sabihing sigurado nang ba-budget-an ang takeover ng Hanjin. Walang pangyayaring ganoon, sa susunod na panahon pag-aralan pa nila at hihingi ng supplemental budget para sa government takeover, doon pa lang mangyayari yan.”

“Unique ang kaso ng Hanjin. Ang implication nito hindi lang economic kundi may national security concern ito. Kung halimbawa ma-takeover ng China halimbawa private corporation ng China nag-takeover, pasukan ng pasukan ang carrier nila sa Subic dahil dry dock. Tapos may national security. Bukod doon may economic implication dahil sa mawawalan ng trabaho kasama ang social kasi mahigit 30,000 umaasa riyan directly or indieectly. Pag nawalan ng trabaho ang mga yan, problema ng bansa yan sa unemployment.”

On US NGO’s claim that PH is a ‘war zone in disguise’:

“Napakalayo. Ikaw na mismo magsabi, war zone ba ang buong PH? Lahat naman na bansa may mga conflict areas. Di naman lahat. Karamihan. Pero tayo mismo nagsabi mga Pilipino. Makatotohanan ba ang sinabi ng NGO na yan? Medyo mahaba pangalan niyan. May website naman sila at yan ang kanilang pahayag. Pero tayo mismo maghusga kung totoo ba o malapit ba o malayo sa katotohanan sinabi nila o may bahid ng katotohanan? Tayo na mismo sumagot, di para sagutin nating dalawa yan dahil tayo mismo nakakaintindi war zone ba ang PH.”

“Nagsalita ang Malacanang. See for yourselves kung talagang totoo ang sinasabi. Alam natin pare-pareho na hindi totoo ang sinasabi. May mga areas pumunta k aba naman sa Patikul sa Sulu at may ASG pwede sabihing may war zone. Pero pag narito ka sa ibang bahagi ng PH na tahimik. Pero para i-generalize ng US NGO, I think di lang unfair, uncalled for kasi di sila nag-verify nang husto nagsalita na kaagad sila. E makakasira yan sa ating bansa di ba? Sa akin irresponsible ang ginawa nila.”

On the Sri Lanka president’s reported claim he wants to copy PH program vs drugs:

“First, dapat i-analyze natin where he is coming from. Ang Sri Lanka kasi mula 16th century colonized yan, may nag rule diyan na bansa. Ang ginawa ng colonizers parang ni-regulate ang paggamit ng opium para sa revenue-generating activity nila para kumite ang bansa na yan ni-regulate nila kaya lumala ang drug abuse. Hanggang ngayon kasi binigyan sila ng independence 1948, pero magpa hanggang ngayon wala silang malinaw na national comprehensive policy sa drug abuse. So siguro ina-articulate ng Sri Lankan president nakausap si PRRD na kung saan talagang balita namang talagang campaign niya against illegal drugs no-nonsense.”

“In-articulate niya ang frustration ng mga law enforcement authority sa Sri Lanka dahil sa bansa nila mas malala pa. parang drug abuse problem nila and how they grapple with it, parang medyo unique in some way. Dahil sa hinaba-haba ng panahon na colonized sila ang kanilang colonizers di pinagbawal, di prohibited, ni-regulate ang paggamit ng opium. Hanggang ngayon ang smuggling ng drugs sa kanila across the national frontier talagang talamak ang activities tungkol sa smuggling ng drugs particularly… So siguro yan ang isang main purpose ng pag-visit niya sa PH para matutunan ano ang ginagawa ng ating administration, ni PRRD, kaya siya nakapagsalita nang ganoon na suportado niya.”

“Pwedeng gayahin pero huwag copy-and-paste. Improve niya. Ang mga negative experience huwag niyang gayahin ang positive outcome yan ang i-adopt sa kanyang bansa. Yan siguro kung hihingan ako ng opinion yan ang masasabi ko. Pag copy and paste medyo magkakaproblema sila dahil alam natin di ganoon ka-ideal ang laban natin against illegal drugs. Kung ideal yan wala sana ang nagrereklamo, wala sana ang usapin especially sa western countries sa manner ng pakikibaka natin sa droga. Ako mismo di ba nakabigay ako ng opinion na medyo nakakapag-criticize tayo. Lahat naman na klaseng campaign may weak points at strong points. So adopt ng Sri Lanka ang magandang nangyari rito pero yung mga pangit, ang Marcos-type sa Albuera na ma-reappoint pa, huwag na sana gayahin ng Sri Lanka yan dahil malalagay sila sa hot water.”

“(Dito sa PH) ang karamihan na lumalaban ang naka-tsinelas, naka-shorts at gusgusin, sa kalye at barong-barong. Siguro gusto rin natin makakita na may ‘lumalaban’ na mga big-time ang talagang magpapakamatay sila dahil natamaan ang multi-billion industry nila sa droga. Walang nababalitaang ganoon eh.”

“Di ba mas magandang meron tayong mapanood na bakbakan parang sa Colombia na barilan na ang mamamatay ang kingpin na drug lord? Tapos ang sa Muntinlupa sila pa rin nagko-control ng illegal drug trade. So sana makita natin ang kabuuan ng laban, hindi ang parang mga hoi polloi na minsan nagdududa tayo kung talagang … kasi ang katabi paltik na kalawangin.”

“Ang PDEA dapat huwag na sa street pusher kasi sayang ang resources at oras at pagod. Ipaubaya nila sa frontline units ng PNP ang mga street pushers at mag-concentrate sila sa big-time. Kung huhuli man sila ng pushers para lang ito magturo ng malalaki talaga para yang kanilang resources talagang mapunta once and for all masolve ang problema ng drugs. Doon sila sa kilo-kilo o tone-tonelada. Pag nakapanood ako sa news na PDEA nahuli ng gramo para bang nakakapanghinayang ang pagod kailangan PDEA pa mag-operate sa gramo-gramo.”

On the Road Board abolition:

“Ang naging usapan paper bicam na lang kasi nagkasundo na ano ang parameters ang proceeds ng pondo ng MVUC pupunta sa National Treasury at ito masasama na sa general fund. At masasama sa deliberation ng national budget. So walang nagbabago sa usapan, yan pa rin ang usapan. Yun na yun. Kasi may menu yan, hindi naman, parang mawawala roon ang portion sa DoTr kasi DPWH yan at DoTr.”

On the ratification of the BOL and efforts to reach out to Nur Misuari:

“These are very preliminary statements na binigkas ng pangulo. Siyempre may ramifications yan. Kasi kung babalikan mo ang history nang nakipagusap sa MNLF ang gobyerno umusbong at sumibol ang MILF at yan naging mas malakas na pwersa. Ngayon kausap ang MILF nagsimula magkaroon ng renegade. So mabuti ang hakbang na ginagawa ng pangulo na parang inuunahan na niya, ina-anticipate na niya ang posibleng gulo na mangyari kung maratify kasi remember MILF-sponsored ang BOL at ang tumutututol dito mga Tausug. Tama ang iniisip ng pangulo na ngayon kaaga iniimbita niya si Misuari para naman ang mga supporter niya na laban sa BOL, maitanong ano ba magagawa ng gobyerno sa inyo para huwag na gumulo kasi yan talaga ang ano.”

“Natandaan ko minsan sa pagpupulong namin minsan nakakalimutan niya ang Cha-cha pero ito sabi niya ilalaban ko talaga itong BOL dahil ito na talagang pag-asang nakikita niya para permanente ang katahimikan sa Mindanao.”

“Ang tanong na lang ano pa ba ang control o influence ni Misuari sa Tausug. Dapat alamin din sino ang mga leader sa kabilang panig na tumututol na dapat isama sa usapan.”

“Ang maganda rito ang AFP and PNP are on their toes. Malinaw talaga yan binuhusan ng pwersa para di talaga magkagulo. Alam mo naman minsan pinanggagalingan ng gulo riyan ang local government officials, sila naman ang pasimuno. So sapat naman ang … diyan at palagay ko ang local government official makikiramdam muna kung sakaling maginitiate ng gulo dahil alam nila pagka si PRRD ang nag-threaten may paglalagyan sila kung sakaling may … para manggulo.”

On criticisms against DFA Sec. Locsin for using Twitter:

“Sa akin anong masama kung nag-tweet ang tao, lahat na senador may Twitter account eh. Mabuti nga rin yan nakikita natin sa pamamagitan ng post niya sa kanyang Twitter account kung anong nangyayari sa DFA more or less nakakabasa tayo roon, ako kasi follower niya ako, nababasa ko roon halimbawa may problema sa isang tao sa isang bansa, ina-attend-an kaagad nila. Tapos ang tao naman nalalaman nila kung anong ginawa. Nalalaman anong problema sa iba’t ibang bansa, Twitter account, social media borderless yan maski saang lupalop ka ng mundo pwede ka dumulog at inaksyunan nila. So sa akin walang masama mag-tweet siya basta di napabayaan ang trabaho sa DFA and I’m sure di niya napapabayaan dahil tulad niyan naging usapin ang sa passport ang data nakuha.”

“Brilliant nga, or common sense for that matter, sinabi niya mag-renew kayo di na kailangan magdala ng birth certificate. Oo nga naman pag apply ka bago, naroon ang birth certificate mo. E kada renewal ba, yan nangyayari sa atin, kada renewal bayad sa Census para kumuha ng kopya ng birth certificate. It doesn’t make sense at all nariyan sa files ng DFA ang birth certificate ng tao. Tuwing magre-renew kailangan ng birth certificate. So may mga ganoon na maganda ang naidudulot. Ngayon personal niya kung mag-tweet siya o hindi. Halimbawa isang pagkakamali o indiscretion na naitweet na hindi pala ganoon ang katotohanan, binawi naman niya di ba?”

“So I don’t see anything wrong kung ang isang opisyal ng gobyerno active sa Twitter or IG or FB. Ang bottom line, huwag mapabayaan ang trabaho and I don’t think Sec Locsin pinapabayaan niya trabaho niya kaya ako nagfollow sa kanya, marami akong natutunan sa DFA activities. Kung hindi malalaman ba natin ang mga natulungan na bagong panganak na kailangan padala sa US? Marami sila natutulungan. So I don’t know. Hindi naman lahat mape-please mo. Siguradong maski anong gawin mo sa mundong ito siguradong siguradong may kokontra.”

“At least na-educate tayo kasi nalaman tuloy natin na naging issue, ang APO under PCOO ito ang nabigyan ng kontrata pagkatapos subcontract nalaman natin tuloy ang issue. Pwede yan sa issue ng policy anong ba dapat magandang policy riyan, pagka outsource natin ang paggawa ng passport, pag-print ng pera, ang mga bagay na ganoon. Sa akin maganda lumalabas ang issue. Nae-educate tayo. Lumalawak ang kaalaman natin sa bagay na kung di napagusapan sa Twitter o media wala tayong kaalam-alam kung anong nangyayari.”

On Sen. Honasan and prospective DICT post:

“Ang nangyari kasi noon wala nang oras kasi nag-adjourn na kami. Kaya siyempre maghihintay ng panibagong nomination kung kailan lalabas ang nomination abangan na lang natin. Pero ang naging issue talaga dahil may constitutional provision na isang sitting senator na pag may batas na naipasa na apektado siya di siya pwede makinabang. Ang DICT law naipasa yan noong panahon si Sen Honasan nariyan sa Senado. So may posibleng ma-violate although di ito hard and fast rule. Pero yan ang interpretation. So napagisipan na para wala nang usapin mas maganda huwag na natin isalang parang bigyan na lang, sa sign of caution sa pag-interpret sa commission.”

“So parang hindi na lang isinalang for confirmation. Nayon kung may pagbabago sa Malacanang naisip ng Malacanang, parang between now and susunod na panahon maisipan na baka mas bagay si Sen. Honasan dito di natin alam yan. Posibilidad yan.”

On Sen. Pacquiao’s bout vs Adrien Broner:

“Ang sinabi ko roon it is best to leave the stage while the audience is applauding. Napakalungkot aalis ka sa entablado na nauna pang umalis ang mga tao o kaya nariyan man wala nang pumapalakpak. Parang tingnan natin ang future napakagandang umalis ka sa kinalalagyan mong pedestal na pinapalakpakan ka. So that’s a general statement, hindi lamang kay Sen. Pacquiao applicable kundi sa lahat na umabot sa tugatog ng tagumpay. Ikaw man ay mang-aawit o artista o boksingero o anumang endeavor sa buhay. Habang nasa itaas ka in a manner of speaking, it is best to leave the stage while the audience is applauding. Di kung laos ka na at pagtatatalo ka na saka ka magretiro kawawa naman.”

“Panalangin ko manalo siya at huwag siya masaktan… Kasi mabait naman ang tao in spite of criticism sa kanya ang puso ng tao maganda eh. Nakasama namin sa Senate, maganda ang kanyang katauhan maganda ang character at alam namin na talagang pagtulong niya sa mahirap talagang sa puso niya.”

“I just hope una manalo siya, pangalawa huwag siya masaktan. Yan ang aking hope at panalangin para kay Sen. Manny.”

*****